“Ang sarap, ah. Magaling ang kasama ninyo. P’wede bang dito na ako kumain araw-araw?” ani Jacob habang panay ang subo sa pagkain. Sabay-sabay silang naghapunan kasama ang mga kaibigan ni Brayden, pati na ang mga anak ni Skyler.
“Tumigil ka, Jacob. Kung gusto mo na may tagaluto ka, mag-asawa ka na. Oh, wait! My bad. . . Nakalimutan ko nga palang basted ka,” asar na wika ng kaniyang asawa sa kaibigan nito.
Ngumisi rito si Jacob. “Hindi mo ako makukuha sa ganiyan, pare.” Lumingon ito sa kaniya. “Julie, p’wede ba? Kapag pumayag ka, libre na ang hardinero mo,” anito sa kaniya.
Natawa siya sabay iling. “Wala namang masama. Isa pa, ako talaga ang nagturo niyan kay Loida,” may pagmamalaking wika niya. Hindi niya alintana ang masamang tinging ipinupukol sa kaniya ng asawa.
“Well, dito na ako kakain araw-araw. Mas malap
Unti-unting nagmulat ng kaniyang mga mata si Julienne. Napapikit pa iyong muli nang salubungin siya ng nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa nakabukas nilang balcony.Ano’ng oras na ba? Tanong niya sa isip.Nilingon niya ang orasang nasa tabi, alas-onse na ng umaga!Napabalikwas siya ng bangon. Hindi siya inaabot ng ganoong oras sa higaan dahil sa asawa.Napabaling siya sa kaniyang tabi. Nagsalubong ang mga kilay niya nang wala na roon ang lalaki.Takang madali siyang bumangon at hinagip ang robang nasa sahig. Walang palya ang pagniniig nilang dalawa. Halos gabi-gabi iyon kaya naman siguro pati yata katawan niya ay bumigay na. Ni hindi nga niya namalayan na wala na sa tabi niya ang asawa.Oo, nasasanay na siya sa buhay na mayroon sa piling ni Brayden, pero hindi naman siguro magandang tingnan kung magiging palagay ang loob niya, lalo na kung m
“Para saan ito?” tanong ni Julienne kay Brayden. Pagbalik nito sa kanilang silid ay may nakalagay ng isang malaking box sa ibabaw ng kanilang kama.“It’s for you,” nakangiting sagot niya.Nilingon siya nito saka walang imik na lumapit sa kanilang kama. Binuksan nito ang kahon.“Gown? May pupuntahan ba tayo?” tanong nito sabay lingon sa kaniya.Tumango siya. “Yes. We will have a dinner outside.”Napataas ang mga kilay nito. Sanay na siya sa ganoong reaksyon ng asawa, pati na ang pag-irap nito sa kaniya paminsan-minsan.“Na naka-gown? Saan ba tayo kakain? Saka para saan? P’wede namang dito na lang,” sunod-sunod nitong wika.Alam niyang iniiwasan pa rin nitong maglalabas sa kanilang bahay, and he knew why. She didn’t want to socialize because of her face. Hindi pa
“Do you want to see what’s outside!” malakas na tanong ni Bryaden sa asawang nananatili pa ring nakapikit. Malakas ang ugong ng chopper kaya kailangang pantayan niya ang tunog niyon para marinig siya ng katabi.Mariin itong umiling. “Hindi na! Okay na ako sa ganito!” sagot nito.“But it’s beautiful outside! You’ll see the stars up and below. It’s amazing!” He described what he was seeing to her. He wanted to encourage her and see the beauty of the night sky. Iyon din ang dahilan kung bakit nag-chopper sila. Para mas makita nito ang lahat mula sa itaas.“Ayoko! Natatakot ako!” Muli itong umiling.“Common, Julie! Hindi mo ma-e-enjoy ang paglalakbay nating ito kung ganiyan ka!” anyaya niyang muli.Malakas siya nitong hinampas sa balikat. “Eh, sino ba kasing may sabi sa iyo na gusto kong sumakay
Malakas na napaungol si Julienne habang tinitikman ng kaniyang asawa ang kaniyang pagkababae. Magkatabi sila nito kanina sa kama habang tinuturuan siya nito sa kaniyang mga assignments, nang bigla na lang nitong hapitin ang beywang niya at siilin siya ng nagbabagang halik. Kaya sa halip na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa, nauwi iyon sa mainit na tagpo. Nalaman na lang niyang pareho na silang walang damit.“Ohh. . . !” Mahigpit siyang napakapit sa headboard ng kanilang kama. Ang ekpertong dila at mga labi ni Brayden ay bumabaliw sa kaniya. Sinasabayan pa nito iyon ng mga daliri nito na mas lalong nagpahirap sa kaniyang paghinga.Hindi hadlang na hindi nakatatayo si Brayden. Dahil kahit sa ganoong paraan, kayang-kaya siya nitong paligayahin. Walang duda iyon.“I want it. Give them to me,” paanas nitong wika.Para siyang baliw na sunod-sunod na tumango. Malapit na rin siya. Ila
Wala sa sariling naglalakad si Julienne sa hallway ng kaniyang school. Ilang araw ng kibuin-dili niya si Brayden at wala namang magawa sa bagay na iyon ang kaniyang asawa.Simula nang marinig niyang lumabas sa mga labi nito ang pangalan ng kaniyang kapatid, hindi na iyon mawala-wala sa isipan niya. Akala niya nakalimutan na nito si Cerella, hindi pa pala. Dinadalaw pa rin ito ng kaniyang kapatid sa panaginip.Hindi niya gustong maging makitid ang utak. Gusto niyang unawain na sadyang mahirap makalimutan ang lahat, pero nangingibabaw ang nadaramang paninibugho sa kaniyang dibdib. She knew she can’t compare herself to her sister, pero ano pa’ng silbi ng mga bagay na ipinakikita ni Brayden sa kaniya kung hindi pa pala nawawala sa isip nito ang kaniyang kapatid? Talaga bang panakip-butas lang siya?Napailing siya. Nasasaktan siya sa nangyayari. Nasasaktan siya sa ginagawa niyang silent treatment sa asawa. Pero ma
Tutok na tutok ang mga mata ni Brayden sa kaniya. Seryoso ito at walang kangiti-ngiti.He moved his fingers. Gumalaw naman nang kusa ang wheelchair nito palapit sa kaniya.Napalunok siya. Bigla ay nagbago ang ihip ng hangin sa paligid. Para siyang pinagpapawisan na hindi niya mawari lalo na nang harapin ni Brayden si Mr. Evergreen.“My wife is coming home with me,” malamig nitong wika. Halata ang pagiging possessive nito sa tinig.“Oh, sorry! I don’t know.” Tiningnan siya ni Mr. Evergreen at palakaibigang ngumiti. “See you tomorrow, Miss. . . ?”“Mrs. Fontanilla,” pagtatama ni Brayden sa sinabi ng kaharap na may diin.Mas lalong natensyon si Julienne. Hindi niya alam kung bakit umaakto ng ganoon si Brayden, pero nasisiguro niyang hindi maganda ang kalalabasan niyon kapag hindi pa sila umalis doon.&
Ilang araw na ang nakalilipas at hindi pa rin sila nag-iimikan ni Brayden. Kinakain na ng matinding inis ang pagkatao ni Julienne. Hindi siya makapag-concentrate sa pag-aaral dahil doon.“Bakit habang tumatagal yata ay pahaba nang pahaba ang nguso mo?” puna ni John sa kaniya habang naglalakad sila pauwi. Wala siyang sundo sa araw na iyon dahil may therapy pa si Brayden kaya sasabay na lang siya sa kaibigan.Hindi niya ito sinagot. Nakatuon lang sa dinaraanan nila ang kaniyang mga mata pero lagpas-lagpasan iyon. Kahit ayaw niyang magpaapekto sa nagyayari sa kanilang mag-asawa, apektadong-apektado na siya. At iyon ang ikinaiinis niya.“Hoy, Julianna! Baka naman gusto mong sagutin ang tanong ko, ano! Huwag na huwag mo akong daan-daanin sa pananahimik, baka iwanan kita rito!” inis na untag sa kaniya ni John.Napatigil siya bago ito nilingon. “Bakit?”
Nawala na sa isip ni Brayden ang mag-isip nang tuwid. Kahit hindi pa naman kaya ay bigla siyang tumayo at mabuway na ibinagsak ang sariling katawan kay Julienne. Pareho silang bumagsak sa malapad na sofa habang nakapaibabaw siya rito.“Ano ba!” Pilit siyang itinutulak ni Julienne pero mas malakas pa rin siya rito. Hinawakan niya ang mga kamay nito bago walang sabi-sabing siniil ito ng mapagparusang halik.Nanlaban si Julienne, kaya mas lalo siyang nakaramdam ng inis. Itinaas niya ang dalawang kamay nito sa ulunan, habang hawak ang mga iyon ng isa niyang kamay. Ang buong bigat niya ay idinagan niyang lahat dito upang hindi na ito makagalaw pa. Halos madurog na rin ang mga labi nito sa uri ng paghalik niya. He even bit her lower lip to stop her from avoiding him at nagtagumpay naman siya. Iyon nga lang, nalasahan niya ang pagdugo ng labi nito na dahan-dahang nagpabalik sa kaniyang katinuan.Humihikbi na si Juli
“Bilisan niyo nga, mga bakla! Baka mamaya niyan mahuli pa tayo!” hindi magkaintindihang mando ni John sa glam team na nag-aayos kay Julienne.It’s her big day. Her and Brayden.Dalawang buwan makalipas ang birthday party niya, itinakda ang kasal nila. It was a grand wedding. Maraming reporters, mga writer ng iba’t ibang magazines ang gustong masaksihan ang araw na iyon. They wanted to feature the so-called Wedding of the Century. Hindi lang kasi mga kilalang personalidad sa lipunan ang imbitado, imbitado rin ang mga naggagwapuhang bachelor’s sa buong bansa. Young bachelors that every woman is wishing for.They were about to be wed at Manila Cathedral. Ang pinakasikat na orchestra sa buong bansa ang kakanta roon, habang may ilang sikat din na celebreties ang naghandog ng awitin para sa kanila ni Brayden.Everyone is excited. Everyone is eargerly anticipa
Everything was back into normal. Parang walang nangyari at muling sumigla ang paligid. Magkahawak ang mga kamay na inikot nila ni Brayden ang lahat ng bisita na naroon. Julienne was glad to see her brother.“Akala ko hindi ka na darating,” aniya rito.“That’s not gonna happen, my dear sister. This is an important event. Hindi pinalalagpas ang ganitong pagkakataon,” anito bago siya hinalikan sa pisngi.“Thank you, Kuya. I owed you a lot— we owed you a lot.”Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Basta tandaan mo, lagi lang akong narito sa tabi mo. Kapag nag-away kayo ng asawa mo, isumbong mo agad sa akin. Madali lang naman na ipasundo ka gamit ang aking eroplano,” may halong pagyayabang na wika nito.“That will never happen, Dimitri,” singit ni Brayden sa kanila. “I told you, hinding-hindi na masasaktan
“Welcome! Welcome!” Nakangiting sinasalubong nina Brayden at Cerenna ang mga bisita. It was Julienne’s twenty-fifth birthday; the big day they’ve been waiting for.The party’s theme was masquerade. Naisip niyang ibase iyon sa birthday noon ni Cerella kung saan niya unang nakilala ang napakagandang asawa niya. Bagay na bagay rin iyon sa mga plano niya sa gabing iyon.As usual, his wearing his favorite color; blue tuxedo. And to compliment to his suit, Cerenna was wearing yellow satin haltered gown. Labas na labas ang mayaman nitong dibdib at ang makinis nitong likod. Kaya naman hindi mapigilan ng kanilang mga panauhin na mainggit sa kaniya.“Mommy! Daddy!” Tumitiling sinalubong ni Cerenna ang mga magulang nito.Nang magkausap sila noon nina Theresa at Carlito, sinabi ng mga ito na anak na rin ang turing ng mga ito kay Julienne— na sinakyan naman nila ng
Maagang bumangon si Brayden. It was still dawn. Tulog na tulog pa si Cerenna, epekto ng ipinainom niya rito. Cerenna tried to seduce him last night. Pero dahil alam na niya ang balak nito, inunahan na niya ang babae. And now, she was like sleeping beauty with no man who wanted to kiss her and wake her up.Mabilis siyang nagpalit ng damit. Running shorts at T-shirt na asul ang isinuot niya. He also wore his white sneakers bago lumabas ng kanilang bahay. Dumeretso siya sa garahe at inilabas ang kotse roon. Tiyak ang pagmamanehong tinalunton niya ang daan patungo sa isa sa mga kapitbahay niya roon.Nang tumigil ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ni Jacob, inilabas niya ang duplicate key na ipinahiram nito sa kaniya. Buong bahay nito ay mayroon siyang duplicate key. Kaya kung gugustuhin niyang gumanti sa loko-loko niyang kaibigan, kayang-kaya niyang gawin iyon.Magaan ang mga paang umakyat siya sa ikalawang palapag. Nil
Brayden and Cerenna got back to Manila after they had dinner with her parents. Maayos ang naging usapan nila— umaayon sa mga plano niya ang lahat.“Where is Loida?” she asked. Ugali na kasi ni Loida na salubungin sila kapag dumating sa bahay.“Oh, I forgot to tell you. Pinagbakasyon ko muna siya,” aniya.“So, ibig bang sabihin? Tayo lang dito sa bahay?” May pilyang ngiting sumilay sa mga labi nito. Idinikit pa nito ang katawan sa kaniya.Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Jacob ang nasa caller ID.“Excuse me. Sasagutin ko lang ito.” Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagsimangot nito. Lihim naman siyang napangiti.“Yes? Something wrong?” tanong agad niya. Sa tuwing tatawag ito sa kaniya, hindi talaga niya mapigilang hindi kabahan.&
“Where is she?” tanong ni Brayden sa inang si Eirhyn pagdating niya sa hacienda.“She went out. Mag-m-mall daw muna siya,” sagot nito na mabilis siyang nilapitan. “May I see him?” Nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Gustong mapatirik ng mga mata niya. Parang ngayon pa lang, alam na niya kung sino ang magiging number one nilang kaagaw kay Adan.Dinukot niya ang telepono sa bulsa. “Here . . .” Ipinakita niya sa ina ang mga larawan ni Adan na siya mismo ang kumuha.“Oh! How cute!” Tutop nito ang bibig habang nangingilid ang mga luha.“Seriously?” Tinaasan niya ng kilay ang ina.Isang malakas na hampas sa braso ang natamo niya mula rito. Inirapan pa siya nito.“He’s my grandson, ano’ng ini-expect mo?” mataray nitong tanong.
Hinintay na ni Brayden na maka-recover ng lakas nito si Julienne. He still pretending that he didn’t know anything at all when he was calling Cerenna back in the Philippines. Kung magaling itong artista, mas magaling siya at ang mga taong nakapalibot dito. Pero ayon sa mommy niya, mukha naman raw hindi nalulungkot doon ang babae. Enjoy na enjoy nga raw itong maglibot sa hacienda.Naipaliwanag na nila ni Dimitri nang maayos kay Julienne ang mga nangyari. Hindi niya rin iyon pinatagal dahil ayaw na niyang magsinungaling pa sa asawa. Bukod sa galit, nasaktan din ito. Hindi rin nito inaasahan na kaya iyong gawin dito ng sarili nitong ina at kapatid. Julienne was devastated. Hindi rin nito napigilang umiyak. Pero pagkatapos noon, nakumbinsi niya ito sa mga planong binuo niya. Kaya sa araw na iyon ay naglalakad na sila palabas ng NAIA, habang magkahawak ang kanilang mga kamay.Ipinagamit sa kanila ni Dimitri ang private plane nito kaya kompo
Nagsalubong ang mga kilay ni Dimitri habang titig na titig din ito kay Julienne. He even leaned forward para mas lalo pang makita ang sinasabi niya, saka siya binalingan.“There’s none,” anito.Tiningnan niyang muli ang asawa. Muli ay ngumiwi ito. “She did it again! She’s in pain!” he exclaimed.“A-ahh . . .” Mahinang-mahina lang iyon pero dinig na dinig niya at kitang-kita niya kung paano nito ibinuka ang bibig.“Call the doc—”Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin nang mabilis na pinindot ni Dimitri ang emergency button sa gilid ng kama ni Julienne. Wala pang sampung segundo ay naroon na ang ilang nurse at doctor nito.“What happened?” the woman dressed in doctor’s lab asked. Hinala niya ay ito ang OB ng kaniyang asawa.“She said something. I t
Texas, USA.Brayden’s pace was in a hurry. Nagmamadali siyang makita ang pakay niya sa lugar na iyon.“This way, Sir,” anang driver ng sasakyang sumundo sa kaniya sa airport kanina. Tauhan ito nang mismong pakay niya roon.“Thanks.” Ngumiti siya rito bago tinungo ang silid na itinuro nito. Matagal siyang nanatili sa labas niyon bago nakuhang pihitin ang seradura. Dahan-dahan niyang iniawang ang pinto. At habang ginagawa iyon, hindi siya halos humihinga.When he finally opened it wide, unang nag-landing ang mga mata niya sa kamang nasa gitna ng silid na iyon. Biglang naging mabuway ang kaniyang pagkakatayo. Napaluhod siya sa sahig kasabay ng pagyugyog ng kaniyang mga balikat.He’s crying. Sari-saring emosyon ang lumukob sa kaniya pero mas lamang doon ang matinding pangungulila. Ang matagal na panahon niyang pagtitikis para sa kaligtasan ng pinakamamahal niya.