Nasa pack house na sila kasama si Jean.
"Sandali lang naman!" Pasigaw ding tugon ni Bianca mula sa kusina. "Iniinit ko pa sa microwave." Dagdag pa nito.
"Oh..." Tumatangong usal ni Daecon bago tumingin sa kaharap. Si Jean Caroleigh Trevino, ang ika-limang member ng CAU. A young lady general of North branch hunters cavalry. "Bakit ka nga pala nasa Everett, Ate Jean?" Tanong ni Daecon dito bago isinubo ang hawak na hilaw na mangga.
Napangiwi si Jean at umasim ang mukha. Hindi talaga nito masakyan ang hilig ng pinakabatang member ng CAU sa manggang hilaw. Daecon was eating it like it was the most delicious food on earth.
Lumunok muna ng laway si Jean bago ibinuka ang bibig para magsalita. "Nasa malapit lang ako when I heard from a group of young men from your territory that you were in Everett for a hunt and I remembered that you informed our headquarter about Sancho's appearance in Frostwood, so I dropped by." Kibit-balikat na turan nito. "Tigilan mo nga muna iyang mangga, Daecon. Nangangasim ang sikmura ko sa ginagawa mo, eh." Saway ni Jean sa alpha ng Frostwood.
Tinapik ni Jean ang kamay ni Deacon nang akmang dadampot na naman ito ng isang hiwang mangga.
Napakamot sa ulo ang alpha ng Frostwood. "Paano mo nalamang nagreport ako sa headquarter ng CAU?" Tanong niya bago inusog ang manggang nakalagay sa maliit na plato. Mahirap na. Baka hindi niya mapigilan ang sariling dumampot ng mangga. Mapipitik pa siya ni Jean ng pana.
Jean grinned."Caelan told me since he knew that I was just nearby." Sagot nito bago lumingon sa pinto nang bumukas iyon. "Iyan na ba ang carbonara, Bianca? Namiss ko ang luto mo." Malapad ang ngiting baling nito sa babae.
Si Caelan ang isa pang founder ng CAU. Kagaya ni Jean ay isa rin itong general. He was the oldest among CAU's thirteen members. Halos magka-edad si Caelan at Priam.
"Ang daldal din talaga ni Kuya Caelan." Naiiling na usal ni Daecon bago ibinaling kay Bianca ang pansin. "Did you get hurt?" Kunot-noong tanong niya rito.
Anak si Bianca ng dating beta ng Daddy ni Daecon. Maliit pa ito nang mamatay sa isang labanan ang ama kaya kinupkop ng Daddy niya si Bianca na noon ay limang taong gulang pa lang. He was five years older than her pero hindi naging hadlang ang agwat ng edad nila para lumaki silang malapit sa isa't-isa. Bianca's mother remained unknown until his father's death. Ang sabi ng Daddy ni Deacon ay bigla na lang umuwi sa Frostwood ang beta nito na may dalang sanggol. They asked him about the baby's mother but he refused to answer. Namatay ang Daddy ni Bianca na walang pinagsasabihan kung sino ang ina nito.
Inilapag ni Bianca sa harap nila ang tray na may lamang tatlong plato, isang bowl ng carbonara at tinidor. "Tsk...ni hindi nga ako pinagpawisan." Mayabang na sagot nito kay Daecon at ipinagpag pa ang dalawang kamay.
Daecon's brows automatically raised." Hindi ka rin talaga mayabang." Naiiling niyang sabi.
Hindi naman siya nag-aalalang masasaktan ito ng isang rebeldeng taong-lobo lang. Bianca was an excellent warrior anyway. He trained her personally kaya malaki ang tiwala niyang hindi ito kayang patumbahin kahit ng tatlong kalaban.
"Wala ka lang tiwala sa akin." Naka-ismid nitong sabi bago umupo sa upuang nasa tapat niya. Kumuha si Bianca ng isang plato para lagyan ng carbonara at inabot iyon sa kanya. "Kumain ka na." Ani pa nito bago ipinagsalin ng orange juice na dala ng isang tagasilbi kanina ang alpha ng Frostwood.
"Yon!" Nakangising sabi ni Daecon. "Hindi ko alam kung mabubuhay ako na wala si Bianca, Ate Jean. Luto lang nito ang kinakain ko, eh." Ani pa nito bago sumubo ng carbonara.
Naroon sila sa terrace kung saan tanaw nila ang nagsisimula nang lumubog na buwan. Alas-dos pa lang ng madaling araw tanging mahihinang huni lamang ng kuliglig ang naririnig nila. Maliwanag ang paligid dahil sa mga lamp post na nakapalibot sa pack house.
"Ako ba, Bianca, hindi mo bibigyan ng juice? Iyang lalaking 'yan lang talaga?" Tila nagtatampong untag ni Jean sabay nguso.
"Ay, siyempre naman, bibigyan kita, ate!"
Mabilis na nagsalin ng juice sa mataas na baso si Bianca at inabot iyon kay Jean.
"Salamat..." Nakangiting ani ni Jean bago bumaling kay Daecon na abala na sa kinakain nito. "Nagbilin nga pala si Bona. Isama mo raw si Bianca sa susunod na punta mo sa headquarter. Magpapaturo raw siyang magluto ng kare-kare. At, saka namimiss na rin daw ni Austin ang luto ni Bianca kaya huwag kang pupunta sa HQ na hindi mo kasama iyan." Mahabang sabi nito na ang tinutukoy ay si Mebonalyn na isa pang babaeng hunter at si Austin na alpha naman ng Grimwood.
Tumango si Daecon bago inibot kay Bianca ang hawak na plato. "Pahingi pa." Ani nito.
Walang reklamong mabilis namang kinuha ni Bianca ang plato at nilagyan ng carbonara.
"Hindi ka kamo kumakain ng luto ng iba, Daecon?" Tanong ni Jean pagkatapos uminom ng juice.
"Yeah..." Sagot ni Daecon sa pagitan ng pagnguya.
Totoo naman. He won't eat anything not unless he was sure that it was Bianca who cooked the food. Alam na alam niya kapag hindi si Bianca ang nagluto dahil sanay na ang dila niya sa lasa ng luto nito.
Umangat ang kilay ni Jean. "Paano kung isa sa inyong dalawa ang mag-asawa na? Or, let us say—paano kung mag-asawa na si Bianca...paano ka, Daecon? Huwag mong sabihing tatawagin mo pa siya para ipagluto ka." Seryosong turan nitong ikinatigil pareho ng dalawa.
Naibaba ni Daecon ang hawak na tinidor at tumingin kay Bianca na napatigil naman sa akmang pag-inom ng juice. Both of them looked surprised of the Jean's sudden questions. They've never think nor talk about it yet.
Daecon's brows furrowed and gazed at Bianca seriously. "Are you going to leave me?" Lukot ang mukhang tanong niya.
Bianca smiled. "No—I mean, not now." Tugon nito. "Not unless you decided to throw me out of your life already. " Mabilis niyang dugtong nang makitang mas lalong nalukot ang mukha ni Daecon.
"Throw you out?" Daecon asked in serious manner. "You, fool! You knew that it will never happen. And, if you happen to marry someone someday, dito dapat kayo titira. Ano, papatayin mo ako sa gutom? Alam mong hindi ako kumakain ng luto ng iba." Paasik na dugtong nito at mahinang pinitik ang noo ni Bianca.
Napailing na lang si Jean. Gusto niyang sabihing imposible ang sinasabi ng mga ito. Pero alam niyang pagdating kay Bianca ay madaling matrigger ang alpha ng Frostwood. He would even kill without blinking for his Bianca. Everyone knew it. Jean shrugged her shoulders and stood up.
"I'm leaving now, Daecon." She said. "Thanks for the food, Bianca. See you again. Sumama ka sa HQ, ha." Baling niya sa babaeng kaagad namang tumango at ngumiti.
Jean hold her bow again and put the arrows on her back.
"Aren't you going to stay here even an hour for a rest, Ate Jean?" Daecon asked as he stood up. "Another glass of juice, Bianca." Baling niya kay Bianca at inabot dito ang baso.
Muling napailing si Jean. She knew it...Daecon will surely be in trouble one of these day.
Kita-kits na lang sa finish line, Daecon.... Jean whispered at the back of her head.
CLAWS AND ARROWS UNITED, HEADQUARTER"So, it's already settled?" Tanong ni Jessica, ang ika-pitong member ng CAU. Isa ring lady general na na naka-assign sa West branch Hunters Cavalry.Tumango si Priam. "Yeah." Tugon nito bago ibinaba ang hawak na envelope kung saan nakalagay ang ilang report tungkol sa isang grupo ng rebeldeng taong-lobo na nanggugulo sa isang teritoryo sa kanluran. Kasama rin sa report ang request for assistance mula sa CAU. "Daecon will surely be perfect for this assignment." Dugtong nito."Speaking of that devil," sabi naman ni Zypher, ang alpha ng Dashwood territory." Ano'ng oras ba darating iyon?" Tanong nito."He'll be here in a minute, for sure."It was Alec. Isa ring hunter na naka-assign naman sa East Branch Hunters Cavalry."Hey, Jean," tawag ni Austin sa babaeng abala sa pagkalikot sa string ng hawak nitong crossbow.
"Ready na ba lahat?" Tanong ni Jean kay Jessica at Bona. Naghanda sila ng ilang putahe para sa kaunting salo-salo. Aalis si Jean kinabukasan para sa bagong misyon. Si Daecon naman ay sa makalawa aalis kasunod si Alec na kailangan na munang bumalik sa East Branch ng hunters cavalry. "Luto na ang kare-kare ko!" Puno ng pagmamalaking sagot ni Bona. Napatingin sina Jean at Jessica sa malaking bowl na nasa harap ni Bona kung saan nakalagay ang kare-kareng parang maayos naman ang pagkakaluto. Mukhang sineryoso nga talaga nito ang sinabi nitong makikinig itong mabuti kay Bianca. "Wow, Ate Bona!" Tuwang bulalas ni Bianca na nakisilip din sa luto ni Bona. "Seems like you really made it right this time." Nangingiting sabi nito bago ibinalik ang atensiyon sa pag-aayos ng ginawa nitong salad.Pinaghalong ubas, pipino, mais at carrots, cutted in cubes. Mayroon iyong cube cut ding chee
"What?" Blangko ang mukhang untag ni Daecon kay Bianca nang maramdaman niya ang mahinang paghila nito sa suot niyang leather jacket.Kasalukuyan silang nasa airport dahil ngayon ang alis niya patungo sa Mystic Shadow. Isang teritoryo sa kanluran kung saan siya ipinadala ng CAU para sa bagong misyon."Hindi ba talaga ako p'wedeng sumama roon?" Mahina at nakayukong tanong ni Bianca kay Daecon.Daecon released a deep sigh. Ilang beses na ba siyang tinanong ni Bianca kung p'wede itong sumamasa sa kanya? At, ilang beses na rin ba niyang sinabi ritong hindi p'wede dahil masyadong delikado ang lugar na pupuntahan niya. Mystic Shadow ain't just an ordinary territory dahil halos napapalibutan ito ng kuta ng mga rogues o ng mga rebeldeng taong-lobo.At, iyon ang dahilan kung bakit humingi na ng tulong sa CAU ang alpha ng Mystic Shadow.Hinawakan niya ang baba nito at itinaas ang mukha para mag
"Hey, are you okay?" Tanong Asher kay Bianca na kasalukuyang nakapangalumbaba sa mesa at blangko ang mukhang nakatitig sa kawalan.Nakilala ni Bianca si Asher nang minsang atakehin siya ng mga rebeldeng taong-lobo ilang linggo pagkaraang umalis si Daecon patungo sa Mystic Shadow. At, simula nga noon ay naging malapit na si Bianca sa lalaki. Mabait si Asher kahit medyo maloko. Mukha rin itong hindi mapagkakatiwalaan dahil na rin siguro sa bruskong mga galaw nito at balbas-saradong mukha. Noong una ay nangingilag pa si Bianca rito pero nang mapagtanto niyang mabait naman ang lalaki ay napalagay na ang loob niya rito at idagdag pang iniligtas siya nito sa grupo ng mga rebelde. Oo nga at kaya niyang ipagtanggol ang sarili dahil sinanay siya ni Daecon pero kung sabay-sabay ang mga ito na susugod sa kanya ay hindi na niya kakayanin."Nothing." Tipid na tugon ni Bianca bago umunat ng upo.Naroon sila sa isang coffee shop na hind
"Welcome to Central, Midland, Zoe!"Napangiti ng maluwag si Zoe nang marinig ang sinabi ni Daecon. Nasa labas na sila ng airport at magkahawak-kamay na naglalakad patungo sa naghihintay na sasakyan sa parking area. Kahapon pa iyon itinawag ni Daecon sa headquarter ng CAU kaya kanina lang ay inihatid iyon ni Zachary roon at iniwan kagaya ng bilin ni Daecon. Gusto niya munang dalhin si Zoe sa isa sa paborito niyang lugar bago tumuloy sa HQ kung saan naghihintay sina Caelan, Ezra, Zachary, Tobias, Akila, Austin, Bona at Bianca.Ah, yeah...he missed Bianca already and her cooking. He's been craving for it for months.Wala ang ibang members ng CAU sa headquarter dahil may mga bagong misyon ang mga ito. Si Alec ay pumunta sa Besmoth City para imbestigahan ang nawawalang relic sa museum ng Besmoth na pinaniniwalaang naiwan pa ng mga sinaunang taong-lobo.Si Jean naman ay nasa Campwood para sa panibagong mis
NIGHT SHADE TRIBENEAR CAMPWOOD TERRITORY Pasipol-sipol na pumasok si Asher sa loob ng hindi kalakihang bahay. Kagagaling niya lang sa capital ng Central, Midland at hindi iyon nakakatuwa. Masyado siyang napagod dahil nasa dulo na ng Central ang Night Shade Tribe na matagal nang nilimot ng lahat. Asher's russet brown eyes darkened. His hands fisted and his jaws clenched. If only..... "You're already here." Malamig na ani ng boses mula sa likuran ni Asher. Dumampot siya ng mansanas sa basket na nakapatong sa lamesa at pinunasan iyon gamit ng suot niyang pantalon. "Yeah!" Tipid niyang sagot na hindi nag-abalang lingunin ang kausap. Pinagkiskis niya ang mga kamay na may suot na gloves at bahagya iyong itinapat sa apoy na nakasinding kandila. Malakas ang patak ng n'yebe sa labas kaya balot na balot siya mula ulo hanggang paa. Kung ang mga taong-lobo
"Zoe, tikman mo itong niluto ni Bona. The best ito!" Sabi ni Austin sa babaeng pangiti-ngiti lang nang maka-alis si Daecon.Naipakilala na ito ni Daecon sa lahat kaninang pagkarating ng dalawa."Lahat ng umaapak dito sa HQ, kailangang tumikim ng luto ng pambatong cook ng CAU..." Susog naman ni Zachary na sinabayan ni Akila ng pagtango."Tama...tama!" Sang-ayon nito."Niluto iyan ni Bona para sa iyo talaga." Sabad naman ni Ezra na himalang nakisakay sa kung anumang binabalak ng mga walang-hiyang kasama ni Daecon.Alanganing ngumiti si Zoe. "Talaga ba?" Tanong nito.Tila iisa ang ulong sabay-sabay na tumango ang apat na lalaki."Sabi kasi ni Daecon, paborito mo raw ang spaghetti kaya sabi ko sa kanila, ipagluluto kita. This is what I call——Bona's courtesy food!" Turan ni Bona bago kumuha ng maliit na mangkok.
Sabay na napatigil sa pagtatawanan sina Akila at Zachary nang magkasunod na pumasok sa dining area sina Daecon at Caelan. Nangunot ang noo ni Daecon nang mapansing wala sa upuan si Zoe."Ah, nasa kusina lang. Sinamahan ni Austin." Turan ni Bona na tila nahulaan ang laman ng isip ni Daecon.Deacon's brows furrowed."Why?" Tanong nitong ang tinutukoy ay kung bakit nasa kusina at si Austin ang kasama. Bakit hindi na lang si Bona."Oh, dinala lang sa kusina ang pinagkainan niya ng spaghetti. May ginagawa ako kaya si Austin na ang sumama."Mas lalong nagsalpukan ang malalagong kilay ni Daecon. Something is off.Tiningnan niya sina Zachary at Akila na sabay namang nagkibit-balikat. Palihim namang tiningnan ni Caelan ang mga ito ng masama."Kumain siya ng luto mo, Ate Bona?" Tanong ni Daecon pagkatapos sulyapan ang spagh
Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi alam ni Daecon kung may oras pa ba siya para mag-isip dahil sa mga sandaling iyon ay nakatulala na lamang siya maging ang katabi niyang si Caelan. Batid niyang maging ang isa sa dalawang founder ng CAU ay nabigla rin dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa man tuluyang na-a-absorb ng isipan nila ang tungkol kay Jean pero heto at nakaharap naman sila sa panibagong rebelasyon. Sa harapan kasi nila ay nakatayo si Jean na nasa anyong lobo at balot ang katawan ng malakas na mahikang maging si Christine ay hindi ito magawang labanan. Nasa labas na silang lahat ng ancestral house ng High Priestess ng Night Shade. Nang makawala si Zoe mula sa pagpipigil ni Kathleen ay kaagad nitong tinulungan si Jean kaya mas lalong lumakas ang babae. At ngayon nga ay pareho nang nakalutang ang dalawang vessel ni Princess Shayna habang balot ang mga katawan ng nakakasilaw na liwanag. Ang huling naalala ni Daecon bago sila napunta sa labas ng bahay ay nang may tila kulay
"Alessia..."Natigilan si Bianca nang marinig ang malamyos na tinig na iyon. Hindi niya alam kung saang lugar siya naroroon. Ang natatandaan lamang niya ay nagising siyang nasa ginta ng walang hanggang kakahuyan. Pamilyar sa kanya ang lugar pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita."Alessia..."Muling narinig ni Bianca ang tinig ngunit hindi niya alam kung saang bahagi ng kakahuyan ito nanggagaling.Luminga sa paligid si Bianca. Sinuyod ng kanyang paningin ang bawat bahaging tanaw ng mga mata niya. Umaasa siyang makikita niya ang babaeng tumatawag sa kanya."Nasaan ka?" pasigaw na tanong ni Bianca ngunit wala siyang nakuhang sagot.Sandaling tumayo sa pagitan ng dalawang matatayog na puno si Bianca at matamang pinagmasdan ang paligid. Talagang pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. Alam niyang minsan na siyang nakapunta rito.
Hindi alam ni Zoe kung anong oras na nang imulat niya ang kanyang mga mata basta ang sigurado lang niya ay madilim na sa labas. Wala na siyang nakikitang liwanag na nakikita mula sa siwang ng nakasarang malaking bintana. Sandali niyang ikinurap-kurap ang mga mata para masanay sa malamlam na liwanag na nagmumula sa nakasinding kandila.Biglang natigilan si Zoe. Kandila? Brown out ba?Nagmamadaling bumangon si Zoe mula sa pagkakahiga sa kamang saka pa lang din niya napansing kakaiba ang desenyo na tiyak niyang pang sinauna. Kulay ang pintura ng headboard at tanging ang may kakapalang tela na tila comforter lamang ag sapin. Walang malambot na kama na kagaya ng nakasanayan niya.Wala sa loob na nahilot niya ang balikat na saka pa lang din niya napansing nananakit. Maging ang likod niya ay masakit din dahil siguro sa higaang may katigasan.Ipinig ni Zoe ang ulo bago inalis ang pansin sa higaan niya. Tumayo siya at kahit ma
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Mula sa ginagawa ay dahan-dahang nag-angat ng paningin si Christine. Binitawan niya ang hawak na kandila at tinitigan si Daecon na bakas sa mukha ang pinaghalong labis na pag-aalala at alinlangan. Pag-aalala para sa kahihinatnan ng gagawin ng High Priestess ng Night Shade at alinlangang baka hindi sila magtagumpay. Paano na si Bianca at si Zoe? Seryoso ang anyo at deritso ang mga matang tiningnan ni Christine si Daecon bago ibinuka ang bibig para magsalita. "This is the only way that I know, Daecon. I need to unlink the soul of Princess Shayna from Zoe's body—" Napatigil sa pagsasalita si Christine nang itaas ni Daecon ang mga kamay at tulirong nagpalakad-lakad sa harapan niya at ni Caelan. "What if we just do the sacri—" "Are you nuts, Sinfield?!" halos dumandong sa loob ng apat na sulok ng library ang boses ni Caelan na siyang nagpatigil sa pinuno ng Frostwood. "And, wh
Binitawan ni Deacon ang hawak na libro nang tumunog ang cellphone niyang nasa loob ng suot niyang pantalon. Mabilis niya iyong dinukot at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay kaagad niya iyong sinagot. "Kuya Priam," bati niya sa pinuno ng Darkwood na siya ring isa sa dalawang founder ng Claws And Arrows United. "Kumusta diyan?" Sandaling sumulyap si Daecon sa gawi ni Caelan na abala rin sa pagbabasa. "We're doing good so far. Nandito kami sa Night Shade. Wala kaming—" Hindi natapos ni Daecon ang sasabihin nang sumabad si Priam. "I know," ani nitong sandaling tumigil. "Trust her, Daecon. Trust Christine." dugtong nitong nagpakunot ng noo ni Daecon. Bakit parang kilalang-kilala nito ang babae? "You know her?" hindi napigilang tanong ni Daecon na nakakunot pa rin ang noo. Isang mahinang buntong-hininga ang narinig ni Daecon mula sa kabilang linya. Hindi pa muna ito
"What book do we exactly looking for, Christine?" tanong ni Daecon habang ang mga mata ay masusing binabasa ang mga label na nakasulat sa iba't-ibang librong maayos na nakahanay sa floor to celling na bookshelf. Kung lahat ng librong narito sa loob ng library ng ancestral house nina Christine ay spellbook, damn but he couldn't imagine how powerful the witches of Night Shade tribe can be. It's far from what he just had imagined. Kanina pa silang tatlo paikot-ikot sa loob ng library. Siya, si Caelan at si Christine. Inutusan sila ng babae na hanapin ang librong makakatulong daw para maalis si Zoe sa pagiging vessel ni Princess Shayna. Naiwan naman si Asher sa labas ng kwartong gamit ni Bianca para magbantay samantalang si Kathleen naman ang nagbabantay kay Zoe. Maayos na ang kalagayan ni Alec at nagpapahinga na lang. Well, all thanks to Christine again. Kathleen almost drained her power when she healed Austin plus the fact that she used some of her
"Whew!" Bulalas ni Jessica nang tila sa isang kisap-mata lang ay naroon na sila sa mismong bukana ng Night Shade.The moment that bloodmoon was gone, Christine immediately casted a spell and in just a blink of their eyes, a portal appeared right in front of them. Kasabay niyon ay tila hinigop sila ng malakas na pwersa patungo sa kung saan at nang tuluyang iyong mawala ay naroon na sila sa lugar ng mga mangkukulam. Well, white or black, they're all just the same. Witches..."That was really fast," turan naman ni Caelan na kagaya ni Jessica ay bakas din sa mukha ang pagkamangha.Why not? It was the first time that they experience a witch's power, first hand. That was really cool."Let's go," seryosong turan ni Christine bago muling ipinikit ang mga mata. Bumuka ang bibig nito at umusal ng kakaibang mga salitang batid nina Caelan at Jessica na tanging mga kagaya lang nitong taga Night Shade tribe ang makakaunawa.At muli
"We need to get her to Night Shade..." Tila iisa ang mga ulong sabay-sabay na napalingon sina Daecon, Caelan at Zachary nang marinig ang sinabi ni Christine. Pare-pareho silang tumatakbo nang mabilis habang buhat ni Daecon ang walang malay na si Bianca. It wasn't easy for them to get themselves out of Chandler's premises. Hindi lang ang buong konseho ng Chandler at mga sundalo nito ang kinailangan nilang harapin dahil maging ang mga bampira, taong-lobo at mga hunters ay naka-abang din. Mabuti na lang at may dumating na tulong mula sa grupo ni Galen at ng mga bagong hunters na sumailalim noon sa training nina Jess, Jean, Caelan, Alec at Bona. "Night Shade?!" Tiim ang anyong angil ni Deacon sa babae. Kung may balak man itong gawin ay sisiguraduhin niyag hindi ito magtatagumpay. Sumeryoso si Christine. "Dahil ang Night Shade lang alam kong lugar na ligtas para sa pamangkin ko, Sinfield." Turan ni Christine habang tumatakbo
ISANG MALAKAS na halakhak ang pinakawalan ni Bianca bago itinaas ang dalawang kamay at kumumpas. "Oh, shit!" Bulalas ni Asher kasabay ng pagtalsik ng mga katawan nilang tatlo nina Christine at Kathleen sa malaking puno, ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan nila kanina. Sabay pang dumura ng dugo sina Christine at Kathleen nang tumama ang likod nila sa nakausling ugat ng kahoy. Umungol naman si Asher at muling napamura nang maramdaman ang pagsalakay ng walang kapantay na sakit sa kanyang likuran dahil sa pagbagsak niya sa matigas na lupa. "Asher!" Puno ng pag-aalalang sigaw ni Jean sa lalaki at umakmang tatakbo palapit pero kaagad itong pinigilan ni Asher. "No, just stay where you are, Jean..."sigaw niyang bago pinilit ang sarili na tumayo. "I'm finally back!" Sigaw ni Bianca na kasalukuyang nakadipa habang nakatingala sa madilim na kalangitan. "What's happening to her?" Tanong ni C