Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ng tingin si Daecon at tumingin kay Topher. "Of course! If I have to declare war against the world just to keep Bianca safe and stay beside me, then I will. No one can take her away from me. Not even the councils." Madalim ang anyong turan nito bago tumingin sa malayo. "Damn that useless witch!" Angil nitong ang tinutukoy ay si Christine.
Mabilis na kumalat ang balita tungkol kay Bianca at ang tungkol sa sinasabi ni Christine na cursed eyes of the dead. Naging usap-usapan iyon sa mundo ng mga taong-lobo at nakarating na rin sa Chandler, ang samahan ng mga councils na nakabase sa Central, Midland. Binubuo ang Chandler ng bawat isang council na nagmula sa iba't-ibang teritoryo. Karaniwang binubuo ito ng mga alpha na nagretiro na at ipinamana na sa anak ang pagigi
Nang masiguro ni Bianca na maayos ang kalagayan ni Jean sa kamay ng taong dati ay lubos niyang pinagkakatiwalaan ay muli siyang naki-usap kay Asher na ibinalik na siya nito sa Frostwood. Nawala man ang alaala ni Jean at kahit nasira na ang tiwala niya sa lalaki ay alam ni Bianca na hindi pababayaan ni Asher ang babeng hunter. Hindi man nito deretsang sabihin sa kanya pero ramdam niyang mahal nito si Jean at sapat na iyon para ipagkatiwala niya rito ang babae. Hindi nito kakalabanin ang sariling kapatid kung hindi ganoon kalalim ang nararamdaman nito kay Jean."Asher, I've been here since yesterday and I really wanted to go home already. Naghihintay si Daecon sa akin. Nag-aalala na ako sa kanya. Sa bawat sandaling nandito ako at hindi nakikita ng asawa ko ay dagdag na pag-aalala at sakit iyon para sa kanya. Masyado na siyang maraming iniisip. Ayoko nang dumagdag doon. Please, Asher..." Pakiusap ni Bianca sa lalaking napahugot na lang ng buntong-hininga.Alam
"Daecon!"Natigilan si Daecon nang marinig ang pamilyar na boses ni Bianca. Kaagad siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses at kaagad na lumiwanag ang mukha. His wife is finally home!"Bianca!" Tuwang sigaw ni Daecon bago nagmamadaling humakbang para salubungin ang asawa.Napailing naman ang ama ni Daecon nang makita ang reaction ng anak nito nang makita ang asawa."Tingnan n'yo ang hinayupak kong anak. Nakalimutan na ako nung nakita si Bianca. Batukan ko kaya ito..." Ani pa ng grand alpha na ikinatawa ng ilang naroroon na abala sa pagsasanay."Thank God, you're finally back!" Bulalas ni Daecon pagkatapos yakapin ng mahigpit si Bianca.Hinawakan nito sa magkabilang-balikat ang asawa at sinuri ng mabuti ang buong katawan. Nang hindi makontento ay inikutan pa nito si Bianca."Anong ginagawa mo?" Tanong ni Bianca sa asawang nakakunot pa ang noo."Sinisiguro ko lang kung wala
Tahimik na tahimik ang buong Frostwood ngunit pansin ang pagiging alerto ng lahat lalo na ang mga kawal na wala na yatang ginawa kundi magsanay. Salitan din ang Walang tigil na pagpatrolya ng mga kawal sa buong teritoryo lalo na sa mga hangganan ng Frostwood. Dama ng lahat ang tensyon dahil Alam nilang anumang sandali ay may magaganap na malaking labanan—labanang alam nilang hindi na maiwawasang mangyari. Patuloy na pinagmasdan ni Bianca ang paligid. Bakas sa kanyang mga mata ang hindi maitagong kalungkutan dahil sa mga nangyayari. Nagdurusa ang lahat nang dahil sa kanya at wala siyang ibang maisip na paraan para matigil ang kaguluhan lalo na ang paparating na malaking digmaan. Maliban na lang kung isuko niya ang sarili sa Chandler. Wala si Deacon sa packhouse dahil umalis ang lalaki kasama sina Akila at Zachary para muling ipagpatuloy ang paghahanap kay Austin. Si Priam naman at Logan ay pumunta sa Campwood kasama si Ezra. Magkasama nam
"Are you okay?"Bianca tilted her back to look for Zoe who's sitting on the floor behind her, holding a stick in her hand while playing with the cute and white little rabbit. Alaga iyon ng isa sa mga tagasilbi sa packhouse.Halos isang linggo na ring naroroon si Zoe sa packhouse at sa totoo lang ay kasundo niya ang babae. Hindi niya alam kung bakit pero magaan talaga ang loob niya rito. Mabait ito at masarap kausap.Ngumiti si Bianca kay Zoe pagkuwa'y muling ibinalik ang paningin sa malayo. "Yeah, I'm fine." Tugon niya sa seryosong tinig.Naramdaman ni Bianca ang magagaang yabag ni Zoe palapit sa kinatatatayuan niya. Tumabi ito sa kanya pagkuwa'y bumuga ng hangin."Ano'ng iniisip mo?" Muling tanong nitong bakas sa boses pag-aalala. Mukhang hindi ito naniniwala sa sinasabi niya.Bianca took a quick glance at Zoe and once again smiled. "I'm fine..." She mumbled. Voice still steady.Muling bumuga
This is it, Bianca...Bumuga ng hangin si Bianca bago inayos ang suot na kulay pulang balabal na tumatakip sa halos kalahati ng kanyang mukha. Sandali pa muna siyang nanatiling nakatayo sa likod ng malaking punong malapit sa gusali ng Chandler at wala sa loob na napahawak sa sarili niyang dibdib. Wala na itong atrasan. Kung gusto niyang matapos na ang lahat ng ito na nagsimula sa kanya ay kailangan niyang tatagan ang kanyang loob. Isa pa munang pagbuga ng hangin ang ginawa niya bago tuluyang lumabas sa pinagtataguang malaking puno at humakbang patungo sa nakasaradong malaking tarangkahang gawa sa bakal."Hanggang diyan ka lang!" Mabagsik na turan ng isang guwardiya na nagbabantay sa labas. Masama ang tinging tinitigan siya niya mula ulo hanggang paa na tila ba kinikilala siya. "Who are you?!" Dugtong na tanong pa nito.Lumunok si Bianca bago inalis ang balabal na nakatakip sa kanyang mukha bago nag-angat ng tingi
Mula sa pagkakayukyok ng ulo ay dahan-dahang nag-angat ng mukha si Bianca. Sandali siyang napakurap nang salubungin ang mga mata niya ng kakarampot na sinag ng araw na tumama sa kanyang mukha mula sa siwang maliit na bintanang naroon sa seldang pinaglipatan sa kanya.Ilang araw matapos ikulong si Bianca ng mga sundalo ng Chandler sa dungeon cell ay inilipat siya ng mga ito sa isang maliit na seldang naroon sa dulong bahagi ng ikalawang palapag ng lumang gusali. Kung tama ang pagkakatanda niya ang pangalawang araw na niya sa seldang iyon na puno ng iba't-ibang matatalim at matutulis na bagay. Halos kinakalawang na ang mga iyon at may mga bahid pa ng natuyong dugo kaya tiyak niya ni Bianca na ginagamit iyon ng Chandler sa pagtorture.Ilang araw na nga ba siya roon? Apat o lima? Hindi na sigurado si Bianca. Ilang ulit din siyang nawalan ng ulirat dahil sa panggugulpi ng mga sundalo ng Chandler sa kanya. At, hindi niya alam kung gaano siya katagal na nawawalan ng uli
Daecon clinched his fist as he saw some of Chandler's counsils walking around the platform at the back of the building. Sa gitna ng malawak na platform ay may nakalagay na dalawang malaking poste na parehong may nakakabit kadenang tiyak ni Daecon na yari sa purong pilak.Ngayong araw ibibigay ang hatol kay Bianca at ang tanging araw na p'wede nila itong iligtas. Mataas ang security system ng Chandler lalo na't hindi ordinaryo si Bianca."Calm down..."It was Zoe."I am trying, Zoe. I am trying but hell, how can I calm down when I know that any moment from now, my wife will be out there, facing those bullshit mutts!" Madilim ang anyong turan ni Daecon habang ang mga kamao ay mahigpit pa ring nakakuyom."We'll get her no matter what, Alpha Daecon," turan naman ni Alexus. Ang hunter na ipinadala ni Alec noong nakaraang buwan.Tanging sina Zachary, Ezra, Zephyr, Zoe at Alexus lang ang kasama ni Daecon sa misyong ito
"KUYA CAELAN," kaagad na bati ni Daecon sa lalaking nasa kabilang linya.Kasalukuyang nasa Besmoth ang mga ito para iligtas si Alec na kasalukuyang hawak ng sindikatong may pakana sa muntik-muntikan nang pagkawala ng relic na naiwan ng mga ninuno nila. Ang k'wentas na kailangan nila para mailigtas si Bianca."What's the situation there?" Kaagad na tanong nito mula sa kabilang linya sa kalmadong tinig.Sandaling lumingon si Daecon sa gawi ng asawa na kasalukuyan nang nakagapos ang magkabilang kamay sa kadenang nakakabit naman sa magkabilang poste. Wala itong kakilos-kilos habang nakayuko. Mas lalo tuloy umahon ang matinding pag-aalala sa puso niya."We are outnumbered but no matter what, I will take my wife out of this hell!" Daecon answered as the heavy breaths started to rise from his heart."Yes, you should, Sinfield," turan ni Caelan sa seryosong tinig. "Because if not, I will kill you myself. Don't you fuckin
Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi alam ni Daecon kung may oras pa ba siya para mag-isip dahil sa mga sandaling iyon ay nakatulala na lamang siya maging ang katabi niyang si Caelan. Batid niyang maging ang isa sa dalawang founder ng CAU ay nabigla rin dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa man tuluyang na-a-absorb ng isipan nila ang tungkol kay Jean pero heto at nakaharap naman sila sa panibagong rebelasyon. Sa harapan kasi nila ay nakatayo si Jean na nasa anyong lobo at balot ang katawan ng malakas na mahikang maging si Christine ay hindi ito magawang labanan. Nasa labas na silang lahat ng ancestral house ng High Priestess ng Night Shade. Nang makawala si Zoe mula sa pagpipigil ni Kathleen ay kaagad nitong tinulungan si Jean kaya mas lalong lumakas ang babae. At ngayon nga ay pareho nang nakalutang ang dalawang vessel ni Princess Shayna habang balot ang mga katawan ng nakakasilaw na liwanag. Ang huling naalala ni Daecon bago sila napunta sa labas ng bahay ay nang may tila kulay
"Alessia..."Natigilan si Bianca nang marinig ang malamyos na tinig na iyon. Hindi niya alam kung saang lugar siya naroroon. Ang natatandaan lamang niya ay nagising siyang nasa ginta ng walang hanggang kakahuyan. Pamilyar sa kanya ang lugar pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita."Alessia..."Muling narinig ni Bianca ang tinig ngunit hindi niya alam kung saang bahagi ng kakahuyan ito nanggagaling.Luminga sa paligid si Bianca. Sinuyod ng kanyang paningin ang bawat bahaging tanaw ng mga mata niya. Umaasa siyang makikita niya ang babaeng tumatawag sa kanya."Nasaan ka?" pasigaw na tanong ni Bianca ngunit wala siyang nakuhang sagot.Sandaling tumayo sa pagitan ng dalawang matatayog na puno si Bianca at matamang pinagmasdan ang paligid. Talagang pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. Alam niyang minsan na siyang nakapunta rito.
Hindi alam ni Zoe kung anong oras na nang imulat niya ang kanyang mga mata basta ang sigurado lang niya ay madilim na sa labas. Wala na siyang nakikitang liwanag na nakikita mula sa siwang ng nakasarang malaking bintana. Sandali niyang ikinurap-kurap ang mga mata para masanay sa malamlam na liwanag na nagmumula sa nakasinding kandila.Biglang natigilan si Zoe. Kandila? Brown out ba?Nagmamadaling bumangon si Zoe mula sa pagkakahiga sa kamang saka pa lang din niya napansing kakaiba ang desenyo na tiyak niyang pang sinauna. Kulay ang pintura ng headboard at tanging ang may kakapalang tela na tila comforter lamang ag sapin. Walang malambot na kama na kagaya ng nakasanayan niya.Wala sa loob na nahilot niya ang balikat na saka pa lang din niya napansing nananakit. Maging ang likod niya ay masakit din dahil siguro sa higaang may katigasan.Ipinig ni Zoe ang ulo bago inalis ang pansin sa higaan niya. Tumayo siya at kahit ma
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Mula sa ginagawa ay dahan-dahang nag-angat ng paningin si Christine. Binitawan niya ang hawak na kandila at tinitigan si Daecon na bakas sa mukha ang pinaghalong labis na pag-aalala at alinlangan. Pag-aalala para sa kahihinatnan ng gagawin ng High Priestess ng Night Shade at alinlangang baka hindi sila magtagumpay. Paano na si Bianca at si Zoe? Seryoso ang anyo at deritso ang mga matang tiningnan ni Christine si Daecon bago ibinuka ang bibig para magsalita. "This is the only way that I know, Daecon. I need to unlink the soul of Princess Shayna from Zoe's body—" Napatigil sa pagsasalita si Christine nang itaas ni Daecon ang mga kamay at tulirong nagpalakad-lakad sa harapan niya at ni Caelan. "What if we just do the sacri—" "Are you nuts, Sinfield?!" halos dumandong sa loob ng apat na sulok ng library ang boses ni Caelan na siyang nagpatigil sa pinuno ng Frostwood. "And, wh
Binitawan ni Deacon ang hawak na libro nang tumunog ang cellphone niyang nasa loob ng suot niyang pantalon. Mabilis niya iyong dinukot at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay kaagad niya iyong sinagot. "Kuya Priam," bati niya sa pinuno ng Darkwood na siya ring isa sa dalawang founder ng Claws And Arrows United. "Kumusta diyan?" Sandaling sumulyap si Daecon sa gawi ni Caelan na abala rin sa pagbabasa. "We're doing good so far. Nandito kami sa Night Shade. Wala kaming—" Hindi natapos ni Daecon ang sasabihin nang sumabad si Priam. "I know," ani nitong sandaling tumigil. "Trust her, Daecon. Trust Christine." dugtong nitong nagpakunot ng noo ni Daecon. Bakit parang kilalang-kilala nito ang babae? "You know her?" hindi napigilang tanong ni Daecon na nakakunot pa rin ang noo. Isang mahinang buntong-hininga ang narinig ni Daecon mula sa kabilang linya. Hindi pa muna ito
"What book do we exactly looking for, Christine?" tanong ni Daecon habang ang mga mata ay masusing binabasa ang mga label na nakasulat sa iba't-ibang librong maayos na nakahanay sa floor to celling na bookshelf. Kung lahat ng librong narito sa loob ng library ng ancestral house nina Christine ay spellbook, damn but he couldn't imagine how powerful the witches of Night Shade tribe can be. It's far from what he just had imagined. Kanina pa silang tatlo paikot-ikot sa loob ng library. Siya, si Caelan at si Christine. Inutusan sila ng babae na hanapin ang librong makakatulong daw para maalis si Zoe sa pagiging vessel ni Princess Shayna. Naiwan naman si Asher sa labas ng kwartong gamit ni Bianca para magbantay samantalang si Kathleen naman ang nagbabantay kay Zoe. Maayos na ang kalagayan ni Alec at nagpapahinga na lang. Well, all thanks to Christine again. Kathleen almost drained her power when she healed Austin plus the fact that she used some of her
"Whew!" Bulalas ni Jessica nang tila sa isang kisap-mata lang ay naroon na sila sa mismong bukana ng Night Shade.The moment that bloodmoon was gone, Christine immediately casted a spell and in just a blink of their eyes, a portal appeared right in front of them. Kasabay niyon ay tila hinigop sila ng malakas na pwersa patungo sa kung saan at nang tuluyang iyong mawala ay naroon na sila sa lugar ng mga mangkukulam. Well, white or black, they're all just the same. Witches..."That was really fast," turan naman ni Caelan na kagaya ni Jessica ay bakas din sa mukha ang pagkamangha.Why not? It was the first time that they experience a witch's power, first hand. That was really cool."Let's go," seryosong turan ni Christine bago muling ipinikit ang mga mata. Bumuka ang bibig nito at umusal ng kakaibang mga salitang batid nina Caelan at Jessica na tanging mga kagaya lang nitong taga Night Shade tribe ang makakaunawa.At muli
"We need to get her to Night Shade..." Tila iisa ang mga ulong sabay-sabay na napalingon sina Daecon, Caelan at Zachary nang marinig ang sinabi ni Christine. Pare-pareho silang tumatakbo nang mabilis habang buhat ni Daecon ang walang malay na si Bianca. It wasn't easy for them to get themselves out of Chandler's premises. Hindi lang ang buong konseho ng Chandler at mga sundalo nito ang kinailangan nilang harapin dahil maging ang mga bampira, taong-lobo at mga hunters ay naka-abang din. Mabuti na lang at may dumating na tulong mula sa grupo ni Galen at ng mga bagong hunters na sumailalim noon sa training nina Jess, Jean, Caelan, Alec at Bona. "Night Shade?!" Tiim ang anyong angil ni Deacon sa babae. Kung may balak man itong gawin ay sisiguraduhin niyag hindi ito magtatagumpay. Sumeryoso si Christine. "Dahil ang Night Shade lang alam kong lugar na ligtas para sa pamangkin ko, Sinfield." Turan ni Christine habang tumatakbo
ISANG MALAKAS na halakhak ang pinakawalan ni Bianca bago itinaas ang dalawang kamay at kumumpas. "Oh, shit!" Bulalas ni Asher kasabay ng pagtalsik ng mga katawan nilang tatlo nina Christine at Kathleen sa malaking puno, ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan nila kanina. Sabay pang dumura ng dugo sina Christine at Kathleen nang tumama ang likod nila sa nakausling ugat ng kahoy. Umungol naman si Asher at muling napamura nang maramdaman ang pagsalakay ng walang kapantay na sakit sa kanyang likuran dahil sa pagbagsak niya sa matigas na lupa. "Asher!" Puno ng pag-aalalang sigaw ni Jean sa lalaki at umakmang tatakbo palapit pero kaagad itong pinigilan ni Asher. "No, just stay where you are, Jean..."sigaw niyang bago pinilit ang sarili na tumayo. "I'm finally back!" Sigaw ni Bianca na kasalukuyang nakadipa habang nakatingala sa madilim na kalangitan. "What's happening to her?" Tanong ni C