Paglabas nila ay muli sana siyang babalik sa tabi ni Tyler pero natigilan si Erika."Hindi ka karapat dapat sa tabi niya. Huwag ka ng mangarap pa. Masisira ulit ang buhay mo tandaan mo yan Erika" umaalingawngaw sa tenga at isipan niya ang salitang iyon. Napuno ng poot ang dibdib ni Erika. Kaya humakbang na lamang ito palabas ng silid na iyon at tinungo ang silid ni Dos.Pero sa kanyang paglabas ay nakita niya si Maricar na pinipihit ang pinto ng kuwarto ng anak na tila nais pumasok.Bumulwak agad ang galit at takot sa dibdib ni Erika kaya inisang hakbang lang ang pagitan ng mga silid at buong tapang na hinablot sa buhok ang nagulat na si Maricar.Hinatak niya ang buhok ng babaeng nakita niya sa kanyang alaala."Hay*op ka....Anong masamang balak mo sa anak ko hah!!?.Hindi nyo na magagawa ang mga kasamaan nyo. Isinusumpa ko. Mga demonyo kayo" sigaw ni Erika saka pinagsasampal at pinanggigilan si Maricar.Inuntog untog pa niya ang ulo nito sa semento. Nanliisik ang mga mata ni Erika."Hayo
"Ano...!"gimbal ba sabi ni Tyler. Tumulo naman ang luha ni Erika saka tinakpan ng tenga ng anakTulala si Tyler..Gimbal na gimbal sa narinig."Kaya ba..? Kaya ba....? diyos ko po!" Sabi ni Tyler na biglang nalugmok at nawala ang kanina lang ay katapangan."Dos anak, punta ka muna sa kuwarto. Bumalik ka na sa pagtulog ha" sabi ni Erika sa anak. Tumalima naman ang bata pero sa silid nila ni Tyler nagpunta. Hindi na ito nahabol ni Erika dahil isinara ni Dos ang pinto at naagaw ng paghikbi ni Tyler ang atensiyon niya."Yan tama yan, dapat lang yan. Wala kang karapatang maging masaya Tyler dapat parehas tayong sinusunog ang kaluluwa sa impiyerno.Haaaah! at etong bobo mong kapatid ay iniwan ang lahat lahat sa pokpok niyang kabit at ako...ako ginawang miserable ang buhay namin ng anak mo?""A-anak ko?..A-nong ibig mong sabihin Maricar?Anong pinagsasasabi mooooo!!!"Sigaw ni Tyler."Oo Tyler anak mo, anak natin. Nabuo ang nangyari sa atin ng gabing iyon Tyler. Nabuo ang gabing nagpakasarap ka sa
Samantala sa manibela ng kanyang sasakyan sa garahe humantong ni Tyler at doon ibinuhos ang lahat ng hindi maipaliwanang na sakit.Gustong isipin ni Tyler na nagsisinungaling si Maricar. Alam niya at ramdam niyang nagsisingunaling ito.Malabo ang sinasabi nito alam niya iyon bilang lalaki.Bukod pa sa kilala niya ang pagkatao ni Maricar at natuklasan niya ng ginagawan ito kay Theo hindi malabong pati ang tungkol sa anak niya ay black mail lamang din."Pero ang tungkol kay Theo. Ang mga sinabi ni Maricar alam ni Theo na buntis ito at siya ang ama at namayapa si Theo na baon baon ang sakit na iyon ay ang hindi kayang matagap ni Tyler.Hindi siya makapaniwala sa lahat ng narinig. Hindi kayang iabsorb ng isip niya ang mga nalaman. Akala niya ang tanging kasalanan niya ay ang naganap sa kanila at sinikap niyang pagbayaran iyon.Lahat ng kondisyun ni Maricar ay ginawa niya maprotektahan lamang si Theo. Tapos malalaman niya na napanood din pala ni Theo ang lahat at...at.....pagkatapos ay ang
“Makinig ka babe, Aaminin ko sa kanila na si Dos ay anak ni Theo may DNA akong hawak at ikaw ay si Eloisa ang naging babae ni Theo.Hindi nila pagkakaabalaahang alamin ang pagkatao mo Erika, iisa lamang ang habol nila ang yaman ni Theo na pamana ng lolo namin na naibigay kay Eloisa” panimula ni Tyler.“Ang gagawin natin Erika, makikipagbargain tayo kay Maricar, sasabihin natin na ibabalik natin ang pera sa kanilang magina kapalit ng bone marrow transplant ni Dos at mangangako kang hindi na maghahabol sa lahat” sabi ni Tyler.“Pano kung kunin nila si Dos?’ tanong ni Erika na mas kinakatakutan niya.“They won’t do that, the fact na anak sa labas si Dos ay baka nga itaboy pa nila. At huwag mo ring maisip isip na ilalayo ko si Dos sayo package ko na kayong na mine matagal na” sabi ni Tyler. Gustuhin man pigilin ni Erika ang mangiti sa sinabi ni Tyler na matagal na daw silang na mine nito ay hindi niya naiwasan kaya napangiti si Erika sa huling sinabi ng binata.“Online miner ka na pala ng
"Ano? what? Abat..." Takang sabi nito"Wow kapal din ng pagmukha mong assuming ka!" Singit naman ni Maricar na dinuro pa si Erika pero tinapik nito ng malakas ang kamay ng babae."Kung kinakailangan kong maging bakal at makapal ang sikmura para sa karapatan ng anak ko ay gagawin ko Maricar kahit ano pang paghadlang ang gawin mo" matatag na sabi ni Erika."Abat lintek na babaeng ito ah.Nakakpikon ka na p*nyeta ka.Saan ka kumukah ng kapal ng mukha.Napawalanghiya mong pokpok ka..!” Sigaw ni Donya Viola sabay isang malakas na sampal ang ibinigay kay Erika. Hindi pa ito nakontento at sinugod na ng tuluyan si Erika at hinablot sa buhok at kinalad kinaladkap palayo ng lamesa.Agad namang itong inawat ni Tyler at halos maitulak ang ina upang mailayo lamang kay Erika."How dare you Tyler, bakit nagagawa mong itrato ng ganito ang sarili mong ina dahil lang sa babaeng yan ha?" galit na sabi ni Donya Viola."You ask for it Ma.." sabi ng binata pero agad namang inalalyan din ang halos naitulak na
"How dare you Tyler. Eto pa ba ang igaganti mo sa akin sa kabila ng pagtatakip ko sa mga naging kasalanan mo?" sabi ni Maricar."Kasalanan ko? matagal ng wala si Theo at panahon na para makabawi sa kapatid ko. Ano an ang ginagawa ko ngayon ay dahil sa kahilingan ng kapatid ko at sa dikta ng puso ko" sabi ng binata."Ano bang gusto mong mangyari Tyler ha maging ganito tayo kagulo ha!?" Biglang kambiyo ng kanyang ina."Simulat simula pa lamang ay ayaw ni Eloisa ng ginawa ni Theo. Wala siyang kontrol sa bagay na yun. Hindi rin siya after sa yaman ni Theo. Ginagawa ni Theo ang pagsasalin ng hindi nalalaman ni Eloisa. Nakasaad yun sa sulat ni Theo sa akin. At nakahanda si Eloisa na ibalik ang pera ni Theo sa iyo Maricar sa isang kondisyon" Sabi ni Tyler. "Kondisyun...anong kondisyun? ano ito Tyler?"nababagabag na sabi ni Maricar."Ang bone marrow ni Timothy, kapalit ng kayamanang nakay Eloisa. Piprma kami ng kasulatan na ibabalik sa iyo ang pera kapag naging matagumpay ang bone marrow tr
"Hoy ano bang inaarte mo dyan Maricar? Kapag kinausap ka ni Tyler ay pumayag ka na. Ang mahalaga dito ay ang mabawi na muna natin ang pera sa lintang iyon. Pagkatpos kapag nasa atin na ay saka nating paggisipan kung paano makukuha ang bata o kung paano hindi matutuloy ang kasal ng babaeng yun kay Tyler” Sabi ni Donya Viola.“Lintek na babaeng iyang may sa pusa ba yan? Paanong pumalpak ang plano natin ha?” Sabi in Donya Viola.“Hindi ko alam Mama"sabi ni Maricar.Balisa pa rin ito at hindi mapakali.“Basta wala siyang matandaan. Ang alam niyang pangalan niya ay Erika at yun din ang narinig kung tawag sa kanya ni Tyler noon bigla na lang nagbago ngayon . Hindi kaya nakalkal na ni Tyler ang pagkatao ng babaeng yun. O hindi…kaya..OMG.. Hindi! paano kung nakakaalala na yung babae Ma? Sabi ni Maricar."Gaga kung nakakaalala na yun di sana hindi na tatapak yun sa pamamahay ni Tyler para siyang sumilong sa lungga ng kaaway” sabi ni Donya Viola.“Pero kakampi niya si Tyler Ma" giit ni Maricar.
“T- Tyler…K-kanina ka pa ba dyan?” namumutlang tanong ni Donya Viola.“T-Ty….. narito si Tyler at narinig… oh diyos ko po paano na...?” bulong naman ni Erika na inalis agad ang tingin ay Tyler. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ng binata na nagbabaga. Hindi niya kayang tingnan ang mga mata nito.“Yes Ma, enough to hear everything!” galit na sabi in Tyler.“T-Yler A-nak sandali muna, please listen magpapaliwanag ak……”“Dapat lang Mama and I want the truth. This time I want the whole f*cking truth” halos sigaw ng sabi ni Tyler saka bumaling kay Erika na naroroon at nanginginig habang yakap ang anak.“How long have you been lying to me huh” tanong ni Tyler na hinablot ang braso ni Erika at ihinarap sa kanya. Doon lamang pumatak ang luha ni Erika.Tama siya, kasusuklaman siya ni Tyler kapag nalaman nito ang lahat ngayon pa nga lamang ay kulang na lang saksakin siya ng mga titig nito.“T-Ty hindi ko nais…ah nagkaroon kase ako ng…..please Ty, huwag ka sana munang magalit hayaan mo….”
Humagolhol na si Donya Viola ng maungkat ang nakaraan at napatayo bigla si Don Timotheo at niyakap ang asawang nahiwalay sa kanya ng mahigit pitong taon.Matagal na nagyakap ang dating magasawa habang nakatunghay ang dalawa nilang anak."Itinama ko na ang mga mali ko Viola, ibinalik ko na ang mga bagay na para sa iyo lamang dapat. Si Enteng ay nasa apelyido ko na matagal na kaya kasama na siya sa aking last will" mahinanhogn sabi ni Don Timotheo."Ipinapakiusap ko lang na magmula ngayon ituring nyo na siyang kapamilya at hindi private imbestigator lang ha" Sabi ng Don."Enteng anak, lumipat ka na sa bahay na binili ko para sayo. Limang taon yun baka makakapal na ang mga damo at mag asawa ka na din pwede para hindi na ako magalala" bilin pa nito."Walang problema Dad, basta huwag lang akong tatawaging kuya ni Enteng" sabi ni Tyler."Bakit? eh matanda ka ng apat na taon sa akin Kuya?" Sabi ni Enteng."Hoy Vicente dagugan kita dyan. Nakakailang at nakakakilabot eh. Basta Tyler na lang 35
Si Dos na unti-unti ng naging masigla lalo na nang si nurse meow na ulit ang bantay. Si Tres naman ay araw araw gumaganda ang kulay at nagkakalaman."Talaga nurse meow pogi ang kapatid ko, parang ako din?" Tanong ni Dos isang hapon na hinihilamusan ito ni Gwen. Bagamat may suot na itong bonnet at maputla nanatili ang maningning na mga mata ni Dos na ngayon lalong napagtanto ni Gwen na kahawig ng mata ng kanyang amo pati ang kulay ng mata nitong mala abuhin."Wait, biglang napaisip si Gwen.Bigla kase niyang naalala na abuhin di pala ang mata ni Enteng yun nga lang hindi biluhan ang mata nito. Hindi naman masyadong singkit pero papunta na roon."Wow yun amo niya at ung crush niyang oppa parehas gray ang mata so ironic" sabi oa ni Gwen."Nurse meow ang layo na ng nilipad ng isip. Nagpunta na ng Mars Mahal ka nun peksman" sabi ni Dos na kinalabit ang nurse na tila nananaginip ng gising."Talaga ba? Jin jia?" Tanong ni Gwen na ginagaya ang drama sa korea."Ne.....sashi!." sagot naman ng bi
Mahabang oras ang lumipas ngalay na ang ang puwetan ni Don Timotheo sa tagal ng paghihintay. Nakaisang idlip at gising na siya ng biglang bumukas ang operating room at lumabas ang isang doctor. Bago pa man nakareact si Don Timotheo ay umangat na ang ulo ni Tyler na sa palagay niya ay walang tigil ng pagdarasal.Agad nitong sinalubong ang lumabas na doctor."Doc...? k-kamusta ang magina ko?" tanong agad agad dito."Tumingin kay Tyler ang doctor ng seryoso kaya parang sasabog ang dibdib nito sa kaba."Bilib ako sa mga anak mo Mr.Dios they are all fighters.Your baby is fine pati na rin ang mommy ng bata.Nailabas namin ang anak mo ng walang naging komplikasyun. Now all we have to do ay palakasin ang bata sa loob ng dalawang buwan" sabi ng doctor."Oh God,Thank you doc ..thank you for saving my family" sabi niTyler."Sila ang lumaban Mr.De Dios , tinulungan ko lang" sabi ng doktor."In an hour ay ililipat na ang misis nyo sa private ward but sa ngayon masisilip nyo lang muna ang bata dahil
Samantala...Nang mga sandaling iyon naman sa kabilang dako ay nakatanggap ng mensahe si Don Timotheo mula sa isang hindi kilalang number. Ang sabi sa mensahe ay.. "Nos. 72 Pilapil street Baranggay Tunggong Manga Bulacan Kanang silid sa itaas"Yun lamang ang mensaheng natanggap ni Don Timotheo.Napangiti ito dahil hindi man nagpakilala ay alam niya kung sino ito.Bagamat ganun ay pipilitin niyang magkunwari at huwag kumibo para isipin ng taong iyon na wala siyang alam.Kaya hindi niya sinagot ang mensahe o tinawagan ang numero. Sigurado naman siyang hindi prank ang mensaheng iyon. Kasing seryoso niya ang taong nagpadala ng mensahe sure siya doon.Agad kinontak ni Don Timotheo ang dalawang tauhang inutusan niyang magmanman noon. Inutusan niya ang mga ito na kunin ang babae sa bahay na iyon at dalhin sa kanya at tatagpuin niya ang mga ito sa dating tagpuan.Limang oras matapos tumawag ay nasa kanto na si Don Timotheo, huminto sa tapat niya ang isang lumang kotse, isang babae ang may pirin
Tama si Don Timotheo kailangan itama ang lahat para maka move on na lahat. Si Eloysa ang nagmahal kay Theo at si Erika ang nangarap kay Tyler. Ngunit iisa ang puso ni Eloyza at Erika... kaya doble ang sakit. Pero si Tyler ay si Erika ang nakasama. Si Erika na isang fake, gawa-gawang pagkatao. Si Erika ang nakikita nito hindi si Eloyza. Hindi ang totoong siya.Sinubukan ni Erika na isipin ang mundong walang Tyler, walang Dos At walang bagong baby... Iniisip pa lang niya para na siyang hindi makahinga. Paano nga ba? Paano nga ba?Naging laman ng isip at puso ni Erika ng mha sumonid pang linggo ang mga alalahanin at ang takot sa magiging bukas kapag matapos na ang lahat.Ang ikapitong buwan ni Erika ay nagign napakaselan. Marahil dahil sa stress ay nakaramdam ng munting kirot si Erika sa kanyang balakang at sa singit. Kirot na tiniis niya magdamag pero pagdating ng madaling araw ay Sumobra ang sakit kaya tinawagan niya si Gwen."Ay sige ma'am Erika sandali lang..sandali lang" sagot ni
"Mga dalawng linggo na lang ay ihahatd na kita sa taong dapat na may hawak sayo.Sila na ang bahala sayo" sabi ng lalaki. Nakita niyang umiling iling ang nakakulong, nakita niya ang takot at panic sa mukha nito. Pumatak rin ang luha sa mga mata."Huwag kang magalala, maniwala ka sa akin mas nanaisin mong mapunta dun kesa ang bumalik sa ilalim ng tulay. Kung ako lang ang masusunod wala ka dapat dito ngayon at wala sana akong sakit ng ulo. Pero alam ko may mas mahusay siyang plano. Idol ko yun kaya mas tama ang naiisip nun" Sabi ng lalaki. Matapos alalayan ang nakakulong na makapaghilamos ng sarili at makapagpalit ng damit mga isang oras pang nanatili ang ang lalaki bago nagpaalam."Kailangan ko ng umalis at...." natigilan ang lalaki ng hawakan ng bihag ang kanyang kamay. Saka ito nagpikit na magsalita at magpasalamat kasabay ng pagtulo ng mga luha.Bagamat utal ay naintindihan ito ng lalaki. Nabasa niya ulit ang lungkot at mga takot sa mga mata nito. "Magpakabait ka lang may awa ang
Kung anuman ang meron kami ni Theo ay hindi kasama doon ang pera nito. Nagmahalan kami ng anak nyo sa mga panahong wala siyang kakampi. At lahat ng ito ay naranasan ko at pinagdaanan ko dahil lamang sa minahal ko si Theo pero kung mauilit ang lahat ng ito ay papayag pa rin ako dahil totoong minahal ko si Theo" Hindi napigilan ni Erika ang lumuha.Kinuha nitong ang mga papeles na ipinakita ng matanda. Gamit ang hawak na ballpen ay pinirmahan ni Erika ang Documento ng transfer at pati ang lahat ng space na kailangan ng lagda niya habang hilam ang mata sa luha. Pagkatpos ay hinablot niya ang papel na sulat ni Theo at pinunit iyon sa harap mismo ng ama nito."Eto ho, punit na, wala ng ibidensya at heto pirmado na, nabalik ko na lahat lahat sa inyo. Wala na ring affidavit kaya wala ba siguro kayong masasabi pa" sabi ni Erika at tumalikod."E-Erika...Teka..." Habol ni Don Timotheo pero lumingon si Erika na malungkot ang mga mata"At huwag ho kayong magalala. Hihintayin ko lang na maipangana
Nang mga sumunod na araw naman po ay palagi kayong balisa at palaging nasa loob ng silid" sabi ni Gwen. Tumango lamang ang kanyang amo at ibinilin na pakaalagaan muna si Erika lalo na ang ipinagbubuntis nito. Ikinuha ulit ng private nurse at private room ni Tyler ang si Dos. Kaya kahit hindi ito maasikaso ng personal ni Erika ay may nagaalaga kay Dos.Nagpapalitan sina Donya Viola at Don Timotheo sa pagdalaw sa apo.Isang hapon habang sabay na nagbantay kay Dos, kinausap ni Donya Viola si Don Timotheo at ikinuwento nito ang lahat ng tungkol sa nangyari kay Tyler, Theo at Erika at kung ano ang naging malaking kasalanan ni Tyler kay Erika noon.Ganun din ang dahilan kung bakit ang dating Eloyza ay Erika na ngayon. Halos hiid makapaniwala si Don Timotheo na halos manikip pa ang dibdib lalo na ng ipabasa sa kanya ni Donya Viola ang laman ng diary ni Eloyza at Theo mismo.Matagal na katahimikan ang namayani.Kuyom lamang ang kamao ni Don Timotheo.Tinapik tapik din ni Donya Viola ang kamay ng d
"B-Baby..!?" Para piniga ang puso ni Tyler. Na shock siya at parang huminto talaga ang tibok ng puso niya."Yes sir, hindi nyo po ba alam? your wife is four months pregnat?so, please ilayo niyo siya sa stress. Maybe in an hour ay magigising na siya " sabi pa ng doctor."Oh my God, I didn't know. All this time, will all this stress pala sa lahat ng nangyari. She's having my child again oh my God" naghahalo ang kaligayahan ni Tyler at awa kay Erika."Thank you doc" sabi ni Tyler na biglang tinalikuran ang doctor at lumapit kay Erika."Babe, babe...wake up, sid you hear that. I'm going to be a dad again.Thank you! Thank you for making me happy" hindi naitago ni Tyler ang kaligayahan kung noon aandap andap ang puso niya na kung pwede nga ba siyang mahalin din ni Erika, pero ngayon ay nagkapagasa siya"E-Erika, alam nating aksidente si Dos pero anak natin siya Babe, at galing siya sa akin Erika at salamat dahil binuhay mo si Dos sa kabila ng lahat ng nangyari. At ito, itong magiging anak n