MABILIS na nilapitan ni Aizo si Minnie na mabigat lang ang ginawang pag-iyak.
"Ivana what happened, where's my brother?"tanong ni Aizo rito na mabilis na tinanggal ang pagkakatali ng katawan nito sa may puno."Aizo! My gosh! S-si Aevo..."Saka muli itong humagulhol ng humagulhol sa harap niya."Relax Minnie, sabihin mo nasaan ang kapatid ko?"muling pang-uulit niya.Itinuro naman ni Minnie ang direksyon ng bangin. "Nahulog sila doon, hindi! Aevo!"Saka nagtatakbo ito papunta roon. Hinabol at pinigilan naman ito ni Aizo."Calm down, hintayin na lang natin ang mga rescuers na tinawagan ko,"Pagpapakalma niya rito. Matagal bago pa ito nagawang payapain ni Aizo. Awang-awa siya rito, tinapunan niya ng pansin ang bangin kung saan nito itinuro na nahulog ang kakambal."Sit down here, check ko lang ang bangin."Hindi man sumagot si Minnie ay tumalima naman ito.Tuluyan na ngang naglakad ito papunta roon, nanlumo siya habang nakatanawSA isang mamahalin na restaurant sila dinala ni Gideon. "Ladies what do you want to order?"masigla nitong tanong. Una nitong tinapunan ng tingin si Minnie. "Kahit ano na lang,"sabi niya rito. Titig na titig pa rin siya sa kabuuan ng mukha ni Gideon. Hindi pa rin siya makapaniwala, parang nakikita niya talaga si Aevo rito. Buhay na buhay at kasama pa nilang kakain sa ganitong klase ng restaurant. Parang katulad lang noon. "Ikaw naman?"Baling naman ni Gideon kay Mandy. "Kahit na ano na lang din po,"sagot naman nito. "Okay, just what you say so,"nakangiti pang wika nito. Manaka-nakang tinatapunan ni Minnie ng tingin si Gideon. Bawat galaw nito'y inihahambing niya sa asawa niya. Palangiti ito, habang si Aevo mabibilang lang sa daliri ang pagngiti ng ganoon: todo bigay kung ngumiti ang lalaking kasama nila sa lamesa. Napan
HINAWI muna pagilid ni Gideon ang buhok na nakaharang sa ibabaw ng mukha niya."Before I proceed, ipangako niyo na hindi niyo ako tatawanan pagkatapos,"sabi naman nito sa kanila."Dependi kung ano ang maririnig namin sa'yo,"wika ni Minnie.Binalingan ni Gideon si Mandy na mabilis na napatango naman."Good."Napahinga muna ng malalim si Gideon saka ito nagsalita."I met her in my dream several times,"umpisa nito. Na siyang nagpakunot noo kay Minnie akmang magsasalita ito ng hawakan siya ni Mandy.Nailing ito na aawatin siya sa balak sana niyang gawin. Kaya wala ng nagawa si Minnie kung 'di manahimik mula sa kinauupuan."That was my first na makapaniginip ng tao na hindi ko naman kilala at nakita pa in my entire life. Babaliwalain ko sana iyon pero she keep bragging in my dreams, Halos tatlong beses siyang nagpapakita sa panaginip ko sa isang buwan. The weird thing she's always in her bloody appearance. Hindi ako takot pero sobrang weird
BINABAGTAS na nina Minnie at Mandy ang kahabaan ng Aveneus. Kung saan lulusot doon ang papunta sa La Buento Del Corazon.Limang oras pa ang bibilangin bago sila makarating."Sa tingin mo ate, makikipagkita at makikipagtulungan pa sa atin si Kuya Gideon?"tanong naman ni Mandy na nasa tabi niya."Hindi ko alam Andy, sa totoo lang ay wala akong tiwala sa hilatsa ng pagmumukha ng lalaking iyon,"dismayadong sabi ni Minnie na naiiling pa."Mukha naman hindi ganoon si Kuya Gideon,"pagtatanggol naman ni Mandy.Napataas ang kilay na binalingan siya saglit ni Minnie, muli rin ibinalik nito ang pansin sa harap pagkatapos. "Aber! bakit mo naman nasabi? Ngayon pa lang natin siya name-meet ganyan na agad kalaki ang tiwala mo sa kanya. Hinay-hinay lang baka ma-disappoint ka lang sa huli."Paalala niya rito.Isinandig naman ni Mandy ang ulo sa nakasaradong bintana ng kotse at mataman lamang nakatitig mu
HALOS sumuray-suray si Gideon habang inalalayan siya ni Rudny palabas ng Club house nito."You can leave me now Aragon, kaya ko ng umuwi mag-isa,"bulol-bulol na sabi nito dahil sa kalasingan."I doubt you can, see parehas ng kaliwa kong maglakad ang paa mo."Naiiling na wika ni Rudny habang inaakbay na niya ang kanan braso ni Gideon.Kahit na hindi pa magmumula sa bibig nilang dalawa ay alam na nila na may bond na sila nito."Bahala ka! baka kasi hinahanap ka na ng chick mo. What her name again, Beatrice right,"patuloy na pagdadaldal ni Gideon. Tinanguan na sila ng security guard matapos silang pagbuksan sa exit door ng clubhouse. Lulusot iyon sa parking lot kung saan naroon na naka-park ang kotse naman ni Rudny."Saan ba kita iuuwi?"tanong niya rito habang naglalakad sila papunta sa kotse ng binata."Sa Buenavista na lang,"pagbibigay nito ng direksyon."Wait kayo pa rin ba ni Shamcey?"Kababakasan ng pagkamangha ang tinig
HALOS naligo siya ng sariling pawis pagkatapos niyang magising mula sa panaginip na iyon."Bakit nagpapakita pa rin sa akin ang babaeng iyon,"hinihingal niyang sabi habang hinihimas ang ulo. Napagawi ang tingin niya sa may bintana. Mataas na ang araw hindi pa sana siya tatayo ng biglang makuha ng pansin niya ang pagtunog ng Iphone niya."NOTICE: meet up with babe Minnie", basa niya. Sa lakas ng alarm niyon ay pati kalapit na unit ay maririnig iyon."T*ng ina! muntik ko ng malimutan." Sa pagmamadali niya ay hindi siya nakatayo ng maayos at tuluyan siyang nahulog sa kanyang kama."P*tang ina mo Gideon! Ang tanga mo't nagpatihulog ka pa sa kama!"pangangaral niya sa sarili. Kahit sobrang sakit pa rin ng binti niya ay pinilit niyang makatayo. Iika-ika siyang naglakad papuntang banyo.Pinagtatanggal na niya ang lahat ng suot niya, wala siyang itinira dahil bibilisan niya ang paliligo. Wala naman talaga siyang pakialam sa
NAGMAMADALING bumaba ng kaka-park niyang kotse sa restaurant na iyon si Gideon. Bago pa siya maglakad at puntahan sa loob si Minnie ay minabuti niyang sipatin muna ang itsura sa side mirror.Ngunit sa paghakbang niya ay bigla siyang napahakbang patalikod ng makasalubong niya ang babaeng pakay niya sa lugar mismo."Ginulat mo ako!"malakas niyang sabi. Ang ilang tao na labas-masok sa naturang restaurant ay nilingon sila. Maaga pa lang ay napakarami ng parokiyano ang nagpupunta roon para kumain. Isa rin kasi iyon tourist attraction sa lugar ng Binor."Anong nakakagulat sa mukha ko, your thirty minutes late sa usapan natin. Ngayon, ka pa lang dumating how dare you to keep me wait that much!"asik ni Minnie. Galit na galit ito habang dinuduro si Gideon.Nagpanting naman ang teynga nito, never in his entire life na pinagsalitaan siya ng ganoon ng isang babae.Babaeng hindi
BINALINGAN naman ni Gideon si Kit na nanatili lang nakatayo roon."What are you still doing here? get out,"utos niya rito.Tumango naman ito at dali-daling umalis sa silid ng lalaki.Pinagmamasdan lang naman niya ang ilang picture na hawak-hawak."So this is you... Aevo Gimenez."Nanatili lang siyang nakatingin dito ng ilang segundo sa closed up photo nito. Kitang-kita niya ang pagkakaresemblance nila, kung paano ito tumitig. May nunal ito sa may leeg habang siya. Napasapo sa kaliwang noo niya. Naka-coat and tie ito na kahit kailan ay hindi niya naranasan isuot. Para sa kanya he's not in formal type .Tuluyan siyang naglakad at nahiga sa kanyang kama. Inilapag na niya ang mga photo copy na kasama ng mga larawan.Tinitigan naman niya ang full body photo ni Aevo, unang titig pa lang niya rito ay nakaka-intemediate na. "Mas matalino ka lang tignan pero mas gwapo ako!"Nagtatawa siya. Para siyang baliw na kinak
OON na nga nananghalian si Gideon, dahil sa pagpapanggap niyang gagawin ay nagpaka-ama siya sa mga anak ni Minnie.Hindi niya alam kung anong nakain niya, pero heto at nasisiyahan sa ginagawa niya.Tuluyan isinarado ni Minnie ang pinto ng silid ng mga anak na binilinan lang naman ni Gideon na matulog ng tanghalian."Maraming salamat pinasaya mo ang mga bata. P-pero s-sana ay hindi mo na lang sinabi iyon kay Vonie na ikaw ay si Aevo,"wika ni Minnie na nag-iwas ng tingin."Bakit naman, kung magiging kapalit naman niyon ay mapasaya ko sila di'ba?"wika nito.Umiling-iling si Minnie, sa totoo lang ay naguguluhan siya. Naglakad na siya papunta sa may bintana at nanungaw doon. Kita niya ang tuluyan pagdidilim ng kalangitan na tila nagbabadiya ng isang malakas na ulan."Iniisip ko lang na niloloko natin sila, ayaw kong umasa sila. O-okay lang na ako, h-huwag lang sil
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma