“Mommy!” sigaw na sa akin ng anak ko, sumunod naman si Darren na pumasok at napatingin sa aming dalawa ni Lyndon.
“Mauuna na ko Trina, I’m glad that I met you again. Kita kita na lang tayo kapag nagkaroon ako ng oras na magbakasyon dito.”
“Lyndon,” tawag ko sa pangalan niya ng tumayo na siya. Diretso ko naman siyang tiningnan sa mga mata niya at ngumiti. “Thank you, thank you for being my friend kahit sa maikling panahon lang. Alam kong mahahanap mo rin ang babaeng para sayo, yung babaeng mamahalin ka kung paano ka magmahal. You’re a good man at wala ng hahanapin sayo ang isang babae.”
“But you didn’t like me back.” Pagbibiro pa niya sa akin kaya natawa ako.
“Yah.” Napalingon na lang kami kay Darren ng lumapit na ito sa akin at tumayo sa tabi ko. Napapailing na lamang si Lyndon sa kaniya.
“Ito na ba ang anak niyo?” bahagya naman siyang yumuko para magpantay ang tingin nila ni Chris.
“Hi baby, ang cute cute mo naman.” Wika niya kay Chri
“What do you want babe? Gusto mo bang ipagluto kita ng paborito mong ulam?” tanong sa akin ni Louie. Nakauwi na ako kanina pa, napapalingon na lamang ako kay Darren na abalang nakikipagharutan kay Chris. Alam kong naririnig niya ang mga tanong sa akin ni Louie, ewan ko ba kung guni-guni ko lang ba ang mga emosyon na nakikita ko sa kaniya ngayon. Nakikipagtawanan siya kay Chris pero pilit lamang ang mga ngiti niya. “Babe, I’m asking you.” muling saad sa akin ni Louie, napaiwas na lamang ako ng tingin kay Darren ng magsalubong ang mga mata namin. “Ah, yes. Sure, bakit hindi?” pilit kong ngiti sa kaniya. “Did you heard what I said?” muli niyang tanong, nawala naman ang pilit kong ngiti. Napatingin na lamang ako sa ibang direksyon dahil hindi ko talaga alam kung ano ba talagang itinanong niya sa akin kanina, maaaring narinig ko pero hindi ko na maalala. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. “Ipagluluto na lang kita ng masarap mong ulam, gusto mo ba
*** Mabilis na lumipas ang mga araw, unti-unti na ring natutuyo ang mga galos ko. Simula ng magising ako sa hospital ay hindi ko pa nakikita si Ate Joyce, kamusta na kaya siya? wala kayang nangyari sa kaniya? hindi ko na kasi nalaman dahil mabilis akong nawalan ng malay. Nakabalik na rin ako sa kompanya at pinagpatuloy ang mga naiwan kong trabaho. Hindi ko rin napapansin ngayon dito si Darren, busy siguro dahil nacancel noong nakaraang linggo ang desisyon para sa bagong chairman ng kompanya dahil sa nangyaring aksidente sa akin. Pwede niya namang ituloy yun, hindi naman malala yung nangyari sa akin pero pinacancel pa niya edi chairman na sana siya ngayon kung lahat ng nasa board ay sang-ayon sa kaniya. “Come in” saad ko ng may kumatok sa pintuan. Nilingon ko naman kung sino yan saka niya ako nginitian. “Mabuti naman at okay ka na, pasensya ka na kung hindi na kita nadalaw sa hospital.” Wika niya. “Pwede ba kitang makausap? Kung pwede lang humingi kahit kaunti
“I like it here po Daddy!” masayang saad ni Chris habang inililibot pa ang paningin niya sa paligid.“Be careful baby, please.” Saad ko sa kaniya ng maglikot siya sa upuan niya.“I’m sorry Mommy.” Hinging pasensya niya saka siya naupo sa upuan niya. Pareho naman siyang masaya kay Darren at kay Louie.“Are you okay, babe?” tanong sa akin ni Louie.“Okay lang naman ako, don’t worry.” Nakangiti kong sagot sa kaniya.“Wooow,” manghang anas pa ng anak ko ng makita niya na ang mga isenerve na food sa amin.“They’re look so delicious.” Dagdag pa niya, napapangiti na lamang ako dahil sa kacutan niya. “Sana isinama rin pala natin si Daddy, Mom para natikman niya rin ito.” wika niya, nagkatinginan pa kaming dalawa ni Louie dahil sa walang prenong bibig ni Chris. Hindi naman namin siya masisisi kung iyun talaga ang gusto niya. Bahagya na la
Nang makarating kami ay napapisil na lang ako sa pisngi niya dahil sa kacutan niya.“Aww,” daing niya saka niya hinaplos ang pisngi niyang pinisil ko.“I’m sorry baby,” natatawa kong saad sa kaniya. Lumabas naman na kaming dalawa saka ko hinawakan ang maliit niyang kamay. Napapadako naman ang tinginan sa amin ng mga empleyado ng kompanya.“Totoo nga talaga ang balita, may anak silang dalawa ni Sir Darren.” Rinig kong bulong pa nila, ewan ko kung bulong pa ba ang tawag nila dun kung naririnig ko naman.“Ang cute naman ng anak nila, kaya siya siguro nawala ng ilang taon kasi sa ibang bansa nanganak.” Dagdag pa, hindi ko naman na iyun mga pinansin at pumasok na kami sa elevator.“Good morning ma’am.” sabay-sabay pa nilang bati sa akin ng mga empleyadong kalalabas lang ng elevator.“Good morning.” Pormal kong bati, pumasok naman na kami ng anak ko at pansin ko pa
“Babe?” panggugulo sa akin ni Louie. Nandito siya sa office ko at kanina pa babe ng babe. “Babe, please look at me.” “What is it Louie?! Stop calling me babe baka mamaya anong isipin ng mga nakakarinig sayo.” Inis kong saad sa kaniya, tinawanan lang naman niya ako. “Ano naman ngayon kung may makarinig? Mind their own business. I like calling you babe.” Pang-aasar pa niya, napairap na lamang ako. Paano ko ba matatapos ang trabaho ko nandito siyang nanggugulo sa akin. “Wala ka bang gagawin? Huwag ako ang guluhin mo Louie, marami akong ginagawa.” “I can help you naman, ano pa bang gagawin mo?” lalo pa siyang lumapit sa akin at tiningnan ang mga ginagawa ko. “Kaya ko naman pala yan eh, akin na yung iba para ako na lang gumawa, mapapabilis ka pa malay mo makapagdate pa tayo.” Dagdag pa niya, kinuha ko naman sa kaniya ang mga hinawakan niyang papel. “No need, kung wala ka ng gagawin umuwi ka na lang para matapos ko na ito.” “No, let
Itinuon na naming dalawa ang atenyon sa mga papeles pero sa tuwing napapalingon ako sa tambak na mga papel sa gilid ko ay napapahilot na lang ako sa noo ko. Sumasakit talaga ang ulo ko kapag nakikita ko ‘tong mga ito eh. Kung hindi ko siya matapos ngayon subukan niya lang talagang magreklamo sa akin at siya ang pagagawain ko lahat ng mga ‘to ng isang araw lang! tingnan natin kung matatapos niya talaga. Iniinis talaga ako ng lalaking yun eh. Ano ba kasing nagawa ko sa kaniya?! Aish!“Okay ka lang? punit na yang papel sayo oh.” Saad ni Janet, tiningnan ko naman yung hawak hawak kong papel, inayos ko naman na iyun. Pati tuloy papel nadadamay ng dahil sa kaniya.“Ayos lang, hindi ko lang mapigilang hindi mainis sa Darren na yun eh.”“Halata nga, alam niya namang may anak kayo diba? Bakit naman pinapatapos niya sayo ito ngayon?”“I don’t know, pinakuha niya siguro sa mga magulang niya si Chris, dun da
“Hindi na kita maintindihan, mas mahirap ka pa yatang intindihin these past few days. I can’t believe you.” anas ko nanaman sa kaniya, akmang tatalikod na sana ako ng hawakan niya ako sa braso ko.“Kumain na muna tayo, alam ko namang gutom ka na and I’m sorry about lately.” Malumanay niya ng saad sa akin. “Sabayan mo na lang akong kumain tapos pupuntahan na natin si Chris.” Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na lang siya sinagot saka nauna ng naupo sa upuan.Umupo naman siya sa harap ko habang ang isa sa mga katulong nila ay naghahain ng makakain naming dalawa.“You know what, you’re acting weird lately.” Wika ko.“I know, I’m aware with that but you can’t understand me.” saad niya naman, napakunot na lang ang noo ko. Paano ko siya maiintindihan kung maya’t maya paiba iba ang emosyon niya, dinaig pa ang buntis eh.Nang maihain naman na yung mga pa
Kumatok naman na siya sa isang kwarto ng tatlong beses. “Mom, are you still awake?” tanong niya rito, maya maya ay bumukas na ang pintuan. “Why are you here?” tanong ng Mommy niya sa kaniya, hindi niya ako napansin kaagad dahil nandito ako sa gilid ng pintuan. “Tulog na po ba si Chris?” tanong ko sa kaniya, saka lang naman niya ako napansin ng magsalita ako. “Nandiyan ka pala iha, kanina pa ba kayo?” “Is that Mommy?” rinig ko pang tanong ni Chris, gising pa rin siya ng ganitong oras? “Mommy!” masaya niyang tawag sa akin ng makita niya ako, binuhat ko naman siya. “Why are you still awake? It’s already eleven.” Wika ko sa kaniya. “I can’t sleep, I’m thinking about you.” nakanguso niya ng saad. Lumabas na rin sa loob ang Daddy ni Darren. “Pasensya na po kayo, nakaabala po ba kami? iniisip ko po kasi si Chris.” “It’s okay iha, ganun talaga ang ina hindi makatiis lalo na kapag malayo ang anak sa kanila. Uuwi
“Acccckkk, my God! Bakit ang daming langgam!” rinig kong sigaw ni Joyce na nandito rin pala. Napangiti na lang ako ng tanguan at ngitian ako ni Daddy. Naiiyak naman si Mommy habang nakatingin sa aming dalawa. Masaya ako, masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na bumawi, na mahalin siya muli. Kung naging greedy ako sa kapangyarihan noon at pinili ang negosyo kesa sa kaniya, ngayon siya ang pipiliin ko over everything because she is my everything. Wala man akong naaalala sa kaniya sa nakalipas na pitong taon, wala pa rin namang nagbago sa nararamdaman ko dahil siya pa rin ang nakapagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakaton. Nasaktan ko man siya, babawiin ko yun, ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga pa siya sa mahalaga. She is like a gem that you don’t want to lose. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon, she is like an angel na bumaba sa lupa. She is so gorgeous in her white wedding dress. Pakiramdam ko masyadong mabagal ang oras at a
Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ni Trina, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ang akala ko talagang galit lang siya sa akin, wala akong inisip kundi kung paano ko uli siya makakausap ng maayos. Hindi ko alam na may nagtatangka pala ng buhay niya. I’m really a useless husband to her, am I really worth it for her? Wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko ng sampalin si Ashley nang sabihin niya sa akin ang lahat pero malaking pagpipigil ang ginawa ko because she’s still a woman. I never hit a woman and I will never be dahil kapag nanakit ako ng babae pakiramdam ko sinaktan ko na rin ang ina ko at ang asawa ko.Inamin sa akin lahat ni Ashley, lahat lahat ng mga ginawa niya. Sila rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente si Joyce gamit ang kotse ni Trina, hindi ko sila mapapatawad kung may nangyari kay Trina. Ang mga bulaklak ng tulips na palagi kong nakikita sa office ni Trina, I’m so stupid to think na may nanliligaw
TRINA POV “Babe,” mahinang wika ni Darren nang magkasalubong kaming dalawa. “Please let’s talk.” nagsusumamo niyang aniya, gustuhin ko man pero may kailangan akong gawin. “Maybe next time Darren.” “When? Gustong gusto na kitang makausap. Please, let me explain everything.” “Darren, may kailangan pa akong gawin.” Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko, blangko ko naman siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapahiya naman siyang binitawan yun. “I’ll wait.” Maghihintay pero kailangan may reserba? Tssss. I’m still mad at you Darren, nasasaktan mo pa rin ako. Kahit ganito lang ako, kahit na para akong walang pakialam sayo pero ramdam ko pa rin yung sakit. Para pa ring kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang picture niyo ng magkasama. Hindi ko lang kayang isipin na ang lalaking mahal ko may ibang humahawak sa kaniya. Walang salita ko siyang iniwan. May mga bagay na dapat pa akong malaman, kaya ko lang ihilom ang puso kong dulot ng mga pananak
Maya maya pa ay bahagya siyang nagulat pero hindi mo yun mahahalata kaagad kung hindi ka nakatitig sa mga mata niya.“If you have problem with me Ashley, tell it. Hindi yung ganito kailangan mo akong takutin ng mga sulat.”“Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito Ma’am. Wala po akong alam.” Wika niya pero this time parang hindi na convincing ang tinig niya. Alam kong walang nakagawa ng kasalanan ang aamin ng sarili niyang kasalanan. I will find it in my own way Ashley. Kung hindi nga ikaw then good to hear that. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sayo sa simpleng dahilan mo.“I just want to remind you Ashley, nasa ibaba ka pa. Wala ka pa sa pinakatuktok kaya huwag mong hayaan na kung gaano ka kabilis umangat ay ganun ka rin kabilis na bumagsak. Makakaalis ka na.”“Naiintindihan ko po Ma’am. Kung may nalaman man po ako, sasabihin ko po kaagad sa inyo. Ingat po kayo, pasensya na rin po sa nangyari.&
Ilang araw din akong hindi pumasok ng kompanya. Pagkaalis ng anak ko para pumasok ay umaalis na rin ako. Sa ibang lugar ko ginagawa ang mga trabaho ko. Halos araw araw ding nanggugulo si Darren sa bahay, ayon sa mga katulong ko. Gusto kong irelax ang sarili ko, gusto kong makapag-isip ng maayos. Uunahin ko muna ang tungkol sa babaeng nagtatangka ng buhay ko kesa kay Darren.I can deal with him to the other days pero hindi muna ngayong mas mahalaga itong ginagawa ko. Pinag-isipan kong mabuti, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga palatandaang nalalaman ko.Noong isang araw, nakita ko siyang may dala dalang mga bulaklak na tulips. Siya lang ang nakita kong may hawak nun sa mga pinagmamasdan ko sa kompanya. Maaaring may kinalaman siya sa nagpapadala ng mga bulaklak at card sa akin.Taas noo akong naglakad sa lobby kahit panay ang lingon sa akin ng mga empleyado. Ang lahat ng mga issue dito sa kompanya ay hindi lumalabas, subukan mong ilabas ngayon paniguradong bukas w
Nagising akong nasa tabi ko pa rin si Ate Joyce at nakatutok sa cellphone niya. “Gising ka na pala, gutom ka na ba? Nagpadeliver na lang ako ng pagkain nating dalawa rito. Ang tagal mo ring matulog.” Tiningnan ko ang relo ko at tanghalian na pala. Hindi ko namalayan ang oras, ganun na pala ako katagal na natulog. “You’re still here, wala ka bang gagawin?” paos pang tanong ko, nakatagal siyang hintayin o bantayan ako rito? “Anong gagawin ko? Gusto mo bang kalbuhin ko na talaga ang babaeng yun? Ang kapal kapal ng malanding yun. Pero kanina ko pa tinitingnan ang media pero wala namang nagbabago ron. Parang normal lang ba yung nangyayari rito sa kompanya.” Taka niyang wika, kahit naman magulo na rito sa loob walang magtatangkang ilabas ang lahat ng nangyayari rito. Takot na lang nilang mawalan ng trabaho. “Kilala mo si Darren, hinding hindi niya hahayaang marumihan o madungisan ang pangalan niya at ng kompanya. Lahat kaya niyang paikutin sa pamamagitan ng
Bahagya akong napahakbang, gusto kong makita ng malinaw baka namamalikmata lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gayong malinaw ang nakikita ko. Why? Bakit niya ginagawa sa akin ito? Bakit kailangan niya akong lokohin?Tahimik silang lahat na nakatingin sa akin, ni hindi ko rin maikurap ang mga mata ko para mapagmasdan ko ang itsura niya. What happened? Ilang araw lang silang nawala pero bakit ganito? Parang namamanhid ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko. What happened between them. Sunod sunod akong napalunok at unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtutubig ng mga mata ko.Malinaw kong nakikita ang litrato nilang dalawa habang nakahiga sa kama, pareho silang tulog. Why Darren? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Akala ko ba, ako lang? ako pa rin but what is the meaning of this. Ayaw kong maniwala pero heto na eh, malinaw na malinaw na ngayon sa harapan ko ang litrato nilang dalawa sa iisang kama. Parehong masarap ang tulog nila.“Ngayon, sabihi
Hindi ko alam kung paano ako makakapagtrabaho ng maayos nito dahil iniisip ko yun. Sa paglabas ko ng kompanya nakamasid lang ako sa paligid ko. Nagpapadrive na lang din ako, palagi ko ring chinecheck muna ang sasakyan ko para sigurado. Sa labas na rin ako nagpaparking para nakikita lang, lagi ring nasa tapat ng cctv camera. Speaking of cctv, tiningnan namin ang kuha ng cctv noong araw at oras na yun. Nakasuot siya ng itim at balot na balot ang buo niyang katawan kaya hindi namin makilala kung sino, hindi rin naman makita kung babae ba o lalaki. Hindi muna namin yun ipinaalam sa mga otoridad baka dahil mahalata kami. Sa tuwing tinatanong ko rin ang driver ng anak ko ay wala naman daw siyang napapansing kakaiba o delikado sa paligid nila. Mabuti naman kung ganun at hindi nila isinasali ang anak ko sa problema nila sa akin. Naging usap usapan si Ashley matapos ang runway niya sa New York sa media. Tinitingnan ko naman si Ate Joyce pero parang wala lang sa kaniya
Tatlong araw lang nanatili sa hospital si Ate Joyce at ngayon din ang araw ng fashion show ni Ashley. Kahit gamitin pa namin ang private plane ng kompanya ay hindi na kami aabot, hindi rin naman pwedeng pwersahin si Ate Joyce dahil sa nangyari.Naging mapagmasid din ako sa paligid ko simula ng sabihin yun sakin ni Ate, sa ngayon wala pa namang kakaiba sa paligid ko. Pinabantayan ko na rin si Chris sa driver niya, mananatili siya sa school kasama ng anak ko. Ayaw kong masyadyong pakampante at saka lang kikilos kapag may nangyari nanaman.Marami na akong pinoproblema sa trabaho ko tapos dumagdag pa ito. Ano ba talagang pakay nila sa akin? anong gusto nilang makuha para gawin sa akin ang bagay na yun at talagang gusto nila akong mawala sa mundo. Naipikit ko na lang ang mga mata ko at hinilot ang sintido, what I have done to them to do this to me.Kaming dalawa pa lang ni Ate Joyce ang nag-uusap tungkol sa bagay na ito, ayaw naming ipaalam muna sa iba dahil baka maa