SUNOD-SUNOD na napahithit si Dwight sa hawak na vape. Isinandal niya ang dalawang siko sa barandilya ng kinaroroonang veranda. Naniningkit ang mga matang ibinuga niya ang usok.
Pilit niyang iniwasan si Syrellie. Halos hindi na nga siya nag-u-opisina sa Pasay Branch para lang hindi niya ito makita. Late na rin siya kung umuwi para lang hindi sila magpang-abot. Halos sa guestroom na lang siya natutulog na hindi naman nito napapansin dahil nga madaling araw na siya kung umuwi. Nababahala kasi siyang baka kung palagi niya itong kasama ay hindi na niya mapigilan ang sarili at mapakialaman ito.Oo, nagbago ang plano niya. Wala na sana siyang balak na gawin sa babae ang nauna niyang plano na angkinin ito at gantihan. Nakokonsensya kasi siya. Lalo pa't nakikita niya ang pagmamahal na iniuukol nito para sa kakambal niya—na sa kaniya ibinubuhos sa pag-aakala nitong siya si Dwayne.Balak na nga sana niyang tapusin ang lahat ng pagpapanggap at bumalik na ng Spain. Pero nan
"PARADISE!" masayang bulalas ni Syrellie habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin sa haciendang kinaroroonan. Dumipa siya at napapikit. Kakarating lang nila ni Dwayne mula sa mahabang biyahe. Mahigit-kumulang tatlong oras ang iginugol nila sa pagpunta sa Hacienda Solivan. Hindi naman siya napagod sapagkat nakatulog siya. Ginising na lamang siya ni Dwayne nang malapit na sila. Ito na rin ang nagmaneho ng kotse. "You like it here?" narinig niyang tanong ni Dwayne. Nasa likuran niya ito at nakasunod sa kaniya. Dala nito ang ibang bagahe nila."Yes! Yes!" Sunod-sunod siyang napatango. Nilingon niya ito. "Ang ganda pala rito, 'no? Kaya pala palagi mong sinasabi noon na dadalhin mo kami rito na hindi naman matuloy-tuloy." Napahagikhik siya. Napapangiting napailing ito sa tinuran niya. Muli niyang pinagmasdan ang paligid. Malawak ang haciendang sakop ng mga Solivan. Halatang hindi basta-basta ang pamilya ng mga ito. Halatang may kaya sa buhay
LUMIPAS ang ilang araw na maayos ang naging pamamalagi nina Syrellie at Dwayne sa Hacienda Solivan. Marami silang pinuntahang lugar. Inilibot siya ng asawa sa buong hacienda. Ipinakilala siya nito sa mga tauhan at trabahante roon. Ipinasyal siya nito sa buong rancho gamit ang paborito nitong puting kabayo na pinangalanan nitong Storm. At ngayon nga ay nasa may waterfalls sila. Kasalukuyan silang naliligo at nagtatampisaw. Dinala siya roon ni Dwayne. Ang lugar daw na iyon ang pinakapaborito nitong pasyalan kapag nagbabakasyon ito sa hacienda na hindi naman nakapagtataka sapagkat sobrang ganda ng ilog na kinaroroonan nila. Napakalinaw ng tubig. Halos kita na ang mga naggagandahang bato sa ilalim. May namataan din siyang iba't ibang klase ng mga isda, malalaki o maliliit man.Ang sabi ni Dwayne ay mayroon pa raw roong kweba. Pero baka sa susunod na mga araw na lang nila puntahan. Hindi kasi sila nakapagdala ng headlamp, ni cellphone man lang na magsisilbing
"HONEY, did you miss me?" malambing ang boses na saad ng babae. "I've missed you so badly, Dwight..." Dwight? Gustong matawa ni Syrellie. Nasaan si Dwight? Si Dwayne naman kasi ang kasama niya ngayon. Marahil ay napagkamalan nitong si Dwight ang narito sa Hacienda Solivan. Hindi iyon nagkapagtataka sapagkat magkamukha ang dalawa. Pasimple niyang hinagod nang tingin ang babaeng kaharap. She looked familiar. Maganda ito at sopistikada. Tingin nga niya sa aura nito'y mukhang modelo. Petite kasi ito at matangkad. The woman was wearing a gray coloured long sleeve mini dress with white buckle belt on her waist. She just tied her hair up in a mini bun style. It exuded the woman's sophisticated aura, lalo pa't naka-makeup ito. Nagmukha tuloy siyang basahan kung itatabi rito. Naka-shorts lang siya at loose shirt nang mga sandaling iyon. Tsinelas lang din ang suot niya sa paa. Medyo basa pa ang damit niya. Nakaramdam tuloy siya ng kaunting insecurity sa katawan.
PRESENT TIME..."HERE we are."Naputol ang pagmumuni-muni ni Syrellie nang marinig ang boses na iyon ni Dwight.Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa apartment nang dahil sa napakahabang pagmumuni-muni niya sa nakaraan.Maging ang binata ay napakatahimik kanina. Hindi nga lang siya sigurado kung ano ba'ng mga iniisip nito—kung pareho ba silang nagbalik-tanaw.Marami pang mga nangyari pagkatapos na malaman niyang nagpanggap ito. Pero wala na siyang balak na alalahanin pa iyon. She planned to close that painful chapter of her life...with him."Salamat." Akmang lalabas na sana siya nang hawakan ni Dwight ang braso niya. Kunot-noong napabaling siya rito."Kumusta na siya?""Who?""Iyong anak...mo."Pasimple niyang ipiniksi ang kamay nitong nasa braso niya. "Okay naman," matabang niyang tugon. "Sige, lalabas na—""Puwede ko ba siyang makita?"Bigla ay tinambol nang kaba ang dibdib niya. Hindi nito puwedeng makita ang kambal. Puwede sana kung si Kelly lang.
"MAMA, we enjoyed a lot!" magkapanabay na bulalas ni Kelly at Kenjie. Hawak niya si Kenjie sa kamay. Habang si Kelly nama'y akay ni Yaya Melly.Gusto niyang matawa sa dalawa. Kambal na nga ang mga itong naturingan, halos kambal din ang mga sinasabi. Palaging magkapanabay. "Masaya si Mama na nag-enjoy and dalawang bubwit ko." Ngumiti siya. "May gusto pa ba kayong puntahan, mga anak?" tanong niya pa. Nasa Mall of Asia kasi sila. Inilibot niya roon ang dalawa. Pinapaglaro niya ang mga ito sa iba't ibang indoor playgrounds. Binilhan niya rin ang mga ito ng mga damit at laruan. Pero hindi lamang niya dinamihan. Baka mag-excess baggage pa sila oras na bumalik na sila ng France. "We wanted to eat, Mama. We're already starving," magkasabay na namang tugon ng mga ito, saka napahagikhik. "Okay then. We'll eat first before we go home. Where do you want to eat?" Saglit na nag-isip ang dalawa. Tila hindi ng mga ito alam kung
"MAMA, you forgot your cellphone!" Halos panawan ng ulirat si Syrellie nang makita si Kelly na nasa bungad ng pinto. Hawak nito sa kanang kamay ang cellphone. Iwinawagayway pa nito iyon na tila ipinapakita sa kaniya. Wala sa loob na napabaling siya kay Dwight. Waring naestatwa itong titig na titig lamang kay Kellly. Dali-dali siyang lumapit sa bungad ng pintuan. Kinuha niya sa pagkakahawak ni Kelly ang cellphone, at isinilid iyon sa bag. Pinatalikod niya ang anak at akmang papapasukin muli sa loob nang maramdamang may humawak sa braso niya. Mariin siyang napapikit. She just stood there for a moment, heart racing, her breath caught in her throat. Kahit na hindi niya ito lingunin, alam niyang si Dwight iyon. Ito lang naman kasi ang tao roon. She held her breathe. Hindi niya alam ang gagawin. She knew the moment had arrived—mabubuking na talaga siya nito. Akmang lilingunin niya ang binata nang sakto namang lu
"CAN I introduce myself as their father, Ellie?" tanong ni Dwight nang eksaktong makahinto ang kotse nito sa parking lot ng DMS building.May pagsusumamo sa mga mata ng binata habang nakatitig sa kaniya. Ngunit imbis na madala ay napakunot-noo lamang si Syrellie.Mayamaya'y bigla siyang bumunghalit nang tawa—isang mapang-uyam at sarkastikong tawa. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito para hilingin iyon sa kaniya. Gayong n'ong mga panahong kailangang-kailangan niya ito'y ipinagtabuyan lamang siya.Muling nanariwa ang sugat na idinulot nito sa kaniya. Sumeryoso siya. She cleared her throat."We better get going." Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng kotse nang hawakan siya ni Dwight sa braso. Salubong ang kilay na binalingan niya ito. "I know I am their father, Ellie! I can feel it. So you don't have any choice whether you like it or not! Kaya't karapatan nilang malaman 'yon! At karapatan kong magpakilala sa kani—"
"MAMA! Tito Dwight!" masayang bulalas ni Kelly nang eksaktong mabungaran sila nito sa may pintuan ng apartment.Inihatid siya ni Dwight pagkatapos ng photoshoot. Ayaw sana niya, pero sobrang mapilit ang binata, kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod sa kagustuhan nito.Maaga silang natapos. Hanggang alas-dos lang kasi ng hapon ang photoshoot time nila. Sa mga susunod na araw ay ang TVC naman ang kukunan. Pagkatapos n'on ay malaya na silang makakabalik ng France.Napangiti si Syrellie. Excited na siyang makauwi. Konteng tiis na lang, at hindi na niya makikita pa si Dwight. Mailalayo na niya rito ang kambal.She bent down para magpantay sila ni Kelly. "How's my baby?"Agad na yumakap ang anak sa kaniya. Pinupog siya nito ng halik. Natatawang gumanti siya. Ang sweet talaga ng anak niyang ito."Great, Mama! We just played and watch videos on Yo*tube," tugon nito, saka bumaling kay Dwight. "Hi, Tito Dwight! Thank you f