Chapter 34 Dixon's POV Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung paano nabuntis ang nobya ko. Sa loob ng isang buwan, wala kaming sex life dahil hindi ako tinatayuan man lang. Tanging ang secretary ko lamang ang tinatayuan ko, lalo na't nalaman ko na ang one-night stand ko sa Bohol ay iisa lamang sila. Naputol ang aking iniisip nang magsalita si Anne. "Excuse po, sir. May important meeting po kayo ng 9 AM sa iyong ina. Sa lunchtime din po ay may meeting kayo ni Mr. Casper," sabi niya sa akin. "Okay, thanks," sagot ko agad. Wala itong tugon kaya sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang nakaupo siya sa kanyang table. Apat na araw na ang lumipas at wala man lang siyang sinabi tungkol sa nangyari sa amin, o baka hindi niya alam na ako ang kumuha sa kanyang puri. "Fuck!" bigla kong nabigkas nang malakas kaya napatalon siya ng bahagya. "Sir? Galit kayo?" tanong niya sa akin. "No, no. May iniisip lang ako. Hindi ko alam na nabigkas ko pala. Continue your work, do
Chapter 36 Anne POV Hindi ko alam na nakatulugan ko pala ang sama ng loob ko. "Sino ba naman ako para ipagtanggol? Hamak na secretary lang ako," sabi ko sa aking sarili ng mahinang tinig. "Pero hindi ko maiwasang masaktan," dagdag kong sabi. 'Wag kang magpadala sa damdamin mo, babae. Kaya mo 'yan,' sabi ng isip ko. Tiningnan ko ang aking pang-bisig na relo. 3:30 pm na pala ng hapon, kaya napa-tingin ako sa table ng aking amo. "Nakabalik na kaya ang amo ko dito? Sana hindi. Paano na lang kung naabutan akong tulog dito? Baka masisante akong bigla," bigkas ko ng mahina. Ngunit napako ang aking paningin sa laptop na may nakadikit na isang note. "Patay, mukhang nakabalik na nga. Teka, ano kaya ang nakasulat dito?" wika ko sabay kuha at binuklat ko ito saka basa. MISS TAMBALOS, GO HOME EARLY AND REST. = DSF = Napangiti ako bigla dahil sa aking nabasa. "So, pwede na akong umuwi. Tamang-tama, gustong kumain sa labas ng fistball at mangga na may sawsawang sili na may b
Chapter 37 Kumaway lang ako. Saka pinikit ang aking mata. Hindi nagtagal ay minulat ko ito dahil natanto kong hindi ko pala naibigay ang address kung saan ako magpapahatid. Pero laking pagkamangha ko dahil eksaktong daan ang aming tinahak. Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng building. Kahit nagtataka ako, binalewala ko na lang, baka sinabihan na ito ni kuya guard kanina. Agad kong inabutan ng bayad ang driver at kinuha ang dala kong eco bag. Saka bumaba at dumungaw sa driver. "Salamat po, manong driver," saka ako ng papasalamat. "Walang ano man, senyorita," bigkas nito saka pinatakbo paalis. Naka-kunot noo lang ako habang nakatanaw sa naturang taxi na papaalis. "Ang weird nila," tanging sambit ko. Ihahakbang ko sana ang aking paa nang biglang sumulpot si Ann sa aking gilid. "Hello. Good morning, Anne," bigkas ni Ana sa akin. "Oh, hello. Good morning too," bati ko din dito. "Halika na, sabay na tayong pumasok," anyaya niya sa akin. "Sige," sang-ayon ko.
Chapter 38 "I'll talk to you later," sabi lang nito. "What’s my schedule today?" malamig nitong sabi. Kaya tumikhim ako nang mahina para mawala ang bara sa aking lalamunan. "You have a meeting with Miss Sharon at 10 AM sa Korean restaurant." "Good. Aalis muna kami, may pupuntahan kami. Maghanda ka sa baba, dadaan ka sa driver ko mamaya. Dalhin mo ang mga documents para sa meeting." "C-copy, sir," pilit kong wag mapiyok ang aking boses dahil may kung anong nagbabara sa aking lalamunan. Pagkatapos namin mag-usap, agad kong ginawa ang mga gawain ko. Hindi ko namalayang umalis na pala sila. Napangiti lang ako ng wala sa sarili, ngiti na may pait at lungkot. "Hay, mahirap ang magmahal sa isang taong may mahal nang iba," sabi ng isip ko sabay buntong-hininga. Inayos ko ang mga documents na dadalhin ko. Napagdesisyunan kong bumaba kahit 9:30 AM pa lang. Habang nasa lobby ako, natanaw ko ang mga apo ni manong kaya agad akong lumapit doon. Lumingon sila sa akin at tumakbo pap
Chapter 39 Dixon pov Hindi ako maka pagsalita ng nag bumati si Anne sa amin, dahil ayaw kung mahalata ni Patricia sa akin. Kahit na labag sa loob ko ay binig yan ko ito na malamig ng pakitungo. Yun kasi ang suggest ng mga kaibigan ko para hindi mahalata. Hanggang tinawag ako nito at nag paalam na mag leave ng isang buwan. Napa mura ako sa aking isipan dahil dalawang buwan ko syang hindi makikita pero mas okay na yun dahil magawa ko ang aking plano. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Patricia upang kumbinsihin ako. "I'll talk to you later," tanging sambit ko saka tumikim upang mawala ang nababara sa aking lalamunan. Bago ako nag-tanong kkung ano ang schedule ko ngayong araw. "What’s my schedule today?" malamig kong tanong. "You have a meeting with Miss Sharon at 10 AM sa Korean restaurant," sagot niya sa akin. "Good. Aalis muna kami, may pupuntahan kami. Maghanda ka sa baba, dadaan ka sa driver ko mamaya. Dalhin mo ang mga documents para sa meeting," u
Chapter 40 Anne pov. Napa ungol ako dahil nangangalay ang aking katawan, kaya ahad kong minulat ang aking mga mata ngunit nagtataka ako kung bakit isang bubung ng kotse ang aking nakita. "Anong nangyari? Bakit andito ako sa kotse natutulog?" mahinang sabi ko sa aking sarili habang nagtataka. Hanggang bumalik sa akin ang mga dahilan kaya napa upo lang ako nang natanto nitong galing kami ng aking amo sa isang meeting at pagkatapos naming manghalian ay nakaramdam ako ng antok kaya bumalik kami sa kumpanya, pero naka tulog ako habang nasa biyahe kami. Napa singhap ako ng nakita kong ang aking amo pala ang ginawang kong unan. Hindi ko namalayang dahan-dahan akong inilapit ang aking kamay sa mukha nito, hinaplos ang kilay, mata, ilong at labi pati hugis sa mukha nito ay hindi ko pina lampas. Agad ko din tinanggal ang aking kamay dahil gumalaw ito. Kaya nag pa kunwari akong bago din ako nagising sabay inat sa katawan at baling sa aking amo. " Pasensya na Sir, naka tulog ako. Gi
Chapter 41 Dalawang linggo ang bakasyon kaya sinulit namin talaga ang araw. Hanggang tumawag ang amo ni Celyn na kailangan bumalik na ito dahil may pupunta silang bussiness trip sa Hawaii. Kaya wala kaming nagawa kundi umuwi na lamang na may natitira pang dalawang linggo ang aming bakasyon. Mabilis ang lumipas ang mga araw ngayon ay mag limang linggo na akong walang trabaho. " Hay naka babagot na ako dito. Kain tulog lang ang ginawa ko," sabi ko sa aking isipan. Tumayo ito at tumingin sa salamin at pinag masdan ang katawan nito. "Tumaba na talaga ako," sambit ko. "Sino hindi tataba eh ang lakas mo kayang kumain, para kanang baboy hehehe," biglang sambit ni Celyn kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Aalis na ako bestie, may gusto kang ipabili sa'kin sa labas?" sila niya. Dahil sa sinabi ni Celyn ay biglang lumiwanag ang mukha ko. "Oo mayroon, bili mo ko ng ice cream at burger. Thank you," sabi ko agad. "Okay, sige bye," sambit nito saka tumalikod upang umalis. " Bye
Chapter 42 " Ano nga pala, ako si Jonathan Lee, you are?" pagpakilala niya sa akin. "Anne Tambalos po, Mr. Lee," ngiti kong sabi. Sabay abot sa kamay ko sa nakalahad na kamay hqngo nag kamayan kaming dalawa. Kahit papaano ay mawala ang aking attention sa dalawang taong nasa aking unahan. "Ahmm.....!" pa wasak sa aming katahimikan. "Mr. Lee upo po kayo," sambit ko. Pag-upo nito ay agad kong tinanong kung ano ang favor ang hinihingi nito sa akin. "If you don't mind, pwede ka ba naming makuhaan ng pictures para sa gagawin naming propaganda sa aming restaurant. Dont worries babayaran ka namin ng Mrs ko," wika niya sa akin. "Im sorry po Mr Lee, hindi kasi ako model at isa pa nag-iingat po ako sa aking pagbubuntis," ngiti kong sabi. "Oh congrats, pero hindi ka naman rarampa, nakaupo ka lang at aaktong kakain ka tulad kanina, lahat ng mga putahi ay ihahain namin. Don't worry, lahat ay libre pati itong kinain mo ay walang bayad at pwede ka ring mag take out lahat na ano
Chapter 114 The Final Makalipas ang ilang buwan, naging opisyal na ang "Anne’s Light Foundation". Sa araw ng paglulunsad, napuno ng mga tao ang event hall—mga bata, magulang, at mga kaibigan. Si Amara, sa kanyang simple ngunit eleganteng damit, ay tumayo sa entablado, hawak ang mikropono. Iba na ang kanyang aura ngayon—matatag, puno ng kumpiyansa, at may bagong pag-asa. "Mahal ko si Mom," panimula ni Amara, nagpipigil ng emosyon. "Hindi madaling mawalan ng isang magulang, lalo na kapag sila ang ilaw ng iyong buhay. Pero natutunan ko na ang ilaw na iyon ay puwedeng ipasa sa iba—sa mga batang nangangailangan ng gabay at pagmamahal." Tumingin siya sa akin mula sa entablado, at alam ko na ang susunod na sasabihin niya ay hindi lamang para sa mga tagapakinig, kundi para rin sa aming. "Ang "Anne’s Light Foundation" ay hindi lamang para kay Mom, kundi para sa lahat ng mga batang nawalan ng magulang, upang ipakita na hindi sila nag-iisa. May pag-asa, at may mga taong handang mag-ab
Chapter 113 Dixon POV Habang pinagmamasdan ko ang proyektong inilunsad ng aming mga anak bilang alaala sa kanilang yumaong ina, si Anne, dama ko ang saya at pagmamalaki habang nakikita ko ang kanilang mga ngiti. Ngunit sa kabila ng mga ngiting iyon, hindi pa rin naitatago ng kanilang mga mata ang lungkot, lalo na ni Amara, ang aming panganay, na lubos na naapektuhan sa pagkawala ng kanyang ina. Samantala, ang dalawang kambal ay abalang masayang nakikipag-usap sa kanilang mga kakilala. Si Sitti, na likas na masayahin, ang laging nagbibigay liwanag at ngiti sa amin. Sa kabilang banda, ang kanyang kakambal na si Stanley ay mas malalim mag-isip at laging may malawak na pag-unawa sa mga nangyayari sa paligid. Siya ang nagiging sandigan namin, habang si Amara, mula nang pumanaw ang kanyang ina, ay naging mas seryoso at mas nagtuon sa lahat ng bagay. Si Amara ang pinakaapektado sa pagkawala ng kanyang ina. Mula noon, bihira ko na siyang makitang ngumiti. Naging seryoso ito sa trabaho
Chapter 112 Stanley POV Ang araw na iyon ay puno ng kalungkutan, ngunit habang naglalakad kami palayo sa libingan ni Mom, isang pakiramdam ng responsibilidad ang bumalot sa akin. Si Sitti at ako, kami ang natitirang mga anak, at sa aking puso, alam kong kailangan kong maging haligi ng pamilya. Kailangan kong ipakita ang lakas, hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa kanila. Habang naglalakad, nahulog ang aking tingin sa lupa. Ang mga alaala ni Mom ay bumabalik—ang mga tawa niya, ang mga payo sa buhay, at ang mga simpleng sandaling kasama siya. Saksi ako sa kanyang lakas sa kabila ng lahat ng pagsubok na hinarap niya. Pero ngayon, ang tanong ay; 'Paano ko siya mapapangalagaan sa kabila ng kanyang pagkawala?' “Stanley,” sabi ni Sitti, lumingon siya sa akin. “Anong iniisip mo?” “Iniisip ko kung paano natin maipagpapatuloy ang lahat ng ipinaglaban ni Mom,” sagot ko. “Kailangan nating ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.” Ngumiti siya ng mahina. “Oo, para kay Mom. Pero pa
Chapter 111 Sitti POV Ang araw ng paglilibing ni Mommy Anne, ay isa sa pinakamabigat na araw sa buhay ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may mga bagay na tila hindi ko matanggap. Habang nakatayo ako sa tabi ng kanyang puntod, ramdam ko ang bigat ng bawat pagkilos at salita. Ang bawat mukha sa paligid ay nagdadala ng sariling kwento ng sakit at pagkawala, ngunit sa akin, ang sakit ay mas malalim. Nakita ko si Ate Amara sa tabi ng aming ama, hawak ang mga kamay nito, at alam kong kahit gaano kalalim ang kanyang sakit, nariyan pa rin ang katatagan sa kanyang puso. Pero sa akin, parang isang bagyong dumaan—wala akong nakitang liwanag. Ang lahat ng alaala namin ni Mom ay nagiging ulap sa aking isipan, parang mga larawan na unti-unting naglalaho. “Bakit ganito, Mom?” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa hukay. “Bakit kailangan mo pang umalis?” Luminga-linga ako sa paligid, tila hinahanap ang sagot sa mga mata ng mga tao. Wala. Sila rin ay nababalot ng lungkot. Nakita ko ang m
Chapter 110 Amara POV Bata pa lang ako, alam ko na espesyal si Mom. Hindi lang dahil sa palaging mainit ang mga yakap niya o masarap siyang magluto—iba siya. Palagi niyang pinaparamdam sa amin na mahalaga kami, na kahit anong mangyari, andiyan siya para sa amin. Pero habang lumalaki ako, napansin kong unti-unti siyang nagbabago—ang mga ngiti niya, kahit totoo, ay may halong lungkot. Ngayon, alam ko na ang dahilan. Noong una kong nalaman na may sakit si Mom, hindi ako makapaniwala. Palagi kong iniisip na magiging masaya at buo ang pamilya namin magpakailanman. Hindi ko lubos naisip na maaaring mawala siya. Pero nang makita ko siyang humihina, doon ko napagtanto ang katotohanan. Napakahirap tanggapin na hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. Sabi nga ni Mom noon, "Ang buhay ay parang isang libro—may simula at may katapusan, pero mahalaga kung paano natin isinusulat ang mga pahina." Nang mas maramdaman ko ang bigat ng kanyang sitwasyon, mas naging malinaw sa akin kung gaano s
Chapter 109 Dixon POV Wala nang mas masakit pa sa pag-alam na unti-unti nang nawawala ang pinakamamahal mong tao. Ang mga simpleng bagay na dati kong hindi pinapansin—ang mga ngiti ni Anne, ang kanyang mga kwento, ang kanyang mga yakap—ngayon ay nagiging kayamanang mahirap bitawan. Alam kong hindi ako handa, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang pigilan. Simula nang malaman ko ang tungkol sa sakit ni Anne, nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Ang bawat araw, bawat sandali, ay tila binibilang ko na. Lahat ng ginagawa namin ay parang may halong lungkot, kahit na sinisikap kong gawing masaya ang mga natitirang araw namin bilang isang pamilya. Isang umaga, habang nasa veranda si Anne at nagmumuni-muni, pinanood ko siya mula sa loob ng bahay. Ang tahimik niyang pagmamasid sa mga ulap ay parang isang paalala na ang bawat sandali ay mahalaga. Hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi ko gustong ipakita sa kanya ang takot ko, pero hindi ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko. Lumapit
Chapter 108 Anne POV Masaya ako na kasama ko ang aking mahal sa buhay—ang aking asawa, si Dixon, at ang aming tatlong anak. Bawat halakhak ni Amara, ang aming panganay, ay nagbibigay ng kakaibang saya sa aking puso. Sa kabila ng kanilang paglaki, nananatili ang respeto ng kambal, sina Sitti at Stanley, sa kanilang nakatatandang kapatid. Nakikita ko sa kanilang lahat ang mga mabubuting tao sa hinaharap—mga anak na magpapasaya sa amin ni Dixon. Sa kabila ng kahinaan ng aking katawan, hindi ko ito pinapahalata. Ayaw kong mag-alala sila sa akin. Pinili kong itago ang aking sakit upang hindi sila mag-alala o magdalamhati. Alam ko na ang aking oras ay limitado. Ngunit sa bawat araw, sinusulit ko ang bawat sandali, ginugugol ang natitirang oras kasama ang mga pinakamahalaga sa aking buhay. Sa bawat ngiti ni Dixon, ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Hindi man niya diretsong sabihin, alam kong nararamdaman niyang may mali sa akin. Minsan, mahuhuli ko siyang nakatingin nang matagal, ti
Chapter 107 Sitti POV Mula nang magdesisyon kaming umuwi, ang puso ko ay puno ng excitement. Hindi ko maikakaila ang ligaya na dala ng muling pagkikita sa aming pamilya. Habang ako’y natutulog, naisip ko ang mga alaala ng aming kabataan—mga picnic, beach trips, at mga bonding moments na kasama ang aming mga magulang at kapatid. Pagkagising ko sa umaga, sabik akong nag-ayos ng mga gamit. “Stanley, anong oras tayo aalis para sa beach trip?” tanong ko, habang nag-aayos ng mga swimsuit at towels. “Siguro mga alas-dos, para hindi masyadong mainit,” sagot niya. Habang nag-aalmusal, pinagmamasdan ko ang aming mga magulang na masayang nag-uusap. Ang kanilang ngiti at tawanan ay nagbibigay ng init sa aking puso. “Gusto ko sanang ilabas ang mga lumang litrato natin mamaya, para balikan ang mga alaala,” mungkahi ko. “Magandang ideya yan! Masaya siguro ‘yun,” tugon ni Mom, sabik na naghahanap ng mga album. Matapos ang almusal, nagsimula na kaming maghanda para sa beach. Ang mga bata, tula
Chapter 106 Stanley POV Mula nang nag-video call kami ng aming mga magulang, puno ng saya at excitement ang aming puso. Nais naming surpresahin sila sa aming pagbabalik sa Pilipinas. Ang mga alaala ng mga pamilya namin ay nagbibigay ng inspirasyon sa amin, at ang mga plano namin ay unti-unting bumubuo. “Stanley, excited na ako! Kailangan nating maging maayos ang lahat,” sabi ni Sitti habang nag-aayos ng aming mga kagamitan sa suitcase. “Oo, dapat tayong maging tahimik tungkol dito. Gusto kong makita ang kanilang mga mukha kapag nakita nila tayo,” tugon ko, punung-puno ng kagalakan. Habang nag-iimpake, naisip ko ang mga bagay na nais naming ipahayag sa aming mga magulang. Matagal na rin kaming wala sa Pilipinas, at ang pagkakataong ito ay tila isang regalo. Ang mga pagmamahal at alaala mula sa mga nakaraang taon ay muling bumabalik sa akin. “Anong mga pasalubong ang gusto mong dalhin?” tanong ni Sitti habang naglalagay ng mga damit. “Baka magdala tayo ng mga sweets at del