Carmella
"Wow Ate ang ganda" bulalas nya ng makita ang gown na isusuot ng kapatid sa kasal nito.
"Maganda ba?" Tanong nito at pinatong ang gown ang katawan at inikot-ikot.
"Maganda Ate sobra" sagot nya at mabilis na niyakap ang kapatid. Masaya sya para sa Ate nya dahil natagpuan na nito ang lalaking magmamahal rito at tanggap kung ano mang nakaraan ng kapatid. Nagpapasalamat syang nakatagpo ang kapatid na tunay na magmahal rito. At sana ganoon rin ang Ate Lanie nya at kung papalarin pati sa sana sya makatagpo ng tamang lalaki para sa kanya. Sa naiisip nya biglang pumasok sa isip nya si Aiden mabilis syang napailing ng ulo.
"Pag ikaw kinasal mas maganda pa dito ang gown mo" sabi ng Ate Grace nya habang pinapakita sa mga kapatid ang gown.
"Paano ikakasal yan wala ngang boyfriend" sabat ng Ate Lanie nya habang nakapalupot kay Mike, at pinagpapasalamat na rin nyang nagkabalika
CarmellaMuntik pa nyang malagla ang hawak na cellphone ng makita ang lalaking nakatayo sa may pintuan ng kubo. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. Napalunok sya habang titig na titig sa lalakeng ang buhok ay aabot sa batok na nito na may pagka wavy at magulo. Nakasuot ito ng itim ng t-shirt at maong na halos punit na sa magkabilang tuhod. Wala itong sapin sa mga paa. May hawak itong malaking baril na ginagamit sa panghuhuli ng mga ibon. Matapos nyang masuri ang kabuuan nito, bumalik ang mga mata nya sa mukha nito. Napalunok sya muli ng mapagmasdan mabuti ang gwapong mukha nito. Iniisip nya kung sino ito at bakit tila ngayon lang nya ito nakita sa San Miguel. Well, nasa dulo na nga pala sya ng San Miguel malayo mula sa kanila."Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong nito na Umagaw ng atensyon nya at mabilis nyang iniwas ang mga mata dahil baka mahalata nito ang pagsuri nya rito."Ah...
Carmella"Pwede ko ba hayaang nakabukas ang bintana?" Paalam nya kay Aiden habang tinatahak na nila ang daan pabalik sa Del Castillo Resorts. Nais kasi nyang masamyo ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa mga naglalakihang punong nakatayo sa gilid ng kalsada. Isa pa nais nyang mapagmasdang mabuti ang kapaligiran."You love the place?" Tanong nito at sinulyapan sya."Yes, pakiramdam ko nasa ibang lugar ako at wala sa San Miguel kung saan maraming nagmamaliit sa akin" amin nya. Pagdating kay Aiden hindi nya maitago ang tunay na saloobin."Don't mind them, basta alam mo sa sarili mong hindi ka tulad ng iniisip nila" sagot nito. Ngumiti sya ng bahagya dahil tila hindi si Aiden ang nagsalita, dahil sa pagkakaalam nya galit din ito sa kanya lalo na sa pamilya nya."I hope so" bulong nya at pinatong ang braso sa bintana at doon pinatong ang pisngi para makitang mabuti ang
Aiden"I told you, na paalisin mo na kasi ang babaing yon! Di sana walang nangyaring ganito! Oh god Aiden you let that bitch hurt me! Nakita mo ba ang ginawa ng babaing yon sa akin ah!" Mag sigaw na sabi ni Ivy habang papasok sila sa opisina nya.Kanina pa ito putak ng putak at sinisisi si Carmella samantalang ito naman ang nagsimula ng gulo, tapos ngayon natalo ito idadamay pa sya nito kung bakit daw hinayaan nyang saktan ito ni Carmella."Damn that whore!""Language Ivy!" May bantang sabi nya rito at pumasok sa loob ng opisina"Magbabayad sya!" Gigil na sabi nito at sumunod papasok sa kanya."Ivy, ikaw naman ang nagsimula ng gulo eh, di ka nga kilala nung tao""For god sake Aiden! Don't tell me na kinakampian mo ang malanding yon?!""Ivy, watch your word!" Muling banta nya dahil kanina pa nito sinasabihan ng kung ano-ano
CarmellaMabigat ang katawan nyang bumalik sa Del Castillo matapos ang nangyari ng isang araw. At alam nyang marami pang ganoong eksenang mangyayari kung hindi pa sya aalis sa Del Castillo Resorts. Pero hinde, pinangako nya sa sarili na tatapusin nya ang sinimulan sa Del Castillo Resorts at tulad ng plano aalamin parin nya ang katotohanan na nais nyang malaman. May dalawang linggo pa sya para manatili sa Del Castillo Resorts at kung matapos ang panahon na yon at wala paring sagot na makita, susubukan nyang itanong muli sa kapatid ang nangyari noon. Lalo na ngayon dahil na iinvolve ang damdamin nya kay Aiden na pinipilit nyang iwaksi pero sa tuwing nakikita nya ito ay hindi maiwasan ang sariling damdamin.Pagdating nya sa Del Castillo Resorts agad syang sinabihan sa HR na mula bukas gabi na sya mag du-duty. Hindi na sya nagtanong pa, alam naman nyang dahil sa nangyari noong isang araw kaya ililipat sya ng nightshift para ma
Aiden"Anong oras umalis si Papa" tanong nya sa sekretarya ng pagdating nya ng Resorts wala na ang Papa nya. Nagpunta sya ng kabilang bayan para asikasuhin ang pagpa renovate sa ilang mga silid ng Hotel, hapon na sya nakabalik ng Resorts at hindi na nadatna ang Papa nya. Katatawag lang ng Mama nya nagbibilin sa Papa nya dahil hindi nya daw ito ma kontak. "Kanina pa po Sir" sagot ng sekretarya. Bumuntong hininga nalang sya at pumasok sa loob ng opisina. Ilang beses na rin nyang napuna na tila may kakaiba sa ikinikilos ng Papa nya. Madalas umaalis ito ng bahay ang paalam lang mag go-golf kasama ang mga kaibigan. At sa tuwing aalis ito laging naka off ang cellphone dahil daw ayaw nitong may maka istorbo sa free time nito. Naiisip nya bigla na hindi kaya nakikipagkita nanaman ang Papa nya kay Grace? Alam nya at ng buong bayan nila na si Grace Perez lamang ang naging babae ng Papa nya, kaya hindi matanggap ng
Aiden"Anong oras umalis si Papa" tanong nya sa sekretarya ng pagdating nya ng Resorts wala na ang Papa nya. Nagpunta sya ng kabilang bayan para asikasuhin ang pagpa renovate sa ilang mga silid ng Hotel, hapon na sya nakabalik ng Resorts at hindi na nadatna ang Papa nya. Katatawag lang ng Mama nya nagbibilin sa Papa nya dahil hindi nya daw ito ma kontak."Kanina pa po Sir" sagot ng sekretarya. Bumuntong hininga nalang sya at pumasok sa loob ng opisina.Ilang beses na rin nyang napuna na tila may kakaiba sa ikinikilos ng Papa nya. Madalas umaalis ito ng bahay ang paalam lang mag go-golf kasama ang mga kaibigan. At sa tuwing aalis ito laging naka off ang cellphone dahil daw ayaw nitong may maka istorbo sa free time nito. Naiisip nya bigla na hindi kaya nakikipagkita nanaman ang Papa nya kay Grace? Alam nya at ng buong bayan nila na si Grace Perez lamang ang naging babae ng Papa nya, kaya hindi matanggap ng M
Carmella"I want you Carmella" Aiden said."I know that, pero hanggang saan?" Tanong nya kahit alam na nya ang sagot nais parin nyang marinig kung hanggang kama lang ba sya para kay Aiden. Humugot ito ng malalim na paghinga at napasabunot sa sariling nitong buhok."I don't know, it just be my woman Carmella""Woman? To fill and warm your bed Aiden?" She asked with fraction."Ibibigay ko sa iyo lahat, money, house, car, everything money can buy""Anong kapalit Aiden? Katawan ko ba?""Yes Carmella your body""Alam mo bang sa sinasabi mong yan tila wala akong pagkakaiba sa mga kapatid ko pag tinanggap ko ang halok mo""You are different Carmella, dahil ako lang ang magigiging lalaki sa buhay mo, I'll keep you as long as I want you and-""And after that? Anong gagawin mo sa akin pag ayaw mo na
Aiden"God damn it!" Sigaw nya at tinabig ang mga gamit nasa ibabaw ng mesa. Kung saan nakahiga si Carmella kanina. Tumapon sa sahig ang mga gamit at lumikha ng malakas na ingay.Sinulyapan nya ang mesa at napangisi. Hindi ba't he never fuck in his office? Hindi ba't kasama sa mahigpit nyang rules na hindi nya gagamitin ang opisina sa babae. Bakit kay Carmella ang daling nabali ang rules nyang yon. Alam nyang kung hindi lang kumatok ang sekretarya nya ay kayang-kaya nyang makuha si Carmella.Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit nagpakababa sya ng ganoon kay Carmella para lang mapapayag nya ito. Pero yun lang ang tangging paraan nya para makuha si Carmella at masagot ang lahat ng mga tanong nya kung ano nga ba ang nararamdaman nya kay Carmella. Kung bakit bumabagabag sa kanya ng usto ang isang tulad nito. Yes aamin nyang maganda si Carmella, makinis, may magandang katawan, at alam nyang maraming kal
"Wow" Anas nya ng makita kung gaano kaganda ang ayos ng Del Castillo Resorts para sa kasal nila ni Aiden. Ang mga kapatid ni Aiden ang nag-asikaso sa pag-aayos ng venue, at ang Mama naman ni Aiden ang nag-ayos para sa reception. At ang Papa naman ni Aiden ang nakiusap sa pari para sa kanila. At sila ni Aiden wala namang ibang ginawa kundi i advance ang honeymoon nila sa bahay ng mga Del Castillo."Nagustuhan mo ba Ate Mella?" tanong ng bunsong kapatid ni Aiden."Oo naman" naiiyak na sabi nya, dahil pakiramdam nya nasa cloudnine sya. Nakakaiyak dahil lahat ng pinapangarap nya ay nakuha na nya. Unang-una si Aiden ang asawa nya at ang magiging anak nila, bonus nalang sa kanya ang mga materyal na bagay at kung ano mang meron si Aiden."Mella, hija halika na mag bihis kana" tawag ni Mrs. Del Castillo sa kanya. Agad nyang pinahid ang mga luhang nais pumatak. At ngumiti sa Mama ni Aiden na magiliw na nakangiti sa kanya."Tara na ate Mella" magiliw na yaya
Pagdating nila sa silid ni Aiden, agad syang humanga sa laki at ganda ng silid nito, tila buong bahay nila ang lawak non. Isama pa na kumpleto sa kagamitan ang silid. Alam nyang may kaya talaga ang mga Del Castillo."Welcome to my room Carmella" turing nito at niyakap sya mula sa likod. Ngumiti sya at hinawakan ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Naramdaman nya ang init ng hininga nito sa batok. Nakaramdam syang ng kakaibang init. Aaminin nyang na miss nya si Aiden, dahil mula kaninang pagdating nila ng San Miguel ay hindi pa sila nito nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang."I love you Aiden" bulong nya, at umikot paharap sa asawa. Oo asawa na nya si Aiden mag-asawa na sila nito at muli silang ikakasal sa susunod na linggo, at magiging Aiden Del Castillo sya sa ikalawang pagkakataon."I love you more Carmella" he whispered and kissed her passionately, she respond seducing her husband. Of course dapat lang na may mangyari sa kanila ni Aiden sa l
"Huwag mo ba kaming intindihin Mella, masaya naman na kami" Sabi ng Nanay nya ng pasyalan ang mga ito. Kasama nya si Aiden na pumunta sa inuupahang bahay nila."Pero Nay, gusto ko po sanang andoon kayo sa kasal ko" pakiusap nya sa ina. Nasabi nya sa ina na ikakasal na sila ni Aiden. At tanggap na sya ng pamilya Del Castillo."Carmella, nakakahiya naman sa pamilya ni Aiden" bulong ng nanay nya at sinulyapan nito si Aiden, na tahimik na nakaupo sa tabi nya. Alam nyang nahihiya ang Nanay nya sa mga Del Castillo, dahil na rin sa pagiging kasangkapan ng Ate Grace nya sa naging relasyon ni Mr. Del Castillo kay Mrs. Alvarez."Nay, napag-usapan na po namin yan ni Aiden" sagot nya at sinulyapan si Aiden. Tumango ito at hinawakan sya sa kamay.Matapos nilang makausap ang mga magulang ni Aiden kanina, kaagad nya itong niyayang pumunta sa kanila para ibalita sa pamilya nya ang napakagandang balita."Sa totoo nyan Mella, aalis na kami ng mga kapatid mo di
Kinabukasan nagbalik sila ng San Miguel, haharapin na nila ang mga magulang ni Aiden pati na buong San Miguel."Are you ok?" tanong ni Aiden, habang nagmamaneho."Yeah" tipid na sagot nya, at ngumiti."Just relax Carmella" sabi nito, sabay hawak sa kamay nya."I love you, always remember that""I know, and I love you too Aiden" nakangiting sagot nya, at kahit papano nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman.Pagpasok sa loob ng bahay ng mga Del Castillo ay mahigpit ang hawak nya kay Aiden. Natatakot syang galit ng mga magulang ni Adien ang sasalubong sa kanila, lalo na ngayon kasal na si Aiden sa kanya. Siguradong alam na ng mga magulang ni Aiden ang kasal nila kaya sila pinabalik ng San Miguel. May tiwala sya kay Aiden at alam nyang hindi sya bibiguhin nito lalo na't magkakaanak na sila."Sina Papa't Mama?" tanong ni Aiden sa may edad na sumalubong sa kanila sa pinto."Nasa komedor na po Sir" sagot ng may edad na babae. Naglakad na
Kinabukasan nauna syang nagising kay Aiden. nakadapa ang hubad nitong katawan na tanging pang-ibaba lang ang natatakpan at masasabi nyang ang asawa nya ang may pinakamagandang katawan. Pinagmasdan nya ang mahimbing na natutulog na asawa na may gwapong mukha, dahan-dahan nyanh hinaplos ang mukha ng asawa na lalong nagkadagdag sa kgwapuhan at appeal nito ang magaspang na balbas na tumutubo, dati hindi sya na aatrak sa mga lalaking may balbas o bigote, pero nang dahil kay Aiden ay nagbago ang pananaw nya, kung sa bagay wala namang ibang lalaking pumukaw sa atensyon nya si Aiden lang. mula noon hanggang ngayon si Aiden lang ang lalake sa puso nya at asawa na nya ngayon ang lalaking dating pangarap lang nya."I love you Aiden" bulong nya sa asawa at maingat na hinalikan sa pisngi, ayaw muna nyang magising ito para naman makapag pahinga ang asawa alam nyang tulad nya pagod din si Aiden lalo na kagabi hindi na nya matandaan kung ilang beses ba syanh inangkin ng as
Sa malaking simbahan ng San Miguel sila nagtungo ni Aiden, buo na ang desisyon nilang magpakasal kahit tutol ang mga magulang ni Aiden, wala ng makakapaghiwalay sa kanila ni Aiden, mabubuo na ang pamilya nila."I can't believe na sa ganitong kasalan mo ko i-invite" biro ni Harvey ng makapasok na sila sa loob ng simbahan. Tinawagan ito ni Aiden at sinabing kailangan nito ang tulong kaya naman dali-dali itong nagpunta sa simbahan. Gabi na at sarado na ang simbahan pero ang mga pari ay tila mga Doctor yan gising yan para sa serbisyo. Marahil nagpapahinga na ang Pari kaya ginising muna ito, dahil medyo kanina pa sila naghihintay sa loob ng simbahan."Don't worry Harvey sa big wedding namin babawi kame" sagot ni Aiden at hinawakan sya sa kamay at ngumiti sa kanya, ngumiti sya kay Aiden alam nyang kayang ibigay ni Aiden ang bonggang kasal tulad ng mga kilalang kinasal sa simbahan ng San Miguel, pero hindi yon ang mahalaga sa kanya, ang mahalaga magkasama sila at masaya
"Nababaliw kana ba Aiden? Dinala mo pa talaga rito ang babaing yan!" Sigaw ni Mrs Del Castillo nang makarating na sila sa bahay ng mga ito. Nakaramdam sya ng takot ng marinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo at napaatras ng isang akbang, sinulyapan sya ni Aiden at pinisil ang kamay nyang mahigpit na hawak nito, tila nais nitong iparating na huwag syang matakot dahil andun ito at hindi sya pababayaan. "Ma, please Carmella is my girlfriend now""Girlfriend?! naiibang kana talaga Aiden! ano bang nakita mo sa babaing yan! isa yang Perez!" hiyaw ni Mrs. Del Castillo. At mula sa hagdan bumungad ang Papa ni Aiden at dalawang kapatid na babae ni Aiden, marahil narinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo. nakita nyang masamang tingin ang pinukol sa kanya ng Papa ni Aiden habang pababa ito ng mataas na hagdan. Ito ang unang beses na pagtungtong nya ng bahay ng mga Del Castillo at masasabi nyang mayroong marangyang buhay ang mga ito, kung sabagay nabibilang ang
Dumaan ang tila mahabang sandaling katahimikan sa kanila ni Aiden matapos nyang sabihin na buntis sya, tila hindi kaagad rumehistro sa isip ni Aiden ang sinabi nya. nanatili lang itong nakatitig sa kanya, pakiramdam tuloy nya tumigil ang ikot ng oras at halos pakiramdam nya sasabog na ang dibdib nya sa kaba. Sa kabang paano kunh hindi tanggapin ni Aiden ang anak nila? Paano kung sabihin ni Aiden na hindi pa ito handa? anong gagawin nya kung sakaling tanggihan ni Aiden ang anak nila."Carmella" simula nito na. nanlalaki ang mga mata nyang nakatitig rito habang hinihintay ang sasabihin nito. namimigat na rin ang mga mata nya sa luhang nais ng pumatak kanina pa dahil sa pagsasawalang kibo ni Aiden."Oh god Carmella" anas nito at tumayo mula sa kinauupuan at laking gulat nya ng niyakap sya nito sa bewang at binuhat mula sa pakakaupo."Daddy na ko, Daddy na ko Carmella, magkaka baby na tayo, magiging isang buong pamilya na tayo" sabi nit
"Are you ok?" May pag-aalalang tanong sa kanya ni Aiden ng makarating na sila sa Del Castillo Resorts. Kanina pa kasi nakaparada ang kotse ni Aiden sa loob ng Resorts pero hindi pa nya makuhang kumilos pababa, tila sya natatakot parin."Carmella I'm here" Sabi nito at hinawakan sya sa kamay."Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo, kung ano man ang kinatatakot mo andito ako, hindi kita pababayaan" Napangiti sya sa sinabi ni Aiden. Alam naman nyang hindi sya pababayaan ni Aiden,hindi sila nito pababayaan sila ng magiging anak nila."Salamat" bulong nya at hinaplos ang gwapong mukha."Let's go para makapag pahinga ka na" tumango sya rito at binuksan ang passenger seat. Sabay na silang bumaba ng kotse ni Aiden. Malalim na ang gabi kaya halos wala ng tao sa labas ng Resorts, marahil nagpapahinga na. Linanghap nya ang simoy ng hangin, ramdam na nya na nasa San Miguel na sya."Na miss mo b