Rex Pov...Nababagot ako sa biyahe pauwi. Namiss ko ang aking mga anak.. Haaaay! Malalim kung pagbuntong hininga! Kung bakit naman kasi nadelay ang aking flight. Sa dinami dami ng araw na magkakaaberya sila ngayon pa! Pagkarating sa airport tinawagan ko agad si Mang Dido na nasa labasan na ako at naghihintay. Masarap ang ngiti kong tinitignan ang mga pasalubong ko lalo na sa mga bata. Alam kung hindi pa kailangan ngayon ng mga anak ito pero gusto ko ng bilhin para sa kanila. Masarap pala talaga maging ama. Nakakaexcite bawat araw na gigising ka! Kaya si Jordan baliw na baliw magkaroon ng maraming anak. Masarap sa pakiramdam kapag pagod ka tapos pag uwi mo maririnig mo ang kanilang matinis na pagtawag ng daddy! Pinapauwi rin ako nina daddy sa London. Kailangan kung mabilin ng maayos ang bantay nina Samantha. Siguro palipatin ko na sila sa Quezon para mas maluwag kaysa sa condo. Kailangan nila ng maluwag at komportableng tirahan! Bahala na kung paano ko ito sasabihin kina tito James
Anita Pov..."Baby! Wake up!" Garalgal at tarantang panggigising sa akin ni Jordan. Mapait pa ang aking matang hindi makasagot sa kanya."Anu bang oras na love? Bakit ang aga mo manggising?" Inaantok kong tanong sa kanya."Baby! Kailangan nating lumuwas pauwing Cebu ngayon." Garalgal pa rin ang kanyang boses. Unti- unti kong idinilat ang aking mata at tumingin sa kanya."Jordan, may problema ba?" Nag aalala kong tanong sa kanya."Hindi ko alam, pero tinawagan ako ng prersonal driver ni Rex. Sabi parang masisiraan na daw ng bait si Rex dahil dahil-" Hindi niya matapos tapos dahil sa pag- iyak. Biglang lumakas ang kabog sa aking dibdib. Umayos ako sa pag upo at hinila siya paupo sa kama."Baby, huminahon ka! Anung anung nangyayari?" Mahinahon kong tanong kahit gustong tumalon ang puso ko sa sobrang kaba."They're gone!" Mahina niyang sambit at hindi niya napigilan ang kanyang pagtangis."W-Who? S-Sino Jordan? Sino?" Naiiyak ko na ring ulit na tanong. Huwag naman sana panginoon! Huwag n
After 1 year.....Jordan Pov...Isang taon na ang nakakalipas simula namatay ang pamilya ni Rex pero isang taon ding walang pagbabago kay Rex. Sana magkaroon naman ng katapusan ang mga dumadaan sa aming pamilya na pagsubok.Sobrang galit din ni daddy na bakit ngayon lang daw niya nalaman ang katotohanan kina Samantha at Rex. Paano daw sila nagkaroon ng relasyon na walang nakakaalam. Pinigilan kung huwag nilang susugurin si Rex dahil hanggang ngayon ay nagluluksa pa at hindi na makausap pati ang kanyang trabaho ay napabayaan. Napilitan akong hiramin ang lawyer nina Mr. Paloma. Katulad dati hindi ako susuko para kay Rex, darating din ang araw na babalik siya sa dati. Maghihilom din ang pait nang sugat sa kanyang puso. Gusto ko sanang magpahinga pero andito nanaman si daddy. Anu nanaman kaya ang kailangan niya? Marami nga ang problema pero dinadagdagan pa nila.Haaaay! Tanging malalim na pagbuntong hininga lang ang nagagawa ko."Jordan, samahan mo ako puntahan natin si Rex!" Tiim bagang
Rex Pov...Simula noong araw na nakita kong nasusunog ang tirahan ni Samantha, unti - unting nawala ang aking pag - asa na makikita ko pa silang muli. Sa pagliyab ng apoy ay alam mo na napakaimposible na may makaligtas pero kahit katiting na pag asa ay nagtira ako, baka naman! Lalong bumagsak ang aking mundo pagkakita ko sa mga sunog nilang katawan. Ang sakit sakit na sa sandali ko palang silang nakasama pero kinuha sila sa akin ng ganun kaaga. Yung saya na namamayani sa aking puso na magkakaroon din ako ng sarili kong pamilya bago dumating ang aking ika - 40 na edad ay gumuho. Sabi ko ito na ang pinakamasayang regalong natanggap ko sa buong buhay ko. Sobrang saya ko na walang mapagsidlan pa, ngunit isang malagim na trahedya ang tatapos sa kaligayahan na nagsimula ng namumuo sa aking puso.Balak kong pakasalanan sana si Samantha para mabuo ang aming pamilya, aakuin ko lahat ang responsibilidad. I love my children so much. Sam, sister or not, it doesn't matter I cared for her. She is a
Jordan Pov... Nakapikit akong nakasandal sa aking study room. Nakakapagod at talagang nakakapanghina ang araw na ito. Salamat sa tulong ng aking anak ay nagkakaroon ako ng oras para pumikit kahit sandali lang. Sa dami ng aking negosyo ngayon ay kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan at maaasahan. Bata pa lamang si Jay-ar ay may alam na siya sa negosyo. Thanks to uncle Leigh for helping me as well! Masarap amging mayaman na mahirap. Hindi ko naman mapipilit ang aking mga anak para ipamahala ang mga negosyong ipinamana sa akin. Malalim akong bumuntong hininga bago ako umidlip. Hindi pa lumalalim ang aking pag idlip ay nagulantang ako sa sunod sunod na pagtunog ng aking telepono. Fuck! Mura kong pagdilat ng aking mata bago sagutin ang tawag. Nataranta ako pagkatanggap ko ng tawag na nasa ospital nanaman si Rex. Maayos namin siyang naihatid ni Seb sa kanyang bahay kaya papaano nanamang nasa ospital siya. Kailan ba matitigil ang laging pagpunta niya sa ospital na yan! Wala bang itatawa
Jordan Pov...Nayanig ang buo kong pagkatao pagkagising ni Rex na hindi ako kilala. I calmed myself and call his doctor what is exactly happening to him. Pagkatapos siyang tignan ng kanyang doktor ay bumaling sa akin."Sir, okay naman po ang pasyente pero siya ay may retrograde amnesia." Sabi ng kanyang doktor."Anu pong ibig sabihin ng retrograde amnesia dok?" Panay lunok ko ng aking laway na nag - aabang ng kanyang sagot."Retrograde amnesia ay kapag ang pasyente ay nakalimutan ang luma at bago niyang memorya." Paliwanag ng doktor. Hindi pwede. Hindi pwedeng pati kami makalimutan niya. Pwede niyang kalimutan ang mapait na dumaan sa buhay niya huwag lang naman kami.Pagkatapos kung kumain lumapit ako kay Rex na tulog na tulog dahil sa gamot na naiturok ng nurse. Bumuntong hininga akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung minamalas ba siya sa mga babae. Lagi siyang nasasaktan at napapahamak kapag babae ang pag uusapan sa likod ng siya ay hindi babaero. Bakit pinagdadaanan niya ang
Rex Pov...Pagkalabas ko sa ospital sa condo kami dumiretso ng mga magulang ko. Pinadala din sa akin ni Jordan ang isa niyang katulong na si Aling Sita. Parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko matatandaan kung saan kami nagkita. Pakiramdam ko may dati pa akong buhay at doon ko siya kakilala. Pakiramdam ko ring parang bagong buhay ko ang pagdilat ng aking mata. Wala naman ako natatandaan sa mga sinasabi sa akin ni Jordan. Hindi ako pwedeng mag isang linggo pa na pahinga sa dami ng aking trabaho pati ang abalang pagbabantay sa akin ni Jordan. Pinagbigyan ko nalang si mommy at ngayon lang sila andito ni daddy.Araw - araw din ako nagpapadala ng bulaklak sa ospital. Hindi ko aakalaing paggising ko sa isang aksidente masisilayan ko ang babaeng magpapatibok ng aking puso. She is beautiful and sweet. Her voice is calming to hear. Nakakabaliw ang kanyang amoy na lavander, siguro paborito niya ang lavander scents. First note to myself, her favorite scent.. Ang kanyang ngiti ay nakakatangga
Lucy Pov...Uso na yata ngayon na taon ang sorpresa kahit saan! Sana sorpresang may boyfriend naman ako ang susunod! Maraming nangyari simula namatay si Mam Samantha. Si sir Rex nagbago at nakalimutan kung paano ang ambuhay at higit sa alhat nalathala lang naman sa buong madla nas iya ang nakabuntis sa kanya na inilihim nila ng mahabnag panahon para magkaroon ng agawat ang kanilang pamilya na matagal ng magkaibigan. Ang kattohanan kung paanong nanagyari ay nailibing din sa pagkamatay ni Samntha at ang paglaho ni sir Rex.Hindi pa natatapos ang mga orpressa na yan dito s aospisina nung pumunta dito ang may ari ng solace Condominium at nagsampa ng kaso at hidgit sa laaht nag appeal to reopen the imbestigation. Okay naman na sana kaya namin asikasuhin ni Mam Aviana kaso bumaik si sir Rex na wala man lang pasabi. Lahat kami ay talagang nagulat at hindi alam kung saan pupulot ng aming gagwin at isasagot dahil nakalimutan lang naman niya ang ampung taon sa buhay niya.Muntik na akong atak