Ops! Ganyan dapat, Rebecca! Laban lang! Malapit na ang happy ending niyo ni Grayson. . . Abangan.
Si Mrs. Henessy ang bumungad kay Grayson sa loob ng opisina niya. Hindi niya naman inaasahan ang pagdating nito. He was just looking at the photos as his evidence against Stacy sa pag-frame up nito sa kanya noon para palabasin na nambabae siya just to manipulate Rebecca's feelings. Hindi niya pa ito nasusumbat kay Stacy. He is just keeping his cool and is finding the right timing para kumprontahin ito para tigilan na sila. "Son, I saw that you filed for three months of leave? Why is that?" may bahid ng pagtatakang tanong ni Mrs. Henessy sa anak niya. Napakibit-balikat lang si Grayson na tila hindi naman iyon big deal. Bakit naman siya nababahala? There are people whom he can trust to manage the resort for his absence. Saka, isa pa, he has all the money. He couldn't think of anything more other than his family for now. "Mom, I know that you are concerned with the resort but my employees can handle it. Isa pa, I must make up for Rebecca. Ang daming panahon na nagkulang ako sa pamilya
“REBECCA, may bisita ka.” Sigaw ng nanay ni Rebecca mula sa sala. By the sound of her mom, mukhang alam na niya kung sino na naman ang bisitang sinasabi nito but she is still wondering. Wala ba itong trabaho at panay ang bisita niya? “Mommy, who is your visitor again? Is it that guy who sees me as a little kid?” inosenteng tanong naman ni Baby Brixton. Madaldal na ito for his age. Kahit five pa lang ay ang dami na niyang salitang alam. Mabilis din na makaunawa. “Uh, I think so, anak. Wait, you stay here muna sa room. Kakausapin ko lang siya ha?” Bilin naman ni Rebecca. “Is he your friend, mom?” Pag-uusisa pa ng bata. Natigilan naman si Rebecca sa tanong na ‘yon. Kaibigan? Never naman silang naging magkaibigan ni Grayson, e. “P-Parang ganon na nga, anak. Wait for momy here. I will call you na lang after we talk.” Tumango naman ang bata saka binalik ang atensyon nito sa ginagawa niyang paglalaro. Lumabas na muna si Rebecca to see Grayson. Hindi naman ito pupunta para sa wala lan
It's already afternoon nang mapagpasyahan ni Grayson na dalhin sa park ang mag-ina niya. Pinilit niya lang naman si Rebecca kaya ito pumayag. Pero kanina ay talagang hirap siyang pilitin ito. Mabuti na lang, narinig ni Brixton ang pagyaya niya kaya naman ito na ang nagpumilit sa mommy Rebecca niya to go to the nearest park. Naglatag na nga sila ng blanket doon. They bought some snacks para siguraduhin na hindi sila magugutom syempre. Lalo na si Brixton dahil bawat galaw non ay pera agad. Habang naglalaro ang anak nila ay nakaupo lang sa damuhan sina Rebecca. Nakatitig sa payapang ulap. Sana kasing payapa ng langit ang future ng relasyon nila kung magkakabalikan man sila. Iyon ang tanging tumatakbo sa isipan ng dalaga nang mga oras na 'yon. Lagi kasing makulimlim ang buhay niya. Laging mapait at walang magandang nangyayari. Naging tahimik lang yata ito nung nagpunta sila ng Canada and that's all thanks to Bryle. "Ang tahimik mo. Hindi ako sanay. I miss the old Rebecca," wika ni Gray
Maggagabi na nga kaya nagpasya na si Grayson na ihatid ang mag-ina sa bahay. Kahit maghapon lang na nagkasama ay satisfied naman si Grayson. Alam naman niya na hindi siya pwedeng mag-demand ng buong oras ng mag-ina dahil unang una, hindi naman sila mag-asawa ni Rebecca. Mapalad pa nga siya na pinapayagan na siya ngayon ni Rebecca na bisitahin ang bata at makita ito. Hindi naman ito nag-isip na itago. “Thanks for tonight, old man--I mean, mommy’s friend!!” Pilyo pang pang-aasar ni Baby Brixton sa Daddy niya. Hindi mo lang alam, Brixton. Grayson want to badly call you son. At hindi na siya makapaghintay na matawag mo rin siyang daddy. “Brixton? Ano nga ulit ang sabi ko sa ‘yo for calling people names like that? Hindi yan maganda ha?” Paalala ni Rebecca. Hindi por que natawa sila kanina sa mga pang-aasar nito ay kukuntintihin na niya ito. She should correct her dahil baka masanay ang bata na natutuwa ang mga ito sa ginagawa niya and forgetting that it’s wrong. “Yes, mommy. Sorry po!”
HINDI na magkandaugaga Baby Brixton sa pag-e-empake ng mga gamit niya. Gusto daw kasi nitong tumulong sa mommy niya. E hindi naman malaman ni Rebecca kung tulong nga ba talaga ito o mas lalo lang niyang ginugulo ang maleta niyang kasing laki lang din naman niya. “Mommy, here. I will bring this undies and . . .and my favorite towel too!” masigla nitong sabi sa mommy niya na hindi na alam kung paano tatapusin tong pag-e-empake nila. Hindi naman kasi agad nagsabi si Grayson na mamayang hapon na sila magbabakasyon. Province iyon. Hindi pa nakakapunta si Rebecca don but she’s very sure na mag-e-enjoy sila doon dahil nandoon ang sikat na isla sa probinsiyang ‘yon. “Iyong Daddy--I mean, si Grayson kasi e. Hindi agad nagsasabi na mamaya na ang alis. Anong akala niya sa ‘kin? Si Flash? E, tatlong buwan ang bakasyon. Anong inaasahan niyang damit na dadalhin ko? Limang piraso?” Reklamo pa ni Rebecca habang pilit na pinagkakasya ang mga dala niya sa dalawang maletang malalaki. “Mommy, stop rapp
KAHIT sa kalagitnaan ng pagbabanta ni Stacy na hindi matutuloy ang bakasyon ay tinuloy ni Rebecca ang paghahanda niya ng mga gamit nila ni Brixton. Now that everything's strating to fall into place? Ngayon pa ba niya susukuan ang pagiging buo ng pamilya nila? No. She needs to hold on. She needs to fight. "Mommy, I heard some noise downstaris earlier but I did not try to go down because you’ll be mad. But what happened down there, mom?” Pag-uusisa naman ng bata.Kabata bata nito ay aba mukhang tsismoso na rin? Masyado talagang curious ang mga bata ngayon.“Anak, just keep quiet and do your own thing okay? May mga bagay na para lang sa mga matatanda at may mga bagay na para rin sa mga bata so you must not cross our bounderies, maliwanag ba?” Bilin muli ng mommy niya.He nodded as if ganon lang kadali sa kanya na sumunod rito. “Okay, mom. That’s noted!”“Rebecca, nandiyan na sa baba si Grayson. Bumaba na kayo. Handa na ang sasakyan.” Tawag ng nanay niya mula sa labas.Agad na napa-alert
“I will be yours when the time is right.” Bulong naman ni Grayson sa tenga ni Rebecca while they are riding on that helicopter. Dagdag pa tuloy ito sa kaba ni Rebecca. Hindi niya alam kung ang mga sinasabi ni Grayson ang pagtutuunan niya ng pansin o ang nerbyos na dala ng helicopter na to.Siniko niya nga ito ng mahina. “Sshh, manahimik ka nga muna. Nagdadasal ako rito sa nerbyos e. Kapag tayo talaga bumagbag, maniniwalana talaga ako kay Stacy niya hindi niya tayo hahayaang umalis.”“S-She said that?” hindi makapaniwalang tanong ni Grayson sa kanya. Buti na lang at walang pakialam si Brixton dahil amaze na amaze ito sa view sa baba. Hayys, kids will always be like this.“Oo. Sinugod pa nga ako sa bahay e. Ano bang ginawa mo don at mukhang nabaliw na? Ipa-rehab niyo na kaya yan? Baka ano pa ang magawa niya sa ‘kin. Sa ‘min ng anak ko.” May pag-aalalang wika ni Rebecca. “Okay lang kung ako lang dahil kaya ko pa namang ipagtanggol ang sarili ko. Basta ba wag lang niyang idadamay ang bata
“Here’s the key to your room, Ma’am and Sir. If ever you need anything, just call and tell us.” Wika naman nung lalaking nag-assist sa kanila. In fairness naman dito sa resort na to, marunong silang pumili ng matitikas at guwapong mga staff. Kahit ang mga babae kasi magaganda rin. Halos karamihan ay mga morena. Meron din namang mestisa pero mas marami ang morena. Siguro dahil probinsiya ito at sa tabing dagat rin. Well, masyado nang maraming napapansin si Rebecca sa paligid at baka mapagkamalan na siyang tsismosa. “Ang ganda!” Bulalas niya saka niya inihagis ang katawan sa kama. “Mom, this is just so nice! Can I have a different bed?” Nagkatinginan pa sina Grayson at Rebecca. “Anak, pwede naman. But I care about your safety. Okay? Dito ka lang sa amin. Isa pa, we have to tell you something important later.” Nanlaki naman agad ang mga mata ni Brixton. “Why later if you can tell me now, right?” “Magpahinga na muna tayo, Big boy. Saka, ikaw, kailangan mo ng madaming energy dahil m