"GOOD evening, Gieselle," bati ng kaharap sa kanya. Tumayo ito at inilahad ang kamay. Tinitigan lamang ni Gieselle ang kamay ni Martin. Tila nag-aanyaya ang mahahabang daliri nito at magagandang kuko. Kalaunan, tinanggap niya rin ang pakikipag-kamay. Naisip niyang hindi naman tama kung papakitaan niya ng hindi maganda ang lalaki. Baka isipin pa nitong ang bitter niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on. "Good evening too," hindi mababakasan ng kasiyahan o kasabikan ang kanyang boses. "Have a sit, please." Pinaghila siya ng upoan sa katapat na silya nito. Mahinhin siyang umupo at inilagay ang handbag sa kanyang kandungan. Inayos ang buhok saka bahagyang binasa ang pang-ibabang labi. "Order muna tayo," nakangiting turan nito saka inilipat ang mata sa menu."Actually, nagmamadali ako kaya let's make this meeting brief and short."Natigilan ang lalaki at ibinaba ang hawak na menu. "Hindi ba pwedeng mag-dinner muna tayo bago pag-usapan ang condo u
MALALIM na ang gabi pero palakad-lakad pa rin si Gieselle sa loob ng kanyang unit. Parang hindi siya makapaniwala sa mga nangyari ngayong gabi. Nagkita at nagkausap sila ni Martin. Parang pilit pa rin silang pinagtatagpo ng mga taong nakapaligid sa kanila. Nasapo niya ang noo at namaywang. Humugot ng malalim na hininga saka pabugang pinakawalan ito. Dapat hindi na siya ganito kaapektado lalo't naka-moved on na siya. Pero nakalimut na nga ba talaga siya sa damdamin para sa lalaki? O pinipilit lang ang sarili niyang nakalimutan na ang lalaki kahit hindi pa? Nilunod niya ang sarili sa trabaho para hindi magkaroon ng oras na maisip pa si Martin. Ito lang ang natatanging paraan para maging payapa na ang kanyang isipan at dibdib. "Oo na, Mother. Papunta na ako riyan." Nagmamadali siyang pumasok sa elevator lalo’t late na siyang nagising kanina. Magsasara na sana ito nang may kamay na humarang at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Muntik ng malaglag ang coat na nak
ILANG minuto nang nawala si Martin sa harapan ni Gieselle ngunit nanatili siyang nakatulala. Tila na-istatwa at nahihirapang gumalaw. Hinalikan lang naman siya ng binata. Hinalikan siya kahit wala silang relasyon. Lasing na nga ito at hindi niya alam kung matutuwa o magagalit sa inasta ng lalaki. Hindi na bago sa kanya ang ganito. Ilang beses na rin naman siyang nakipaghalikan dati kahit walang label. Pero dati 'yon. Noong hindi pa niya nakilala si Martin. After they broke up nagbago na ang pananaw niya sa buhay, lalo na sa usaping relasyon at pag-ibig. "Hoy! Nakikinig ka ba?" pukaw sa kanya ni Mother Chelsea. Nakapangalumbaba lang siya habang nagsasalita ito sa kanyang harapan. Nasa loob sila ng opisina nito para pag-usapan ang nalalapit niyang bakasyon. "Ang sabi ko next week pwede ka ng hindi pumasok. Humayo ka na sa leave mo." "Ga-ganoon po ba? Salamat, Mother," walang ganang sagot niya. Palaisipan pa rin sa kanya ang nangyari sa kanila ni Martin kaya para
HINDI inaasahan ni Gieselle ang madadatnang bisita pagkagising niya. Mabuti na lang at naisipan niyang maghilamos at magsuklay bago lumabas ng kwarto. "Hi! Good morning, Gie. Pasensiya na sa maagang pag-abala namin sa'yo," mahiyaing wika ni Joy na kaibigan ni Martin. Kasama rin nito ang asawang si Paul na ngumiti sa kanya. "Ayos lang. Ako dapat ang humingi ng pasensiya kasi tinanghali ako ng gising. Ano nga palang atin?" deritsong tanong niya. "Nang mabalitaan namin kahapon na umuwi ka pala, nagpasya kaming personal kang imbetahan. Remember our son na bininyagan dati at dumalo kayo ni Martin? Magbi-birthday na naman kasi at gusto naming nandoon ka sa kaunting salo-salo na inihanda namin para sa kanya." Sa dami ng pwedeng ipaalala ang pinuntahan pa talaga nila ni Martin ang nabanggit. Hindi niya alam kung alam ng mag-asawa ang nangyaring hiwalayan nila o nagkunwari na lang na wala upang hindi nakakailang ang sitwasyon. "Kailan nga pala ang kaarawan niya?" tan
INILAPAG niya sa lababo ang basong ginamit at naglakad palabas ng kusina. Lalagpasan na sana niya si Martin ngunit nagsalita ito. "Kumusta ang sugat sa tuhod mo?" tanong nito sa mababang boses. Kinilabutan siya nang marinig ang tinig nito. Samahan pa ng pabangong nanunuot sa kanyang ilong. "Ayos na," simpleng sagot niya at humakbang na palayo sa lalaki. Ngunit hindi natuloy dahil maagap nitong nahawakan ang kanyang siko. "Gie. . ." Tila napapaso siya sa mainit nitong palad. Napako ang mata niya roon. Dahan-dahan naman itong bumitaw.Nang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya’y nagmamadali siyang lumayo. Tila may humahabol sa kanya sa bilis ng paglalakad. Halatang kabado ang mukha nang umupo ulit. Kinagat niya ang labi upang hindi mahalata ang panginginig. Hindi niya kayang mapalapit kay Martin. Kung dahil ba sa saya, sakit, pagkasabik, ilang, hiya ay hindi niya mapangalanan.Hindi na niya masundan ang mga nangyayari. Lutang na siya hanggang sa isa-isang nagpaalam ang mga bisi
MUGTO ang mata ni Gieselle kinabukasan. Nakaharap siya sa salamin at tinitigan ang sariling repleksiyon. Gusto niyang sigawan ang sarili. Hindi niya inaasahang makikita ang sarili sa ganitong sitwasyon. Siya ang nang-iiwan. Siya ang iniiyakan. Siya ang nakikipaghiwalay. Pero nakilala niya lang si Martin ay biglang bumaliktad ang kanyang mundo. "Pangako, hinding-hindi na ako iiyak at magpapaapekto sa'yo, Martin," bulong niya. Hindi pinuputol ang titig sa sariling repleksiyon. Napagtanto niyang hindi niya kailangang baguhin ang sarili upang mahalin ng kahit na sino. Hindi niya kailangang magpanggap na ideal girl na kahit na sinong lalaki. Sinipat siya ni Ate Toyang habang inihanda ang kanilang agahan. Nakasuot siya ng crop top sleeveless blouse at skimpy shorts habang nagtitimpla ng kape. Umupo siya sa silya at humigop mula sa hawak na tasa. "Kung marunong lang akong sumipol, sinipulan na kita." "This is me, Ate Toyang. Nasanay akong ganito ang sinusuot
MAAGA pa lang ay abala na sila ni Ate Toyang. Ala-sais pa ng gabi ang oras ng rosaryo at pagkatapos nito ay ang kaunting salo-salo. Pero dahil mga senior citizen ang bisita nila, kailangang maghanda ng mas maaga dahil madalas ang matatanda ay conscious sa oras at laging mas maaga ang dating kaysa sa napag-usapan.Sa tantiya niya'y dapat alas-singko ng hapon ay nakahanda na ang lahat upang makasabay sila ni Ate Toyang sa rosaryo.Hindi nga siya nagkamali at bandang alas-singko ng hapon ay nagsidatingan na ang mga inimbeta.Naihandan na rin niya ang altar at nakalatag na ang banig at carpet para sa pagrorosaryo.Nakikipag-usap siya sa iilang mga bisita pero hindi maiwasang tapunan ng tingin ang labas. Kinakabahan siya sa pagdating ni Lola Pressy.Namuo ang pawis sa kanyang noo nang pumarada ang isang metallic silver na SUV sa labas. Kahit hindi pa niya nakikita ang sakay nito pero base sa pagtibok ng kanyang puso'y kilala na niya ang dumating.Kinakapos siya ng hang
MAG-ISANG pumunta sa supermarket si Gieselle ngayon upang mag-grocery. Hindi na niya isinama si Ate Toyang dahil marami itong labahin. Kung magkakanya-kanya sila ng gawain mas marami silang matatapos.May kahabaan na ang pila sa counter at ilang minuto pa ang kanyang hihintayin. May pumila rin sa kanyang likod kaya nilingon niya kung sino iyon.Natigilan siya nang makita na mommy ito ni Martin. Ang liit-liit ng kanilang mundo at madalas na silang nagkikita.Bahagyang ngumiti ang ginang ngunit hindi na niya ito sinuklian pa. Iniwas ang tingin at tahimik na nakatayo sa kanyang puwesto.Na-conscious siya at gustong humarap sa salamin. Pero napagtanto rin kaagad kung bakit naman niya gagawin 'yon? Naalala niya ang pakiusap nito noon na lumayo kay Martin at natupad naman niya 'yon. Wala siyang pagkukulang at choice na niya ngayon na hindi pansinin o kilalanin ito.Tumikhim ang ginang pero hindi niya pa rin nilingon."Hi, Gieselle. Kumusta?"Kinilabutan siya nang m
About the Author Blu Berry loves the beach, the sunrise and the sunset and the sound of the waves crushing on the shore. She was born and bred in the province and that’s why most of the settings in her novels are located at similar places. Except for writing, she also loves reading, watching movies, documentaries or reality shows and simply listening to music.
MASIGABONG palakpakan ang sumalubong sa kanila paglabas ng simbahan. Pagakatapos ng limang buwan na preperasyon ay ikinasal na rin sila ni Martin. Sinalubong siya ni Paloma ng halik sa magkabilang pisngi. Namamasa ang mata nito sa luha. Kinamayan naman ni Arken si Martin at nag-usap ng palihim at sabay na natawa.Nakiyakap na rin si Mother Chelsea sa kanila."Congratulations, my dear friend. Finally, nakapag-settle down ka na rin." "Ganito pala ang feeling ng ma-inlove," masayang turan niya at naiiyak na rin."Dalawang magagaling kong model nag-settle down na. Ang ganda lang ng mga alaga ko." Sumisinghot pa ang bakla.Nag-agawan ang mga single ladies sa kanyang bouquet nang ihagis niya pero kusa itong dumapo sa kamay ni Katarina. "Who's the lucky guy, Kat?!" biro niya sa natigilang pinsan. Isa ito sa kanyang mga bride's maid. Inirapan siya nito kaya mas lalo pa siyang natawa. Balita niya'y ang kakanta sa kanilang wedding reception ay ang sikat na bokalista ng is
"MARTIN, I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Iyon ang katagang sinabi ni Mari sa kanya, isang buwan bago ang kanilang engagement. "What? Sorry para saan?" Napahigpit ang kapit siya sa gilid ng mesa kung saan sila nagkita't nag-usap.Itinulak ng kamay nito ang isang pregnancy test kit at may dalawang pulang guhit doon. Paano nangyari 'yon gayung todo ang pagpipigil nilang dalawa na walang mangyari sa kanila hangga't hindi pa ikinakasal. "Bullshit!" Malakas niyang pinadapo ang kamao sa mesa. Tumunog ang mga kubyertos at napalingon ang mga tao sa kanila. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ng nobya. Iwan kung nobya pa bang matatawag si Mari gayung niloko siya nito. "Martin! Open the door! Kahapon ka pa hindi kumakain at panay ang inom mo riyan sa loob ng kwarto mo! Please, don't do this. Hindi dahil niloko ka ni Mari ay katapusan na rin ng mundo!” Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang kinakatok ng kanyang mommy at dinadalhan ng pagkain. Simula nan
SINUGOD kaagad siya ng nag-aalab na halik ni Martin nang makapasok sila sa bahay nito.Isinarado nito ang pintuan gamit ang paa dahil abala na ang kamay nito sa paghubad ng kanyang damit.Napadaing siya nang hawakan nito ang basang pagkababae."Baby, your so wet," saad nito habang ikinikiskis ang isang daliri sa kanyang kaselanan. Napaliyad siya ng ipasok nito sa kanyang butas ang daliring iyon."Stop teasing me," reklamo niya sa malanding boses. Itinulak niya ang lalaki at napaupo ito sa sofa. Kumandong siya paharap dito at siya na ang kusang sumiil ng halik nito.Hinawakan naman ni Martin ang kanyang balakang at iginiya siya sa galaw na gusto ng lalaki. Kahit may mga saplot pa sila pero hindi niya maiwasang mag-apoy ang katawan.Hinaklit nito ang kanyang blouse at tumilapon ang mga butones. Inalis ang brassiere at pinagpiyestahan ang malusog niyang dibdib. Sinipsip nito ang munting korona na parang bata na uhaw na uhaw.Patuloy lang niyang ikinikiskis ang pagka
NAGPATULOY ang halikan nina Martin at Geiselle. Parang kaytagal nilang nawalay at ngayon pa lang natagpuan ang isa't isa. Tumikhim ang mommy nito upang kunin ang kanilang atensiyon. Hindi na nila namalayan ang pagpasok nito. Nagmamadali siyang tumayo mula sa pagkakadapa sa lalaki at inayos ang nagusot na blouse. Iniwas niya ang mata sa ale pero bumangon si Martin at hinila pa siya palapit sa katawan nito. Gusto niyang lumayo pero nanatili ang braso nitong nakapulot sa kanyang baywang. "I'm sorry kung naistorbo ko kayo," nakangiting saad ng ginang. "Pa-pasensiya na po," hinging paumanhin ni Gieselle dala ng matinding kahihiyan. Kung bubuweltahan siya ngayon ng nanay nito'y hindi siya makakasagot. Masyado siyang nag-alala kay Martin at nang malaman niyang ayos lang ito'y nasabik naman siya at nakalimutan kung nasaan sila dahil sa halik nito. Aminin man niya o hindi, pilit man niyang itanggi at itago pero hindi niya maluluko ang sariling puso, mahal niya ito sa k
PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ni Mari ay hindi siya nagtangkang umalis ng bahay ulit. Natatakot siya dahil baka kung sino na naman ang lumapit sa kanya at magsabi ng kung ano-ano. Niyaya siya ulit ng mag-asawang Paul at Joy na lumabas pero umayaw siya. Ayaw niyang makita si Martin ulit dahil masasaktan lang siya. Kung malalasing siya ulit baka may mangyari na naman. Mabuti na lang at pinaniwalaan siya ng mag-asawa sa inimbentong dahilan. Mahimbing na sana ang tulog niya pero nagising dahil sa kapitbahay nilang nagwawala. Ito ang unang beses na may nag-eskandalo sa kanilang tapat.Kalaunan ang sigaw nito'y nagiging pamilyar na sa kanya. Tila boses ni Martin. Sisilip na sana siya sa bintana pero sunod-sunod ang katok ni Ate Toyang. Nagmamadali siyang pinagbuksan ito ng pintuan. "Ate, bakit? Sino ba 'yang nagwawala diyan sa labas?" Pati siya ay natataranta rin. "Si Martin. Gusto ka niyang kausapin!" Nagmamadali silang lumabas at kusang huminto sa paghakbang
NAPAGPASYAHAN ni Gieselle na lumabas ng bahay kaysa patuloy na magmukmok at umiyak. "Hindi ka pa nag-aalmusal, aalis ka na?" tanong sa kanya ni Ate Toyang. "Wala akong gana, Ate. Maghahanap lang ako ng maiinom sa labas, alam niyo na hang over." Inayos niya ang suot na aviator. Dalawa ang dahilan kung bakit nagsuot siya ng ganito. Para sa mainit na panahon at para itago ang namumugtong mata. Nagpunta siya sa isang milk tea shop at nag-order. Umupo sa pinakadulong mesa sa may sulok upang ilayo ang sarili sa iilang tao na nasa loob. Gusto niya ng kapayapaan. Lately, ang dami niyang iniisip at gulong-gulo ang utak. Dumagdag pa ang nangyari kagabi sa kanila ni Martin. Nangalumbaba siya't nakatutok lang ang mata sa labas. Kitang-kita niya ang mga sasakyan sa kalsada lalo't salamin ang dingding ng shop. Hindi na niya inalis ang aviator upang malayang magliwaliw ang mata. Naagaw ang kanyang atensiyon dahil may naglapag ng milk tea sa kanyang harapan. Kanina pa siya
DAHAN-DAHANG iminulat ni Gieselle ang mata. Alam niyang totoong nangyari iyon kagabi. Ang pagsuko niya kay Martin. Gusto man niyang kutusan at pagalitan ang sarili’y huli na. Panandalian siyang naligaw sa kanyang layunin, ang huwag nang mapalapit kay Martin. Kailangang ayusin niya ang sarili ngayon dahil sa pagkakamaling nagawa niya. Maingat ang kanyang mga kilos na bumaba mula sa kama. Nagtungo sa banyo upang linisin ang sarili. Pero kahit na anong sabon at kuskos ang kanyang gawin ay hindi na niya maaalis ang bakas ni Martin kagabi. Nagsuot siya ng pulang roba at bumaba sa sala. Hinagilap ang hinubad na mga damit kagabi at umakyat ulit sa itaas upang magbihis. Kailangan pa niyang tingnan ang closet nito upang maghanap ng panloob lalo't pinunit ni Martin ang suot niya kagabi. Nagpulbo at naglagay ng liptint upang hindi magmukhang zombie kapag lalabas na ng bahay. Nadatnan niya si Martin na naka-upo na sa kama. Kumot ang tanging takip nito sa hubad na katawan. K
Nakaharap na siya sa lalaki at nararamdaman niya ang pagkabuhay ng alaga nito na nasa gitna ng hita. Ibinaba naman ni Martin ang zipper sa likod ng damit niya suot at hindi naman niya pinigilan. Ikinulong niya ang mukha ng lalaki sa kanyang dalawang palad at mas nilaliman ang halik. Hindi na galit ang nararamdaman niya kung hindi pagkasabik.Kusa niyang ikiniskis ang kanyang perlas sa umbok nito at ito naman ang napadaing. Nagmamadaling ibinaba nito ang kanyang damit at lumantad ang malusog niyang dibdib na ikinukubli ng strapless na bra. Walang kahirap-hirap nitong ibinaba ang itim na brassiere at sinalo ng dalawang palad ang dalawang dibdib niya.Napasinghap siya nang isubo nito ang isang korona at nilalaro ng daliri ang kabila. Tila sasabog na siya dahil sa init ng sariling katawan at init ng bibig ni Martin.Mas lalo pa siyang hinila ni Martin palapit at nagpalipat-lipat sa kanyang dalawang dibdib. Napasabunot siya sa buhok nito nang sipsipin ang kanyang utong.