Matapos mailabas ni Lizzy ang kanyang sama ng loob, pakiramdam niya ay mas presko ang hangin.“Lizzy, umuwi ka ngayon din!”Tumunog ang telepono niya at sinagot niya ito, si Liam ang tumatawag, at ang unang naisip ni Lizzy ay ibaba ito. Ngunit parang alam nito ang kanyang iniisip.“Huwag mong kalimutan, kasal pa rin kami ni Ericka. Kung gusto mo pa ring protektahan ang matalik mong kaibigan, umuwi ka na ngayon.”Hindi kayang balewalain ni Lizzy ang tungkol kay Ericka. Sa kabutihang palad, hindi naman kalayuan ang dalawang lungsod. Pagkatapos ng dalawang oras na biyahe, bumalik na siya sa bahay ng Del Fierro.Pagkapasok niya, sinalubong agad siya ng baso ng tubig na tumama sa kanyang ulo, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong umiwas.“Lizzy, pinaghirapan kitang palakihin sa loob ng maraming taon, pero anong ginawa mo?! Ano ba si Clarisse? Isang hamak na artista lang sa third-tier, at hinayaan mo siyang gamitin ang panlilinlang para makaakyat sa itaas! Sinabi ko na noon pa, hindi mo kaya
Narinig ni Lizzy ang bahagyang panginginig ng kanyang tinig.Lizzy, simula pa lang, tahimik na talaga si Lysander... Kahit anong mangyari, pinipili niyang itago na lang sa sarili niya. Pero nakikita kong may halaga ka sa kanya, at masaya akong ikaw ang naging asawa niya. May ibang dahilan sa lahat ng nangyari, at gusto kong bigyan n’yo ng pagkakataon ang isa’t isa para mag-usap.” Matatag si Henry. “Mag-usap tungkol saan?Mapait ang ngiti ni Lizzy. Marami siyang gustong itanong, pero hindi naman siya kailanman binigyan ni Lysander ng pagkakataon para gawin iyon. At sa totoo lang, natatakot din siya sa maaaring sagot.“Salamat po.” Seryoso niyang sinabi. “Pero mula sa simula, hindi patas ang relasyon namin ni Lysander. Wala akong karapatang magtanong sa kanya.”“Nagkakamali ka. Asawa ka niya, kaya may karapatan ka,” tugon ni Henry. Hinawakan niya ang kamay ni Lizzy at hindi ito binitiwan. “Lizzy, maniwala ka sa akin. Maniwala ka rin kay Lysander.”May kung anong kumurot sa puso ni Lizz
Naririnig ni Lizzy ang iyak ng bata sa kanyang tainga, at pakiramdam niya ay naiirita siya.Mahilig siya sa mga bata. Kung hindi, hindi siya ganito magbago matapos ang nakunan. Pero para sa batang katulad ni Clarence na iiyak, mag-iinarte, at gagamitin ang lahat ng paraan para makuha ang gusto niya? Hindi siya natutuwa.Pinilit ni Lizzy na pigilan ang mga bumabagabag sa isip niya dahil sa sinabi ng matanda kanina at tumalikod para umalis. Ngunit narinig pa rin niya ang malambing na tinig ni Lysander."Clarence, mabuting tao si Lizzy... In the future, siguradong aalagaan ka niya, ituturing kang tunay na anak, at sabay ka naming papalakihin."Napahinto sandali si Lizzy sa sinabi nito."Mr. Sanchez, huwag mo akong gawing sobrang bait sa kwento mo. Hindi ako ganun, at lalong hindi ako marunong magmahal ng batang matigas ang ulo," malamig niyang sagot. "Malay ko ba kung pagsasaksakin ako ni Clarence kapag lumaki siya?"Muling umalingawngaw ang iyak ni Clarence."Dad, narinig mo 'yon!" siga
"Umalis ka sa dadaanan ko."Sanay na si Lizzy sa ganitong klaseng lugar—halo-halo ang mga tao, at dahil maganda siya, hindi na bago sa kanya ang ganitong klaseng pangha-harass. Pero kadalasan, sapat na ang malamig niyang ekspresyon para umatras ang kahit sino.Ang problema, mukhang wala sa tamang pag-iisip ang lalaking nasa harapan niya. Nakangisi ito habang ipinapakita ang naninilaw nitong mga ngipin."Ang tapang mo naman. Pero gusto ko ‘yang ganyan, mas masaya ‘pag may challenge."Lalo pang lumamig ang pakiramdam ni Lizzy. Wala pa ring pakialam ang lalaki at bigla siyang hinawakan sa pulso, pilit siyang kinaladkad papunta sa banyo.Naiinis na si Lizzy. "Sino ang nag-utos sa’yo? Magkano ang binayad sa’yo? Baka kaya kong doblehin!"Sa isip niya, mabilis niyang pinag-iisipan kung sino ang maaaring nasa likod nito.Habang kinakausap si Jonas para maiwasan ang mas malalang sitwasyon, palihim niyang kinakapa ang laman ng kanyang bag—hinahanap ang anti-wolf spray.Ngunit napansin ni Jonas
Magaan lang ang pagkakasabi ni Lizzy. Ang sakit sa kanyang palad, na halos duguan na, ay tila walang halaga sa kanya.Napasinghap si Aaron. "Kaya mo palang saktan ang sarili mo nang ganito? Miss Del Fierro, mukhang... masyado kitang minamaliit dati."Sa kabilang banda, nanlilisik ang mga mata ni Jonas habang pinapanood ang interaksyon nilang dalawa. "Anong pakialam mo rito? Lumayas ka! Ako ang unang nagkagusto sa babaeng 'to!"Si Jonas ang may kontrol sa bar na ito, kaya kahit halatang mayaman at may dating si Aaron, hindi siya natakot. "Kung trip mo rin siya, ayos lang. Matapos ko siyang gamitin, ipapasa ko na lang sa’yo."Hindi pa rin nalilimutan ni Jonas ang sampal na ibinigay sa kanya ni Lizzy. Isang tahasang pang-iinsulto. Napalalim ang tingin ni Lizzy, puno ng galit.Pero hindi lang siya ang nagalit.Mabilis na binaligtad ni Aaron ang kamay at pinakawalan ang isang malakas na suntok sa mukha ni Jonas. "Akala mo ba lahat ng gusto mong gawin ay basta mo na lang magagawa? Tandaan m
Sa totoo lang, nakita na ito ni Lizzy. Ang mga Del Fierro, kasama na si Liston na parang nasisiraan ng bait, ay puro mahina lang. At ang paraan para harapin sila ay simple lang—Kailangan mo lang maging mas baliw kaysa sa kanila para makontrol ang sitwasyon.Muling lumawak ang ngiti ni Lizzy. "Kuya, pumunta ka na pala sa Pampanga, bakit hindi mo man lang ako ininform bilang kapatid mo? Kahit pinutol na natin ang ugnayan natin bilang pamilya, pareho pa rin ang dugong dumadaloy sa atin, ‘di ba?” Ngunit malamig ang kanyang ngiti. “Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit ganito kabigat ang ‘regalong’ ibinigay mo sa akin sa unang pagkakataon mong tumapak… Iniisip ko tuloy, dapat yata akong magbigay rin ng ‘courtesy’ sa’yo.”Hindi agad nakuha ni Liston ang gustong gawin ni Lizzy. Ngunit ngiti lang ang isinagot nito, tila wala siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya.Kahit gusto ng mga ito na magpa-impress kay Iris, alam niyang hindi rin sila basta-bastang kikilos.Kaya naman,
"Clarisse, ikaw na ang bahala sa bata, lalabas muna ako."Handang makisama si Lysander kay Clarisse sa iisang kwarto, pero iyon ay para lang sa kapakanan ng bata. Hindi ito nangangahulugan na may malasakit siya rito.Pagkaalis pa lang ni Lysander sa bahay, agad na hinila ni Clarence ang basang tuwalya mula sa kanyang noo. Reklamo niya, "Gaano pa katagal ko kailangang magpanggap? Nakatihaya lang ako rito sa kama, hindi makapaglaro ng laruan o makapanood ng cartoons, parang tanga! Kung magtatagal pa 'to, mababaliw na ako!"Sa sandaling iyon, wala na ang pagiging masigla at cute na ipinakita niya kay Lysander.Nataranta si Clarisse. Tinakpan niya ang bibig ng bata at bumulong nang may pag-aalala. "Tumahimik ka, baka marinig ka ng tatay mo! Di ba tinuruan kita na hangga't sumusunod ka at napapasaya mo siya, magiging iyo ang lahat ng nasa pamilya Sanchez balang araw?" Mahina siyang nagsalita, "Hindi ba sinabi mo sa akin na gusto mo ang maliit na amusement park sa bahay sa Luxury VHills? Ka
"Bakit ka nandito?"Walang emosyon sa mukha ni Lizzy—hindi mo mababasa kung siya ba ay masaya o galit. Nagulat si Amanda sa malamig at diretsong tanong na iyon.Kumunot ang noo ni Tanya. "Nandito ka rin pala?" tanong nito kay Lizzy. Pero agad ding bumaling kay Amanda. “Saan ka ba nirecruit ng HR? Ni hindi mo man lang alam ang tamang format ng kontrata! Miss Lizzy, sa tingin ko, dapat na itong tanggalin."Malamig ang personalidad ni Tanya, pero tapat siya pagdating sa kapakanan ng Panyun. Dahil dito, napatingin nang mas matagal sa kanya si Lizzy.Samantala, nagmadaling magpaliwanag si Amanda. "Miss Lizzy, hindi ko po alam na nandito rin kayo sa kumpanyang ito. Kung alam ko lang, hindi na sana ako nag-apply dito para hindi na ako maging istorbo sa inyo. Pwede naman akong mag-resign ngayon. Pero sana maintindihan niyo, hindi ako humihingi ng tulong dahil hindi ko kaya ang trabaho. Oo, marami akong pagkukulang, pero handa akong matuto!"Naging madamdamin ang kanyang pananalita, kaya agad
Sa rooftop ng ospital, naroon si Jeneeva hawak-hawak ang anak ni Lizzy na ninakaw nito sa nursery room. Nagpanggap siyang nurse para makapasok---madali niya rin nakilala ang bata dahil may pangalan ito. "Ibigay mo na ang bata! Hindi ka namin sasaktan, sumama ka lang nang maayos!" sigaw ni Felix. Tumawa naman si Jeneeva na parang baliw. Umiiyak na rin ang bata sa mga bisig niya. "Ano ako? Tanga? Hindi ko kayo susundin! At nasaan na ba si Lizzy? Siya ang kailangan ko, ibigay niyo siya sa akin at ibibigay ko sainyo ang bata!" Si Lysander na pagod din ay galit ang tingin kay Jeneeva. "Please. give me daughter, Jeneeva..." marahang sabi ni Lysander, nag-iingat siya. Ayaw niyang maging padalos-dalos kahit nagagalit siya. Hawak ni Jeneeva ang anak niya, at sa oras na may gawin siya tiyak gaganti si Jeneeva. Kumunot naman ang noo ni Jeneeva nang marinig ang boses ni Lysander, tumingin siya rito. "Lysander...ang mahal ko. Pero hindi Jeneeva ang pangalan ko, Lianna. Ako si Lianna!" ga
Nine Months Later...Kabuwanan na ni Lizzy at nasa dalawang araw na siyang nanatili sa ospital para sa kanyang labor. Sa loob ng dalawang araw hindi rin umalis si Lysander sa ospital para bantayan lalo si Lizzy. Paminsan-minsan ay bumibisita sina Ericka at Felix sa kanya para alamin ang balita ng kanyang panganganak. Gaya ngayon, pumasok silang dalawa at naroon si Lizzy nakatayo sa gilid ng kama, nahihirapan sa sakit ng tyan. Habang sina Ericka at Felix ay hindi mapakali. "Sigurado ka bang sasabihin mo sa kanila ngayon? Baka hindi kayanin ng bestfriend ko," mahinang bulong ni Ericka sa kanyang nobyo. Seryoso lang si Felix, ang ipit na uniform niya ay mas lang nagpatikas sa kanya. At dahil din na-promote siya, mas lalong ang tingin sa kanya ay napaka seryosong pulis. "Kailan. Dito ka lang, ako ang kakausap kay Mr. Sanchez, samahan mo si Ma'am Lizzy," saad naman ni Felix. Kahit na kinakabahan si Ericka, sinunod niya na lang ang sinabi nito. Lumapit si Felix kay Lysander na nasa ta
“Sinungaling ka! Hindi niya magagawa sa akin iyon, mga sinungaling kayo! Umalis kayo rito!” Naupo si Lianna sa sahig, hindi mapigilan ang pag-agos ng kanyang luha. Nabasa ang buong sulat—hindi lang dahil sa pagputol ng ugnayan ni Liston sa kanya, kundi dahil...Si Liston mismo ang umamin ng kanyang kasalanan.Inamin niyang may kinalaman siya sa pagbagsak ng minahan. At bilang kaparusahan, handa siyang akuin ang lahat ng responsibilidad at bayaran ang anumang danyos.Lumapit si Lizzy at malamig na pinagmasdan ang nakakapanlumong kalagayan ni Lianna."Imposible ba?" Mapanuya nitong tanong. "Mukhang nakalimutan mo na ang kasinungalingang ikaw mismo ang gumawa."Ang dahilan kung bakit walang alinlangang pinoprotektahan ni Liston si Lianna noon—at maging ang kakaibang pagkagiliw niya rito—ay dahil sa matagal niyang paniniwala na si Lianna ang nagligtas sa kanya noong araw na nagkaroon siya ng matinding lagnat.Ngunit hindi iyon totoo.Hinagis ni Lizzy ang ebidensiya sa harapan ni Lianna. N
"Talaga?"Pumalakpak si Lysander, at ang taong dinala ni Roj ay walang iba kundi ang pinakamatapat na tauhan ni Gavin. Basang-basa ito sa yelo at halatang dumaan sa matinding pagpapahirap.Bago pa man lumitaw ang taong iyon, tinakpan na ni Lysander ang mga mata ni Lizzy. Ayaw niyang madungisan ang paningin nito sa maduduming bagay."Si Sir Gavin ang nag-utos sa akin na lumapit kay Casandro! Hindi siya natuwa sa nangyari kay Miss, kaya gusto niyang pagbayarin si Miss Lizzy. Kasabay nito, nais din niyang tuluyang burahin si Casandro, na matagal nang naging tinik sa kanyang lalamunan! Wala akong magawa—pinilit lang ako!"Paulit-ulit ang paghagulgol ng lalaki. Hindi mo masisisi ang isang traydor kung wala siyang pagpipilian—si Lysander mismo ang nagpakita kung gaano siya kalupit sa ganitong bagay.Sa harap ng walang katapusang pag-iyak, dahan-dahang nanlumo si Gavin. Unti-unting nawalan ng kulay ang kanyang mukha habang palapit siya kay Lysander."Lysander, hindi ko alam…"Ngunit malamig
Nararamdaman na niyang nagkakaugnay ang lahat.Ang paghahanap ng tugmang bone marrow ay isang napakahirap na proseso, at napakabihira ng matagumpay na pagtutugma lalo na kung hindi malapit na kamag-anak. Kung talagang walang koneksyon sa dugo sina Lizzy at Lianna, imposible halos ang ganitong uri ng pagkakataon.Pinanood ni Lysander ang sakit at pagkalito sa mukha ni Lizzy. Dahan-dahan niyang iniabot ang kamay upang haplusin ang nakakunot niyang noo.“Lizzy, ipapangako ko, aalamin ko ang totoo. Kapag may gumawa ng isang bagay, siguradong may bakas itong iiwan… Hindi sila maaaring magtago nang ganito kahusay.”Naramdaman ni Lizzy ang init ng kanyang mga daliri, at sa bawat haplos ay tila nababawasan ang bigat sa kanyang dibdib.“Lysander, ikaw lang ang maaari kong pagkatiwalaan...”Sa unang pagkakataon, nadama ni Lizzy ang matinding panghihina. Gaano karaming lihim ang itinago ng isang taong kasama niyang lumaki sa iisang bubong? Hindi man lang niya kayang isipin. Ngunit ang kanyang ku
Nararamdaman pa rin ni Lizzy ang bigat ng sitwasyon, ngunit nanatili siyang matatag.Napasinghal si Liston, halatang hindi siya kumbinsido. “Mukhang hindi ka talaga titigil hangga’t hindi mo nakikita ang ebidensya sa harapan mo, ano? Sige, paano kung iharap ko mismo sa’yo ang surveillance video?”Diretsong tumingin si Liston kay Lizzy, puno ng paninisi ang kanyang tingin. “Klarong-klaro sa CCTV—ang nurse ay lumabas ng kwarto para kumuha ng mainit na tubig bandang 10:03. Hindi na siya bumalik. Ikaw lang ang huling taong pumasok. At ilang saglit lang matapos kang lumabas, saka nangyari ang trahedya. Sabihin mo, sino pa ang mas may motibo kundi ikaw? Akala ko dati na baliw na ako, pero hindi pala—mas masahol ka pa! Wala kang puso!”Alam ni Liston na kung lalabas ang katotohanan, maaaring hindi matanggap ni Madel ang relasyon nila ni Lianna. Kaya't balak sana niyang ipadala ang ina sa isang pribadong sanatorium sa ibang bansa. Pero hindi niya akalain na mauuna itong mamatay—at si Lizzy pa
Nararamdaman ni Lizzy na siya mismo ang sagot sa tanong na iyon. Siya lang naman ang tangi’t nag-iisang taong nagdala ng lahat ng poot at galit ni Madel sa mundo.Nakita ni Lysander ang mapait na pagtawa sa mga mata ni Lizzy, kaya lalo niyang hinigpitan ang yakap dito."Masyado ng malakas ang technology ngayon. Kahit pa akala nina Liston at ng iba pa niyang kapatid na sikreto nilang ginagawa ang lahat, hindi pa rin sila ligtas sa batas," aniya sa malamig ngunit tiyak na tinig.Mula sa pinakabagong impormasyon ng pulisya, nalaman nilang hindi na kinaya ni Lianna ang bigat ng sitwasyon at tuluyan nang nagsiwalat ng ilang mahahalagang detalye.Ngunit sa ngayon, hindi ito ang iniisip ni Lizzy.Nakatitig siya sa nakasarang pinto ng operating room, ramdam ang dumadagundong na unos sa kanyang kalooban. Isang mapait na ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi."Lagi namang may mga taong iniisip na kaya nilang balewalain ang batas—mga taong akala mo’y makapangyarihan, na parang kayang baligtarin
Sa wakas ay nakarating na sa ospital si Lizzy, at ayon sa sinabi ni Liam, nakita niya si Madel sa kama ng ospital. Pinilit niyang hindi makaramdam ng kahit anong awa ngunit dahil isa pa rin siyang anak ni Madel, hindi niya magawa. Isang nurse lang ang kasama nito. Pagbukas ni Lizzy ng pinto, hirap na hirap si Madel sa pagsasalita. “Ikaw… paano mo nagawa pang pumunta rito?”Ito ang unang sinabi ni Madel kay Lizzy— Punong-puno ng pagdududa at pandidiri, tila isang tinik na tumusok sa puso ni Lizzy.Ngunit tumawa lang siya nang walang emosyon. “Kung hindi ako dumating, baka mamatay ka na lang dito sa ospital nang walang nag-aalala sa ’yo. Maniwala ka man o hindi.”Malungkot ang naging buhay ni Madel. Hindi lang niya napagkamalang hiyas ang isang simpleng bato, kundi ang pinaka-inaruga niyang si Lianna ay hindi naman pala niya tunay na anak...Sa apat na anak niya, ang pinaka-hindi niya pinansin noon ang siya ngayong nag-iisang pumunta upang tingnan siya.Ngunit hindi iyon sapat para ka
“Basta maniwala ka lang sa akin.” Napangiti nang bahagya si Lizzy.Simula nang pumunta siya sa ospital, may bumabagabag na sa kanya, pero sa kabila ng lahat, nanatili siyang kalmado sa anumang kinakaharap niya.Ang tanging nakaapekto sa kanya ay si Iris. Hindi niya inakala na sa ganitong sitwasyon, si Iris pa ang magbibigay sa kanya ng init ng loob.“Lizzy, matagal na tayong nagtutulungan o naglalaban sa negosyo, kaya alam ko ang kakayahan mo.” Mahinang ngumiti si Iris. “Narinig kong iniimbestigahan na ng pulisya ang magkapatid na iyon. Naniniwala akong hindi na magtatagal bago lumabas ang katotohanan. Gusto kong ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa Panyun sa mahabang panahon, kaya sana huwag mong sayangin ang tiwala ko.”Tumango si Lizzy. “Hindi ko sasayangin.”Pagkababa niya ng telepono, napansin niyang mas dumami ang mga tao sa paligid. Halata sa kanilang mga mata ang pag-asa."Ma'am Lizzy, itutuloy ng Hilario ang pakikipag-partner sa atin?" may nagtanong, puno ng tuwa. "Sabi ko na