Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2021-08-27 22:06:56

Tahimik akong nakatingin sa labas. We've already entered the private property of Escanor's. It's a 60 hectares hacienda. Ang bahay namin ay nasa pinakadulo nakapwesto.

May mga maliliit na kubo kung saan tumutuloy ang mga trabahador kung hindi sila uuwi lalo na pag pagod sila o pag madaming trabaho sa hacienda. Libre naman lahat ng mga pagkain nila dito kaya kampante ang mga pamilya ng mga ito kung sakali mang hindi sila makauwi.

I saw some familiar faces and I recognized some of them. May nakita akong mga trabahador na busy sa pagpapagatas ng mga bagong panganak na baka.

Cows, chicken, pig, horse, goat. 'Yon ang mga alagang hayop na nandito sa hacienda. Their population got doubled.

"Nagdidistribute kayo ng mga itlog?" tanong ko kay Koko nang makita ang maraming itlog na inilalagay sa truck.

Bumaling si Koko doon sa tinuro ko. "Kulang kasi noon ang supply ng itlog at sobrang mahal pa. Kaya naisipan ng papa mo na magproduce ng mas maraming itlog at ibenta sa mas murang halaga para hindi mahirapan ang mga mamamayan," mahaba niyang paliwanag.

"See that?" Nguso niya sa isang itim at matangkad na kabayo. One look ay alam ko ng sobrang mahal nito. "Galing pa yan sa ibang bansa. Nito lang mga nakaraang buwan ay nahiligan niyang magpabreed ng mga hayop."

"Kung–" Natigil ako sa pagsasalita nang may namataan akong sobrang pamilyar na tao.

My face become stoic. Nang makita ni Koko ang pagbabago ng reaksiyon ko ay tumingin siya sa kung saan ako nakatitig. Not far away from us, there's a woman in a tight ponytail riding a brown horse.

Tumigil ang kabayo sa gitna ng daan at mukhang inaantay kaming makalapit.

"Samantha," usal ko sa pangalan ng kapatid ko. 

Nakatingin ang mga mata nito sa passengers seat kung saan ako nakaupo. Tinted ang sasakyan ni Koko kaya hindi niya ako makikita pero alam niyang nasa loob ako.

"Idiretso mo lang Koko," malamig kong wika nang bumagal ang pagpapatakbo niya.

"Ahmm. Okay."

Bumalik ang dating bilis ng sasakyan. Linagpasan namin siya. Tumingin ako sa side mirror at nakita ko kung paano kumunot ang makinis niyang noo habang nakatingin sa sasakyan na papalayo. 

Tinanggal ko ang tingin sa kanya at itinutok sa daan. Matatanaw na mula dito ang aming bahay.

"Are you alright? You look nervous." baling ni Koko.

"I'm fine. It's just that, I don't know how to act."

Matagal akong nawala. Marami nang nagbago. Pakiramdam ko ay hindi na ako parte ng bahay na ito. Na lahat ng bakas ko ay tuluyan nang naglaho.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking bahay. Biglang namawis ang kamay ko. Kung pwede lang sanang tumakbo palayo.

Marahang tinapik ni Koko ang balikat ko. "Just be yourself Lauren. Show them that you're not the same as before. Ipakita mong kaya mo ng lumaban." Pagpapalakas niya sa loob ko.

Nginitian ko siya. He's right. "Thanks."

Unang lumabas si Koko. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.

Kandaugaga na lumabas ang mga tagapagsilbi sa bahay. Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin.

"Jusmiyo hija! Lauren ikaw na ba yan?" anang isang medyo may edad ng babae.

"M-Manang Rosing?" wika ko nang mamukhaan ko siya.

Humagulgol siya sa harap ko. "Ang laki laki mo na!"

Isa-isa nila akong yinakap at kinamusta. Natigil lang sila nang awatin sila ni Koko. Kinuha nila ang aking mga bagahe at ipinasok sa loob ng bahay.

"Gusto mo bang ihatid pa kita sa loob?"

"Hindi na. Kaya ko na. Salamat sa pagsundo Koko."

Tumitig ng matagal si Koko sa mukha ko bago bumuntong hininga.

He patted my head. "Tawagan mo ako kung sakaling magkaproblema."

Marahan akong ngumiti. Alam kong nag-aalala siya.

"Don't worry too much. I can handle myself."

"Yeah right." Umirap siya sa hangin. Natawa lang ako sa kanya.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago pumasok sa loob ng bahay.

I'm home.

Samot-sari ang nararamdaman ko sa mga oras na ito habang inililibot ang paningin sa malawak na sala. Katulad pa rin ng dati ang ayos. Maayos pa rin na nakasabit ang mga malalaking paintings sa dingding.The expensive chandeliers and the grand staircase. Meron akong nakitang mga bagong figurines at muwebles pero aside from that ay wala na. It's still the same.

"Miss Lauren, kanina pa po kayo hinihintay ng papa niyo," anang isang dalagang katulong, bahagya pa itong yumukod.

Sumunod ako sa kanya papuntang second floor. Pinagmasdan ko ang paligid. Himala na hindi ko man lang makita ang anino ng step mom ko.

Tumigil kami sa isang pamilyar na pintuan. Ngayon ko lang ulit naalala kung bakit ako bumalik dito sa bayan ng Asthad.

Binuksan ng kasama ko ang pintuan. "Sir nandito na po si Ms. Lauren."

"Maiwan ko na po kayo dito." Paalam niya sa'kin.

"Salamat."

Inilibot ko ang tingin sa malawak na kwarto. Natagpuan ko ang isang pigura na nakatalikod sa akin. Nakaharap ito sa bintana at nakatingin sa malayo. Sadness and pain crept inside my chest upon seeing him.. again.

"P-Pa," usal ko sa garalgal na boses.

His body tensed. "Lauren? Lauren anak? Ikaw na ba yan?" aniya. Nangapa siya habang inililibot libot ang paningin.

Hindi niya ako makita.

Wala siyang makita.

Doon na umalpas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Oh god, he's blind.

Ako na ang lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Pa. Andito na ako.. I-I'm so sorry pa." Iyak ko sa kanyang mga balikat.

"Lauren."

Kung mahigpit ang yakap ko ay mas mahigpit ang kanya.Tahimik lang niya akong niyayakap habang ako ay umiiyak. His tight and warm hug enveloped my body. No one can replace the security that it gives me.

"I'm so sorry pa. I'm so sorry kung iniwan kita."

I missed him. Ngayon na kaharap ko na siya ay parang nagsisisi ako na umalis noon. Na sana ay nanatili na lang ako dito kasama siya. Noong naglayas ako, hindi ko man lang naisip kung ano ang mararamdaman niya. Ang inisip ko lang ay ang sarili ko. Ang makalayo sa lugar na ito.

"Shhhh. I understand hija. Hindi mo kailangang magpaliwanag at humingi ng tawad. Meron din naman akong kasalanan."

Kumalas ako sa kanya at tinitigan siya. "Pa don't say that. Wala kang kasalanan."

Hindi siya nagsalita bagkus ay itinuro ang direksiyon ng kama. Inalalayan ko siya paupo doon.

Bumigay na ang katawan niya. Nangangayayat na rin siya. His proud and mighty posture is gone.

Ito ang dahilan kung bakit ako umuwi. Bigla-bigla na lang nagkasakit si papa. Ang malala pa dun ay nabulag siya.

Samantha can't handle all the responsibilities that our father left. The Capitol and the hacienda pati na ang mga mamamayan. Ang step mom ko ay may sariling line of business kaya bihira lang itong makatulong.

"Ano po ang sabi ng doctor tungkol sa kalagayan niyo pa?" tanong ko habang minamasahe ang mga daliri niya. I used to do this before. Nangangalay daw ang mga kamay niya sa maghapong pagpipirma ng mga dokumento kaya minamasahe ko noon.

Lumungkot ang muka ni dad. "Hindi raw nila matukoy. Ilang doctor na ang tumingin sa akin pero pare-pareho silang walang sagot. Sinubukan pa ni Elizabeth ang mga doctor sa siyudad pero katulad ng dati ay hindi nila alam kung anong klaseng sakit ito."

I bit my lip. Nasabi na sa akin ni Koko ito nung nasa biyahe kami. Una raw na napansin ni dad ay lumalabo ang paningin niya. Sunod daw ay nananakit ang katawan niya. At isang araw nga ay natagpuan nila ito na walang malay sa kanyang opisina. Paggising niya ay ganito na ang katawan niya, wala na ring makita. At sa pagdaan ng mga araw ay lalo siyang nanghihina.

Eye operation is not an option also. Sa kasalukuyang kalagayan ng katawan ni dad ay hindi niya kakayanin ang proseso.

"M-May gamot po ba kayong iniinom?"

"Meron. Pero hindi naman ako gumagaling," biro niya.

Nagbara ang lalamunan ko. I know that he's hiding it. Alam kong nafufrustrate na siya, na gusto na niyang lumabas ng bahay at gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.

"Lauren, ang sakit na ng hawak mo."

Kumurap ako ng ilang beses saka tumingin sa kamay niyang hawak ko.

"Sorry pa!" Di ko namamalayan na pinipisak ko na pala ang kamay niya.

Mahina siyang natawa. Inangat niya ang kamay saka hinanap ang buhok ko at marahang hinaplos. "Kung sana nakikita kita," aniya sa mahinang boses. "I am proud of you Lauren. Minana mo ang katapangan ng iyong ina. Nasaktan man ako nung umalis ka pero alam kong para yun sa ikagaganda ng buhay mo. At sana lahat ng mga natutunan mo sa labas ng bayan na ito ang siyang magiging baon mo sa pagharap sa mga pagsubok na kakaharapin mo."

"Pa.."

"Huwag mo akong alalahanin hija. Gagaling din ako. Gusto ko pang makita ang mga apo ko sayo."

"Pa naman."

"Pero wala ka pa ring boyfriend kaya pano ako magkakaapo?"

"Pa!" Doon na siya humalakhak. Napatawa na rin ako.

I promise na gagaling ka. Hahanap ako ng lunas sa iyong karamdaman. Alam kong napakaimposibleng pakinggan pero mas mabuti na yun kesa ang sumuko na lang.

Matapos naming mag-usap ay nagpaalam akong magpapahinga muna.

Pagkalabas ko ng kwarto ni Dad ay nagulat ako nang makita ko ang aking step mom na nakatayo sa gilid ng pinto. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakahalukipkip. Nakasandal siya sa pader at mukhang hinihintay ako.

"Tita."

Nagmulat siya at tumingin sa akin ang malamig niyang mga mata. Hindi ko alam pero biglang nanlamig ang katawan ko.

Bumaling siya sa dalagang naghatid sa akin kanina dito. "Sherly, ikaw na ang bahala sa sir Anton mo."

"Yes ma'am."

"At ikaw Lauren." Bumalik ang tingin niya sa'kin. "Sumunod ka sa akin."

Related chapters

  • Breaking The Rules   Chapter 3

    Tahimik akong sumunod kay Tita Elizabeth. Tanging ang lagutok ng sapatos niya ang maririnig sa pagitan naming dalawa. Gaya pa rin ng dati ay maayos ang postura niya. Maganda pa rin kahit medyo may edad na. Ang mga alahas sa kanyang katawan ay sumisigaw ng karangyaan. "Pasok ka," aniya sa pormal na boses. Mabilis kong iginala ang paningin sa loob. I think this is her office. Itinuro niya ang mahabang sofa. "Maupo ka." Wala akong magawa kundi ang maging sunod-sunuran sa mga utos niya. May kinuha siyang mga papeles at nagsimulang magbasa. Her brows is perfectly shaped while her lips is on red shade, her typical self. Hinyaan ko lang siya sa ginagawa. I didn't dare to break the silence. Matapos ang ilang sandali ay itinabi na niya ang binabasa. Sumandal siya sa upuan at tumingin sa akin. "So, how are you?" Tanong niya na siyang ikinagulat ko. Tumaas ang kilay niya nang hindi agad ako nakasagot. "A-Ahm. I-I'm

    Last Updated : 2021-08-27
  • Breaking The Rules   Chapter 4

    I closed my eyes while tilting my head. I'm so tired. Nakakangalay ang nakaupo maghapon. "Oh magmeryenda ka muna," ani Koko sabay lapag ng juice at lasagna sa maliit na mesa. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Naisipan ko munang dumaan muna dito bago umuwi. "Koko, bakit di na lang kaya ikaw ang maging Acting Mayor? Tutal ay ikaw naman ang kasa-kasama ni papa noon." "What?" Tawa niya. "Si Tita Eliza ang Acting Mayor. Salitan lang kayo lalo na pag busy siya sa business niya." "Argh. I can't handle the loads of paperworks. Bakit hindi si Samantha dito sa Capitol tutal Law naman ang tinapos niya." Nakasimangot akong sumandal sa upuan. I can't believe na nagrereklamo ako. Pero mas maganda sana na magpalit kami ni Samantha. Maybe I should ask her pag magkita kami. Sumubo ako bago bumaling kay Koko. Nakakunot ang noo niya at malalim ang iniisip. "May problema ba?" Tumingin siya sa'kin. "It's just that something's off with Sama

    Last Updated : 2021-08-27
  • Breaking The Rules   Chapter 5

    Maingay na lumangitngit ang pintuan nang binuksan ko ito. Sumilip ako sa loob at wala ngang tao. Tuluyan na akong pumasok. Una kong napansin ang madaming boots na nakakalat sa sahig. Yung basta na lang tinanggal at hindi na inayos. Madami ring mga coat at leather jacket na nakasabit sa mga dingding. Ito yung mga damit na hilig isuot ni Samantha noon at mukhang hanggang ngayon. Walang masyadong gamit. Isang upuan, isang lamesa. Liban sa bread toaster at coffee maker machine ay wala ng ibang gamit. Dumako ang tingin ko sa hagdan. Paniguradong kwarto ni Samantha ang nasa itaas. Aakyat na sana ako nang may nahagip ang mata ko. Sa gilid ko ay may mahabang itim na kurtina. Bahagya itong nakalihis at mula doon ay may nakita akong isang makintab na bagay. Hinarap ko ito at hinawakan ang kurtina. Itinabi ko ang kurtina at tumambad sa akin ang mga bagay na tinatago ni Samantha. Spear, bow and arrow, and different kinds of gun. Pero ang nakaagaw ng pansi

    Last Updated : 2021-09-26
  • Breaking The Rules   Chapter 6

    Sa kabilang ruta ako dumaan. Hangga't maaari ay iniwasan ko munang dumaan sa cabin ni Samantha. Walang lumabas na balita tungkol sa nangyari kagabi. Gaya ng sinabi ni Koko noon ay mas mabuting ilihim muna ang tungkol sa mga lobo upang hindi mangamba ang mga mamayan.But what puzzles me is Samantha and her group. They are fighting one on one with wolves. Sa tapang at lakas ng loob nilang humarap sa mga nilalang na iyon ay nagsasabing sanay na sila na makaharap ang mga ito.Do they know the existence of wolves ever since? Samantha is a big mystery to me.Bumagal ang takbo ng kabayo. Sa layo ng linipad ng isip ko ay hindi ko namamalayan na nandito na pala kami sa may border.Merong maliit na bakod na gawa sa semento. Ito ang nagsisilbing senyales sa kung hanggang saan ang lawak ng teritoryo ng Asthad.And now, I am facing the thing that save Samantha and the others. This is the trap that they are saying.A chasm.It's dark, wide, and dee

    Last Updated : 2021-09-30
  • Breaking The Rules   Chapter 7

    Mabilis akong nakarating sa plaza. There's a lot of people here but most of them are couples, young couples to be exact. Umupo ako sa may bleachers habang tumitingin tingin sa paligid. Ilang segundo pa lang akong naghihintay kay Koko pero naiinip na ako. Dumako ang tingin ko sa nagtitinda ng sorbetes. Kinapa ko ang bulsa upang kumuha ng barya at bumili ng isa. Matagal na rin akong hindi nakakatikim ng pagkaing ganito. Mabilis ko itong pinapapak habang ang isang paa ko ay sunod-sunod na tumatapik sa semento. Kanina pa mabilis ang tibok ng aking puso. Matagal akong nawala sa bayan na ito habang si Samantha ay dito na lumaki at kasa-kasama ni Dad noon pa man. Pero bakit sa akin nila ibinigay ang impormasyon na ito gayong kararating ko lang sa bayan na ito. It should be Samantha, not me. Nang mahagip ng mata ko ang sasakyan ni Koko ay madali akong tumayo at lumapit sa kanya, bitbit ang librong bigay ng estrangherong lalaki kanina.

    Last Updated : 2021-10-04
  • Breaking The Rules   Chapter 8

    Pagkapark ko ng sasakyan sa garahe ay agad akong pumunta sa kwadra ng mga kabayo. Maaga pa kaya wala pang masyadong mga trabahador sa hacienda. Pabor ito sa akin dahil hindi nila ako makikitang aalis, baka magsumbong pa sila sa aking ama. I picked a brown horse. I'm about to ride on his back when a black horse nearby suddenly caught my attention. Nasa kabilang kwadra it at nag-iisa at nakatingin sa akin ang itim na itim niyang mga mata. Ibinalik ko ang kinuhang kabayo sa kanyang kwadra at lumapit sa itim na kabayo. The horse started to wagged his tail. He let out a low grunts too as I approached him. Hinaplos ko ang leeg nito. Ito yung kabayo na sinasabi ni Koko noon. Napangisi ako. Mukhang nagkakasundo kami ng isang 'to. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad itong inilabas sa kanyang kwadra. I love horse ever since and as I watched the horse in front of me, I can't help but to mesmerized. This one is way bigger and taller t

    Last Updated : 2021-10-06
  • Breaking The Rules   Chapter 9

    Lumapit ang lobo sa amin at dahan-dahan kaming pinaikutan. Nakatutok ang baril ko dito at pinapakiramdaman ang bawat galaw nito. The rain started to pour. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa aking mga armas nang lumakas ang ulan at halos wala na ring makita sa kapal nito. Nanuot ang lamig sa aking katawan pero hindi ko na yun ininda. Nasa tabi ko lang si Brigo na mukhang wala na sa tamang kondisyon. Hindi ko na siya ulit pwede pa na sakyan dahil malubha ang sugat na natamo niya mula sa pagkakatapon at halata na rin na nanghihina na siya sa dami ng mga dugo na nawala sa kanya. Iniisip ko tuloy kung paano ako makakalabas dito sa kagubatan na ganito ang kalagayan ng aking kabayo. Hindi maaatim ng konsensiya ko na basta na lang siyang iwan dito. Kasama ko siyang pumunta dito kaya dapat ay magkasama rin kaming lalabas sa kagubatan na ito. But we need first to defeat the enemy in front of us. Hindi na maaaring tumakbo pa. Wala na ring matatakbuhan

    Last Updated : 2021-10-13
  • Breaking The Rules   Chapter 10

    Me and the brown wolf keeps on staring at each other for how many minutes. Naputol lang iyon nang merong mga sumulpot na apat na naglalakihang mga lobo. Natigilan sila nang makita ako. Lahat ng mga mata nila ay tumingin sa akin. The brown wolf glance at me one more time before he face the newly arrived wolves. Nanatili lang ako sa and kinatatayuan habang nakatingin sa kanila na nagsisimula nang mag-usap gamit ang sariling lengguahe ng mga lobo. From their posture and their expressive eyes, there's no mistaken it that they belong to a pack. Ilang saglit lang ay mabilis na umalis ang apat na lobo sa direksiyon kung saan tumakbo kanina ang tatlong sugatang mga Rogues. I think the brown wolf gave instructions to capture the three. "W-Who are you?" lakas loob kong tanong dito habang nakatingala. Humarap ulit ito sa akin. Tumitig muna ito sandali bago unti-unting nagpalit ng anyo sa harapan ko. Namilog ang mga mata ko nang lu

    Last Updated : 2021-10-20

Latest chapter

  • Breaking The Rules   Chapter 149

    The aftermath scent of rain lingers in my nose as I drove the Wrangle full of goods from the market. I was covered with thick clothes from head to toe to avoid the freezing temperature but it's not enough that some spike of chills still enter between my skin pores.This is the coldest time of this season where you really need a tons of clothing before going out or even inside your house. The temperature drops incoherently than last year.Ngumiti ako nang may bumati sa akin sa gilid ng daan. Bumuka ang bibig ko upang batiin din ito at nakita ko pa kung paano lumabas ang usok galing sa bibig ko sa sobrang lamig, kulang na lang talaga ay magyelo ang paligid.Palapit na ako sa palasyo nang mapansin ko si Zeke na nakatayo sa bukana ng pintuan at kunot na kunot ang noo habang diretso na nakatingin sa akin.Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan nang magsimula na siyang putaktihin ako ng mga tanong.Huminga ako ng malalim. "Zeke—""Lauren naman. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na magpa

  • Breaking The Rules   Chapter 148

    Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas simula nang magsimula ang matinding lababanan sa pagitan ng mga Vaughan laban sa mga malalakas na Alpha sa Timog at Kanluran na Distrito.At kahit na sabihin pa na malalakas ang mga Vaughan, hindi pa rin maipagkakaila ang katotohanan na iba talaga ang lakas ng isang Alpha, kaya nga nilang makipagsabayan sa mga ito pero kita ko sa kanilang mga mata kung paano sila nahihirapan na talunin ang mga ito.Bukod pa doon ay sobrang dami ng mga kalaban na nakapalibot sa amin at nahihirapan din ako na bantayan ang bawat likod ng lahat. Pero hindi ako pwedeng manghina sa mga oras na ito. Nandito sila upang tulungan kami sa laban na ito na wala naman silang kinalaman. Kaya hangga't may lakas pa akong natitira, hinding-hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanila, hindi iyon kakayanin ng aking konsensya.While fighting, my eyes quickly diverted to where Christy is fighting. She's busy fighting to an Alpha and all her focus and attention is on

  • Breaking The Rules   Chapter 147

    "They are so cool!" hindi na rin napigilan na bulalas nitong mga kasamahan ko habang pinapanuod sila Tyrone sa kanilang mga kalokohan na pinaggagagawa."Ikaw ang tumawag sa kanila dito diba Ate Lauren?" baling ni Ivee sa akin. "Paano yun nangyari? Bakit mo sila nagawang papuntahin dito?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.Lahat ng kanilang mga mata ay nabaling sa akin. Punong-puno iyon ng mga katanungan at hindi ko alam kung saan uumpisahan ang pagkukwento sa kanila."Charrggggee!!"Nabaling ang lahat ng atensyon namin sa sigaw na iyon.It's Alpha Wilson together with other Alphas from West District.At mula sa border naman ay ang sangkaterbang mga lobo galing sa Timog na Distrito."How.. How come that they still have that number?!" bulalas ng mga kasama ko.Pati ako ay nabigla. Ang dami nang nalagas sa kanila mula pa kanina pero sa bilang ng mga sumusugod ngayon ay parang wala man lang nabawas sa pwersa nila.If they're

  • Breaking The Rules   Chapter 146

    "Hindi niyo pwedeng kunin sa akin si Da Silva! He is mine! You can't take him away you bastards!" malakas na sigaw ni Alpha Wilson na parang nababaliw na."Go now Dalton," ani Falcon sa kapatid at humanda na sa pakikipaglaban."Noooo! Putangina niyo! Ibigay niyo siya sa akin!" nanlalaki ang mga mata niyang sigaw nang makitang pumapasok na si Dalton sa portal kasama si Dean. Alpha Wilson's face is disoriented, kulang na lang ay magwala siya sa matinding inis at galit.Sa mabilis na galaw ay natawid niya ang distansya sa kinaroroonan nila Falcon.Lahat ng mga tauhan niya ay napawi at nagtilamsikan nang nadaanan niya. Galit na galit any mukha niya na parang inagawan ng sobrang importanteng laruan."Akin siyaaaaa!"Bago pa niya malapitan si Dalton at mahawakan ay biglang sumulpot si Tyrone sa harapan niya. Tyrone grabs Alpha Wilson's neck and slam him forcefully on the ground.Tyrone's face is serious and dark as his golden eyes are looki

  • Breaking The Rules   Chapter 145

    Biglang akong napaiyak. Sa sobrang saya at galak na nararamdaman ko ay umiyak na ako na parang bata. I can't contain my tears. I can't contain my emotions.Akala ko ay hindi na sila darating pa, at kung dumating man sila ay baka nahuli na ang lahat.But thank goodness, they came in time, they made it out here before I lost everything.Malakas na humalakhak si Tyrone saka ako pinatayo at niyakap habang umiiyak ako."Hahaha! Para kang bata. Ganun ka ba kasaya na makita ulit ako?" tumatawa niyang wika habang hinahaplos ang buhok ko.Hindi ako sumagot at umiyak lang sa balikat niya. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat dahil sa pagdating nila."Uwaahh! Ate Lauren!" atungal din ni Enzo saka yumakap sa likod ko."Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo! Buti na lang at dumating ako! Hindi kita papabayaan na masaktan ulit!" iyak niya habang nakayakap din sa akin.Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa sinabi niya. Enz

  • Breaking The Rules   Chapter 144

    I closed my eyes. They say that the world is cruel without realizing that it's us, the people are the one who is cruel.The greediness for power, not being satisfied of what you have, wanting more even though you already have enough, jealousy and envy, those are the reason why this world is full of violence and non-stop killing.If we only learn to be contented, if we appreciate the blessings and the things that we have, then the world Peace is not imposible to achieve.Hinablot ni Alpha Wilson ang buhok ni Dean saka pinaluhod sa lupa. Itinapat nito ang espada sa leeg ni Dean.Umapaw palabas ang mga mga luha ko habang pinagmamasdan ang nakapikit na mukha ni Dean.Para akong mamamatay sa matinding sakit na nararamdaman sa mga oras na ito. Bakit kailangang niyang mapunta sa kalagayan na yan?Hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman at napasigaw na ako habang umiiyak ng malakas. Wala na akong pakialam kung pinagtatawanan nila ako dahil sa n

  • Breaking The Rules   Chapter 143

    Tahimik kong pinanuod ang pag-alis nilang lahat. Akala ko ay sama-sama kaming pabalik sa palasyo pero heto na naman at naiwan ulit ako. Pera ayos lang. Ang importante ay makaalis sila dito.Kung totoo man ang sinabi ni Reid sa kanila ay hindi ko na kailangan pang alalahanin ang kaligtasan ko. Hindi ko nga lang alam kung ano ba ang kailangan niya sa akin at pilit niya akong kinukuha.Nang dumaan sa amin ang sangkaterba nilang mga kasamahan ay tumigil si Levis at sinapak si Reid sa braso."Hindi ko alam kung kanino ka ba talaga kakampi," aniya saka umiling pa na parang dismayado kay Reid."Alam mo kung ano ang sagot ko diyan," bale wala naman na sagot ni Reid.Hindi na muling nagsalita si Levis at pumunta sa harap ko. Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako.His eyes glint mischievously."Man, who would thought that you have a Vaughan blood," aniya habang pinagmamasdan akong mabuti."How did you know?" tanong ni Reid.

  • Breaking The Rules   Chapter 142

    Jacob's POVSome of us change to their wolf form while the others like me stayed in our human form.Damien, the remaining Captains of 10th Division and some suicidal men have joined us to save the Alpha.Karamihan sa mga hindi sumama ay ang mga pamilyado na gusto pang makita ang mga mahal nila sa buhay sa huling pagkakataon. Habang ang iba naman na sumama sa amin ay iyong mga tulad naming nakahanda na upang ialay ang mga buhay.All of us here has nothing to loose anymore.Kung hindi ako nagkakamali ay halos nasa singkwenta ang aming mga bilang.Fifty brave souls. If we get lucky, that's enough number to save the Alpha. We can still take him before the enemies from South will arrive here."Don't make any unnecessary actions! Our top priority is to rescue the Alpha and Lauren!" imporma ni Liam na siyang nangunguna sa amin.Hindi na namin naabutan pa si Leon dahil sa nangyaring pakikipag-usap namin sa mga nanggaling sa border kani

  • Breaking The Rules   Chapter 141

    My vision started to get glitchy as I watched the terrifying scene in the midair.Leon...Mukhang hindi pa nakuntento ang lalaki sa ginawa kay Leon at lalo pang idiniin ang kanyang kamay sa sikmura ni Leon, kulang na lang ay ipasok na nito ang kanyang braso doon.Bumulwak ang masaganang dugo palabas sa bibig ni Leon nang lumusot palabas ang kamay ng lalaki sa kanyang katawan.Hinugot ng lalaki ang kanyang duguang kamay kasabay nun ang pagbagsak ni Leon sa lupa.My body started to tremble uncontrollably. Pakiramdam ko ay tumaas ang lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil sa kahindik hindik na pangyayari."LEOONNN!!" I shouted in horror and fear.Masaganang bumuhos ang luha ko. Sunod-sunod ito at hindi ko alam kung paano ito patitigilin.Dahil sa nangyaring iyon ay natigagal ang lahat. Si Reid ay mukhang nabigla rin samantalang ang mga lobong tumatakbo ay biglang tumigil at pinanuod ang nangyari.Mahinahon na bumaba at tumapak

DMCA.com Protection Status