Eli
Gusto niya daw ako. Matagal niya na akong gusto. Noong una ay mahirap itong paniwalaan dahil kilala ko si Theo bilang isang tigasin at straight na lalaki. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na interesado pala siya sa akin noon pa.
Noong ipagtapat niya sa akin ang tunay niyang nararamdaman at ikuwento kung paano siya unti-unting nagkakakgusto sa akin ay parang lumutang ako sa ere. First time na may isang tao na nagtapat sa akin ng ganoon kaya aaminin kong sobra akong ki
Eli"Theo, anong ginagawa mo rito?"Gulat kong tanong sa lalaking nanlilisik ang mga tingin sa katabi kong si Wildon na ngayon ay nakangisi na. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari dahil parehas nilang ayaw sa isa't-isa.Hindi ko naman kasi inaasahan ang biglaang pagsulpot nitong si Theo mula sa kawalan. Sandali nga. Hindi kaya siya 'yung taong nakita ni Mama kanina? Marahil ay siya nga iyon pero bakit hindi siya nagpakita sa akin noong nilabas ko siya? Dahil ba nakita niya si Wildon sa may sala?Nag-igting muli ang panga ni Theo bago ito nagsalita."Gusto kitang makausap, Eli. Pauwiin mo na ang lalaking iyan." may diin na tugon sa akin ni Theo. Mahahalata sa boses nito ang pagpipigil nito sa kanyang galit. Hindi niya ako nilingon nang sabihin niya iyon at na kay Wildon pa rin ang kanyang matatali
Eli"Uy, Pre! Nandito na si Eli oh!"Papasok pa lang ako sa gate ng Colegio de San Nicolas nang marinig kong may bumanggit sa pangalan ko. Si Kenneth iyon. Kasama niya si Theo, pati na rin yung iba pa nilang katropa na sina Rex at Tobee. Nakakumpol sila sa isang shed malapit sa entrance ng school. Mukhang may inaabangan silang dumating nang marealize kong nasa akin ang kanilang tingin.Sh*t! Teka?! Bakit nakatingin silang lahat sa akin?! Bigla tuloy akong naconscious at hindi mapakali. As in sino ba namang kakalma kung ang grupo nila Theo ang titingin sayo. Eh grupo 'yan ng mga chickboy at bulakbol na lalaki.Saglit kaming nagkatinginan ni Theo at nagbitaw siya ng isang malawak na ngiti sa akin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa niya kaya kaagad rin akong umiwas ng tingin sa kanya at naglakad na papasok ng school."Eli!"&n
Eli"Theo? Eli? Anong ibig sabihin nito?"Natigilan kaming parehas ni Theo nang makita namin si Yumi sa labas ng University. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Yumi sa akin at kay Theo. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito. Iniisip niya siguro kung bakit magkasama kaming dalawa ng ex-boyfriend niya.Wala naman sigurong masama kung maabutan niya kaming magkasama ni Theo. I mean, kung hindi lang sana patakbong sumunod sa akin si Theo na parang hinahabol ako nito, hindi na sana ito nagbigay pa ng kahulugan kay Yumi.Ano nang gagawin ko ngayon?I saw Theo moved closer to me. Parehas kaming hindi nakapagsalita kaagad dahil hindi namin inaasahang makita rito ang ex-girlfriend niya. Parang wala siyang balak na i-explain ang sarili niya kay Yumi. But unlike him, I want to explain myself to Yumi. Ayokong mali ang isipin niya sa aming dalawa ni Theo. I
EliMaaga akong nakarating sa school ngayong araw. Maaga kasi akong nagising, o sabihin na nating hindi rin talaga ako nakatulog ng ayos. Sa tingin ko ay dalawa o mahigit isang oras lang ang naitulog ko kagabi dahil sa gumugulo sa isipan ko. Sobrang hirap matulog. Lalo na't paulit-ulit na tumatakbo sa kukote ko 'yung pinost na litrato ni Yumi sa friendsbook.Magkayakap sila ni Theo. Nagkabalikan na sila.Alam kong ginagawa lang iyon ni Theo para tuparin ang pangako ko kay Yumi. Pero bakit ganon? Bakit ako nakararamdam ng matinding selos gayong alam ko namang palabas lang ang lahat ng iyon. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko pero para saan pa. Huli na ang lahat. Magnobyo at nobya na ulit silang dalawa.Nabasa ko yung ilang mga comment sa post na iyon na mas lalong nagpadagdag ng sakit at selos na narar
THEOPalabas na ako ng University para kitain si Eli. Kanina ko pa hinihintay ang pagkakataong ito para muling makasama siya. Para bang sasabog ang utak ko sa kaiisip ng kung anu-anong bagay ang mga posible naming gawin mamaya.I know napakabull sh*t ng ginagawa naming act para kay Yumi, pero alam kong hindi naman na magtatagal ay masasabi ko rin sa kanya ang totoo. Na hindi siya ang totoong gusto ko. Na palabas lang ang lahat.Ngayon lang ako naging ganito ka-excited sa talambuhay ko. I can't wait to be with someone I really like. And that's Eli. For sure.I really don't know how I ended liking him so freaking bad. Like 'tang *na'. Kusa na lang iyong nangyari at ito masasabi kong sa kanya ko pa lang naramdaman ang ganitong klaseng feeling. Alam niyo 'yon? Iyong alam mo kung anong rason at kung para kanino ka bumabangon. Sino nga bang mag-aa
ELI"Saan ba kasi tayo pupunta? Ang layo na ng nararating natin oh?!" pasigaw kong tanong kay Wildon para marinig niya ang sinasabi ko. Parehas kasi kaming nakasuot ng helmet at maingay ang tunog ng kanyang motor. Mahigit isang oras na akong sakay ng motor niya. Surprise daw kung saan kami pupunta para sa date naming dalawa. Wala naman talaga akong balak na sumama sa kanya. Kaso mapilit ang tisoy na 'to at tahasan akong isinakay sa kanyang motor. "We're getting there. Just hold on tight, here." naramdaman kong hinila ni Wildon ang isa kong kamay at pinuwesto iyon sa bandang tiyan niya. "I'll drive faster. Make sure you'll hug me tight, so you won't fall." salay
ELI"Oh, heto at uminom muna kayong dalawa ng kape."Ibinaba ni mama ang dalawang tasa ng kape sa ibabaw ng mini-table namin sa sala. Umuusok pa ang laman nito, saktong-sakto para mainitan ang nilalamig ko pa ri'ng katawan."Maiwan ko muna kayo diyan ni Theo ha. May liligpitin lang ako sa kusina." Paalam nito at pagkatapos ay lumingon siya kay Theo. Nginitian niya lang ito saka siya tumalikod at naglakad pabalik sa kusina dala ang tray na pinaglagyan niya ng mga tasa ng kape.Muli ko'ng pinunasan ang medyo basa ko pang buhok gamit ang towel na nakasabit sa aking batok.Kinuha ko 'yung isang tasang kape nang hindi nililingon ang lalaking nakaupo sa may bandang kaliwa ko. Nahihiya kasi ako sa kanya.Nakaupo ako ngayon sa mahaba naming couch habang si Theo naman ay nasa pang-isahang upuan na halos isang metro lang ang layo sa
THEO Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa halinghing na aking naririnig. Kaagad akong napabangon nang mapagtantong kay Eli nanggagaling ang mga d***g na iyon. Napatingin ako sa orasan. Alas-tres pa lang ng umaga. "Eli, anong nangyayari sa iyo?" Tarantang tanong ko kay Eli matapos siyang makitang nakabaluktot habang yapos-yapos ang sarili. Mukha siyang nahihirapan sa kanyang hitsura. "Sh*t!" Napamura ako matapos hawakan ang braso ni Eli. Inaapoy siya ng lagnat! "Eli! Gumising ka, Eli!" Tinapik-tapik ko siya sa braso at siya nama'y unti-unting inimulat ang kanyang mata. Mapupungay ang mga ito. "Nilalagnat ka, Eli. Sobrang init ng katawan mo." Mabilis akong lumabas ng kuwarto para bumaba sa kusina at kumuha ng isang plangga
THEO"Eli! Please... Gumising ka!"Wala nang malay si Eli nang maiahon ko siya mula sa tubig. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanya dahil mag-isa lang siya nang abutan ko at lumulutang. Wala rin akong ideya kung gaano katagal na siyang naroon pero sana lang talaga ay maisalba ko pa ang buhay niya.Hindi na tumitibok ang pulso ni Eli at Wala na siyang hininga."Tulong! Tulungan niyo ako!"Sigaw ko sa palagid pagkatapos ay sinubukan kong i-CPR si Eli.Isinara ko ang ilong niya at ibinukas naman ang kanyang bibig para mabugahan ko iyon ng hangin. Pagkatapos ay ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at paulit-ulit iyong diniin.First time ko lang gawin ito sa buong buhay ko dahil hindi pa naman umabot na may kasamahan akong nalunod. I hope I am doing the right thing dahil buhay ni Eli ang
THEOTulala akong bumalik patungong kwarto. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Eli. Iniwan niya akong mag-isa sa tabing dagat matapos sabihing wala na akong pag-asa sa kanya.Masakit, subalit kailangan kong irespeto ang desisyon niya.Sinubukan kong baguhin ang isip niya at sinabing kaya ko siyang bigyan ng mas mahabang panahon para pag-isipan ang tungkol sa amin. Subalit mukhang buo na ang desisyon ni Eli na itigil na ang kung anong namamagitan sa pagitan naming dalawa."Oh Pre, anong nangyari? Bakit hindi maipinta iyang mukha mo? Nasaan si Eli?" sunod-sunod na tanong ni Kenneth nang maabutan ko ito sa labas ng room na nirentahan namin."Wala nang pag-asa, Pre." walang gana kong sagot sa kanya saka kinuha ang susi ng kwarto galing sa aking bulsa. Tumabi naman ang kaibigan ko mula sa pinto para mabuksan ko ito."Wait, wha
THEO"Inumin mo ito."Inabutan ko ng kape si Eli para mahimasmasan siya. Makakatulong iyon para mabawasan ang pagsakit ng ulo niya."Salamat." tipid na wika nito."Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang gag*ng iyon. Mabuti na lang at sinundan ko kayo pabalik sa kwarto niyo."Tinabihan ko si Eli na ngayon ay nakaupo sa kama sa loob ng kuwarto namin ni Kenneth.Hindi nagsalita si Eli at humigop lang ito sa tasa ng kapeng ibinigay ko sa kanya."Hays! Sakit nga sa ulo ang tisoy na iyon. Mantakin mo? Nasa loob pala ang kulo niya. Mabuti at hindi siya nagtagumpay sa binabalak niya." sambit naman ng kaibigan kong si Kenneth na nakatayo malapit sa pintuan. Sinisiguro niyang hindi makakapasok dito sa loob 'yong gag*ng si Wildon para puntahan si Eli.Nilingon ko si Kenneth at binigyan
THEO"Napakawalang-hiya talaga ng lalaking iyon. Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina ay nabangasan ko na ang mukha ng amerikanong hilaw na iyon! Nakakaasar!" inis kong sabi sa kaibigan ko.Nakacheck-in na kami ni Kenneth dito sa resort kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon.Nang matanggap ko ang mensahe mula kay Eli na magbabakasyon siya kasama si Wildon ay kaagad akong humingi ng pabor kay Kenneth para samahan akong sundan sila.Hindi naman ito tumanggi kaya naghanda na kami kinabukasan para sa araw na ito.Hindi ako nireplyan ni Eli sa mga text ko sa kanya. Hindi ko siya matawagan at hindi ko rin naman siya machat dahil nakadeactivate ang account niya dahil siguro sa pang-eexpose sa kanya ni Yumi sa friendsbook.Halos mabaliw ako sa kakaisip ng paraan para malaman kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon. Wala
EliBiyernes.Maaga akong gumising para magprepare ng mga damit at bagaheng dadalahin ko sa three days and two nights naming bakasyon ni Wildon sa Rio Vellorja's Beach Resort. I really need this right now dahil sa nangyari kahapon. I need to escape from everything na magpapaalala sa akin ng ginawa ni Yumi.Hindi naman siguro masama kung hindi muna ako papasok sa school at nagmessage na rin ako sa mga professor ko sa school na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko gawain ito pero mas hindi ko kakayanin ang makita si Yumi at pati na rin si Theo."Ma! Nasaan na 'yung floral kong polo? Iyong pang summer?"Sigaw ko mula sa kwarto. Kasalukuyan kasing nagluluto ngayon si Mama sa kusina nang ibabaon ko sa byahe. Hindi naman na sana kailangan dahil may pagkain naman na kasama sa ticket namin ni Wildon pero makulit itong si Mama."Ay n
TheoWalang gana akong bumalik sa sentro ng park kung saan ang usapan namin na magkita ni Kenneth.It's too late.Gusto ko mang habulin si Eli ay hindi ko iyon ginawa. Kusa siyang sumama kay Wildon. Para saan pa kung pipigilan ko siya? Obvious naman na iniwasan ako ni Eli kanina nang tumakbo itong umiiyak palayo sa akin.Nais ko sanang pagaanin ang loob ni Eli dahil sa ginawa ni Yumi, subalit naunahan na ako ni Wildon. Si Wildon na siyang karibal ko sa puso ni Eli. Gusto ko mang sugurin ang mokong na iyon ay hindi ko nagawa.Hindi ko itatanggi, nasaktan ako ng sobra nang makita kong akay-akay siya ni Wildon patungo sa motor nito.Ilang beses ko nang sinabi kay Eli na hanggat ma-aari ay huwag siyang sumama sa lalaki na iyon. Pero sino nga ba naman ako para diktahan siya. Hindi naman ako ang boyfriend niya. Hindi pa sa ngayo
ELI"Nandito ka lang pala."Napatingala ako sa aking harapan nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.Si Wildon iyon. Suot ang paborito niyang jacket habang bitbit ang kanyang helmet.Napawi ang mga ngiti nito nang nagtagpo ang aming paningin."Wait, are you crying?" kunot noo'ng tanong nito sa akin.Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay pinahid ang mga luhang hindi ko mapigilan sa pagbuhos mula sa aking mga mata."I'm alright, Wildon." wika ko habang inaayos ang aking salamin.Kumuha ako ng tissue mula sa aking bag at ginamit iyon para ayusin ang aking histura.Dahang-dahang kumilos si Wildon mula sa kanyang puwesto at alam kong uupo siya sa tabi ko."I'm sorry to what happened to you, Eli. Kung ano man 'yon, alam kong hindi ka okay ngayon. Nalu
ELIKasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng hall way papuntang classroom. Gaya ng inaasahan, lahat ng madaanan kong estudyante ay napapalingon sa akin. Sa 4,236 friendsbook friends ni Yumi, paniguradong kalat na sa buong campus iyong pinost niya about sa akin. Thanks to her, ngayon ay pinagpipiyestahan ako ng madla."Look who's here. Grabe, hindi talaga ako makapaniwalang bakla pala siya. Sayang, guwapo pa naman."Nadinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya nang mapadaan ako sa harap nila. Sobra naman 'yung tsismisan nilang dalawa. Halatang sadya nilang ipinarinig iyon sa akin.Minabuti ko'ng huwag na lang silang pansinin hanggang sa makarating ako sa room namin. Buong akala ko noo'y nakaraos na ako mula sa kalbaryo ng mga tismisan sa labas nang makapasok na ako sa silid. But guess what? Ang nakabusangot na mukha ni Yumi ang kaagad na su
ELISinabi ko kay Theo ang balak na pakikipag-break ni Yumi sa kanya. He's cool with that dahil mas pabor daw iyon sa kanya. Ang sabi niya, hindi na raw kami mahihirapang umisip ng paraan kung paano siya makikipag break kay Yumi dahil ito na mismo ang tatapos sa relasyon nilang dalawa.Ako lang ba o sadyang hindi talaga patas ang nangyayari para kay Yumi?Alam kong hindi sinasadya ni Theo na umasa sa kanya si Yumi pero hindi ko lang talaga maiwasang makonsensya dahil sa katotohanang ako ang gusto ni Theo at hindi siya.Hawak ko ngayon ang cell phone ko habang nag-i-scroll ng inbox ko sa MATCHED. Matagal na rin akong hindi nagbubukas ng account dito mula ng mameet ko in person si John Smith na si Wildon pala in real life.Napangiti ako sa kawalan. Naalala ko kasi noong paghinalaan ko si Theo na siya si John Smith. Paborito niya kasi ang The