Sunod naman ang paglapit ng papa nila sa kabaong ni Dalhia. "Dalhia.. My only princess.. I-I'm so so sorry.. You shouldn't be here. You are still young and have so many things to do. This is all my fault." Humihikbi itong dumukwang sa kabaong ng anak. Napuno ang apat na sulok ng silid ng pighati, luha at iyak ng mga taong nagmamahal kay Dalhia. Hindi ko man siya kilala personal o nakasama ramdam kong mabuting tao siya. Minahal at prinotektahan niya si Lara. Naupo ang lahat ng tila humupa na ang tensyon sa pagitan ng bawat isa. Nanatili ako sa tabi ni Lara. Sa tabi ko naman si Mira habang katabi naman niya si Jaime. "Lara.." Ang kasamang babae ito ni Deena. Tumayo naman si Lara at sinalubong ito ng yakap. They know each other??"I need your help, Piper.. Elton should pay for what he did to Dalhia." Rinig kong saad ni Lara. Lumapit at tumayo naman sa harapan ko si Deena. Tumayo din ako at niyakap ito. "Deena.." Mahinang sambit ko. "EL.. I-I'm s-sorry. I didn't know Elton would b
NAKABALIK ako ng hotel pero wala si Piper. Yamot akong napahanap ng phone ko sa bag. Saan naman kaya siya nagpunta? Ginagawa niya ba to dahil hindi ako sumama sa pag uwi sa kanya? Haist. Naiinis akong nag aantay sagutin ni Piper ang tawag ko. Natapos na lang ang pag riring nito wala pa ding boses ni Piper. Hindi ako tumigil at tinawagan pa din siya hanggang sumagot ito sa wakas. Nagsalubong agad ang kilay ko sa ingay na naririnig sa back ground. "Piper... Where are you? Andito ako sa hotel. Asan ka ba??" Tila wala itong naiintindihan kahit anong sigaw ko. Naiinis na ako at konti na lang mahahagis ko ng di oras ang phone ko. "Umuwi ka ngayon din!" Ubod lakas kong bulyaw. Kung narinig niya yun for sure basag na ang eardrums niya sa lakas. "Piper! Hey! Answer me!" Galit na ko ng tila wala itong balak sumagot. "Alright.. Alright.." Agad nitong binaba ang tawag. Humanda talaga siya saken. Kung hindi pala ako umuwi hindi ko malalaman nasa labas siya at plano pa ata niyang mag pa um
[PIPER ELOIZE CHAPMAN] MAHIMBING pang natutulog si Deena ng magising ako. Sinuot ko lang ang bathrobe ko matapos mag hilamos at toothbrush. Pinagmasdan ko ang tila anghel na si Deena na tanging kumot ang saplot. Tama siya at kailangan ko na ngang sabihin kay Dad ang tungkol kay Lara. Isa pa baka hinahanap na din ako nito at nag aalala na saken. Bigla na lang iniwan ko ang kumpanya sa pangangalaga ng assistant ko. May ilang araw na lang din si Claudette at leave na nito.Nagtataka naman ako kay Deena dahil mukhang hindi nito priority ang movie na pinirmahan kay Solaire. Iniwan ko saglit si Deena at lumabas matapos makapag bihis. Nagpunta ako sa lobby ng hotel sa may bandang garden nito. Nilabas ko ang phone at huminga pa ng malalim bago tinawagan si Dad. "H-hello. Piper.. Where are you? I'm here in your office. Your assistant told me you went to Paris. What are you doing there?" Mahabang pahayag nito. Wala naman akong naintindihan dahil hinahanda ko ang sarili sa ipagtatapat ko
[LARA AUSTIN] KAGABI pa akong hindi mapakali buhat ng sabihin saken ni Deena na may posibilidad na buntis si EL. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Alam kong pwersahan ang naging kasal nila ni Elton and knowing him ayaw nitong magkaanak. Mababaliw na ako sa kakaisip kung paano. Did Elton force her to have sex? Is it consensual? Oo o hindi parehas na masakit. The thought was already crossing my mind, but I didn't wanna accept it. Everything was just too much. How many people suffered because of protecting me? Nakita ko ang muling pagmamadali ni EL na magtungo ng banyo. Sinundan ko siya. Nagsusuka ito. "Hey! Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko habang hinahagod ng haplos ang likuran niya. Panay pa din ang pagsusuka nito. "Y-You are pregnant.." Bigla na lang lumabas sa bibig ko ng matigil sa pagsusuka si EL. Napatingin siya sa akin matapos pahirin ang labi at maghugas ng kamay. "Yeah. I guess so." Sagot nitong nakahawak sa dulo ng sink, le
AFTER ONE MONTH>>>Official na ipinakilala ni Mr. Chapman si Lara Austin ang panganay niyang anak ng magkaroon ng ball sa kanilang Mansion. Hiniling ni Lara na manatili sa pagiging Austin. Ang apelyidong ibinigay sa kanya ng mga kinilala niyang magulang. Bilang pag alala, pasasalamat at pagtanaw iyon sa pagkupkop at pagbibigay sa kanya ng buong pagmamahal kaya lumaki siyang mabuting tao. Samantala simula ng mapatunayang si Solaire ang nasa likod ng ginawang framed up kay Deena ay naibasura ang kontrata sa movie na dapat pagtatrabauhan nila. Kinasuhan ni Deena si Solaire ng criminal libel. Sa matibay na evidence at statement ng MUA niya na accomplice sa krimen ay naipanalo ito at pinatawan ng mahigit four years na pagkakakulong si Solaire. Hindi naman niya itinuloy pa ang charge sa Transwoman niyang MUA sa awa rito. [LARA AUSTIN] On the way ako ngayon para sunduin si EL sa work nito. Susurpresahin ko siya dahil na grant na ang divorce nila ni Elton. Napabilis iyon sa tulong ni
[PIPER ELOIZE CHAPMAN] Halo halong emosyon ang dumadaloy ngayon sa kalooban ko habang inaantay ang pagdating ng babaeng bumihag ng aking puso. Hindi sumagi sa isip ko ni minsan na darating ako sa puntong ito ng buhay ko na magsusuot ng puting wedding gown at manunumpa ng pang habang buhay na pagmamahal sa isang babae. Saksi ang mahahalagang tao sa buhay namin ni Deena papunta na kami ngayon sa next chapter ng love story namin. Andyan ang parents niya. Wala man ang Mom na kinalakihan ko o ang biological mother ko, andyan naman si Dad at ang supportive sister ko na si Lara kasama na din ang babaeng pinakamamahal niya. Gaya ng inasahan ko, pinaanyayahan din ni Nicky, Murphy at Madison ang invitation ko sa kanila. My two best friends, Calliope and Claudette, are also present. Kasabay ng pag ihip ng hangin dahil sa beach ang napagkansunduang venue namin ni Deena, marahan itong naglalakad suot ang kanyang magarang wedding gown palapit sa akin. Napaka ganda niya talaga. Walang bahid p
"Love.. Are you alright?!" Tanong sa akin ng wife ko ng di ko alam kung gaanu na ba kami katagal dito sa rooftop ng kung saan ginanap ang reception ng kasal namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil magulo ang isip ko. "Remember.. You are not alone anymore. I'm here, Love. I will always be here no matter the trials or problems the world may throw us." Imbis na magsalita, sumagot ay niyakap ko na lang siya. Naramdaman ko naman ang pag ganti niya kaya kumakalma na din ang pakiramdam ko. Siya lang naman ang nakakagawa nun. "Thank you for coming into my life and daring to love me despite me being fucked up." "I love you so much, Piper Eloize Chapman.." Nangingiting hayag nito ng magkaharap kami. "Tara na? Let's face them." Sa simpleng salita niyang yun naging malakas ang loob ko. Ginawa ko ang sinabi niya at bumalik kami. Nakita ko si Lara na ngayon ay kausap na si Mom at Dad. Lumapit naman sa akin ang Zora na sinabing tunay kong ina ni Dad. "Piper.. Can we talk?" Napating
[LARA AUSTIN] Ang daming nangyari sa araw na to at akala ko matatapos ang gabing panget ang kalalabasan pero heto kami ngayon nasa bagong bahay nila Piper. Masaya akong makasama, makabonding ulit sila Murphy, pakiramdam ko ang lapit lang ni Dalhia. Pero totoo naman dahil nasa puso ko lang siya. Hindi siya kahit kailan mawawaglit sa isip at puso ko. Naalala ko ang pagbibiro ko kay Dad na dapat mas malaki ang wedding gift niya sa amin ni EL pag kami naman ang kinasal. Tumawa lang to ng araw na yun. Magaan ang kalooban kong nakausap sa wakas ang tunay kong ina. Napatawad ko na din siya kahit wala naman talaga siyang kasalanan sa pagkawala ko.Umaasa akong ganun din si Piper sa tunay niyang ina. Maikli lang ang buhay para hayaan nating patakbuhin tayo ng mga galit natin at sayangin ang dapat ini-enjoy nating mga moments. Simula ng magpaalam ako kay Dalhia at tanggapin ng maluwag sa loob kong nasa heaven na siya naging positive na ko laging mag isip. Nagkakasiyahan ang lahat sa liv