Act(Thala's Point of View)Habang palapit kami nang palapit sa main gate ng Kiken ay natatameme ako. Sobrang lakas ng kalabog ng aking puso at nanlalamig ang aking pawis. Bawat tanawing nahahagip ng aking mata, masayang alaala namin ni Alaric ang naglalaro sa utak ko. Nostalgia, that is.Lumabas na si Alaric ng kotse ngunit hindi ko pa rin magawang sulyapan siya. Nasasaktan ako para sa masasayang alaala naming dalawa. 'Yong puso ko, hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari. Napaka-weird. “Ma'am Myrthala, hindi niyo po ba sasamahan si Mr. Atkinson sa loob?” pagtataka ni Roy. Nalilito kong tinignan ang labas ng bintana, kung saan nakatingin si Roy. Nakita ko si Alaric na nakahalukipkip at masungit na hinihintay ang aking pagbaba. “Maghihintay na lang ako rito,” peke akong ngumiti kay Roy at napasinghap nang umiling siya sa akin.“Sa tingin ko po, mukhang kailangan niyo pong sumama kay Mr. Atkinson.” Ibinaba ni Roy ang rear-view mirror ng sasakyan.Pinanlakihan ako ng mata dahil
Basura(Thala's Point of View)Tumikhim ako at buong tapang na sinunod ang gusto ni Alaric. Tama siya sa parteng nandito lamang ako para magtrabaho at amo ko siya. “Okay na po ba?” pagmamatapang ko. Ikinuyom ko ang aking kamao at pinilit ang sariling huwag kumurap sa staring competition na nagaganap.“Touch me,” hamon niya na hindi rin nagpapatinag. “Kung talagang komportable ka, hawakan mo ako,” mapang-akit at mababang boses niyang usal.“Sobra na 'yan, Alaric. Dapat talaga naglalagay tayo ng boundaries. 'Di porke't amo kita ay gagawin ko na ang kahibangang naiisip mo,” asar kong sagot ngunit pinapanatili pa rin ang pagiging kalmado.“Ano? 'Di mo kaya? Naduwag ka bigla—putang*na anong ginagawa mo, Thala?!” gulantang niyang wika na napaatras bigla at may nagtatanong na ngayong mga mata. “Bakit mo sinakmal ang...” hindi niya pa masabi-sabi ang salita, “'yong ano ko!” Napahilamos siya sa mukha gamit ang kanyang palad sa iritasyon.“Ang alin? 'Yang junior mo?” Inosente kong itinuro ang g
Mr. Stilleto (Thala's Point of View)Mag-isa lamang akong nakaupo sa isang tabi. Out of place dahil karamihan ng nandirito ay business ang bukambibig. Wala rin si Alaric dahil kinakausap niya ngayon si Mr. Vizencio. Ang pangit lang dahil kaarawan niya tapos iba ang ipinunta ng mga tao.“Hi, bakit ang tahi-tahimik mo riyan, uhm, Zara or Thala?” nalilitong tanong ni Francheska na nagpakawala ng isang matamis ng ngiti.“Thala is fine. Mas gusto ko ang Thala,” sagot ko. Ang totoo, gusto kong si Alaric lamang ang tumawag no'n sa akin.“Oh! Naalala na kita! Ikaw nga iyon. Iyong nakita ko sa bar years ago!” sabat ni Cheska na humalakhak bigla. May saltik din pala ito katulad ko.“Huh? Ah, yeah. Naglalagi ako rati sa bar—”“Kasama mo pa nga si Alaric. Tinatawag mo siyang Mr. Stilleto. Sigaw ka nang sigaw,” natatawang pagbabalik-tanaw niya.Huh? Kailan? Bakit hindi ko maalala? At kasama ko si Alaric?“M-Mr. Stilleto?” Habang pinipilit ko iyong alalahanin, mga alaala ng nakaraan ang biglaang d
Bigla[CONTINUATION]“Stop being childish. You're engaged, Ms. Laurenco,” protesta niya na nakabusangot. Mababa ang kanyang boses ngunit bakas ang diin dito.“Business naman 'yon,” sagot ko na may kasamang pait. Nakaramdam akong muli ng pagkahilo kaya pagod kong isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. “Let me rest,” naibulong ko sa gitna ng kalasingan.Suminghap siya at kalaunan, naramdaman ko ang paglalakad niya papunta kung saan. I don't know him but who cares? Sinira niya ang heels ko kaya kailangan niyang magdusa.“Turned on?” wala sa sariling bulong ko na muling binalikan ng kalokohan. Ramdam ko ang paninigas niya dahil sa sinabi ko. Karamihan kasi sa nakakasalamuha ko na mga lalaki, ang habol lang talaga sa akin ay ang katawan ko. Not to boast but I have a pretty nice curves. Hindi kalakihan ang boobs at pwet ko pero bumagay ito sa hulma ng aking katawan. I won't be surprised if he's starting to lust over me.“I’ll leave you here if you don't fvcking shut up,” pagsusungit n
Parusa(Thala's Point of View)Dahan-dahan kong ibinalik ang aking tingin kay Avory. Namumula na ang kanyang ilong at halata rin ang namamaga niyang mata. Kapansin-pansin din ang dilim ng kanyang awra habang nanggigigil niya akong tinititigan.“Gusto mo ba ng pera? Ito...” naghalungkat siya sa kanyang bag at kinuha ang pitaka, “this is one million. Bumalik ka na kung saan ka man nanggaling at lubayan mo na si Alaric.” Inilahad niya sa aking harap ang tseke. Iginalaw-galaw niya ito nang makitang tinitignan ko lamang siya.“Hindi ko kailangan ng pera, Avory,” seryosong sagot ko. Nasapo ko ang aking noo dala ng frustration. Pagkatapos ay nakapamaywang siyang hinarap. “Bakit lagi na lang may nag-aalok sa akin ng pera? Mukha ba akong pera?” naiinsulto kong bulong at bumuga ng hangin.“Ngayon pa lang nagka-interes ulit si Alaric sa pagpapakasal matapos mo siyang lokohin. Bakit ba parang wala lang sa'yo si Alaric? Hindi siya laruan, Thala para pabalik-balik mong pagkatuwaan. Ikakasal na kam
Involved (Thala's Point of View)Suminghap ako at nilabanan ang kakaibang titig niya sa akin. “Ipapaalala ko lang sa'yo, Mr. Atkinson. Sekretarya mo ako. Wala akong obligasyon na ipaalam sa'yo pati ang pribadong buhay ko.” Hindi ako kumurap nang sabihin ko ang mga ito sa kanya. Ni hindi ako nagpatinag nang mas inilapit pa niya ang kanyang mukha sa akin.Tiim ang bagang niya nang lubayan na ako. Nairita dahil noon naman kapag ginagawa niya ang ganitong move, bumibigay kaagad ako. “Mamaya, ihahatid ka ni Roy. May kailangan lang kaming pag-usapan ni Avory,” bilin niya na wala na sa mood ngayon.“Mr. Atkinson, hindi ko na kailangan ng maghahatid sa akin pauwi. Kaya ko ng umuwi nang mag-isa. And I'd like to inform you na hindi mo na kailangang ipaalam sa akin ang mga gagawin mo after ng party—”“Why do I smell jealousy somewhere? First of all, SEKRETARYA kita. Dapat mong malaman ang mga ginagawa ko baka sakaling mayroong maghanap sa akin. It's your job to answer them, Thala,” mayabang niy
Mine(Thala's Point of View)Lunes nang nakayuko akong pumasok sa trabaho. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin pero ang iniiwasan ko ngayon ay si Lola Emma. Naghihintay siya sa opisina ni Alaric at sa tabi niya ay si Avory.“How unprofessional. Sekretarya ka kaya pumasok ka ng maaga,” pagtataray ni Lola Emma. Sinuri niya ang aking kabuoang suot at tinaasan ako ng kilay pagkatapos nito. “Masyado atang maikli ang suot mong saya? Ano? Balak mo ba na akitin ulit ang aking apo?” pangmamaliit niya.“Uhm, good morning po, Ma'am Emerald,” bati ko na nagpakawala ng ngiti, sa kabila ng ibinungad niya sa akin. “Bingi ka ba o umaasta ka lamang na walang naririnig? Hipokrita,” komento niya at umirap sa akin.“La, tama na po iyan. She's just an ORDINARY secretary. Masyado na siyang cheap ngayon para patulan,” gatong ni Avory na sinipat ako. “Ikaw. Ipaghanda mo kami ng maiinom. Gusto ko ng kape 'yong nasa labas. Sabihin mo lang sa kanila ang aking pangalan at ibibigay nila
Baka(Thala's Point of View)Natahimik si Avory dahil sa sinabi ni Alaric sa kanya. Kapansin-pansin ang pamumula ng kanyang pisngi at papatulo niyang mga luha. Samantalang galit na galit naman akong tinititigan ni Lola Emma. Hindi niya ako nilulubayan ng tingin na animo ay ako ang umaway sa paborito niyang prinsesa.“Huwag kang magbitaw ng ganyang mga salita sa mapapangasawa mo, Alaric. Hindi kita pinalaki ng ganyan.” Habang sinasabi niya ito para sa kanyang apo ay parang ako ang pinapatamaan o pinariringgan niya. “Hindi pa tayo tapos. Sisiguraduhin kong aalis ka kagaya ng ginawa mo noon,” bulong niya sa akin na may kasamang pagbabanta sa paraan ng kanyang pananalita.Nakahinga ako nang maluwag nang pumasok na kami sa conference room para sa nasabing meeting. “Bakit nandirito rin ang babaeng ito?” tanong ko sa aking sarili nang mapansin si Avory na katabi na ngayon ni Alaric. Alam kong modelo siya pero hindi naman sakop ng meeting nito ang linya ng trabaho niya. Ipinagsawalang baha
Obsession (Alaric's Point of View)I rushed to the hospital when Tito Harris called, asking about Thala's condition and how the surgery went. Noong una ay nabigla ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tinutukoy ni Tito. It's late at ang alam ko ay nasa kwarto siya natutulog. I am busy with paperworks at my office na hindi ko na namalayang lumabas pala siya.“Roy, what exactly happened?” tanong ko sa aking assistant, kasama ang private investigator ko.“Si Rowena Gonzales ang nakausap at ang mismong bumaril kay Thala. Hindi lang iyon, kataka-taka rin ang pagsulpot niya sa Tremour gayong binalaan mo na siyang huwag saktan si Thala. Ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat pero mukhang may nagmanipula sa kanya upang muling pagtangkaan si Thala,” salaysay ni Roy.“Bakit niya alam kung saan sila magkikita? Thala knew her number at hinding-hindi siya basta-basta sasagot sa kung kaninong tawag, lalo na kung galing sa kanya,” kuryuso kong tanong. Nasa harapan na ako ng silid kung nasaan si T
Mother(Thala’s Point of View) Kinagabihan, bandang alas onse ng gabi, papatulog na sana ako galing sa kwarto ni Flora, subalit naudlot ito dahil sa isang tawag. Kinakabahan ko itong sinagot at tahimik na nagdarasal na sana hindi ito iyong babae.“Thala...” Naibsan ang kabang dumaloy sa aking katawan dahil narinig kong si Franz lang pala ito.“Bakit ibang numero ang gamit mo ngayon. Kinabahan tuloy ako nang wala sa oras dahil sa'yo,” wika ko na may kaunting inis sa aking sarili. Nagiging paranoid na ako lately dahil sa misteryosong babaeng iyon.“I found her, Thala,” seryosong sambit ni Franz na ikinaayos ko ng upo.“Alin? Iyong babae ba? Saan, Franz? Nasaan siya?” aligaga akong tumayo at naghanda para umalis ng bahay. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at jeans habang nakikinig sa mga sinasabi ni Franz.“That woman is currently staying at your father’s Laurenco Relish. Katabi ng kwarto kung saan napabalitang tumalon ang mommy mo. Nandito siya ngayon sa rooftop, Thala,” salaysay ni Fra
Silid(Thala's Point of View)Nasa sasakyan si Alaric at hinihintay kaming makalabas ng bahay. Ngayon na kami lilipat ng Kiken. Bitbit ni Eliana si Flora pero nakabalot ito ng lampin. Tulog siya kaya kahit papaano ay napapayapa ako. Pinagbuksan ni Alaric si Eliana ng pintuan sa likod at pagkatapos ay ako naman sa harapan. Wala si Roy kaya nagtataka akong tumingin kay Alaric. “Tutulungan na kita, Alaric.” May tatlo kaming maleta at alam kong mabibigat ang mga iyon. Nakakahiya naman atang siya ang pagbuhatin ko.“You are too skinny to carry all of this. Ako na. Maghintay ka na lamang sa loob,” pagpigil niya at pinagsarhan na ako ng pintuan.Nagkatinginan kami ni Eliana nang lingunin ko ang direksyon nila. “Ayos ka lang ba, Ma'am Thala? Halata pong kinakabahan kayo,” sambit ni Eliana. Dahilan kung bakit ikinalma ko ang aking sarili.Tumingin ako sa labas at sinundan ng tingin si Alaric na naghahakot ng maleta namin. Papunta sa likuran ng kanyang sasakyan. Nang makapasok siya ay ngumiti
Obsessed (Thala's Point of View)Isang linggo ang nakalipas nang iniligtas ako ni Alaric sa humaharurot na sasakyan. Bukas din ay lilipat na kami sa Kiken. Labag man sa aking kalooban subalit mas pipiliin ko ang kaligtasan namin ni Flora sa ngayon.“Eliana, patulugin mo muna si Flora. May pag-uusapan lang kami ni Franz,” utos ko sa aming kasambahay. Pinaimbestigahan ko ang tungkol sa mga tawag at death threats na natatanggap ko recently. Pati na rin iyong natanggap ko sa kasal namin ni Alaric. Maaaring konektado ang mga ito at iisa lamang ang may gawa. Kinakabahan man sa mga ibubunyag ni Franz ay nakahanda na akong marinig ito.“Kailangan mo ba talagang lumipat sa Kiken? Hibang ka na ba, Thala? Pwede naman sa ancestral house o sa aking condominium kayo pansamantalang manatili. Bakit kailangang doon pa sa mansyon ng tusong iyon?” iritadong siyasat ni Franz na hindi na napigilan ang sariling magtaas ng boses. “Franz...nag-usap na tayo tungkol dito. Isa pa, nandito tayo para pag-usapa
Babalik(Thala's Point of View)Nasa conference room kami ngayon. Kanina pa nagsisimula ang meeting pero hindi pa rin kami nangangalahati sa meeting. Bahing kasi nang bahing si Alaric. “Mr. Atkinson, maybe we can reschedule this meeting tomorrow,” suhestiyon ng isang shareholder. Nagtanguan naman ang iba pa.“Right... let's continue this tomorrow. Ayusin niyo na muna iyong pinapatrabaho ko sa inyo. The meeting is adjourned,” mabilis na salaysay ni Alaric dahil nababahing na naman siya.Nang makalabas na ang mga bisita ay lumapit si Roy kay Alaric. “Hindi po ba at si Ma'am Thala ang may sakit kahapon...” Itinagilid niya ang kanyang ulo at pabalik-balik kaming tinignan ni Alaric. Para bang may kung anong dapat i-point out pero hindi niya masabi. Sa huli, ngumiti na lamang siya sa amin at tumango-tango.Naiilang kaming nagpalitan ng titig ni Alaric. He cleared his throat at ibinaling ang tingin sa assistant. “Roy, call Dr. Sasha. Papuntahin mo siya.”“Uuwi ka...uh...Mr. Atkinson?” naii
Suob(Thala's Point of View)“Alam kong hindi totoo ang kasal niyo! Aminin mo na, Alaric. Excuse mo lang iyan para matakasan ako at magantihan si Thala!”Naalimpungatan ako dahil sa mga katagang dumaan sa aking tainga. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nag-a-adjust pa ako sa liwanag at inaalisa ang nasa paligid. Kung nasaan na ba ako at ano ang nangyayari. Nanghihina akong umupo at inilibot ang paningin sa buong silid. Hanggang sa tumigil ito sa isang partikular na painting na huli kong nakita sa kwarto ko sa Kiken.Wait, ibig sabihin...“Nasa Kiken ako ngayon?!” histerikal kong sabi sabay bumalikwas ng tayo. Nagsisi rin kalaunan dahil nahilo ako bigla. Napaupo na lamang ulit ako sa sahig at sumandal sa kama. Nilalagnat pa rin ako at ni hindi man lang makatayo ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.“Nahimatay nga pala ako.” Ginulo ko ang aking buhok at napayuko. Natulala ako sandali sa sahig nang maalala na ang lahat bago ako nawalan ng malay sa party.Avory proposed in
Alok (Thala's Point of View) “Are you done?” pagputol ni Alaric sa kasiyahang pumuno sa akin. “Kapag hindi ka tumigil kaiiyak, pababayaran ko sa iyo ang limang milyong aking ginastos sa painting na iyon,” banta niya pa. Natanto kong tumawid na pala ako sa kanyang linya. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at pinahiran ang aking namamasang pisngi. “P-Pasensya na, Alaric. Natuwa lang ako,” sagot ko. Mabilis kong pinagpag ang nabasa niyang suit sa may balikat na parte. As if naman matutuyo ito ng gano'n-gano'n lang. Hinuli niya ang aking palapulsuan at naniningkit ang mga matang sinuri ako. “Anong mayroon sa painting na iyon at umaasta ka ng ganito?” kuryuso niyang tanong na nagpatikom ng aking bibig. “What a show you got there Mr. and Mrs. Atkinson,” sabat ni Chairman Vizencio. Nang magkatagpo ang mga mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay. Nasa likod niya ang iilang socialites kasali sina Avory at Penelope. Lahat ng tingin nila sa akin ay napakasama. Kulang na lang ay marinig k
Crimson Love(Thala's Point of View)Nasa sasakyan ako katabi ang wala sa mood na si Alaric. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Dala no'ng tumawag sa akin. Nilalagnat pa ako ngunit kailangan ko pa ring sumama.Nakapikit lamang si Alaric at nakahalukipkip. Papunta kami sa Art Gallery upang simulan na ang plano namin. Nakasuot ako ng dark blue na one shoulder maxi dress at kumikinang ito dahil sa diamanteng ginamit bilang disenyo. Nakapusod ang aking buhok, a messy bun with braided hair to be exact. Sinigurado talaga ng makeup artist pati ng designer na magmumukha akong elegante.As if naman hindi. With or without makeup, may ayos man o wala, may ilalaban din itong ganda ko.Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe: FRANZ: So you're married huh? News everywhere...I sighed, “Hindi ko rin naman alam, eh.” ME: dunno either FRANZ: usap tayo, alam kong pupunta ka sa galleryI sighed again. Paniguradong maraming makikiusisa mamaya. Lalo na si daddy.“Stop sighing. I
What ifs (Avory's Point of View) Maaga akong nakarating sa restaurant na binook ko kahapon. Kung kagabi ay sobrang kaba ang pumuno ng aking sistema, ngayon ay tanging ang kagustuhan na makuha si Alaric na lamang ang laman ng aking utak. “I don’t care if you are married, I’ll still marry you.” Sa kanya lang talaga ako nabaliw ng ganito. Dati, kalmado lang naman ako sa mga bagay-bagay. Now? I’ll raise hell just to get him. Nagiging ugaling kanal ako pagdating sa kanya and I don't fvcking care. Kalahating oras ang nagdaan nang sa wakas ay dumating siya. Halatang galing pa sa trabaho at mukhang wala sa mood. “Hi, good evening, Alaric. Akala ko hindi mo na naman ako sisiputin,” bungad ko sa kanya sabay ngumiti ng matamis. “Anong pag-uusapan natin, Av? Just spill it,” walang bahid ng ngiti niyang pagbabalik tanong. His eyes shifted on his wristwatch. “Order na muna tayo. Alam kong gutom ka na.” My smile slowly faded. Peke na lamang akong ngumiti ulit at sumenyas sa waiter.