Share

34.5: The Thorn Princess

CHAPTER 34.5

The Thorn Princess

HINDI MAKAPANIWALANG PINAGMASDAN ni Morfran ang malaki at malawak na hardin—hindi, pader ng rosas sa loob ng kwarto niya. Namimilog ang mga mata niyang pinagmasdan iyon at noong rumehistro sa kanyang si Prinsesa Selene Griego ang may gawa ng pader na iyon na siyang puprotekta sa buong grupo nito ay hindi niya maiwasang manggalaiti sa galit. Ikinuyom niya ang mga kamao’t hinanap ang mga kawal niya.

Ngayon niya napagtatantong walang kwenta ang mga ito.

Nagawa ng mga itong sugatan si Merlin Kreese, ang pinakamalakas na mahiko at ang posibleng panggalingan ng pagkagaling ng mga natamong sugat nina Prinsesa Selene at Prinsipe Lucas o hindi kaya’y dagdag lakas. Pero hindi nila inasahan na magiging bihasa rin sa mahika si Prinsesa Selene at makakayanan nitong gumawa ng malaking pader ng mga rosas para ikubli ang kani-kanilang mga sarili!

Marahil ay tinuruan ito ni Merlin. Lalo na, matagal nang magkakasama ang mga ito at para maprotektahan ang sarili’y sin
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status