Hindi magkandaugaga si Georgina habang bitbit ang malaking bayong at hawak-hawak ng isang kamay ang mahabang palda upang hindi siya madapa saka lalo pang binilisan ang paglalakad. Isang minuto na lang at male-late na siya sa appointment niyang inilaan sa kanya ng madrasta. Ano pa nga ba ang gagawin niya kundi ang makipag-date na naman sa mga lalaking hindi niya kilala na nireto nito. Mabuti sana kung kahit papaano ay disente namang tingnan ang nakakasalamuha niya pero hindi. Bukod sa matatanda na ay para pa ang mga itong nakalunok ng sangkaterbang beer sa laki ng tiyan. Katulad na lang ng ka-meet up niya ngayon na nakilala niya dahil sa deskripsyon na ipinadala sa kanya ng madrasta. Ang lalaking kaharap niya ay kasing-edad na ng kanyang ama at naninilaw ang ngipin na tila hindi nagto-toothbrush. Kahit sa harap ito ni Georgie, ang palayaw niya, nakaupo ay singhot na singhot niya ang masangsang nitong amoy na parang bulok na isda. Nasa isang kilalang restaurant sila sa Quezon City kaya
Ginawa ni Georgina ang lahat para makawala sa pagkakahawak ng lalaki pero malakas ito. Dahil sa matangkad ito at matipuno ang katawan ay parang langgam lamang siya kumpara sa isang elepante. Kahit nagsisisigaw siya upang kunin ang atensyon ng mga dumaraan ay walang pakialam sa kanya ang lalaki at pabagsak siya nitong ipinasok sa loob bago ito sumunod para masiguradong hindi siya makatakas. “Start the car.” Mawtoridad na utos nito sa driver na kaagad namang tumalima. Kahit hindi ito tumingin kay Georgina ay ramdam na ramdam ng dalaga kung gaano kalamig ang emosyon sa mga mata nito nang marinig ang matigas nitong boses.Nang umandar ang sasakyan ay sumunod ang mga tauhan ng lalaki. Ilang kotse rin ang nakasunod sa kanila kaya lalong nagduda si Georgina na miyembro ng isang mafia ang katabi niya. May alam siya sa self-defense, kaya niyang makipaglaban, pero matagal na niyang kinalimutan ang gawaing iyon dahil nagbibigay iyon nang masakit na alala sa kanya. “Saan mo ako dadalhin? Buksa
Lalong lumakas ang ugong sa buong paligid dahil sa sinabi ni Rhett. Ngunit wala siyang pakialam kung ano man ang hitsura ng babaeng nakuha niya. Ang mahalaga ay may maipakilala siya sa madla na babaeng papakasalan tulad ng hiling ng kanyang lolo. Kung hindi lang ito nagpumilit at kung hindi siya nag-aalala sa kalagayan nito ay suntok pa sa buwan na magpapakasal siya. Ibinalik niya sa emcee ang mikropono saka hinawakan ang babae sa braso na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan saka ito inalalayan pababa ng stage. Nang makapunta sila sa mesa at makaupo ay pinaupo niya ito sa kanyang tabi at dumukwang upang bumulong sa tainga nito. “Tell me your name,” utos niya. Hindi siya umalis hangga’t hindi ito sumasagot pero ang nakaagaw sa pansin niya ay ang mabangong perfume na gamit nito. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang amoy dahil produkto niya iyon at alam niya kung magkano ang presyo ng perfume na gamit nito. It was worth thousands. Ang perfume na ito ay ang bagong collection
Umaga na nang makauwi si Georgina dahil tumuloy siya sa kalapit na hotel upang iwasan ang mga taong humahabol sa kanya. Ang buong akala niya ay payapa na siya pag-uwi pero hindi pala dahil ang kanyang madrasta ang sumalubong sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa gate ng mansyon nila. “Napaka-ingrata! Pinahiya mo na naman ako sa kaibigan ko at hindi ka nakipag-date sa kanya?” Malakas na sampal ang kasunod niyon na nagpabiling sa mukha ni Georgina.“Ingrata? Date? Bakit kaya hindi ikaw ang makipag-date sa matandang ulupong na ‘yon?” Nakaangat ang isang kilay na sagot niya. Mapang-asar ang tono ng boses niya pero ang mata niya ay matalim na nakatingin dito. Hinaplos niya ang pisngi na nasampal nito upang tanggalin ang sakit habang pinipigilan ang sarili na huwag itong patulan. Baka hindi niya mapigilan at mabugbog niya ito nang husto na matagal na niyang gustong gawin. “Pasalamat ka at may lalaki pang gustong makipagkita sa ‘yo. Ano pa bang gusto mo at lahat na lang ng n
Limang araw ang matuling lumipas at dumating na nga ang araw na ‘magpapakasal’ kuno si Pia. Habang abala sa paghahanda ang mga tao sa mansyon, si Georgina naman ay nakahilata pa rin sa kama habang naglalaro sa kanyang cellphone. Pero hindi nakatiis ay lumabas siya ng kuwarto at tumambay sa veranda. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga tao na abala sa pabalik-balik habang may ginagawang kung ano-ano. Nang tumingin siya sa labas ng gate ay nakita niyang muli ang ilang sasakyang nakahilira na tila ba inihatid ang presidente ng Pilipinas. Hindi nagkaroon ng kaunting interes si Georgina kaya napagpasyahan niyang bumalik sa loob. Akmang tatalikod siya at papasok nang mahagip ng kanyang mata ang ikalawang kotse na nakaparada sa labas ng gate na unti-unting bumaba ang bintana at lumitaw ang guwapong mukha ni Rhett. Nakasuot ito nang salamin kaya hindi niya alam kung sa kanya nakatingin pero nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi nito. Kaagad na nagbago ang ekspre
Gustong katusan ni Georgina ang sarili dahil hindi na naman siya nakahuma habang akay-akay ni Rhett. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin at wala ring silbi ang kakulitan niya sa pagtatanong dahil buong biyahe ay tahimik ang lalaki at hindi pinansin ang pagmamaldita niya. Tatlumpong minuto ang nakalipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng isang magarang mansyon na may limang palapag. Sa sobrang lawak niyon ay hindi alam ni Georgina kung mansyon o palasyo ang nasa harapan niya. Bumaba siya ng kotse pagkahinto niyon at namamanghang pinagmasdan ang malapalasyong mansyon. “Dito ka nakatira?” nanlalaki pa rin ang matang tanong niya kay Rhett. Alam niyang mayaman ang lalaki pero hindi niya akalain na ganito kayaman. Kung tama nga ang hinala niya ay hindi lang perfume ang negosyo ng lalaki. Tinapunan siya nang hindi makapaniwalang tingin ni Rhett. “Kung hindi dito, saan?” nakahalukipkip na tanong nito habang nakataas ang isang kilay.Inirolyo ni Georgina ang mata. “Na
Nang marinig ni Georgina ang sinabi ng ‘asawa’ ay kaagad na naningkit ang kanyang mata. Inilagay niya ang magkabilang braso sa harap ng dibdib upang harangin ang papalapit na katawan nito. “Wala sa usapan natin ‘to,” matigas na anas ni Georgina habang patuloy sa pagharang ang dalawang braso sa dibdib upang hindi makalapit ang mukha ng lalaki. Malakas ito pero kaya niya itong labanan. Hindi man siya aktibo ngayon sa dating trabaho ay hindi naman niya hinahayaan na basta na lang mawawala ang natutunan.“Wala akong sinabing hindi puwede. Mag-asawa tayo at katungkulan mo ang pagbigyan ang pangangailangan ko,” Rhett teases. May nakakalokong ngiti sa mata nito habang ang mukha ay pilit na ibinaba sa kanya nang paunti-unti. Georgina was not scared. Nilabanan niya nang mas nakakalokong ngisi si Rhett saka iniyakap ang dalawang paa sa baywang ng lalaki, at mahigpit na niyakap ang braso sa leeg nito saka mabilis na inikot ang katawan nilang dalawa. Ngayon ay nakapaibabaw na siya rito. “Saa
Chapter:Mapaklang napangiti si Georgina. Ito ang iniiwasan niya sa lahat, ang magkaroon ng kaaway sa bahay ng ibang tao pero tila hindi siya gustong patahimikin at bigyan ng kapayapaan dahil unang araw pa lang ay may gusto na agad sumubok ng kanyang pasensya. Matapos ang hagikhik na narinig ni Georgina ay sinundan iyon ng nang-uuyam na boses mula sa kanyang likuran. “Sa tingin mo may karapatan kang tumira sa pamamahay namin? Eh, ano ngayon kung ikaw ang asawa ng kapatid ko? Hindi ka pa rin nararapat dahil isa ka lang basura na pinulot ng kapatid ko sa isang tabi. Ni hindi ko nga kilala kung saang pamilya ka nanggaling. Hindi ako makapaghintay na pulutin ka sa kangkungan kapag pinalayas ka rito.”Kinalma ni Georgina ang sarili. Nakahanda na sana siya na patulan ito, pero nang marinig na binanggit nito ang salitang kuya ay binura niya ang ideyang patulan ito. Kalmado ang mukha at nakahanda ang pekeng ngiti niya nang humarap siya rito. Basang-basa ang buo niyang katawan at dahil bukas
Matapos titigan nang matagal ang mukha ng bata ay malapad ang ngiti na tiningnan ni Georgina si Celeste. Ginantihan siya nito nang katulad na ngiti pero may halong pagtaas ng kilay na tila proud na proud sa anak nito. Binuhat nito ang bata at naglakad palapit kay Georgina at iniwan ang stroller sa harap ng elevator na ikinataas ng kilay ni Georgina. “Georgie, I want you to meet my son, Santino. Isn’t he handsome? Makikita mong manang-mana talaga siya sa ama.”Hindi nawala ang ngiti ni Georgina at pinalipat-lipat ang tingin sa mag-ina. Hindi siya nagpaapekto sa sinabi nito. Marunong siyang mangilatis ng tao at kahit saang anggulo tingnan ay walang nakuha ang bata mula sa ama nito. Medyo may hawig ito kay Celeste sa mata nito pero kay Rhett ay wala. Iyon ang lihim na obserbasyon niya pero hindi niya iyon sinabi. “C’mon, Santi. Say hello to Aunt Georgie…” Celeste urged her son and the child waved his hand, murmuring something softly. Mukhang nahihiya ito. Dahil nakaupo pa rin si Geor
“Rhett, ang tanging kaligayahan ni Celeste ay ang makapiling ka. Handa akong makipagbati sa pamilya ninyo alang-alang sa kaligayahan ng kapatid ko pero sana ay ganoon ka rin. Sana naman ay bigyan mo ng pagkakataon ang kapatid ko.”Sa dami ng sinabi ni Fredrick ang huling salita nito ang nakapagbalik sa isip ni Rhett sa kasalukuyan. “Fredrick, nakalimutan mo na ba? Kasal na ako.”Fredrick laughs mockingly. “Kasal? Pareho nating alam na peke lang ang kasal niyo ni Georgina. Pakitang-tao para mapapayag ang lolo mo na magpaopera.”Kahit kung ano-ano pa ang sinabi ni Fredrick ay nanatiling kalmado si Rhett at hindi pinakita ang pagkainis, lalo dahil sa usapin tungkol kay Georgina. Hindi na naman niya maiwasang maalala ito. “Hindi peke ang kasal namin. Kahit madalian lang iyon ay mayroon kaming pinirmahang kasunduan. Fredrick, alam ko kung gaano ka nag-alala para sa kapatid mo pero hindi ko kayang i-give up ang kasal ko para lang sa tinatawag mong kaligayahan ng kapatid mo.”Tumayo si Rhett
Nang sumunod si Fredrick sa restaurant na pinuntahan nina Rhett at Celeste ay naka-order na ang mga ito ng pagkain. Dahil alam naman ni Celeste kung ano ang paborito niyang kainin kaya hinayaan niya itong um-order para sa kanya. Mainit ang ulo niya dahil bago siya umalis, ay muli na namang napatunayan ni Georgina na hindi ito basta-bastang babae. Dahil maayos ang pagkakasalita nito ng Arabic ay nakausap nito nang maayos ang bagong investors nila at nai-close ang deal sa mga ito. Hindi lang iyon, simula bukas ay magiging sekretarya na niya ito. He lost the bet, and he would see her every day from now on. Naabutan niya ang kapatid na pinagsisilbihan si Rhett at akmang susubuan pa ito pero lahat ng iyon ay rejected kay Rhett. Naikuyom ni Fredrick ang kamao dahil sa nakikitang malamig na pagtrato nito sa kapatid niya. Alam niya kung gaano kamahal ni Celeste si Rhett pero ni minsan ay hindi man lang niya nakita ang lalaki na tinrato nito nang maayos ang kapatid niya magmula nang maging a
“Celeste?” Hindi namalayan ni Celeste na nasa tapat na rin pala ng pinto si Rhett kaya naman bago pa ito makasunod sa kanya ay mabilis siyang lumabas at kaagad na isinara ang pinto. “There was nothing, Rhett. Tayo na sa restaurant. Hayaan na natin si kuya na asikasuhin ang bisita niya. Mukhang may sakit, eh.”“Hmm…” Rhett only hummed before glancing towards the door for the last time. Nagpatiuna siyang lumakad patungo sa pinto pero bago iyon ay sinulyapan niya muna si Fredrick. Nang makitang walang reaksyon sa mukha nito ay saka lang siya tuluyang lumabas ng pinto. Samantala, saka lamang nakahinga nang maluwag si Georgina nang marinig na lumabas na ang dating asawa at Celeste. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago siya lumabas ng pinto. Nakita niya si Fredrick na nakaupo pa rin sa upuan nito at hindi pa umaalis kaya naman agad niya itong nilapitan. Gusto sana niyang pasalamatan ito dahil sa pagtulong nitong itago siya kay rhett pero naunahan siya nitong
Nagulo ang isip ni Georgina nang marnig ang pangalan ni Rhett. Kung lalabas siya ng opisina ni Fredrick ay siguradong magkikita sila ni Rhett. “Hindi ko alam na ang isang walang kinatatakutang tao na katulad mo ay matataranta rin pala ‘pag narinig ang pangalan ni Rhett.”“...” hindi makaimik si Georgina. Ayaw niya itong patulan dahil abala ang isip niya sa pag-iisip sa maaring gawin para maiwasan si Rhett. Ang dami niyang pinlano sa araw ng pagkikita nila ni Rhett. Inihanda niya ang kanyang sarili pero ngayong dumating ang araw na iyon, lahat ng plano niya ay hindi niya kayang i-execute.Pero bakit nga ba nandito si Rhett? Ang alam niya ay hindi magkasundo ang pamilyang Farrington at Castaneda. Totoo nga ba ang balitang nagkakamabutihan na ang dalawa at nagbabalak nang magpakasal? Sa loob lang ng isang buwan at ito na ang nangyari?“Nolan, let them in.”Nanlaki ang mata ni Georgina nang marinig ang sagot ni Fredrick kay Nolan. Damn this guy! Too viscous! Tama talaga siya na walang ta
Kinabukasan, tulad nga ng sinabi ni Georgina ay pumunta siya sa kumpanya ni Fredrick upang mag-apply bilang isang sekretarya. Dahil kilalang tao ang pamilya Farrington, siguradong hindi nakalabas ang balita na may ibang affair ang kanyang ina upang hindi mapahiya ang mga ito. At ang tanging nakakaalam lang niyon ay ang pamilya Farrington mismo at kailangan niyang pasukin ang mga ito para makakuha ng impormasyon. The best way to do it is to be with Fredrick’s side. Kailangan niyang patunayan sa isip na hindi siya anak ng isang kabit. Dahil malaki at mataas ang respeto niya sa kanyang ina. Iniwan man siya nito noon sa ospital sa ibang tao ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob dito. Bago siya makababa ng sasakyan ay muli siyang pinaalalahanan ni Tony. “Boss, sigurado ka na ba sa gagawin mong ito? Paano kung malaman ‘to ng as– ni Rhett? Bakit hindi mo na lang gawin ang usual na ginagawa mo? Do it discreetly, like you always do.”Determinadong umiling si Georgina. “Nakalimutan mo na ban
“Georgina?” Bumalik sa kasalukuyan ang lumulutang na diwa ni Georgina nang marinig ang pangalan niya. Kaagad niyang kinompose ang sarili at mariing napalunok upang tanggalin ang bara sa lalamunan bago tinanong si Duncan. “Duncan, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Sigurado kang si MoonLover ang ina ni Fredrick?” Kahit hindi siya makapaniwala ay hindi pa rin niya pinahalata kay Duncan kung gaano kataas ang interes niya sa pamilya ni Fredrick. Mahinang napatawa si Duncan dahil sa reaksyon niya. “Oo naman. Bakit naman ako magsisinungaling? Nakalimutan mo na ba? Sinabi ko na sa ‘yo dati na nakita ko na si MoonLover noong bata pa ako. Magkaibigan sila ng parents ko kaya kadalasan ay doon ako naglalaro sa bahay nila.” Nang makakuha ng positibong sagot mula sa kaharap ay sari-saring emosyon ang naglaro sa kaloob-looban ni Georgina. She may be calm outside, but her inside is crumbling in mixed emotions. Kung talaga ngang ina niya si MoonLover, magkapatid talaga sila ni Fredrick. Ang malaki
“Ikaw nga, Georgina!” Napuno ng tuwa ang mukha ni Duncan nang makita siya pero hindi si Georgina. Kung alam lang sana niya ay nanatili na lang siya sa Cambodia, sa resthouse ni Uncle John, hanggang sa makapanganak siya. Limang linggo na ang nakakalipas mula nang huli niyang makita si Rhett, at kung sino man ang may kaugnayan sa kanya. Aminin man niya na nasasabik siyang makita ito pero mas lamang sa kanya na ayaw niya itong makita. Binalingan niya ang manager ng paiting gallery at sinenyasan siya na iwan sila nito. Hindi niya sinulyapan si Duncan at nakapokus ang tingin niya sa dalawang painting ni MoonLover na nasa kanyang harapan. Ang painting na ito ay gawa ng kanyang ina noong estudyante pa lamang ito. “Tama ako sa hinala kong makikita kita rito dahil alam kong mayroong painting na naka-display dito si MoonLover. I’ve been hunting for you for so long pero ngayon lang kita nakita.”Tumaas ang sulok ng labi ni Georgina nang marinig ang sinabi ni Duncan. Hindi na talaga ito magbab
Next:“G! What’s wrong?” kaagad na dinaluhan ni Kraven si Georgina nang makita itong namilipit sa sakit. Ilang metro na ang layo nila sa kasamahan at dahil tumigil sila ay kinakalampag na ng kalaban at pinagbabaril ang lock ng pinto ng lagusan. Umiling si Georgina. “Kaya ko pa.” Pinilit niyang tumayo pero sumigid lang lalo ang kirot sa puson at paa niya na natapilok. Hindi na nakatiis si Kraven at lumuhod ito sa harapan niya upang pumasan siya sa likuran nito. “Get up and don’t be stubborn, G,” maawtoridad na utos nito. Gustuhin man ni Georgina na hindi sundin si Kraven ay wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa likuran nito. Nang masigurong maayos na ang posisyon niya ay malalaki ang hakbang na nilisan ni Kraven ang bukana ng tunnel. May kalayuan din ang tunnel at paikot-ikot iyon kaya lalong sumama ang pakiramdam ni Georgina. Halos may isang kilometro ang nilakad-takbo nila bago makarating sa dulo ng tunnel. Pagdating nga doon, kung saan naghihintay ang kasamahan nila, ay bumal