Share

BANCEO 42

ELIZABETH

“Balita ko nagkakaayos na raw ang mag-asawa,” sabi ni Henry at tumingin sa akin.

“Kuha lang ako ng tubig,” sabi naman ni kuya Lando at umalis sa sala.

“Good kung ganoon para hindi na guluhin ni Sico si ate,” sabi ni Rachelle habang kumakain ng mani.

“Samahan na kita,” sabi ni Henry sa akin pero umiling ako. “Huwag na. Kaya ko mag-isa,”

Pinagsingkitan niya ako ng mata. “Fine,” sumusukong sabi ko.

Pinapapunta ako ni Sico sa bahay ni Zeym dahil ibibigay niya ang monthly allowance ni Kua. Nasa skwelahan pa si Kua ngayon kaya hindi siya makakasama.

“Tara na para maaga kang makauwi,” sabi pa ni Henry sa akin.

Pagdating namin ni Henry sa bahay ni Zeym, si Sico ang nagbukas ng pintuan. Agad siyang napatingin sa likuran ko.

Nakaramdam ako nang kaba nang makita kung paano niya titigan si Henry.

"Nandito ako para sa allowance ni Kua, Sico,"

"I know." Malamig na aniya at tinalikuran kami.

Tumingin ako kay Henry bago sumunod kay Sico. "Ano, para mas convenient, bakit hindi nalang ihulog
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status