Share

AANCEO 90

"Oh?" ang tanging nasabi ni mama nang makita niya kami sa labas. Hindi niya inaasahan ang pag punta namin ni Rico dito.

"Hello ma," ang sabi ko at lumapit sa kaniya para humaIik sa pisngi niya.

"Ma," si Rico naman ang sumunod sa akin at humaIik sa pisngi ni mama.

Binaba niya ang mga bata na agad tumakbo sa couch para lantakan ang ice cream na binili ni Henry. Ang ingay pa nila ni Raja dahil hindi sila pareho ng gusto na unang kainin.

"Anong meron at napadalaw kayong dalawa dito?" tanong ni mama sa amin.

"Gusto ko lang ma bonding si Henry ma at mukhang uuwi na siya." Sabi ko at sinilip si Rico na tinapunan naman ako nang tingin.

"Ganoon ba? Tamang tama at gumagawa ako ng fried chicken ngayon."

"Tulungan na po kita ma," ang sabi ni Rico at lumapit sa gawi ni mama para tulungan ito sa ginagawa.

"Hindi na kailangan anak,"

"Ayos lang po ma," aniya. Nginisihan ko siya. Pasimple. Alam niyang hindi ko siya papansinin ngayon. May binabalak siguro ito ngayon.

Lumapit ako kay Henry at umupo sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status