"YOU ARE WHAT?" "Half-brother of your husband," ulit naman nito.May kapatid sa ama ang asawa. Alam niya na hindi gano'n karami ang alam niya tungkol sa asawa. Pero ang malaman na may kapatid…ay sadyang nakakagulat. "Don't tell me he did not tell you about me?" Napipi siya bigla. Totoo naman kasi, hindi nasabi ng asawa. Sa dami nilang pinag-usapan ang tungkol kay Zena at sa ama nito ang hindi nagawang i-open sa kanya ng asawa. Parang bigla siya nakaramdam ng pagkapahiya. Asawa siya pero wala siyang alam. Tumikhim siya. Ano ba isasagot niya. She can't find her words. Dahil hindi niya alam kung paano dedepensahan ang sarili. "I-I need to go home…baka nag-aalala na ang anak ko sa akin," saad niya para lang matakasan ang nanunuri nitong tingin na para bang may mali sa kanya. "Don't worry…hindi na ako magtataka kung bakit hindi niya ako naipakilala sayo. Because he doesn't acknowledge me like I do. He doesn't want me. My name is Jonnel, I know you already forgot it." Naguguluhan niya i
"GET OUT OF HERE!" Hindi makapaniwala si Peter sa isinigaw ng asawa sa kanya. Talagang pinapalayas siya nito at mas pinili ang bastardo niyang kapatid. Matalim niyang tiningnan ang kapatid at mas lalo uminit ang ulo niya nang makita inakbayan pa ito ni Khaira at tinutulungan na bumangon. "Get your dirty hands off my wife!" Singhal niya kasabay nang pag-igti ng kanyang panga. Hindi niya gusto ang naabutan. Kung hindi pa sila agad nakarating baka nahalikan na nito ang asawa. Ang isipin pa lang na dadampi ang mga labi nito kahit sa pisngi ng asawa ay nagwawala na ang kanyang isipan. "Will you please shut up, Peter. Bigla ka na lang darating dito tapos manunuktok ka! Give some respect, could you?" iritableng sagot ng asawa na hindi man talaga natinag sa galit niya at ang bastardo niyang kapatid ay parang tuwang-tuwa pa. Hayop talaga. Malaman niya lang na may masama itong balak sa asawa ay talagang siya mismo ang magbabaon dito ng buhay."What do you expect me to do? Kung hindi pa ako d
"NYRA!" malakas na sigaw ni Khaira nang makita ang anak na nahulog sa may hagdan. Mataas ang pinanggalingan nito. Mabilis niyang nilapitan ang anak at gano'n na lang ang pagragasa ng kaba sa dibdib niya nang makita na wala na itong malay. "Help!" Hingi niya ng tulong habang pilit na ginigising ang anak. "Wake up, baby, please…" Her voice cracked as she was looking at her son not responding to her. Muli siyang sumigaw kasabay nang pagpasok ng asawa at ni Arsen. Bakas ang gulat sa kanilang mukha pero mabilis na kumilos ang asawa at binuhat ang anak habang si Arsen ay mabilis na tumakbo palabas. "What is happening here?" Ang natatarantang mga magulang niya na pababa. "Oh my gosh!" Napahawak ang mama niya sa papa niya nang makita ang dugo sa kanyang kamay. "What happened?" tanong din nito at doon lang tila bumalik sa kanya ang nangyari. Mabilis niyang nilingon ang pinto at nang hindi na makita ang asawa ay nagmamadali siyang humakbang palabas para sundan ang mga ito."Khaira!" tawag ng p
"HERE." Peter looked at the cup of coffee In front of him. Alam niyang si Arsen ang may hawak niyon. Kinuha niya 'yon saka sumandal sa kinauupuan niya. Nasa may likod na parte sila ng hospital kung saan matatanaw ang malawak na karagatan. May mga bench na nakakalat. May harang din dahil hindi naman sakop ng hospital pa ang parte na 'yon ng dagat. Naramdaman niya ang pag-upo ng kaibigan sa kanyang tabi. Papalubog na rin ang araw. Sumimsim siya sa kape na hawak sabay pikit ng mga mata. Pinakiramdam niya ang malamig na simoy ng hangin at ang masarap na lasa ng mainit na kape. Nakahinga na siya nang maluwag dahil out of danger na si Nyra. Pero may mga parte ng katawan ito na may mga sugat, mabuti na lang at walang nabali sa mga buto nito. Sadyang ang ulo lang talaga nito ang napuruhan."Are you alright?" Pukaw na tanong ni Arsen sa kanya na ikinamulat niya ng mga mata. "Tama lang ang ginawa mo. For the sake of Nyra. I am proud of you, bro." Tinapik pa nito ang braso niya na ikinailing n
NAKAHINGA NANG maluwag si Khaira nang ibalita na out of danger na ang anak. Nailipat na rin ito sa isang pribadong silid. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ng anak at dinala sa kanyang pisngi. Her prince, her happiness, her life. Hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin kung may nangyari sa anak. Mabuti na lang at dumating si Jonnel. Speaking of that guy, alam niya ay nasa kabilang silid ito. She wanted to personally say thank you dahil hindi naman niya maaasahan ang asawa na hindi niya nga alam kung saan lupalop na nakarating.Ilang minuto niya pa tinitigan ang anak na mahimbing na natutulog. May mga galos itong natamo kaya naman todo ingat ang asawa nang ilipat ito pero matapos mailipat ang anak ay umalis din 'to. 'Baka mag-hunting ng babae'. Napasimagot siya dahil sa naisip."Are you okay, iha?" Tanong ng mama niya ang pumukaw sa kanya. Nilingon niya ito na nasa kabilang bahagi ng kama. Nginitian niya ito. "Opo ma. Nyra is fine, and so am I." Muli niyang nilingon ang anak. "Con
"YOU'RE Late!" Nakapamaywang na salubong ni Khaira sa binatang humahangos na papalapit sa kanya. Napahawak pa ito sa mga tuhod nang makalapit at hingal na hingal pero inirapan niya lang ito. Late is late. Hinahabol pa nito ang hininga kaya hindi pa siya sinasagot. Ilang beses nitong binalak magsalita pero hingal na hingal talaga. "Where have you been, kasi? You have driver naman, ah," nagtataka na niyang tanong. Kahit inis siya ay kinuha niya ang dalang tumbler na may tubig. "Here, drink water."Kinuha nito ang tumbler sa kanya saka diretsong uminom. Uhaw na uhaw lang. Nang matapos ito ay pabagsak na umupo, inilapag ang tumbler niya saka itinukod ang mga kamay patalikod rito kaya mukhang nakahiga ang kalahating katawan nito."Whoa! That was so close," sigaw nito na ngayon ay natatawa na. Mas tumaas ang kilay niya saka hinarap ito. This time, she crossed her arms against her chest. "Grabe ka naman makatingin, balak mo ba ako kunin sa tingin." Talagang nagawa pang magbiro."Ano na naman
MUNTIK nang malaglag si Peter sa kinauupuan sa sinabi ng asawa. Ano raw? Annulment? Seryoso ba ang asawa sa sinabi nito?"What did you say?" He asked as he gave her a questioning gazed. "What did you hear?" Balik-tanong nito saka humalukipkip habang nakaharap sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan magsalubong ang kanyang mga kilay."Is this some kind of a joke?" Muli niyang tanong. Tumaas naman ang isang kilay ng asawa. "Do I look like I am joking?" Naiinis na siya bawat tanong niya ay tanong din ang ibabalik nito. Ano ba sumapi sa asawa at bigla ay ang lakas ng trip nito sa buhay.Napahilamos siya ng mukha saka tumayo at hinarap ang asawa. "Is not funny, Qīzi. We almost end up making love tapos bigla mong sasabihin sa akin na gusto mo ng annulment? Qīzi naman!" iritado niyang sabi at alam niya na hindi na maipinta ang mukha niya."Almost…sayo na nanggaling…pero hindi natuloy kasi hindi ko na…feel na gawin sa 'yo 'yon. I will stay to Jonnel room because I'm sleepy and it's already la
MAGAAN ANG GISING ni Khaira bukod sa nagkamalay na ang anak ay natutuwa siya sa narinig kagabi. Pero hindi sapat 'yon. Gusto niya marinig ito muli ngayon gising siya. Pero mukhang malabo mangyari dahil ang magaling niyang asawa ay hindi niya na nakita. Ang mga magulang at si Amah ang nagisnan niya pagkagising."How is our cutie apo?" Napalingon siya kay Amah sa tanong nito kay Nyra."Still the cutie of all, Amah," medyo hirap pang tugon ng anak. Bakas pa rito ang panghihina dahil sa mga natamong galos. Pero nagawa pa rin nitong mapatawa ang lahat. "Of course you are, apo. May gusto ka bang puntahan paglabas mo rito sa hospital?" Muling tanong ni Amah."Disneyland, Amah. I-I never been there. I read it is a great and wonderful place," bakas ang excitement sa boses ng anak. "Is it, Apo. And we will go there once you're okay to travel. Kaya magpagaling ka kaagad, huh." Tila may humaplos sa puso ni Khaira sa nakikitang closeness ni Amah at Nyra. Muli ay hindi niya maiwasan pagsisihan na
"WHERE ARE WE GOING, DADDY?" tanong ni Khairynn Mien kay Peter. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok ng kanilang anak. "Daddy, I'm done!" sigaw naman ni Nherynn Pete na nasa bungad ng pinto ng banyo habang nakasuot ng roba at nakapulupot pa ang tuwalya sa buhok nito."Just wait, Nherynn. Let me finish your sister," tugon naman ni Peter habang mas binilisan ang pagsusuklay kay Khairynn."Ouch! Daddy, be careful naman po," maarteng d***g ni Khairynn."Don't move kasi para matapos tayo—""Daddy! I'm so cold na po." Mariing napapikit si Peter kaya naman nailing na lang si Khaira na kanina pa nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ng kambal. Yes, she gave birth to twins. Both girls. Not identical pero may pagkakahawig naman. "You wish for it, remember?" Pukaw niya sa asawa na mabilis siyang nilingon. "Thank God you are here." Mabilis siyang niyakap nito na para bang hulog siya ng langit. "Comb Khairynn hair and I will attend to another little brat there," pagkasabi niyon ay ibinig
"Qīzi!" "I'm here, Zhāngfū!" sigaw niya upang marinig siya ng asawa. Kasalukuyan siyang nasa may pool at binabantayan si Nyra. Narito sila ngayon sa mansion. Napagpasyahan niya na rito na tumira dahil nga nandito ang trabaho ng asawa. Humanap sila ng mapagkakatiwalaan para sa resort. Siya pa rin naman ang namamahala rito pero idinadaan niya lang sa online or kung talaga mahalaga ay madali lang naman ang magbiyahe. Habang ang mga magulang naman ay nakakapasyal din naman sa resort. Gusto niyang isama rito pero tumanggi ang mga ito. Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito dahilan para magtama ang kanilang mga labi. "Ang sarap," komento nito matapos maghiwalay ang kanilang mga labi."Iiihhhh. Daddy stop kissing Mommy," boses ni Nyra na nakatingin sa kanila. Natawa na lang siya sa nakasimangot nitong mukha. Ayaw na ayaw kasi nito na hinahalikan siya ni Peter. Baka raw kasi may germs ito at mapunta sa kapatid nito. She is now three months pregnant.
"SULIT NA SULIT, ah." Natawa si Peter sa sinabi ni Arsen. Matapos ang isang linggo pananatili sa isla ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Ayaw niya pa sana pero nami-miss na raw ng asawa ang anak at maging siya rin naman. Tutal ay nagkaayos na sila kaya naman pumayag na rin siya na umuwi. "Siguro naman may magandang balita, sa ganda ng ngiti mo," patuloy nitong panunukso. Kakarating lang kasi nila at sinabi ng katulong na nasa resort daw ang mga ito. At nasalubong nga nila si Arsen."Mukhang pati rin naman ikaw, ah. Bakasyon mo?" Tinanggap niya ang man-hug nito. "Daddy! Mommy!" Malakas na sigaw ng anak ang nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan nito. Nasa may dagat ito at ngayon ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kanila. Tinapik niya ang braso ni Arsen. "Later, bro," paalam niya at sinundan na ang asawa na nauna nang naglakad sa kanya. Agad na yumakap si Nyra kay Khaira nang magtagpo ang dalawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Nyra!" tawag niya rito. Kumawala ito kay Kha
NAKANGITING pinagmamasdan ni Khaira ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito. Mabuti na lang ay talaga pinush niya na mapaamin ang asawa. Kung sakali hindi naman ito umamin o talagang walang nararamdaman para sa kanya ay handa niyang tanggapin. Pero…tama ang hinala niya at narinig na mahal siya nito. Matapos ang mapusok nilang halikan mag-asawa ay ipinaliwanag ni Peter ang tunay na nangyari sa England. Kung paano nito nahuli si Zena sa mga kalokohan nito. Hindi siya makapaniwala na pati ang heart attack ng daddy nito ay kasinungalingan din pala. Masyado nitong binilog ang isip ng asawa niya. Ang galing talaga nito magpanggap at nagawa pa pala nito na muntik pag-awayin sina Peter at Arsen. Mabuti na lang at sadyang matalino si Arsen o talagang plinano na nito ang bagay na 'yon. She was thankful to him for saving her husband from that bitch. Sorry for her words but she meant it. Masyado nang malaki ang atraso ni Zena sa kanila. At kung s
Seeing her crying made Peter's heart broke into pieces. Ito ang isang bagay na ayaw niyang makita. Ang masaktan ang babaeng pinakamamahal. Naging tanga siya at naging manhid. Pero natuto na siya at umaasa na hindi pa huli ang lahat para sa kanila. "Who is Zena to you, Peter?" muling tanong ni Khaira. He closed his eyes to stop his tears from falling. Kalalaki niyang tao pero heto siya at umiiyak. Pero wala siyang pakialam do'n ang mahalaga sa kanya ngayon ay magkaayos sila ng asawa. Magkalinawan. Muli niyang iminulat ang mga mata at diretsong tumingin sa asawa na nanatiling nakatayo sa harapan niya at basa ng luha ang mga mata nito. Nag-aalala siya dahil buntis ang asawa at ayaw niyang may mangyaring masama rito…pero alam niya na desidido na rin ang asawa na ayusin o alamin kung ano nga ba ang totoong lugar nito sa buhay niya. "Qīzi…tulad ng unang sinabi ko sa 'yo. Zena is just a childhood friend. Malapit na kaibigan, itinuturing kong nakababatang kapatid na babae. Tanging 'yon laman
UMAWANG ang bibig ni Khaira sa sinabi ng asawa. He can really remember her. Akala niya ay hindi na siya nito naaalala. Kung gano'n totoo ang narinig niya nang gabi na 'yon. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Hindi niya makaya ang ibinibigay nitong titig sa kanya. "Qīzi," tawag nito. "Akala ko hindi na kita ulit makikita. Pero nagkita tayo sa 26th birthday ko. Ang laki nang ipinagbago mo. You grew up into a fine lady. Pero hindi ako pwede magkamali na ikaw ang nakita ko." Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I want to talk to you but I heard you introducing Cyrius as your boyfriend…kaya nagdesisyon ako na huwag ka na lang lapitan. Saka hindi rin naman ako sigurado na ikaw nga si butterfly ko. But I did investigate you and I find out that it was really you. I'm happy but at the same time confused. Masaya ka na sa buhay mo at ayoko magulo ka. I let you be." "Then?" She asked unconsciously. Hindi niya alam ang bagay na 'yon. At kung nagkita man sila
MASAYANG KUMAKAIN SI Khaira sa may tent na ginawa ni Peter. Sinabi niya kasi rito na gusto niya sa may dalampasigan kainin ang mga pagkain na pinabili niya. At himala na wala siyang narinig na reklamo bagkus ay nakita niya nga ito na may ginagawang tent."Gusto mo?" tanong niya sa asawa na nakatingin sa kanya habang kinakain niya ang halo-halo na talaga namang sobrang sarap. Muli siyang sumandok sa kutsara at iniumang sa bibig ng asawa. "Tikman mo, super duper sarap." Pero nang akmang isusubo na ng asawa ay mabilis niyang sinubo kaya naman kitang-kita niya ang pag-isang linya ng mga kilay ng asawa na ikinakibit-balikat niya lang."Qizi, are you sure you can eat all of this? Baka sumakit ang tiyan mo dahil halo-halo na ang kinain mo," sabi ni Peter na mas problemado pa sa kanya kung paano niya uubusin ang mga pagkain."Halo-halo naman talaga ang kinakain ko," pamimilosopo niya pa rito saka kumuha naman ng isang turon at isinawsaw sa halo-halo na nilagyan niya ng ice cream. Napangiwi si
MATAPOS MALIGO ay hindi na naabutan ni Khaira si Peter sa may balcony at malinis na rin 'yon. Pinatuyo niya ang buhok habang nakaharap sa salamin. Tipid siyang napangiti nang makita ang itsura. She knows that she's still pretty. Dahil hindi naman niya pinababayaan ang sarili. Pero hindi niya maikakaila na may kulang…kulang ang ningning sa kanyang mga mata at alam niya kung bakit. Dumako ang tingin niya sa kanyang tiyan. May bagong anghel na darating at ayaw niya na lumabas ito na hindi pa sila nakakapag-usap ng asawa ng maayos. Alam niya ang ginagawa ng asawa pero hindi 'yon ang kailangan niya. She wanted to hear those words again that he said when they were in the hospital. Mahirap ba talagang sabihin 'yon? If he really loves her, what's taking him so long to tell her? Action speaks louder than words? Tsk! She needs words to justify the action. Ano ba naman ang ilang letra at kataga? Matapos siyang makapag-ayos ay nagpasya siyang lumabas ng silid. Gusto niya pumunta sa may dalampasi
DAHAN-DAHAN nagmulat ng mga mata si Khaira para lamang biglang mapabangon dahil hindi pamilyar ang kanyang kinamulatan na silid. Mabilis na lumibot ang kanyang mga mata habang ang kanyang dibdib ay nagsisimula nang kumabog nang mabilis. "Where am I?" tanong niya sa sarili na bakas ang pagkabahala sa maamo niyang mukha. Bago pa siya makabangon nang tuluyan ay ang pagbukas ng pinto. Agad dumako roon ang kanyang tingin. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang asawa."You are awake. Good morning, Qizi," nakangiting bati nito habang may hawak-hawak na tray. Nasundan niya ito ng tingin hanggang sa magtungo ito na sa tingin niya ay balcony ng silid. With a disbelief expression she left the bed…pero napatingin siya sa kanyang katawan nang makita na isang malaking t-shirt na ang suot niya. Naalala niya na hindi 'yon ang suot niya ng matulog siya. Kunot ang noo na sinundan niya ang asawa. Naabutan niya ito na bakas ang kasiyahan habang inaayos ang lamesa."Where are we?" Kunot ang noo ta