Ready??? Mabait ako promise, walang iyakan ahaha...
NANG MAKARATING sa Pilipinas ay ipinahatid si Khaira ni Peter sa mansion. Habang ang asawa ay agad na tumuloy sa hospital. Gusto niya sanang samahan ito pero sinabi na kailangan niya magpahinga lalo pa't mahaba ang binyahe nila. Kaya wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Kanina pa siya nakahiga pero hindi niya naman magawang matulog. Kahit sa eroplano ay hindi rin siya nakatulog. Pinapakiramdaman niya lang ang asawa na balisa at sobra ang pag-aalala. Gustong-gusto niyang itanong kung sino ba si Zena. Pero naduduwag siya. Kung gusto nito ipaalam, hindi ba dapat sa asawa manggaling. O, baka stress lang ito kaya hindi na nagawang sabihin sa kanya.Nagdesisyon siyang bumangon at isandal ang katawan sa headboard ng kama. Narito siya ngayon sa silid ni Peter. Wala pa rin pinagbago 'yon at napangiti siya nang makita sa mismong harapan ng kama sa dingding ang kanilang wedding picture frame. Narito pa rin pala ito. Gusto niyang tawagan ang anak kaya lang baka magtaka ang mga ito o malaman n
HALOS TATLONG ORAS pa bago nakita ni Khaira ang paglabas ng asawa sa operating room. Halata ang pagod dito habang nag-aalis ng surgical mask. Nang magtama ang kanilang mga mata ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ito. Nakasunod din sina Kholeen at Arsen. "What are you doing here?" malakas na pagalit ang boses nito na ikinagulat niya. Nahinto siya at napatulala na lang sa asawa na bakas ang iritasyon sa mukha.Mukhang napansin nito ang inasal bigla na lang lumambot ang mukha ng asawa saka hinawakan ang kanyang mga kamay. "I'm sorry, I didn't mean to shout at you. I was worried. Ang haba ng biyahe natin at hindi ka man natulog baka may mangyari naman masama sayo." Dahil sa sinabi nito ay medyo nawala ang sakit na naramdaman niya kanina. Tipid siyang ngumiti."I'm fine. Hindi ako makatulog, nag-aalala rin naman ako sayo," aniya rito. Huminga si Peter nang malalim saka bumaling sa mag-asawa. Na para bang nagtatanong kung ano ang ginagawa ng mga ito rito."We heard about Zena accident
NAALIMPUNGATAN si Khaira nang maramdaman ang masuyong paghaplos sa kanyang pisngi. Gusto niya pa sanang namnamin 'yon pero nang maisip na ang asawa ito ay mabilis niyang iminulat ang mga mata. Sumalubong sa kanya ang matiim na pagkakatigtig ni Peter. Babangon sana siya nang pigilan siya nito. Umayos ito ng higa sa kanyang tabi. Inilagay ang ulo niya sa braso nito dahilan para maging unan niya 'yon. Hindi na naman siya nag-inarte pa at tumagilid ng higa saka yumakap sa asawa. Nakaramdam siya ng kaginhawaan nang maamoy ang pamilyar na amoy ng asawa. Tunay nga na nasa tabi na niya ang asawa. Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa kanyang buhok. Walang salitang lumabas sa kanilang dalawa. Para bang sapat na ang kanilang mga puso na lihim na nag-uusap. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay binasag nito ang katahimikan."I'm sorry," wika ni Peter. Bakas ang sinseridad sa boses ng asawa. Pero nagtataka siya kung para saan ang paghingi nito ng tawad. "I'm sorry for cutting our vacati
MABILIS NA umatras si Khaira kasabay nang pag-agos ng kanyang mga luha. Malinaw na malinaw niyang narinig ang mga sinabi ng asawa. Mga salitang ninais niyang marinig mula rito. Pero heto, naririnig niya…hindi nga lang para sa kanya.Nanlalabo ang mga mata niyang tinahak ang mahabang pasilyo. Nang makita niya ang isang signage na nagtuturo sa banyo ay mabilis niyang hinakbang ang mga paa ro'n.Inilapag niya ang dalang paper bag kung saan nakalagay ang inihanda niyang almusal ng asawa. Saka, siya pumasok sa isang cubicle. Nanghihina siyang sumandal sa nakasarang pinto. Naitapik niya ang mga palad sa kanyang bibig upang hindi umalpas ang sakit na kanyang nararamdaman. Pero kahit ano ang gawin niyang pagtakip ay kusang kumawala ang kanyang paghikbi na nauwi sa paghagulhol. Pinipilit niya pa rin na kontrolin at baka may makarinig sa kanya.Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang umiiyak. Kung hindi pa tumunog ang kanyang cellphone ay hindi pa siya matatauhan. Kinuha niya ang cellphone
MALAKAS NA TUMIKHIM si Khaira dahilan para maghiwalay ang dalawa at sabay pang lumingon sa kanya. Mabilis na tumayo si Peter saka siya nilapitan. "Qīzi," tawag nito sa kanya. Hinalikan siya nito sa pisngi pero bago pa tuluyan makalayo ang asawa ay hinawakan niya ang pisngi nito saka hinalikan sa mga labi. Ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Zena kaya hindi nakaligtas sa kanya ang pagtalim ng tingin nito sa kanya. "Sorry, namiss lang kita," saad niya nang tapusin niya ang kanilang halikan dahil naramdaman niya na nadadala na ang asawa nang yumakap na ito sa kanya. "Nakakahiya kay Doktora," dugtong niya pa dahilan para mabalik sa sarili ang asawa. "Ah, yeah. Humanda ka talaga sa 'kin mamaya," bulong nito saka siya iginiya palapit kay Zena na ngayon ay may ngiti na sa mga labi. Napataas ang kilay niya. Nakakaamoy siya ng malansang isda. "By the way, Zena meet my lovely wife, Khaira," bumaling ang asawa sa kanya, "meet Zena, Qīzi." Inilahad niya ang kamay rito. "It's nice to meet yo
PINALAGPAS ni Khaira ang araw na 'yon. Nakipaglaro na lang siya sa anak. Tutal ay malaki naman ang mansion ng mga Quazon ay nagawa nilang palipasin ang buong araw. May ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang anak na mahimbing ng natutulog. Hindi niya inaasahan na may sarili na ngang silid ang anak dito sa mansion. At puno na iyon ng mga laruan kaya hindi niya alam kung ano pa ang bibilhin ng mga ito sa mall kung sakali magpunta sila. Napatingin siya sa kanyang cellphone nang tumunog 'yon. Bahagya siyang gumalaw upang maabot ito na nasa bedside table. Peter is calling. Huminga muna siya nang malalim at isinandal ang likod sa headboard bago niya sinagot."Hello.""Qīzi, how are you? Si Nyra, gising pa ba?" Bakas ang pagod sa boses ng asawa. Tiningnan niya ang anak. "He's already sleeping.""I'm sorry. I will make it up tomorrow.""Hindi ka uuwi?" Bigla niyang tanong. Natahimik ang kabilang linya pero naririnig niya ang paghinga nito. Kaya alam niya na nasa kabilang linya pa
Chapter 47"MOMMY!" Nabalik sa sarili si Khaira nang marinig ang boses ng anak. Nasa tabi na niya ito at may pagtatakang nakatingin sa kanya. "Are you alright, Mommy?""Ye-yeah. Are you done?" balik-tanong niya sa anak."Yes, Mommy. Let's go. I'm so excited to see Daddy." Natigilan siya sa sinabi ng anak. Ito ang isa sa kinatatakutan niya na mangyari. Ang umasa ang anak. Pinilit niya pasiglahin ang sarili pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Zena. She and Peter love each other. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan. Naguguluhan na rin siya. At mas malala ni hindi man talaga inisip ni Peter ang pinangako nito."Mom, let's go," untag muli ng anak sa kanya. Nginitian niya ito saka nagpatianod sa anak palabas ng silid nito.Naabutan nila si Amah na nakaupo na habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ang anak dito, bumati at humalik. "Goodmorning Amah.""Goodmorning, Apo.""Wala pa po si Daddy?" tanong ng anak niya kaya naman napatingin sa gawi niya si Amah. Tipid siy
HANGGANG UMABOT ng hapon ay walang mensahe na natanggap si Khaira mula sa asawa. Ni walang pasabi kung matutuloy ang lakad nila o hindi. Nagpadala rin siya ng mensahe rito para ipaalam na uuwi sila bukas ng Zambales pero wala siyang nakuha reply. Gusto niya mag-alala pero sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang sinabi ni Zena, nauudlot ang balak niya. Mas lalo pa nadagdagan ang pagdududa niya sa sinabi ni Manang Rosy. Paano nga kung ito talaga ang mahal ni Peter? Paano kung lahat nang sinabi ni Zena ay totoo. She can't afford to lose her son. Ipaglalaban niya hanggang kamatayan ang anak. Huminga siya nang malalim saka sinimulan ayusin ang kanyang mga gamit. Konti lang naman ang dala niya. Ang anak naman ay wala rin naman dala dahil halos bagong bili ang mga ginamit nito.Habang nag-aayos siya ay narinig niya ang tila humahangos na mga yabag patungo sa kanya. Hinayaan niya kasi nakabukas ang pinto ng silid nilang mag-asawa. "Senyorita! Senyorita!" sigaw ni Ate Nida at nang makapas
"WHERE ARE WE GOING, DADDY?" tanong ni Khairynn Mien kay Peter. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok ng kanilang anak. "Daddy, I'm done!" sigaw naman ni Nherynn Pete na nasa bungad ng pinto ng banyo habang nakasuot ng roba at nakapulupot pa ang tuwalya sa buhok nito."Just wait, Nherynn. Let me finish your sister," tugon naman ni Peter habang mas binilisan ang pagsusuklay kay Khairynn."Ouch! Daddy, be careful naman po," maarteng d***g ni Khairynn."Don't move kasi para matapos tayo—""Daddy! I'm so cold na po." Mariing napapikit si Peter kaya naman nailing na lang si Khaira na kanina pa nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ng kambal. Yes, she gave birth to twins. Both girls. Not identical pero may pagkakahawig naman. "You wish for it, remember?" Pukaw niya sa asawa na mabilis siyang nilingon. "Thank God you are here." Mabilis siyang niyakap nito na para bang hulog siya ng langit. "Comb Khairynn hair and I will attend to another little brat there," pagkasabi niyon ay ibinig
"Qīzi!" "I'm here, Zhāngfū!" sigaw niya upang marinig siya ng asawa. Kasalukuyan siyang nasa may pool at binabantayan si Nyra. Narito sila ngayon sa mansion. Napagpasyahan niya na rito na tumira dahil nga nandito ang trabaho ng asawa. Humanap sila ng mapagkakatiwalaan para sa resort. Siya pa rin naman ang namamahala rito pero idinadaan niya lang sa online or kung talaga mahalaga ay madali lang naman ang magbiyahe. Habang ang mga magulang naman ay nakakapasyal din naman sa resort. Gusto niyang isama rito pero tumanggi ang mga ito. Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito dahilan para magtama ang kanilang mga labi. "Ang sarap," komento nito matapos maghiwalay ang kanilang mga labi."Iiihhhh. Daddy stop kissing Mommy," boses ni Nyra na nakatingin sa kanila. Natawa na lang siya sa nakasimangot nitong mukha. Ayaw na ayaw kasi nito na hinahalikan siya ni Peter. Baka raw kasi may germs ito at mapunta sa kapatid nito. She is now three months pregnant.
"SULIT NA SULIT, ah." Natawa si Peter sa sinabi ni Arsen. Matapos ang isang linggo pananatili sa isla ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Ayaw niya pa sana pero nami-miss na raw ng asawa ang anak at maging siya rin naman. Tutal ay nagkaayos na sila kaya naman pumayag na rin siya na umuwi. "Siguro naman may magandang balita, sa ganda ng ngiti mo," patuloy nitong panunukso. Kakarating lang kasi nila at sinabi ng katulong na nasa resort daw ang mga ito. At nasalubong nga nila si Arsen."Mukhang pati rin naman ikaw, ah. Bakasyon mo?" Tinanggap niya ang man-hug nito. "Daddy! Mommy!" Malakas na sigaw ng anak ang nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan nito. Nasa may dagat ito at ngayon ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kanila. Tinapik niya ang braso ni Arsen. "Later, bro," paalam niya at sinundan na ang asawa na nauna nang naglakad sa kanya. Agad na yumakap si Nyra kay Khaira nang magtagpo ang dalawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Nyra!" tawag niya rito. Kumawala ito kay Kha
NAKANGITING pinagmamasdan ni Khaira ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito. Mabuti na lang ay talaga pinush niya na mapaamin ang asawa. Kung sakali hindi naman ito umamin o talagang walang nararamdaman para sa kanya ay handa niyang tanggapin. Pero…tama ang hinala niya at narinig na mahal siya nito. Matapos ang mapusok nilang halikan mag-asawa ay ipinaliwanag ni Peter ang tunay na nangyari sa England. Kung paano nito nahuli si Zena sa mga kalokohan nito. Hindi siya makapaniwala na pati ang heart attack ng daddy nito ay kasinungalingan din pala. Masyado nitong binilog ang isip ng asawa niya. Ang galing talaga nito magpanggap at nagawa pa pala nito na muntik pag-awayin sina Peter at Arsen. Mabuti na lang at sadyang matalino si Arsen o talagang plinano na nito ang bagay na 'yon. She was thankful to him for saving her husband from that bitch. Sorry for her words but she meant it. Masyado nang malaki ang atraso ni Zena sa kanila. At kung s
Seeing her crying made Peter's heart broke into pieces. Ito ang isang bagay na ayaw niyang makita. Ang masaktan ang babaeng pinakamamahal. Naging tanga siya at naging manhid. Pero natuto na siya at umaasa na hindi pa huli ang lahat para sa kanila. "Who is Zena to you, Peter?" muling tanong ni Khaira. He closed his eyes to stop his tears from falling. Kalalaki niyang tao pero heto siya at umiiyak. Pero wala siyang pakialam do'n ang mahalaga sa kanya ngayon ay magkaayos sila ng asawa. Magkalinawan. Muli niyang iminulat ang mga mata at diretsong tumingin sa asawa na nanatiling nakatayo sa harapan niya at basa ng luha ang mga mata nito. Nag-aalala siya dahil buntis ang asawa at ayaw niyang may mangyaring masama rito…pero alam niya na desidido na rin ang asawa na ayusin o alamin kung ano nga ba ang totoong lugar nito sa buhay niya. "Qīzi…tulad ng unang sinabi ko sa 'yo. Zena is just a childhood friend. Malapit na kaibigan, itinuturing kong nakababatang kapatid na babae. Tanging 'yon laman
UMAWANG ang bibig ni Khaira sa sinabi ng asawa. He can really remember her. Akala niya ay hindi na siya nito naaalala. Kung gano'n totoo ang narinig niya nang gabi na 'yon. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Hindi niya makaya ang ibinibigay nitong titig sa kanya. "Qīzi," tawag nito. "Akala ko hindi na kita ulit makikita. Pero nagkita tayo sa 26th birthday ko. Ang laki nang ipinagbago mo. You grew up into a fine lady. Pero hindi ako pwede magkamali na ikaw ang nakita ko." Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I want to talk to you but I heard you introducing Cyrius as your boyfriend…kaya nagdesisyon ako na huwag ka na lang lapitan. Saka hindi rin naman ako sigurado na ikaw nga si butterfly ko. But I did investigate you and I find out that it was really you. I'm happy but at the same time confused. Masaya ka na sa buhay mo at ayoko magulo ka. I let you be." "Then?" She asked unconsciously. Hindi niya alam ang bagay na 'yon. At kung nagkita man sila
MASAYANG KUMAKAIN SI Khaira sa may tent na ginawa ni Peter. Sinabi niya kasi rito na gusto niya sa may dalampasigan kainin ang mga pagkain na pinabili niya. At himala na wala siyang narinig na reklamo bagkus ay nakita niya nga ito na may ginagawang tent."Gusto mo?" tanong niya sa asawa na nakatingin sa kanya habang kinakain niya ang halo-halo na talaga namang sobrang sarap. Muli siyang sumandok sa kutsara at iniumang sa bibig ng asawa. "Tikman mo, super duper sarap." Pero nang akmang isusubo na ng asawa ay mabilis niyang sinubo kaya naman kitang-kita niya ang pag-isang linya ng mga kilay ng asawa na ikinakibit-balikat niya lang."Qizi, are you sure you can eat all of this? Baka sumakit ang tiyan mo dahil halo-halo na ang kinain mo," sabi ni Peter na mas problemado pa sa kanya kung paano niya uubusin ang mga pagkain."Halo-halo naman talaga ang kinakain ko," pamimilosopo niya pa rito saka kumuha naman ng isang turon at isinawsaw sa halo-halo na nilagyan niya ng ice cream. Napangiwi si
MATAPOS MALIGO ay hindi na naabutan ni Khaira si Peter sa may balcony at malinis na rin 'yon. Pinatuyo niya ang buhok habang nakaharap sa salamin. Tipid siyang napangiti nang makita ang itsura. She knows that she's still pretty. Dahil hindi naman niya pinababayaan ang sarili. Pero hindi niya maikakaila na may kulang…kulang ang ningning sa kanyang mga mata at alam niya kung bakit. Dumako ang tingin niya sa kanyang tiyan. May bagong anghel na darating at ayaw niya na lumabas ito na hindi pa sila nakakapag-usap ng asawa ng maayos. Alam niya ang ginagawa ng asawa pero hindi 'yon ang kailangan niya. She wanted to hear those words again that he said when they were in the hospital. Mahirap ba talagang sabihin 'yon? If he really loves her, what's taking him so long to tell her? Action speaks louder than words? Tsk! She needs words to justify the action. Ano ba naman ang ilang letra at kataga? Matapos siyang makapag-ayos ay nagpasya siyang lumabas ng silid. Gusto niya pumunta sa may dalampasi
DAHAN-DAHAN nagmulat ng mga mata si Khaira para lamang biglang mapabangon dahil hindi pamilyar ang kanyang kinamulatan na silid. Mabilis na lumibot ang kanyang mga mata habang ang kanyang dibdib ay nagsisimula nang kumabog nang mabilis. "Where am I?" tanong niya sa sarili na bakas ang pagkabahala sa maamo niyang mukha. Bago pa siya makabangon nang tuluyan ay ang pagbukas ng pinto. Agad dumako roon ang kanyang tingin. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang asawa."You are awake. Good morning, Qizi," nakangiting bati nito habang may hawak-hawak na tray. Nasundan niya ito ng tingin hanggang sa magtungo ito na sa tingin niya ay balcony ng silid. With a disbelief expression she left the bed…pero napatingin siya sa kanyang katawan nang makita na isang malaking t-shirt na ang suot niya. Naalala niya na hindi 'yon ang suot niya ng matulog siya. Kunot ang noo na sinundan niya ang asawa. Naabutan niya ito na bakas ang kasiyahan habang inaayos ang lamesa."Where are we?" Kunot ang noo ta