Share

CHAPTER 6

Author: Grecia Reina
last update Last Updated: 2022-02-01 14:23:03

KINABUKASAN ay bumalik sila sa trail ilang oras matapos mag-agahan sa inn. Iwas na iwas si Triana kay Devance dahil sa insidenteng nangyari kaninang madaling araw. Tiyak na papatulan niya ang pagiging presko nito kapag nagpang-abot uli sila. Lalong umiinit ang ulo siya sa lalaki. His presence alone made her feel uneasy. Kung makaasta ito ay kakambal na yata ang lakas ng hangin sa katawan at kayabangan.

And speaking of the devil, parang nananadya ito. Naglakad ito patungo sa kanya at nagsalubong ang kanilang mata

“Hey, Austin! Pakitingnan nga kung may butas itong hydration pack ko,” tila nang-aasar na sabi nito sa kasama pero sa kanya nakatingin.

Mabilis naman si Austin na lumapit dito.

“Bakit, may leak ba? Na-check ko naman ‘yan nang maigi. Sinigurado kong walang butas,” wika ni Austin.

Hindi maiwasan ni Triana ang magulat. Bumuka ang bibig niya na hindi makapaniwala sa mga naririnig. Deretso talagang managalog ang dalawa!

Tumingin si Austin sa gawi niya. Halatang pinagti-tripan siya ng mga ito. “Gulat ka, magandang binibini? Pilipino kami. You could’ve just asked.”

Inanggilan niya ang dalawa. Dinig na dinig niya ang nakakalokong tawa ng antipatikong si Devance.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at binilisan niya ang paghakbang. Mabilis naman na nakasunod si Devance sa kanyang likuran.

“If I were you, I’d take a slow pace. Altitude sickness is not a joke,” seryosong paalala ng lalaki.

Triana exhaled sharply. Inis na nilingon niya ang binata. Heto na naman siya at hindi magawang makapagtimpi sa lalaking ito.

“Wala ka bang magawa sa buhay? Leave me alone. I came here to discern. Kung ako sa’yo, intindihin mo na lang ‘yang jowa mo.”

Devance’s eyes narrowed. Naguguluhan na tumingin ito kay Austin na natatawa sa tabi nito.

“Excuse me? What did you say?” Halos mag-isang guhit na lang ang makapal na kilay nito, “Jowa? You mean, us?” Itinuro nito ang sarili at si Austin.

“Bakit, hindi ba?” mataray na anas ng dalaga.

Natawa nang malakas si Devance. Matapos ay parang nanggigil itong akmang kukurutin siya sa pisngi.

“Anyway, that’s hilarious.” Napailing na lang ang binata.

Sumali sa pag-uusap nila si Austin. “I’m actually his bodyguard. Ah, there’s this famous expression in the Philippines these days—jojowain o totropahin?”

Lalong naguluhan si Devance. Maya-maya ay biglang nagliwanag ang mukha nito at hinarap si Triana.

“Hey, I get it. Would you rather date or befriend me? Jojowain o totropahin?”

Namilog ang mata ni Triana. “Gross. That’s cheap. Dream on! And please, find somewhere else to exist,” anang dalaga sabay talikod.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Natawa nang malakas si Austin. Natigil lang ito nang tingnan nang masama ni Devance.

“I can’t believe she didn’t fall to your lethal charm.” Napapailing na wika ni Austin. Alam na alam kasi nito na hindi basta-basta ang mga babae na naghahabol dito.

“I’m starting to get entertained. I guess I'm gonna enjoy this trek.” Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Devance habang hatid ng tanaw si Triana na sumunod kay Nim.

NATIGIL silang lahat sa kalagitnaan ng trek ilang oras pagkagaling nila sa Tengboche nang biglang makaramdam ng cramps si Lara. Alalang-alala naman si Nehan at maagap na dumalo si Nim sa kanila.

Pero bago pa man sila makapag-isip ng gagawin. Mabilis ang naging galaw ni Austin, lumuhod ito sa may paanan ni Lara at maingat na minasahe ang binti nito.

“I’m feeling better now, thank you.” Nakangiting wika ni Lara kay Austin matapos ang ilang sandali.

Marahan itong tumango at tipid na ngumiti. “You’re welcome. I guess you should do a little stretching.”

“It must be the cold,” sabi ni Nehan. Tinapik nito ang braso ni Austin, “Thanks, brother.”

“Let’s have a few minutes rest,” suhestiyon ni Nim.

Nagkasundo naman ang lahat na sandaling magpahinga. The oxygen was getting thinner, ramdam iyon ni Triana dahil medyo hirap siyang huminga. The trail was tolerable, but she was having trouble adjusting to the extreme weather. Mataas kasi ang sikat ng araw pero sobrang lamig ng paligid. Mabuti na lang at dala niya ang paboritong sunblock. Habang tumataas ang elevation ng kanilang trek ay dumaan sila sa mabundok na bahagi.

“This looks like a high alpine desert,” anas ni Austin habang nililinga ang paligid.

Napapansin si Triana ang pagdugo ng kanyang ilong. She thought it was only normal, tutal uminom naman siya ng gamot kanina. Hindi niya lang masyadong binigyang pansin. Agad naman silang nagpapahinga matapos ang halos anim na oras na trek.

Nang sumapit ang ika-pitong araw nagsimula na namang atakehin si Triana ng altitude sickness. Sinikap niyang huwag mataranta dahil ubos na ang gamot na dala niya. Pinakiramdaman niya ang sarili, sa tingin niya ay kaya pa naman ng katawan niya. At gaya ng dati, she only shrugged it off. Hanggang sa mas maraming dugo ang lumabas sa kanyang ilong at si Devance ang unang nakakita.

“Hey, are you alright?” Mabilis itong lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at tiningnan ang mukha niya.

“I-I’m okay. I’m just a bit dizzy.” Nagbaba ng tingin ang dalaga. Masyado siyang nanghihina para makipag-argumento sa binata kung bakit ito feeling close sa kanya. She could only feel the howling of the arctic wind.

Dinama ni Devance ang kanyang pulso sa leeg. “Damn!”

Tumingin ang binata sa suot nitong relo at tiningnan ang lagay ng kanilang altitude. They were past five thousand meters above sea level. Ito na sana ang huling station nila at bukas mararating na nila ang Everest Base Camp.

Nagkagulo ang lahat na naroon. Alalang-alala si Lara nang makita ang kalagayan niya. Kadadaan lang nila sa pamosong memorial site ng mga sherpa at climbers na namatay sa Everest. Puno iyon ng malalaking bato at napapalibutan ng maraming prayer flags.

“Why didn’t you tell us about this a while ago? We’re in the middle of nowhere now. May hospital bang malapit dito?” Tiningnan ni Lara ang namumutlang mukha ng kaibigan.

“Take it easy.” Nehan comforted her.

“Call Vijay, now!” Utos ni Devance sa bodyguard. There was urgency in his voice.

Tumango naman si Austin at kinuha ang satellite radio na nakasukbit sa tagiliran nito. May kinausap ito sa kabilang linya at saka lumapit sa gawi ni Devance.

“Dev, Vijay just left for Kathmandu because of a family emergency. He can’t fly the chopper right now.”

“Fuck! Call any other available pilot in the area.” Tiim-bagang na anas ni Devance.

Samantalang unti-unting nanlalabo ang paningin si Triana. Pakiramdam niya pagod na pagod siya at sobrang sakit ng ulo niya. She thought she could handle her altitude sickness after a few days, thinking her body had adapted already. Pero bakit ngayon nagkakaganito siya? Mabuti na lang at nakaalalay sa kanya si Devance kung hindi ay kanina pa siya nawalan ng balanse.

“Let me handle this,” kalmadong wika ni Nim. He gave her medicine. Matapos ay kinuha nito ang sariling satellite radio at may tinawagan. Tila nakahinga nang maluwag si Devance nang sabihin ni Nim na nakakuha ito ng available na piloto na maaring magdala ng kanyang private chopper sa kanilang location.

Dalawang five-seater helicopter ang dumating. Ang isa ay ang pulang private chopper ni Devance.

“I’ll bring her to the nearest hospital. Don’t worry,” ani Devance na puno ng assurance.

“Sasama ako,” wika ni Lara.

May kinuha si Devance sa wallet nito. Isang kulay itim na calling card. “This is my number, we’ll be back once she is better.” Iniabot nito ang card kay Lara.

“I guess it’s best if you guys finish the trek,” suhestiyon ni Austin.

“I can’t do that!” Tumingin si Lara kay Nehan, “I’m sorry, I need to give her company.”

Ngumiti naman si Nehan. “It’s all right. I understand.”

Ipinasa ni Lara ang card kay Nim at kinuha niya rin ang sariling business card. “We’ll pay extra for this, Nim. Just call me.”

“We need to hurry! She might get a HACE if we didn’t treat her.” Binuhat ni Devance si Triana na tuluyan nang nawalan ng malay. Ang tinutukoy nito ay ang kundisyon ng biglang pamamaga ng utak dahil sa kawalan ng oxygen.

Mabilis naman ang kilos ni Austin at inalalayan na maipasok sa loob ng pulang chopper si Triana. Bitbit nito ang mga gamit ng walang malay na dalaga.

Nagpasalamat si Devance sa lalaking nagdala ng chopper. Binigyan niya ito ng kanyang card, “Call me, I’ll pay for your time.”

Tumango naman ang may katandaang piloto at binigyang daan si Devance na maupo sa cockpit ng sasakyang panghimpapawid.

Nagdesisyon silang lima na huwag nang ituloy ang trek dahil sa nangyari. Sumakay na lang silang lahat sa chopper para samahan si Triana.

“Austin, inform Doctor Adhikari we’re coming home anytime now,” muling utos ni Devance nang nasa himpapawid na sila.

“Copy that,” tumago si Austin at agad na tumalima sa utos.

Panay ang dasal ni Lara sa chopper. Nasa likurang bahagi ng upuan sila ni Nehan, samantalang nakaalalay si Austin kay Triana habang binibigyan ito ng first aid.

Related chapters

  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 7

    NAGISING si Triana sa hindi pamilyar na silid. Nahilot niya ang sentido dahil sa bahagyang pagkirot niyon. Unti-unti niyang inalala ang mga nangyari. Her eyes widened when she realized what had happened during the trek. She remembered her severe altitude sickness. Malamang ay pinag-alala niya ang kaibigan at sinira niya ang itinerary ng mga kasama patungong basecamp. Mabilis siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Her eyes traveled around as she studied the room, mukhang wala naman siya sa hospital kung pagbabasehan niya ang mga mamahaling muwebles na naka-display sa paligid. She even recognized some famous paintings that were proudly hanged on the wall. Nasaan ba siya? And where was Lara? Tumayo siya at pinakiramdaman ang sarili. Hindi na naman siya nahihilo. Kaya lumabas siya sa terrace ng silid na kanyang kinaroroonan. Mataas na ang araw, pero bigla siyang sinalubong ng malamig na ihip ng hangin mula sa labas. It appeared that her room was located on the fourth floor.

    Last Updated : 2022-02-10
  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 8

    MAINGAT si Devance sa pag-drive kaya maayos naman ang kanilang naging biyahe nang marating ang kanilang destinasyon sa Nagarkot. May mga nadaanan silang lubak kaya panay ang reklamo ni Triana kung bakit hindi pa iyon pinapaayos samantalang papunta iyon sa isang kilalang tourist destination. Bumaba sila sa motor at saglit na nag-mini trek papunta sa mataas na bahagi ng burol kung saan makikita ang overlooking view ng Himalayas. Kaso pagdating nila sa itaas ay walang clearing. Napailing na lang si Devance at apologetic na ngumiti. “Sorry girls, ang kapal ng ulap. It might rain anytime.” “This place is heavenly if only it’s not cloudy,” sabi ni Austin. Si Lara ang sumagot. “It’s all right. We are thankful for your efforts to drive us here. Besides, unpredictable talaga ang weather sa bundok.” And as if on cue, it began to drizzle. “Let’s go, it’s raining!” yakag ni Devance sa lahat. Nagsitakbuhan sila paibaba dahil mabilis na lumakas ang ulan. Pumasok sila sa loob ng isang maliit n

    Last Updated : 2022-02-10
  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 9

    MAAGANG kinatok ni Triana sa kuwarto si Lara. It was almost dawn, and her friend moved lazily as she opened the door. Magulo ang buhok nito at halatang-halata ang eyebags dahil marahil sa puyat. “What’s the matter? It’s too early. I’ve only been asleep for an hour!” palatak ni Lara sa kaibigan. “Come on, Lars. Get a shower, quick! We need to leave here now.” Mabilis na itinulak ni Triana ang babae patungo sa comfort room. “Bakit ba?” Naiinis na sambit ni Lara. “I’ll explain later. Come on!” “It’s impolite to leave without saying goodbye to our host. Hindi ka ba nahihiya?” Napahawak sa sentido si Lara. Tila unti-unti na itong nagkakaroon ng energy kahit tinatamad. “I know! But something happened last night.” Parang biglang nahimasmasan si Lara sa sinabi niya. “Bakit anong nangyari?” “Well…” bigla siyang nag-alangan kung sasabihin niya ba rito ang nangyari kagabi. Lihim siyang napalunok bago muling nagsalita, “H-He tried to kiss me last night.” “Okay, and?” “That’s it! Hindi ni

    Last Updated : 2022-02-10
  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 10

    “MOM, Dad! I didn’t know you were coming home.” Gulat na salubong ni Devance sa magulang nang maabutan itong umiinom ng tea sa rooftop. Abala si Bilhana sa pag-asikaso sa mga ito. Kadarating lang kasi niya mula sa jogging galing sa malapit na temple mula sa bahay at hindi naman nag-abiso ang dalawa na uuwi dito sa Nepal. Mahigit isang linggo na mula nang umalis sina Triana sa bahay at inabala na lang niya ang sarili sa work out at gardening habang nagpapalipas ng oras. Malaking bulas siya at maraming nagugulat na mahilig siya sa halaman. He just loved anything about nature.“Good thing you’re here now. We have been back here to catch you because we’re going to the Philippines,” wika ni Akhil matapos nitong uminom ng tea. Lumapit si Devance sa magulang. Humalik siya sa pisngi ng ina at naupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. “Why? Is there a problem?” takang tanong niya.Sandali silang naantala nang ihain ni Bilhana ang kanyang tea. Hinawakan ng kanyang ina ang kamay niya na nakapat

    Last Updated : 2022-02-10
  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 11

    TAAS-NOONG bumaba ng sasakyan si Devance kasama ang kanyang mga magulang. Si Austin ang nag-drive ng sasakyan nila. Hindi sila nagdala ng maraming bodyguard para hindi makaagaw ng atensiyon. This could be his engagement, but he already made some precautionary measures. Lalo na kung sakaling magkagipitan. Pumayag lang siyang makipagkita sa babaeng itinakda ng ama sa kanya dahil talagang na-freeze ang ilang assets niya noong nagkipagtalo ulit siya sa daddy niya matapos ang ilang araw mulang nang dumating ito sa Nepal. He tried to push his luck, but it seemed his fate was already sealed. Ngayon heto at sumama siya sa Pilipinas para kilalanin kung sino ang babaeng iyon at sisiguraduhin niyang walang kasalan na magaganap. He never asked his parents about the girl, more on he was not interested. Kapag naaalala niya kasi ang tungkol dito ay lalong tumataas ang stress level niya sa katawan. Inilinga ni Devance ang mata sa paligid. He stood near the doorway of a modern two-storey house with

    Last Updated : 2022-02-12
  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 12

    ON THE other side, Devance had to blink several times to make sure he was not imagining things. Paano ito nangyari? Nasa harapan niya ngayon ang isang surpresang kailanman ay hindi niya inaasahan. Tri? Kaswal niyang inilahad ang kamay nang makabawi sa pagkagulat. “Nice meeting you,” aniya sa seryosong tono. Ayaw niyang isipin ng magulang na nagkakilala na sila dati pa hangga’t hindi sila nagkakausap ng dalaga. “S-Same here.” Atubiling tinanggap nito ang kamay niya. It took her a while to act normal with her wonder-stricken face. Pinisil niya ang kamay nito pero agad din naman nitong binawi. Just how fast the night changes. He silently clicked his tongue. Handa na siya kaninang ipakita ang matinding disgusto sa mga mangyayari. Pero sa isang iglap lang, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Maging si Austin na nakatayo sa hindi kalayuan ay gulat na gulat din. Pero hindi naman ito nagkumento dahil wala ito sa lugar. Sabay-sabay nilang tinungo ang dining room at pasimple niyang tinapik

    Last Updated : 2022-02-12
  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 13

    BUMALIK sina Triana at Devance sa loob ng bahay matapos ang masinsinang pag-uusap. Bakas sa mukha ng kanilang mga magulang ang galak nang makitang magkasundo sila. Kung alam lang ng mga ito kung gaano kahaba ang kanilang naging argumento bago nagkasundong pumayag na magpakasal sa isa’t isa. “We agreed to have a date tomorrow to know each other better,” seryosong wika ni Devance nang bumalik sila dining room. Tumango naman si Triana. Naka-serve na ang dessert sa mesa pero wala na siyang planong kumain. Even if it was her favorite corn and mango salad. Gusto na lang niyang matapos ang gabing ito para makapagpahinga na siya. Everything seemed surreal. Mukhang kahit ano pa ang gawin niya ay hindi na niya ito matatakasan. She deeply pondered if meeting Devance was a blessing or a curse. It might be a blessing since he was not a total stranger at least, but at the same time it could be a curse knowing that a womanizer like him would probably give her headache once they got married. Pakons

    Last Updated : 2022-02-19
  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 14

    DUMATING naman si Austin ilang minuto matapos nilang uminom ng kape. Niyaya ito ni Triana na magkape rin muna pero tumanggi na ito. “We had a cup of tea a while ago, thanks. Shall we go now?” tanong ni Austin. He didn’t wear his bodyguard suit, only a casual outfit. Isang plain white shirt at jeans na tinernuhan ng mamahaling sneakers. Mukha itong artista kaysa bodyguard. Si Austin ang nag-drive ng kanilang sasakyan papunta sa flower farm. Iniwan ni Devance ang sports car na dala nito kanina. Triana learned that the Chaudhary’s had a vacation house somewhere in Camarines Sur and Devance probably drove early to avoid the traffic. Ayon na rin sa kagustuhan ni Devance, tinungo nila ang flower farm malapit sa siyudad. Doon rin mismo ang lugar kung saan nag-propose sa kanya si Caleb. “Come, let’s buy the jade vine,” anyaya ni Devance nang makababa na sila sa sasakyan. Wala namang nagawa si Triana kundi sumunod sa lalaki. Tahimik lang si Austin na naglalakad sa unahan nila habang paling

    Last Updated : 2022-02-19

Latest chapter

  • Billionaire's Marriage Bid   EPILOGUE

    TRIANA put on the Philippine flag at the summit of Mount Everest. Napakaraming makukulay na prayer flags sa tuktok niyon at itinusok niya ang maliit na bandilang dala niya sa makapal sa niyebe. Nilingon niya ang lalaking nakasunod sa kanya at itinusok din nito ang maliit na bandila ng Pilipinas at tatlong flaglets, dalawang kulay blue at isang pink—the man was Austin. The flaglets represented the triplets. Kaya nakigaya rin si Triana, isang kulay asul, rosas, at dalawang pula—each had a label of their children’s name. “I did it!” Triana muttered inside her oxygen mask. She spearheaded this expedition with Austin’s help. When Triana promised her husband to be his legs, she meant it. Kasama nila ang isang Nepali team na mga professional hikers at halos dalawang taon ang kanilang naging paghahanda para mapagtagumpayan ang kanilang layunin. The climb was highly technical that they even encountered a few frozen bodies on the trail. Pero buo ang isip ni Triana at wala sa bokabularyo niya

  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 133

    THE Chaudharys yet again gathered as they mourned Eashta’s passing. Sa dami ng mga rebelasyon ay nanatiling magkasama sina Devance at Triana. Hindi sila iniwan ng kanilang malalapit na kaibigan nang malaman ng mga ito ang kanilang pinagdadaanan. Lara and Austin had rescheduled their flight going back to London. Nagmadali ang mag-asawa na tinungo ang hospital na kinaroronan ni Eashta para damayan sila. Even the two could not believe what had happened. But they never blamed them and didn’t even utter a word to make them feel their negligence. Dahil kahit hindi sabihin nina Triana at Devance ay lihim nilang sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Caleb and Austin also postponed their honeymoon to be with them. Hindi naman hinihiling ni Triana na isakripisyo ang mahalagang milestone sa buhay ng dalawa para damayan sila, pero pinili ng mga itong manatili sa tabi nila hanggang sa maihatid na huling hantungan si Eashta. They were adamant that their honeymoon could wait. And Triana had appre

  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 132

    NANLAMBOT ang tuhod ni Triana sa narinig. Mabuti na lang at maagap ang kamay ni Devance at iginalaw nito ang wheelchair para masalo siya mula sa likuran. Mabilis na pumasok sa kuwarto si Eshvi at niyakap ang walang buhay na bata. “Eashta...” Eshvi began to wail. “I’m sorry for your loss. We did our best to revive her.” The doctor expressed their condolences. Magkakasabay itong lumabas sa silid para bigyan sila ng privacy. Triana came back to her senses. Nilapitan niya ang bata at pilit na hinihila ang siko ni Eshvi palayo. “Don’t touch her! You have no right!” Nanginginig ang mga kamay ni Triana sa sobrang galit. Pero tila walang naririnig si Eshvi. Kagaya niya, patuloy ito sa pagpalahaw ng iyak. “Eashta! Wake up baby, please...” ani Eshvi habang mahigpit na yakap ang bata. Samantalang si Devance hindi makuhang gumalaw dahil sa bigat ng mga pangyayari. Tulala lang siyang nakamasid sa walang nang buhay na anak. He lost his two precious children in a year! At mula noon hangga

  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 131

    THE beeping of the hospital apparatus surrounding Eashta was louder than usual in Eshvi’s ears. Bigla siyang nataranta nang magsulputan ang ilang doktor ng anak dahil sa biglang pagbabago ng kalagayan nito. “My daughter… what’s is happening?” Walang patid ang pagpatak ng kanyang luha. Kitang-kita niyang nire-revive na lang ang anak at kapag hindi ito nakayanan ng munting katawan nito ay baka malagutan ito ng hininga anumang sandali. “Please… no…” nauutal niyang sambit. Hindi siya naniniwala sa dasal pero nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang makapitan. She prayed hard to whoever deity listening to her pleading. Hindi niya kakayanin na mawala sa kanya si Eashta. “Miss Javier, please calm down,” anang babaeng nurse na naroon sa tabi niya. They both stood in the receiving area of Eashta’s private room. Pero kitang-kita nila ang nangyayari sa silid ng anak dahil sa dingding na salamin. “Shut up!” singhal niya sa babae. Bigla tuloy itong napaatras dahil sa ginawa niya. Dumista

  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 130

    HINDI namalayan ni Triana na walang patid ang pagtulo ng kanyang luha habang nakikinig siya sa kuwento ng asawa. Could it be true? “I’m really sorry, Kanchhi. I doubted you. But you know, it was just an excuse to make you hate me. Because despite learning that Devna is not mine, I still love her and nothing will change that she is our daughter.” Ilang ulit na pumiyok ang boses ni Devance. “Oh, God! Eashta!” Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Triana. Kung hindi lang siya nakahawak sa handle ng wheelchair ni Devance baka kanina pa siya bumagsak. “Please tell me you are joking, Dev. I never went to Doctor Alfonso’s office since I thought you were just making up that story to drive me away...” Nanginginig ang mga labi niya. Parang ayaw tanggapin ng kanyang utak ang mga impormasyong galing sa asawa. Had Devna been switched? That was impossible! Pero hindi niya puwedeng isawalang-bahala ang mga sinabi ni Devance. Since she and Eshvi gave birth on the same day in the same hospital. At k

  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 129

    BIGLANG lumundag ang puso ni Triana nang makita ang asawa. Akala niya talaga namamalikmata lang siya pero nang nilapitan ito ng kambal at maluha-luha itong yumakap sa mga anak saka niya napagtantong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Especially that he saw Grady showed up from the dining room holding a cup of tea. “Dev!” Hindi napigilan ni Triana ang sarili at patakbong lumapit sa kinaroroonan nito. He was comfortably sitting in his wheelchair. Maaliwalas ang mukha nito kumpara nang huli silang magkita. He was clean shaven and wasn’t looking that much miserable compared when he was in his cabin. Pero nanatili ang kaseryosohan ng mukha nito pagdating sa kanya. “I miss you so much, Baba!” halos magkasabay na wika ng kambal na parang ayaw bumitaw mula sa pagkakayapos sa magkabilang braso ng ama. “I thought you broke your promise to come home with Nanay.” Nakangusong anas ni Rini. “But here you are now! Your wheelchair is cool!” inosenteng bulalas ni Ravi matapos ay pinagmasdan a

  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 128

    SAMANTALA abala naman sina Dexa at Liam sa isang kilalang mall sa Milan. They were merrily strolling around and oblivious to their surroundings. There were no prying eyes there despite them being famous. Wala rin silang kasamang bodyguards na nakabuntot. Although they were watching from afar. Para na rin sa kanilang seguridad. “God, I miss being with you like this.” Palalambing ni Dexa sa kasintahan. “I’d prefer an alone time, though. I can still see our bodyguards from my peripheral vision.” Natatawang saad ni Liam. “At least we could pretend we’re alone.” Ngumiti si Dexa. Pinilit niya na huwag masyadong isipin ang sari-saring problema na kinakaharap lalo na at hanggang ngayon ay wala pa rin na pagbabago sa lagay ng kanyang kapatid. Kahit anong sikap niyang i-distract ang sarili, she couldn’t help but worry about her brother’s failing marriage. Higit niyang inaalala ang mga pamangkin. Ilang buwan na rin na hindi nila nakikita ang ama. At wala rin siyang mukhang maihaharap kay Tria

  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 127

    NAGANAP ang kasal nina Caleb at Anya. It was held at their private resort in the province of Camarines Sur. Iyon din ang resort na minsang napuntahan nina Triana at doon nila unang nakilala si Anya. The couple chose this place since it was memorable for them. Doon daw kasi talaga nagsimula ang pag-iibigan nila. It was a sunrise beach wedding. Tila nakikisama ang panahon sa pag-iisang dibdib ng dalawa. Banayad ang paghampas ng alon sa dalampasigan habang hindi maulap ang kalangitan. Kagaya ng kasal ni Lara, the guests, were no more than thirty. Anya wore a simple white off-shoulder wedding dress. Para itong dyosa ng karagatan. Samantalang si Caleb naman ay nakasuot ng puting three-piece suit. Bakas ang matinding saya sa mukha ng dalawa habang naglalakad patungo sa altar. Napapalibutan ng mga sunflower ang venue at sea colors ang motif ng kasal. The sound of the violin reverberated along with the crashing of the waves when they started the wedding entourage. Bukod kay Triana, naroon d

  • Billionaire's Marriage Bid   CHAPTER 126

    TAHIMIK na nakamasid si Akhil sa bunsong anak habang kausap nito ang kanilang private doctor na si Dr. Adhikari. Nasa loob sila ng kanilang residence clinic. They were coordinating with the doctors in the Philippines looking out for Eashta. They had conducted the same test to check if Devance was a match and the result came out in two days. “You are not a match,” wika ng may katandaang doktor mababang tono. Marahang tumango si Devance. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Akhil ang pagtiim nito ng bagang. For Akhil, it was a good sign. It only meant he was bothered on what his illegitimate child was going through. Although he never liked that kid, but he also wanted to help. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para tikisin ang bata. Sa paglipas kasi ng mga araw ay unti-unti na niyang natatanggap na hindi na niya mababago pa ang nakaraan. Kung si Triana nga ay tanggap ito. Panahon na rin siguro para kilalanin niya ang anak sa labas ni Devance. “Kanchha…” Nilapitan ni Akhil ang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status