Feeling ko kaya ko pa mag update ng isa mamaya. Want pa po ng isa? Haha
Nakita ng mga tao si Chicago sa labas na walang malay. Kaya agad na nalaman ni Thompson ang kalagayan ng pamangkin niya."What happened?" tanong niya sa bodyguard, pero walang sumagot. Walang nakapagbigay ng rason bakit nahimatay si Chicago."Tito, where's Paris?" nag-aalalang sabi ni Rome sa tabi dahil kanina pa niya hinahanap ang kapatid niya. Pero hindi niya ito makita."What? Hindi ba kasama mo siya?""Hindi po. Nagtataguan kami tatlo." Sabi ni Rome. Doon na dumoble ang kaba ni Thompson. Agad niyang inutusan ang mga guards na hanapin si Paris.Sinabi rin niya sa management na kailangan niyang e review ang mga CCTV footage para malaman niya nasaan ang pamangkin niya.Hindi nagtagal, nakita niya kung paano kusang sumama si Paris kay Katherine. Parang hihimatayin si Thompson sa kaba. Alam niyang may sinabi si Paris kay Katherine para pakawalan ang kuya Chicago niya. “Paris, where are you?”Samantala, habang nag-aalmusal si Khelowna, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Thompson
Naghintay pa sila ng ilang oras para matawagan si Max, pero kahit na tingin nila ay nakalapag na ang eroplano sa America, hindi pa rin nila ito matawagan."Anong gagawin ko?" umiiyak na tanong ni Khelowna pagkat patapos na ang gabi at sisikat na ang araw.Tumayo na rin si Maxine at ginawa ang lahat para matawagan si Max, kahit batid niyang kahit na matawagan niya ito, kulang pa rin ang oras para marescue si Paris. Isang gabi lang ang binigay ni Katherine. Kaya hindi aabot si Max kung sakali mang babalik siya ngayon ng Pinas. "Khe?" napatingin silang lahat sa dumating. It was Austin."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Austin sa kaniya."Bakit nandito ang mga pulis? Wala ba silang ginawa para maligtas si Paris?""Tumawag si Katherine. Binigyan niya kami ng isang buong gabi para tawagan siya ni Max. But Max isn't here now. Nasa America siya at hindi pa namin matawagan.""What? Bakit nasa America siya? Teka... Baka may kasama siya. Yun ang tawagan mo.""Hindi ko rin matawagan ang secr
Kinabukasan, maagang pumunta ang mga pulis sa sinasabi ni Katherine na lugar. At ang ibang mga kapulisan ay doon sa lugar na pagdadalhan kay Paris. Malaking bagay ang ginawa ni Alexa, kaya nakapagplano sila kaagad ng mabuting gagawin.Tama nga si Alexa, dahil nakita nila Khelowna sina Reina na tangay si Paris. Plano nilang ihulog si Paris sa isang building.Bago pa makapasok sina Reina sa building, may mga pulis na agad na sumalubong sa kanila na nakabihis pang civilian lamang."PARIS!" Sigaw ni Khelowna at lumabas ng sasakyan.Umiiyak siya habang tumatakbo papunta sa gawi ng anak niya.Nadakip na si Reina, Antonia at Ana, at si Paris ay ligtas na nailayo. Nagkagulo ang mga tao dahil walang nakakaalam na ang ibang naroon ay mga pulis na pala.Agad na kinuha ni Khelowna si Paris sa isang pulis at niyakap. "Bakit mo ba pinag-aalala si mama?" umiiyak na tanong niya.Yumakap si Paris sa mama niya at doon na niya pinakawalan ang takot na nararamdaman niya. Umiyak siya ng malakas, at sa iya
Hindi mapakali si Max. Kaya kahit na pagod na pagod ang katawan niya, pinili niyang mag book ng ticket para makauwi siya agad sa bansa.Kahit anong tawag niya kay Khelowna, hindi nito sinasagot ang tawag. Nag-aalala na siya para sa anak niya. "Sir, magpahinga po muna kayo -" "I can't. My daughter needs me. Baka ano ng nangyari sa kaniya. Uuwi ako." Nag-aalala si Johanson. Halata sa mukha ni Max na hindi ito okay. Na pagod na pagod ito. In fact, nang mahawakan ni Johanson ang kamay ni Max kanina, mainit ito. Papunta na sila ng airport ngayon nang sagutin ni Maxine ang tawag niya."Thank goodness at sinagot mo ang tawag ko." "Bakit ngayon ka lang tumawag?" maririnig ang galit sa boses ni Maxine."I was busy, naka off ang phone ko. Natagalan ang meeting sa mga doctor dito. What happened to my daughter? Is she safe? Pauwi pa lang ako." Sunod sunod na tanong niya. Naubo pa siya ng konti. In fact, nahihilo pa siya. Wala talaga siyang pahinga. Kung hindi siya seryoso sa sinasabi niyang
Pagpasok ni Max sa kwarto ng mga anak niya, agad siyang nagmadali maglakad papasok nang makita niya si Paris. Agad niya itong niyakap kasabay ng pagbaluktot ng mga tuhod niya.Nawalan ng lakas ang mga binti niya nang mayakap niya ang anak niya.Ang laki ng kaginhawaan sa kaniya nang makita niya ang anak niyang ligtas. “I’m sorry my love…” umiiyak na sabi niya. “I’m sorry, papa was not there to protect you. I’m really sorry. God! Please forgive me Paris. I’m sorry baby… I’m really sorry.”Humagolgol si Max at ang pag-iyak niya ay rinig na rinig sa buong bahay na kahit ang ibang mga katulong at mga body guards ay nagbaba ng tingin.Ramdam nila ang lungkot at takot ni Max. Ngayon nga rin nila ito narinig na umiyak ng ganoon kalakas.. Iyak na puno ng emotion.But what breaks Max’s heart even more ay ang paghawak ni Paris sa mukha niya. Kita niya ang mga luhang lumandas sa pisngi ni Paris at kita rin niya ang pagngiti nito. “Papa, it’s alright. She would hurt you if you rescue me. Gusto ka
"Huh?" parang nabingi si Max sa narinig niya. "Anong sabi mo?"Tumawa si Katherine. "Nagulat ka ba? Ganoon kita kamahal.""HAYOP KA! ANONG SABI MO? IPALIWANAG MO!"Naguguluhan na si Max. Nakita niya si Mavi at Khelowna sa bahay niya no'n. Si Khelowna ay umiiyak, si Mavi duguan at nakahandusay sa sahig. Ngunit kaya nacoma si Maveliene dahil maliban sa sugat na natamo niya sa katawan, nahulog rin ito sa pabilog na hadgan nila Max. Bumagsak siya mula second floor hanggang sa ground floor. Ang mga sugat na natamo ni Mavi ay aminado si Khelowna na siya ang may gawa, ngunit ang sugat na iyon, mga daplis lang.Pero siya ang pinaratangan ni Max, dahil ang conclusion ni Max sa krimen, nag-away ang dalawa at tinulak ni Khelowna si Mavi. Isa na sa patunay ay ang mga sugat ni Mavi sa katawan na si Khelowna ang may gawa."March 20, 2018. Tanda ko pa ang lahat. Si ate, lagi siyang pumupunta sa bahay niyo para makipagkita sa'yo." Umiiyak ngunit nakangiti ang labi ni Katherine habang inaalala ang mga
Nagising si Max at namalayan niya na nasa condo siya ni Maxine. Agad siyang bumangon."Malamig na ang ulo mo?" nag-angat siya nang tingin at nakita niya ang kapatid niya na nakatingin sa kaniya."Why did you stop me?""Kahit pa isa kang Linae, oras mapatay mo siya, kulungan pa rin ang bagsak mo. Baka nakakalimutan mo Max na hindi lang pamilya natin ang maimpluwensya dito. Marami tayong kalaban na naghahanap lang ng konting pagkakamali mo." "I don't care. I want her dead.." Naalala na naman niya... "I want her dead. She ruined me. She ruined my family." Tumingin si Max sa ate niya. "Alam kong may pagkakamali ako, hindi ako naging perpektong asawa, pero noon, handa na ako e. Handa na akong iwan si Mavi at piliin si Khe." Sabi niya habang lumuluha... (Flashback)Max POV"Son, I want you to marry her. She's kind and smart. Kung siya ang papakasalan mo, aalis akong masaya.""Ma, stop talking about that. Hindi ka pa mamamatay. Besides, may girlfriend ako ma."Ngumuso ang mama ni Max. "I
Lumapit si Maxine kay Max at niyakap niya ito. Hindi niya masisisi si Max kung nasisi niya si Khelowna. Nang dumating ang kapatid niya sa bahay, si Khelowna at Mavi lang ang naabutan niya. Kahit na sinabi ni Khelowna na hindi niya tinangkang patayin si Maveliene, ang hirap pa rin no'n paniwalaan pagkat sila lang dalawa ang naroon sa bahay no'ng araw na yun. Alam niyang kung hindi dahil sa namayapa nilang ina, hindi papakasalan ni Max si Khelowna. Alam niyang bukod tanging minahal ni Max si Mavi. Wala lang talaga siyang choice dahil malaki ang utang na loob ng mama nila kay Khelowna at sa lolo nito. Idagdag pa na boto ang mama nila kay Khe. Her brother feel suffocated nang ikasal siya sa babaeng hindi niya naman gusto. Pero nagbago na ang lahat... Sa nakikita niya, minahal naman ni Max si Khelowna. Sadyang napaglaruan lang sila ng kanilang tadhana. At ngayon na inamin na ni Katherine ang ginawa niya, saka pa sila nalinawan. Saka pa nila naunawaan na kaya sinasabi ni Khelowna noon
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabila
"Maligo ka na ng sa ganoon ay makapagpalit ka ng damit." Sabi ni Khelowna kay Max at hinawakan ang kamay nito.Bumaling siya kay Paris. "Pumasok ka sa kwarto mo at magpalit ng damit ng sa ganoon ay makakain ka.""Mama sorry," umiiyak na sabi nito.Hindi nagpakita ng kahit anong emotion si Khelowna. Alam niyang nasa edad na ang mga anak niya para suwayin sila ni Max at kailangan niyang disiplinahin si Paris ng tama.Kaya hindi niya muna ito pinatawad. Umalis siya kasama ni Max at naiwan si Paris na umiiyak habang nakatingin ang mga kuya niya sa kaniya."Don't do this again Paris." Sabi ni Rome. "Kaya kita binabantayan dahil ayoko sa lalaking yun. I saw him smoking. He even bully the other kids that's why I am doing this to you even if you find me annoying."Hindi na binuka ni Paris ang bibig niya. Umiiyak lang siya habang sinasabi yun ni Rome. She knew too well kung anong klase ng tao ang manliligaw niya. "You made papa like that. I want you to feel the burden of what you did. Dahil sa
Matapos ang birthday party ni Max, balik na ulit sa dati ang buhay nilang lahat. Naging kaibigan na rin ni Khe ang mga asawa ng mga kaibigan ni Max.Habang busy siya sa office ni Dr. Smith, dumating naman ang sister in law niya na si Maxine kasama ng kuya niya."Kamusta Doc?" natatawang tanong ni Maxine sa kaniya lalo na nang makita ang dalawang baso ng kape sa harapan."Pagod na pagod na ako ate. Gusto ko ng umuwi."Lumapit ang kuya niya sa kaniya at hinaIikan ang ulo niya. "Hindi ka na sana pumasok pa dahil kakatapos lang party ni Max saka maraming bisita ang inasikaso mo kaya tiyak na pagod na pagod ka pa." "Kaya nga." Sang-ayon ni Maxine."Hindi pwede kasi hindi pa nakakabalik si Dr. Smith sa trabaho niya kaya kailangan ako dito.""Mas pagod ka yata dito sa office kesa direktang humarap sa mga pasyente mo.""Kaya nga e. Teka, napadalaw kayo? Montly check up niyo ba ngayon?""Oo kaya naisipan namin ni Thompson na dalawin ka muna sandali dito sa office mo. Kumain ka na muna nitong p
-Max's birthday party-Maraming tao sa bahay ni Max, kaya marami ring mga guards. Maraming tao dahil malaki ang number of friends na meron si Max. Invited rin ang ibang mga kaibigan ni Khe gaya ni Mina at Dr. Smith maliban kay Austin na nasa California ngayon kasama ng mama niya."Maraming bata," natutuwang sabi ni Mina habang nakatingin sa mga anak ng kaibigan ni Max.May kaedaran ng triplets, may mga maliliit pa, may matanda ng konti, at may mga babies rin."Marami pa lang kaibigan si Max?" nagtatakang tanong ni Mina kay Dr. Smith."Yes. And I know that all of his friends are rich. May mga may-ari ng real estate, malls, hotels, restaurants and other businesses ang mga kaibigan niya.""Have you meet them all?" tanong ni Mina."Yung iba lang sa kanila.""Kung ganoon, kaya pala maraming securities sa labas ng bahay ni Max dahil hindi pala basta-basta ang mga guests niya." Bulong ni Mina. "Let's greet that guy." Bulong ni Dr. Smith kay Mina. "Sino?" "That guy." Turo nito sa isang lal
"Kamusta ang mga bata?" tanong ni Max. Magkatawagan sila ngayon ni Khelowna dahil nasa galaan pa siya."They are fine. Natutulog na sa room nila ang triplets at katabi ko naman ngayon si Sydney."Ngumiti si Max, ang mga mata ay mapupungay tanda na lasing ito. "Marami ba ang ininom mo?" tanong ni Khelowna sa kaniya. Nag-alala siya lalo't wala siya sa tabi nito para alagaan ito kung sakali mang lasing na ito. "Hindi. Konti lang." Sabi ni Max kahit ang totoo e lasing na siya. Kanina pa kasi siya pinapasahan ni Fero ng beer. Tapos siya naman itong tanggap lang nang tanggap. Fero is one of his friends. Malaki silang grupo ng magkakaibigan kaya kapag nagtitipon silang lahat, sobrang ingay nila. Nakita ni Khelowna na may tumabi kay Max sa lounge na inuupuan nito."Hello Mrs. Linae. Do you still remember me?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Yeah. Ikaw si Cly, hindi ba?" tanda pa niya si Cly at Jed, ito lang kasi yung mga kaibigan na hinarap ni Max sa kaniya no'ng kasal nila.Mahinang nataw
"Bakit si Mavi lang ang hinahanap mo at hindi si Katherine? She's your daughter too. Patay na si Mavi kaya kahit anong hanap mo sa kaniya, hindi mo na siya makikita." Sabi ni Khelowna na hindi kumakurap. "Paano siya magiging patay?" tanong ni Alora. "Hindi ko nakita ang katawan niya. Itinago siya sa akin si Dr. Smith. I'm sure of it.""Kung buhay pa siya, sana pinuntahan ka na niya. Sana hinanap ka na niya. Pero hindi di ba? Kasi patay na siya." / 'Pinatay na namin siya.' Khelowna said back in her mind. Tumulo ang luha sa mata ni Alora. She refused to accept na patay na si Mavi. Pero natamaan siya sa sinabi ni Khe. Na kung buhay pa ito, sana ay hinanap man lang siya nito. "I'm just here to say that to you. Patay na si Mavi pero si Katherine ay buhay pa. So stop looking for Maveliene, and start attending your other daughter. Katherine needs you too." "Why are you certain na patay na si Mavi? Nakita ba ng dalawang mata mo ang bangkay niya?" "Yes." Walang kurap na sagot ni Khe. Napa
Nakangiti si Khelowna habang binabasa niya ang mensahe galing kay Mina.From Mina: Doc, plano ko sanang paabutin siya ng isang buwan pero pagbigay pa lang niya ng flowers, sabi ko sinasagot ko na siya. Engaged na po kami dahil nagpropose na rin siya agad. Humalakhak si Khelowna. "Ang bilis!" Natatawang sabi niya. “Why are you smiling?” tanong ni Max na nakahiga na ngayon sa kama at nakatingin kay Khe.“Natatawa lang ako kay Mina at Dr. Smith. Para silang teenager dalawa. Tapos sabi ni Mina, engaged na daw sila”“Really? Ang bilis." Sabi ni Max. "By the way, he called me earlier, nagpapatulong kung paano daw manligaw. Akala ko e manliligaw lang, magpo-propose na pala." “Tinulungan mo ba siya?”“Tinawanan ko muna bago ko binigyan ng advice.”Humalakhak si Khe at itinapon niya agad ang sarili niya sa kama. “Bakit mo naman tinatawanan?” natatawang tanong niya.“Wala lang.” Ibinuka ni Max ang kamay niya at agad na humiga si Khe sa braso niya.“Papaalam sana ako. Payag ka ba if I spend my
“Bakit ang lalim ng iniisip mo?” tanong ni Khe nang sila nalang ang maiwan ni Dr. Smith sa table.Mina went to the comfort room at si Max naman ay umalis na dahil may meeting pa siya.“I’m thinking of Mina. I have a question Khe. As a woman, bakit minsan sweet kayo, minsan hindi?”“What do you mean?”“Hmm.. How to put this? Ganto kasi, lately, I followed your advice na maging sweet kay Mina kahit may mga tao sa harapan. But Mina, I feel like nagbago na siya.”Kumibot ang labi ni Khe. Pakiramdam niya ay may kasalanan siya. ‘Kung ganoon, she’s drawing some line. Ang problema lang ay itong si Dr. Smith at sobrang dense.’ Conclusion ni Khelowna sa isipan niya.“What do you mean she changed? Sweet pa rin naman siya ah.” Sabi niya na kunwari ay hindi alam anong nangyayari.“Yeah. Pero mamaya niyan lalayo siya na para bang ayaw niya sa akin. Do you think nagsawa na siya sa akin? Dapat ba naging cold lang ako gaya ng dati?”“Huh? Ang pangit naman kung cold ka lang lagi.”“Then what’s the matte
Pagkabili nila sa ng ticket ng isang musical movie, agad silang bumili ng popcorn saka sila pumasok sa loob ng sinehan. H22 and H23 ang kanilang seat number kaya nasa gitna sila.Pagkaupo nila doon, agad na may batang kumalabit kay Dr. Smith. “Hi tito…” Nakangiting sabi ni Sydney.Nanlaki ang mata nilang dalawa nang makita nila si Khelowna, Sydney at Max.“Dr. Khe!” Natakpan agad ni Mina ang bibig niya dahil napalakas ang boses niya. She was delighted nang makita niya si Khelowna kasama ang asawa nito at bunso nilang si Sydney.“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Dr. Smith pagkaupo nila.“Nagdi-date kaming tatlo.” Si Max ang sumagot. “Mabuti at hindi ka na pilay.”Sinamaan ni Dr. Smith si Max ng tingin dahil mahihimigan sa boses na niloloko siya nito.“Bakit nandito kayong tatlo? Yung mga anak niyo nagkalat sa mall.” Mahinang natawa si Khelowna at Mina sa sinabi ni Dr. Smith kay Max.“Nakita niyo ba?” tanong ni Khe.“Oo. Nakita namin si Rome hinahanap si Paris.”Napahawak si Max sa b