Sumunod si Khelowna pagpasok ni Max at Chicago sa loob. Tahimik lang siya, ngunit ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya. Iniisip niya kung ano ang ibig sabihin ni Max sa sinabi nito kanina.Hindi humuhupa ang lakas ng kabog sa dibdib niya kahit na dumaan na ang ilang minuto. Pagkalapag ni Max kay Chicago sa kama, nakita niyang binalingan siya nito. Nagbaba siya ng tingin lalo na nang mahuli siyang nakatitig ito sa kaniya.For a couple of second, biglang natigilan at kinabahan si Max. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya ay para bang nabibingi na rin siya. Napalunok siya ng dalawang beses. At hindi siya sigurado kung pareho ba sila ng nararamdaman ni Khelowna ngayon. Tumingin si Khelowna sa kaniya. Ang mata nito'y nangungusap na hindi niya mawari kung ano ang nais nitong sambitin.Napatingin siya sa mga labi nito. Napalunok siya ng wala sa oras lalo't sa isipan niya ay may nag-uudyok sa kaniya na gawin ang bagay na hindi niya kailanman naisip gawin.He didn’t remember that he
Ana, Alexa, Reina, at Antonia. Sila ang mga katulong na natatandaan ni Khelowna na kung tratuhin siya ay para bang lebel lang niya ng istado sa buhay noon.Even though she’s the mistress of the house, mababa pa rin ang pagtingin ng mga katulong na ito sa kaniya.She did not only suffer to Max’s hands but also pati na sa mga katulong nito. Noong asawa pa siya ni Max, nararapat lang sana siyang tratuhin bilang isang amo. Kahit pa sabihin hindi siya mahal ni Max, sa ngalan na asawa siya, dapat ay pagsisilbihan pa rin siya ng tama. Pero iba ang nangyari noon. Pinagtulungan siya ng apat na katulong na yun. Hindi siya tinulungan sa mga gagawin niya sa bahay at hindi siya niri-respeto. Bagkos, kabaliktaran ang mga nangyayari. Mas lalo pang ginawang impyerno ang buhay niya dito sa bahay ni Max. At ngayon nga na nakita niya ang apat muli, bumalik na naman ang mapagmataas na tingin nila na para bang mas nakakaangat pa sila kesa sa kaniya. Wala si Max ngayon dahil nasa opisina ito kaya batid
Nang mawala si Khelowna sa paningin ni Max, agad na binalingan ni Max ang mga katulong niya na nakakita ng mga nangyari.“Bakit nagalit si Khelowna?” tanong niya.Agad na umiyak si Antonia, nagpapaawa kay Max para siya ang kampihan nito at huwag paalisin sa bahay.“Sir, h-hindi ko po alam bakit naging ganoon si ma’am Khelowna. Bigla nalang po niya kaming sinaktan ni Ana at Reina.”Tumingin si Max sa dalawa na umiiyak at tumatango na para bang sumasang-ayon sila kay Antonia.“That’s impossible.” Sabi ni Max. “Bakit niya kayo sasaktan kung wala naman kayong ginagawang masama sa kaniya?” sabi pa nito.“Iyon nga po ang pinagtataka namin sir. Wala talaga kaming ka idi-ideya bakit niya yun nagawa sa amin. Nagta-trabaho lang po kami ng tahimik sa kusina ng bigla niya kaming saktan.”Kumunot ang noo ni Max. Tumingin siya sa likod niya, kung nasaan ang secretary niyang si Mr. Johanson. ‘Please review the CCTV footage.’ Ang sinasabi ng mata niya. Tumango si Johanson at umalis na walang kahit isa
"Mama! Can you buy this for me?" Ang tanong ni Paris na hawak ngayon ang isang maskara na napulot niya. She's a typical child na kapag may nakitang bago sa mata na laruan, ay gusto agad magpabili. "Put that down. Hindi natin bibilhin yan. We're here to buy your clay." Sabi ni Khelowna sa kaniya. "Pero mama, this is batman." "And so? Ano naman ngayon kung batman yan?" Ngumuso si Paris. "But I want this mama!" Sabi pa niya na talagang gustong ipilit ang gusto. "No Paris. Hindi natin bibilhin yan. That mascara is only for boys. Saka marami ka ng toys sa bahay. Clay lang ang bibilhin natin." "Pero bakit namimili ka pa ng plates and furniture kung clay lang ang bibilhin natin?" tanong pa niya, hindi paawat kay Khelowna. Hindi na siya pinansin ng mama niya. Iniwan siya nito para puntahan ang figurine na nakita. Kaya isinuot pa rin ni Paris ang maskara niya at hinayan ang mama niya na magshoping sa mga ilalagay sa cart nila. Dahil nasa market na rin naman sila, gustong bumili
“Anong ginagawa mo dito Max?” hindi na nakangiti si Khelowna.. Sa sobrang pamumutla niya ay inakala ni Max na masama ang pakiramdam niya. Agad siyang lumapit dito.“Why are you pale? May masakit ba sayo?” maririnig ang pag-aalala sa boses nito.Nakita naman ni Khelowna na tumakbo si Paris palayo sa kaniya. Medyo nakahinga siya doon ng maluwag. For a moment, pakiramdam niya e ang puso niyang huminto sa pagtibok ay unti-unting bumabalik.“Anong ginagawa mo dito Max? At paano mo nalaman na nandito ako? Pinapasundan mo ba ako?” tanong niya.Bumabalik na rin ang kulay ng mukha niya.“I texted you.” Sabi ni Max bagay na ikinagulat ni Khelowna.Naalala niya na wala sa kaniya ang phone niya at nasa kay Paris kaya batid niyang baka si Paris ang nagsabi kay Max na nasa market sila ngayon.“At ngayon? Anong ginagawa mo dito?”‘Aawayin niya ba ako dahil sa ginawa ko sa mga katulong niya?’ she thought.“I’m here to get you. If you want to punish them then go ahead. I won’t stop you. Ikinulong ko si
“Mama’s daughter?” sabi ni Max sabay tingin kay Khelowna na hindi na makatingin ng deritso sa mga mata niya. Mas lalo itong namutla.Nag-iisip na rin siya ng mga pwede niyang irason kay Max para makalusot. Ayaw niyang malaman ni Max na anak nila si Paris at natatakot siya ilayo ni Max sa kaniya ang bata.“What’s your name?”“Paris po uncle,” nakangiting sabi ni Paris.Then a certain memory flashed into his mind. Nasa isang sofa si Khelowna, nadatnan niya itong tila kinakausap ang anak nila na nasa loob pa ng tiyan nito.“If you are a girl, I would name you Paris kasi iyon ang sunod na pupuntahan namin ng papa mo.”Napahinto siya non at napatitig sa asawa niya na nakangiti habang kausap ang anak nila.“But if you’re a boy then Chicago, kasi doon naman ipinanganak ang papa Max mo.”That certain memory ay nagpalaki ng mata niya. Nagtataka siya kung bakit ang pangalan ng pamangkin ng dati niyang asawa ay Paris na siya sanang gusto nitong ipangalan kay Chicago kung babae lang ito.Lumapit
“What’s your favorite sport?” Max asked Paris na kumakain sa harapan nila. Magkatabi sila ni Khelowna na ngayon ay halos hindi na nagsasalita sa tabi.“My favorite sport is jackstone!” Tuwang tuwa na sabi ni Paris na para bang ang jackstone ay isa talagang sports.“Hmm.. I like jackstone too.” Sabi ni Max kahit na hindi naman siya naglalaro non.“Talaga po uncle?”“Yes.” Sabi niya at tumango. Sinamaan siya ni Khelowna ng tingin but he just smirked at her. Gusto niyang kunin ang loob ni Paris this instant.At batid ni Khelowna yun.“Wow. That’s nice. We can play in the house uncle.”Tumaas ang sulok ng labi ni Max. The shock, fear, disappointment and happiness. Halo-halo ang emotion niya ngayon.But he’s controlling his emotion lalo’t batid niyang gagawin lang niyang kumplikado ang lahat kung magagalit siya sa ex-wife niya.He wants nothing but to gain trust from his daughter—Paris.“Pero baka magalit ang… papa mo sa akin,” sabi ni Max sabay tingin kay Khelowna. His fist was on his poc
Pinaglalaruan ni Max ang labi niya. Iniisip niya kung anong gusto niyang mangyari. Kung paano niya kukunin si Paris na hindi magagalit si Khelowna.He wanted to stay close with his daughter and … “Fvck! What am I doing? Do I really want her back?” aniya nang bigla niya ring maisip si Khelowna.Kumabog ulit ang puso niya nang maalala ang nangyari kanina nong kasama nila si Paris. Mas lalo pa itong tumindi nang maalala kung paano naglapit ang mukha nila ni Khelowna ng punasan siya nito ng panyo.Tumingin siya sa oras at nakita niyang alas siete na ng gabi pero wala pa rin si Khelowna at Paris.Tinawagan niya ito. Nakailang ring na at akala niya ay hindi siya sasagutin.Aalis na sana siya nang marinig niya ang boses ng ex-wife niya.Agad siyang umayos ng upo. Kampante siyang babalik si Khelowna sa kaniya dahil kay Chicago. Pero kung sakali mang umalis ito para lang itago si Paris, hindi siya mangingiming suyurin ang buong mundo makita lang sila.“Where are you?” he asked. Hindi na siya m
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabil
"Maligo ka na ng sa ganoon ay makapagpalit ka ng damit." Sabi ni Khelowna kay Max at hinawakan ang kamay nito.Bumaling siya kay Paris. "Pumasok ka sa kwarto mo at magpalit ng damit ng sa ganoon ay makakain ka.""Mama sorry," umiiyak na sabi nito.Hindi nagpakita ng kahit anong emotion si Khelowna. Alam niyang nasa edad na ang mga anak niya para suwayin sila ni Max at kailangan niyang disiplinahin si Paris ng tama.Kaya hindi niya muna ito pinatawad. Umalis siya kasama ni Max at naiwan si Paris na umiiyak habang nakatingin ang mga kuya niya sa kaniya."Don't do this again Paris." Sabi ni Rome. "Kaya kita binabantayan dahil ayoko sa lalaking yun. I saw him smoking. He even bully the other kids that's why I am doing this to you even if you find me annoying."Hindi na binuka ni Paris ang bibig niya. Umiiyak lang siya habang sinasabi yun ni Rome. She knew too well kung anong klase ng tao ang manliligaw niya. "You made papa like that. I want you to feel the burden of what you did. Dahil s
Matapos ang birthday party ni Max, balik na ulit sa dati ang buhay nilang lahat. Naging kaibigan na rin ni Khe ang mga asawa ng mga kaibigan ni Max.Habang busy siya sa office ni Dr. Smith, dumating naman ang sister in law niya na si Maxine kasama ng kuya niya."Kamusta Doc?" natatawang tanong ni Maxine sa kaniya lalo na nang makita ang dalawang baso ng kape sa harapan."Pagod na pagod na ako ate. Gusto ko ng umuwi."Lumapit ang kuya niya sa kaniya at hinaIikan ang ulo niya. "Hindi ka na sana pumasok pa dahil kakatapos lang party ni Max saka maraming bisita ang inasikaso mo kaya tiyak na pagod na pagod ka pa." "Kaya nga." Sang-ayon ni Maxine."Hindi pwede kasi hindi pa nakakabalik si Dr. Smith sa trabaho niya kaya kailangan ako dito.""Mas pagod ka yata dito sa office kesa direktang humarap sa mga pasyente mo.""Kaya nga e. Teka, napadalaw kayo? Montly check up niyo ba ngayon?""Oo kaya naisipan namin ni Thompson na dalawin ka muna sandali dito sa office mo. Kumain ka na muna nitong
-Max's birthday party-Maraming tao sa bahay ni Max, kaya marami ring mga guards. Maraming tao dahil malaki ang number of friends na meron si Max. Invited rin ang ibang mga kaibigan ni Khe gaya ni Mina at Dr. Smith maliban kay Austin na nasa California ngayon kasama ng mama niya."Maraming bata," natutuwang sabi ni Mina habang nakatingin sa mga anak ng kaibigan ni Max.May kaedaran ng triplets, may mga maliliit pa, may matanda ng konti, at may mga babies rin."Marami pa lang kaibigan si Max?" nagtatakang tanong ni Mina kay Dr. Smith."Yes. And I know that all of his friends are rich. May mga may-ari ng real estate, malls, hotels, restaurants and other businesses ang mga kaibigan niya.""Have you meet them all?" tanong ni Mina."Yung iba lang sa kanila.""Kung ganoon, kaya pala maraming securities sa labas ng bahay ni Max dahil hindi pala basta-basta ang mga guests niya." Bulong ni Mina. "Let's greet that guy." Bulong ni Dr. Smith kay Mina. "Sino?" "That guy." Turo nito sa isang lal
"Kamusta ang mga bata?" tanong ni Max. Magkatawagan sila ngayon ni Khelowna dahil nasa galaan pa siya."They are fine. Natutulog na sa room nila ang triplets at katabi ko naman ngayon si Sydney."Ngumiti si Max, ang mga mata ay mapupungay tanda na lasing ito. "Marami ba ang ininom mo?" tanong ni Khelowna sa kaniya. Nag-alala siya lalo't wala siya sa tabi nito para alagaan ito kung sakali mang lasing na ito. "Hindi. Konti lang." Sabi ni Max kahit ang totoo e lasing na siya. Kanina pa kasi siya pinapasahan ni Fero ng beer. Tapos siya naman itong tanggap lang nang tanggap. Fero is one of his friends. Malaki silang grupo ng magkakaibigan kaya kapag nagtitipon silang lahat, sobrang ingay nila. Nakita ni Khelowna na may tumabi kay Max sa lounge na inuupuan nito."Hello Mrs. Linae. Do you still remember me?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Yeah. Ikaw si Cly, hindi ba?" tanda pa niya si Cly at Jed, ito lang kasi yung mga kaibigan na hinarap ni Max sa kaniya no'ng kasal nila.Mahinang nataw
"Bakit si Mavi lang ang hinahanap mo at hindi si Katherine? She's your daughter too. Patay na si Mavi kaya kahit anong hanap mo sa kaniya, hindi mo na siya makikita." Sabi ni Khelowna na hindi kumakurap. "Paano siya magiging patay?" tanong ni Alora. "Hindi ko nakita ang katawan niya. Itinago siya sa akin si Dr. Smith. I'm sure of it.""Kung buhay pa siya, sana pinuntahan ka na niya. Sana hinanap ka na niya. Pero hindi di ba? Kasi patay na siya." / 'Pinatay na namin siya.' Khelowna said back in her mind. Tumulo ang luha sa mata ni Alora. She refused to accept na patay na si Mavi. Pero natamaan siya sa sinabi ni Khe. Na kung buhay pa ito, sana ay hinanap man lang siya nito. "I'm just here to say that to you. Patay na si Mavi pero si Katherine ay buhay pa. So stop looking for Maveliene, and start attending your other daughter. Katherine needs you too." "Why are you certain na patay na si Mavi? Nakita ba ng dalawang mata mo ang bangkay niya?" "Yes." Walang kurap na sagot ni Khe. Napa
Nakangiti si Khelowna habang binabasa niya ang mensahe galing kay Mina.From Mina: Doc, plano ko sanang paabutin siya ng isang buwan pero pagbigay pa lang niya ng flowers, sabi ko sinasagot ko na siya. Engaged na po kami dahil nagpropose na rin siya agad. Humalakhak si Khelowna. "Ang bilis!" Natatawang sabi niya. “Why are you smiling?” tanong ni Max na nakahiga na ngayon sa kama at nakatingin kay Khe.“Natatawa lang ako kay Mina at Dr. Smith. Para silang teenager dalawa. Tapos sabi ni Mina, engaged na daw sila”“Really? Ang bilis." Sabi ni Max. "By the way, he called me earlier, nagpapatulong kung paano daw manligaw. Akala ko e manliligaw lang, magpo-propose na pala." “Tinulungan mo ba siya?”“Tinawanan ko muna bago ko binigyan ng advice.”Humalakhak si Khe at itinapon niya agad ang sarili niya sa kama. “Bakit mo naman tinatawanan?” natatawang tanong niya.“Wala lang.” Ibinuka ni Max ang kamay niya at agad na humiga si Khe sa braso niya.“Papaalam sana ako. Payag ka ba if I spend my
“Bakit ang lalim ng iniisip mo?” tanong ni Khe nang sila nalang ang maiwan ni Dr. Smith sa table.Mina went to the comfort room at si Max naman ay umalis na dahil may meeting pa siya.“I’m thinking of Mina. I have a question Khe. As a woman, bakit minsan sweet kayo, minsan hindi?”“What do you mean?”“Hmm.. How to put this? Ganto kasi, lately, I followed your advice na maging sweet kay Mina kahit may mga tao sa harapan. But Mina, I feel like nagbago na siya.”Kumibot ang labi ni Khe. Pakiramdam niya ay may kasalanan siya. ‘Kung ganoon, she’s drawing some line. Ang problema lang ay itong si Dr. Smith at sobrang dense.’ Conclusion ni Khelowna sa isipan niya.“What do you mean she changed? Sweet pa rin naman siya ah.” Sabi niya na kunwari ay hindi alam anong nangyayari.“Yeah. Pero mamaya niyan lalayo siya na para bang ayaw niya sa akin. Do you think nagsawa na siya sa akin? Dapat ba naging cold lang ako gaya ng dati?”“Huh? Ang pangit naman kung cold ka lang lagi.”“Then what’s the matte
Pagkabili nila sa ng ticket ng isang musical movie, agad silang bumili ng popcorn saka sila pumasok sa loob ng sinehan. H22 and H23 ang kanilang seat number kaya nasa gitna sila.Pagkaupo nila doon, agad na may batang kumalabit kay Dr. Smith. “Hi tito…” Nakangiting sabi ni Sydney.Nanlaki ang mata nilang dalawa nang makita nila si Khelowna, Sydney at Max.“Dr. Khe!” Natakpan agad ni Mina ang bibig niya dahil napalakas ang boses niya. She was delighted nang makita niya si Khelowna kasama ang asawa nito at bunso nilang si Sydney.“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Dr. Smith pagkaupo nila.“Nagdi-date kaming tatlo.” Si Max ang sumagot. “Mabuti at hindi ka na pilay.”Sinamaan ni Dr. Smith si Max ng tingin dahil mahihimigan sa boses na niloloko siya nito.“Bakit nandito kayong tatlo? Yung mga anak niyo nagkalat sa mall.” Mahinang natawa si Khelowna at Mina sa sinabi ni Dr. Smith kay Max.“Nakita niyo ba?” tanong ni Khe.“Oo. Nakita namin si Rome hinahanap si Paris.”Napahawak si Max sa b