02: Encounter with a Howard
Hindi mapigilang mag isip nang malalim ni Madison habang nakatitig sa mala toreng papeles na nakalapag sa kanyang table sa loob ng office ng Mommy niya. Noong bata pa siya madalas na siyang isama ng kanyang ina sa opisina at mayroon siyang ilang alam sa kalakaran sa kanilang kompanya.
Kaya lang hindi niya in-expect na ganito karami ang ginagawa sa kompanya! O baka naman dahil matagal nawala ang kanyang ina kaya tambak talaga ang mga gawain?
Hindi niya na alam. Ang gusto niya na lang ay matapos ang lahat ng ito at makauwi na sa bahay nila at makapagpahinga. Binuksan niya ang kanyang laptop at doon ay nagbasa ng ilang emails na pinasa lang kanina ng secretary ng mommy niya na si Miss Sheena.
Kumunot ang noo niya nang makita ang apelyidong Howard doon. She opened the email and saw an invitation for appointment. Napaisip tuloy siya ng malalim. Naalala niya na kitang kita niya ang matinding pagtutol ng kanyang Uncle Rey sa mga Howards. Hindi niya ‘yon maintindihan dahil paniguradong makakatulong ang kompanya ng mga Howard lalo na’t bagsak ang kompanya ngayon.
Hindi niya alam kung anong gusto ng mga Howards pero siguradong for business stake lang din naman ang lahat. Pero dahil nga sa kanyang Uncle ay mabilis itong tinurn down. Nagkibit balikat na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang dumating ang 12 noon ay mabilis siyang nagligpit ng gamit dahil may pasok siya sa school ng ganoong oras.
Kahapon niya pa inayos ang schedule niya sa school at napagdesisyonan niyang magpalipat sa afternoon classes dahil papasok naman siya sa kompanya tuwing umaga. Pinili niya rin ‘yon dahil may tinatake si Angeline na dalawang subjects tuwing hapon kaya magkakasama pa rin sila.
“Ikaw na ang bahala dito Miss Sheena. Aalis na ako,” paalam niya kay Miss Sheena habang sinusukbit ang kanyang bag. Medyo nagmamadali na rin siya dahil napansin niyang late na siya sa kanyang afternoon classes.
“Sige po Ma’am! Take care po!” masiglang sinabi ni Miss Sheena kay Madison. Mabilis namang kumaripas ng alis si Madison. Agad siyang sinundan ng kanyang personal bodyguard na si Nelson. Nasa mid 40’s na ito at bihasa ito sa kahit anong klase na labanan. Hindi na rin maalala ni Madison kung anong edad siya nang nagsimula itong paglingkuran ang pamilya.
“Ma’am akin na po bag niyo,” suhestyon ni Nelson nang makitang nahihirapang ayusin ni Madison ang kanyang necktie dahil sa kanyang bag.
“Salamat kuya Nelson,” medyo nagpapanic na sinabi ni Madison at inayos ang kanyang necktie na parte ng uniform ng kanilang school. Nang makarating sila sa basement ng building ay agad siyang giniya ni Nelson sa van na maghahatid sa kanya patungo sa school.
“Kuya Nelson medyo bilisan niyo na po ha. Late na ako eh,” nag aalalang sinabi ni Madison sa kanyang personal bodyguard. Nakita niya rin ang text ni Angeline sa kanya nang buksan niya ang kanyang cellphone. Nagtatanong ito kung nasaan na siya kasi malapit nang magsimula ang klase.
Buti na lang kahit papaano ay nakahabol siya sa klase at sabay silang pumasok ni Angeline. Hindi inakala ni Madison na simula ngayon ay ganoon na ang magiging buhay niya hangga’t hindi pa nakakatayo ng maayos ang kanyang ina. Kaya naman nang matapos ang klase ay halos maubusan na siya ng kaluluwa sa sobrang pagod. Nauna na ring umuwi si Angeline dahil dalawa lang naman ang subject niya tuwing hapon.
Lantang gulay siya nang pumasok siya sa loob ng van. Nandoon na si Nelson para ipagdrive siya pauwi. Dapit hapon na rin. Kitang kita ito sa kulay kahel na kalangitan.
“May gusto pa po ba kayong puntahan, Ma’am?” tanong ni Nelson kay Madison. Bumuntong hininga si Madison.
“Daan tayo sa malapit na bookstore kuya,” sambit ni Madison.
“Sige po,” mabilis naman na tugon ni Nelson.
Ramdam ni Madison ang pagod at stress sa kanyang katawan. Hindi niya na alam kung anong uunahin niya. Ngunit wala naman siyang magagawa. Dadating talaga ang panahon na siya ang magmamanage ng kompanya ng Mommy niya ngunit…alam niya sa sarili niya na hindi ito ang totoong hinahanap ng puso niya.
Nang makapasok sila sa bookstore ay nanatili lamang si kuya Nelson niya sa kanyang tabi habang siya ay tumigil sa tapat ng isang shelf na puno ng medical books. Umupo siya sa sahig at kumuha ng libro para magbasa. Ever since she was a child sa tuwing napapagod at naiistress siya ito ang takbuhan niya. Ang magbasa ng mga libro na hilig niya.
Natatandaan niya pa noon ang araw na unang beses siyang dinala ng kanyang Daddy sa office nito. Agad siyang natuwa sa mga larawan at body structures na nakita niya sa loob ng office ng kanyang ama. Gustong gusto niya rin ang lab coat na palagi nitong suot tuwing nasa trabaho. Noong bata pa siya…palagi niyang pinagmamasdan ang kanyang ama na may kislap sa kanyang mga mata.
And that’s when she knew…that she also wants to be like her father. She wants to be a doctor someday. Ngunit hindi niya ‘yon sinabi kahit kanino. Kahit sa kanyang ama ay hindi niya ‘yon sinabi. Dahil madalas niyang marinig na siya lang ang magmamana at aaku ng responsibilidad sa kompanya ng kanyang Mommy.
Habang nagbabasa ay nakita ni Madison ang pagpatak ng tubig sa page ng libro na binabasa niya. Mabilis niyang pinalis ang luha na lumandas sa kanyang pisngi. Hindi niya namalayan na tahimik na siyang umiiyak. Her vision was blurred because of the tears in her eyes. Simula nang mamamatay ang kanyang ama hindi niya namamalayan na palagi na siyang tahimik na umiiyak. Ayaw niya kasing maging mahina rin sa harap ng kanyang ina.
Ayaw niyang sabayan sa pagluluksa ang kanyang ina dahil alam niyang mas manghihina ito kapag nakita siya nitong malungkot at umiiyak. Gusto niyang maging malakas sa harapan ng kanyang ina para naman magkaroon din ito ng lakas para bumalik sa sarili nitong mga paa.
Hinayaan lang siya roon ng kanyang kuya Nelson. Pakiramdam niya alam ng kanyang personal bodyguard ang ginagawa niya pero kahit isang salita ay wala itong sinasabi. Sa tagal na nito sa serbisyo para na rin itong naging silbing ama sa kanya sa tuwing may duty ang kanyang Daddy sa hospital noon.
Kumuha ng isang libro si Madison para hiramin sa bookstore. Kaya naman lumapit siya sa nagbabantay ng bookstore. Nakita niyang may customer pa sa unahan kaya pumila siya sa likod nito.
“Ano pong name nila?” rinig niyang tanong nung babae sa counter. Napansin niyang titig na titig ito sa lalaking nasa unahan niya. Hindi tuloy maiwasan ni Madison na mapatingin sa likod ng lalaking nasa unahan niya. Napansin niyang matangkad ito at matipuno pa rin ang katawan kahit may kaunting uban na siyang nakikita sa buhok nito.
“Solomon…Howard. This is my I.D,” natigilan si Madison sa narinig. Tama ba ang pagkakarinig niya? Howard? Hindi ba’t…ang pangalan na ‘yon ang may nagmamay ari ng isa sa mga tanyag na kompanya ngayon? Bakit nandito ang isang Howard sa bookstore na ‘to? Hindi mapigilang magtaka ni Madison.
“Please come back again, Sir!” maligayang sinabi nung babae sa counter. Tumango naman yung lalaki at tuluyan nang humarap kay Madison para umalis. Natigilan si Madison nang makita ang lalaki. Mga nasa 40’s na ito or going 50 o siguro kasing edad lang halos ng kanyang ama pero nakakamangha ang halos dilaw nitong mga mata dahil sa pagka light ng color brown nitong mga mata.
Mukhang may lahi.
Sa pagkakataong ito sigurado na si Madison na maaaring Howard nga ito. She heard that Howards are German.
Nilampasan lang siya nito. Akma na sana siyang lalapit sa counter nang maramdaman niyang tumigil ang matanda sa likod niya. Hindi niya napigilang lumingon dito.
“You’re…Dr. Brown’s daughter, aren’t you?” nanlaki ang mata ni Madison nang marinig niya ‘yon sa matandang Howard! Paano niya nakilala ang kanyang ama? Kilala niya ba ito? Kaya ba gusto niyang magpa appointment sa kompanya nila?
“H-How did you know my father?” tanong ni Madison.
“I own the hospital he was working at,” he replied. Mas lalong hindi na makapaniwala si Madison sa narinig. Kung ganoon ang office na ipinakita sa kanya noon ng kanyang Daddy ay pag-aari ng matandang ‘to?
Kaya naman nang imbitahan siya nito sa dinner ay hindi siya tumanggi dahil gusto niya itong makausap pa ng masinsinan. Kampante rin siya dahil nasa tabi niya ang kanyang kuya Nelson in case of emergency.
“Unang tingin ko pa lang sa’yo alam kong anak ka niya,” nakangiting sinabi ni Solomon Howard sa kanya. Nakatitig ito sa kanya na para bang binibilang ang mga bagay na pagkakahawig nila ng kanyang ama. Namangha rin si Madison nang marinig ang fluent nitong pagtatagalog.
“B-Bakit…hindi ka ni Daddy pinakilala sa amin noon kung Boss ka niya?” tanong ni Madison. Dahil naaalala niya na kahit minsan walang pinakilala ang kanyang ama na boss nito. Basta ang sabi lang nito ay nagtatrabaho ito sa isang sikat na hospital.
“You know your father…he likes everything to be private, especially with his work,” he said and sipped his wine. He ordered wine kanina. It was just dinner, but he brought her to one of the fancy restaurants in the city.
Ganoon nga ang kanyang ama. Kahit kailan ay nito dinadala sa bahay ang trabaho nito. Sa tuwing umuuwi siya kay Madison lang palagi ang atensyon niya. Hindi nga man lang niya nakita o narinig itong tumanggap ng tawag sa tuwing magkasama sila ng kanyang ama.
“Tell me more about my father…” sambit ni Madison kay Solomon Howard. Alam niyang hindi dapat siya basta-basta nagtitiwala sa lalaking ito ngunit hindi niya mapigilang magtanong dahil sa kaunting panahon na nakasama niya ang kanyang ama hindi niya maipagkakaila na kakaunti lang ang alam niya sa kanyang ama. Dahil wala nang panahon magkwento ang kanyang ina at hindi rin nagkekwento ang kanyang sariling ama.
“Ang totoo simula nang magkaroon kami ng sari sariling pamilya hindi na kami gaanong nakakapag usap…ngunit hindi ‘yon naging hadlang sa pagkakaibigan namin na kahit ang asawa ko naging close niya. Erickson is not hard to be with. He’s kind in all perspectives,” he said. Madison suddenly remembers the memory of his father smiling at their staffs here in the mansion. Ganoon kabait ang kanyang ama. Wala itong pakialam kung palaboy ka sa kalye. No matter what you are he’ll treat you equally.
“I’ve known him for years but…the remaining years before he died, I feel like I didn’t know him anymore…” he said meaningfully. Napatingin si Madison kay Solomon Howard. Hindi niya maintindihan ang dilim sa mga mata nito.
“He changed…after my wife got murdered,”
03: Her father and the Howards“He changed…after my wife got murdered,”Hindi na ngayon makapagsalita si Madison dahil ramdam niya ang tensyon kay Solomon Howard. Hindi siya makapaniwala na…katulad ng kanyang ama ay wala na rin ang asawa nito. Kung ganoon byudo na ito. Hindi niya maiwasang ma curious kung may anak ba ito. Masyadong private ang mga Howards na kahit ang mga mababaw na impormasyon tungkol sa kanila ay wala sa internet.“I’m sorry…I shouldn’t have brought that up,” he said and looked away. Sumimsim ito sa kanyang wine at mariing tumitig dito.“W-Why? What happened to your wife if you don’t mind?” Madison hesitantly asked. Ayaw niya sanang magtanong ngunit sa tono niya kanina parang pinapahiwatig nito na maaaring may alam ang kanyang ama sa pagkamatay ng asawa nito. Hindi niya maintindihan at gusto niyang maliwanagan.“The day after my son’s birthday she was killed by a group of men. My son…found her body soaked with her own blood inside our room. Five bullets were found i
04: Her mother met the saviorNaalala niya tuloy ang sinabi ni Solomon sa kanya. Sinabi nitong…her father changed after the death of Solomon’s wife. May kinalaman kaya ito dito?Hindi niya na alam. Naguguluhan siya kaya sa huli hinayaan niya na lang ang tiyuhin niya. Kahit gusto niya pang malaman ang lahat ngunit hindi na ito nagsasalita tungkol doon. Nirespeto na lang ni Madison ang kagustuhan ng kanyang tiyuhin.Kaya naman pinilit na lang ni Madison na kalimutan ang tungkol sa mga Howard. Siguro nga dapat na niyang hindi na ‘yon pagtuunan ng pansin. Wala na ang kanyang ama at dapat patahimikin na rin ang kung ano pa mang nangyari noon…kung mayroon nga.Dumaan ang mga araw at kahit papaano ay nagiging maayos na ang kanyang ina. Ngunit ayaw pa rin talaga nitong umalis sa mansion. Alam nitong siya ang nagmamanage ng kompanya at minsan pa nga itong umiyak at humingi ng tawad sa kanya dahil sa kapabayaan nito. But Madison understands her mother. At kahit mahirap kakayanin niya ang lahat
05: Her debut and her escort“Hindi mo na kailangang pumasok sa opisina, anak. Napagdesisyonan ko nang bumalik sa kompanya. From now on, just focus on your study, alright?” nagulat si Madison nang isang araw ay sabihin ‘yon ng kanyang ina sa kanya. She was busy reviewing the report of marketing management of the company when her mother barge in in her room.“Sigurado ka ba, Mommy?” nag-aalalang tanong ni Madison. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon ng kanyang ina dahil hindi niya alam kung totoong okay na ‘to. Ngumiti ng matamis ang kanyang ina at niyakap siya ng mahigpit. Nakita nito ang pinagkakaabalahan niya sa kanyang laptop kaya inikot nito ang kanyang swivel chair na kinauupuan at pinaharap sa kanya.“I’m sorry I made you do this. I was so selfish. Ang inisip ko lang ay ang nararamdaman ko. Hindi ko naisip na pati ikaw…nasasaktan,” puno ng pagsisisi ang tono ng kanyang ina. Napatitig si Madison sa kanyang ina. Simula nang mawala ang Daddy niya pakiramdam niya biglang bumig
06: Her last danceHindi siya makapaniwala na ganito ang anak ng kanyang Uncle Solomon. Ibang iba sa ugali ng ama nito dahil ang lalaking ito ay may mabibigat na presensya at malamig na mga mata. At aaminin niyang hindi siya komportable sa lalaking ito lalo pa nang sabihin nito kanina ang mga salita about sa mga relatives niya.Ngunit wala na siyang magagawa. Nakita niya ang pag-uusap sa mga mata ng mag-ama bago muling bumaling sa kanya ang anak ni Uncle Solomon. Hindi niya maintindihan kung bakit sunod-sunod ang pagtibok ng puso niya.“Shall we?” malamig nitong tanong sa kanya at inilahad ang braso nito sa kanya. Totoo nga na ang lalaking ito ang magiging escort niya. Her Mom should’ve informed her! Hindi niya tuloy maiwasang mainis!Hindi siya umimik at nilagay na ang kanyang kamay sa braso ng lalaki. Ramdam niya ang tigas ng braso nito. Para siyang nakahawak sa isang bakal. Isa pa sobrang tangkad din ng lalaking ito. Halos pumapantay lang siya sa leeg nito kahit naka heels na siya.
07: Her angerHindi makapaniwala si Madison sa nakikita. Kitang kita niya kung paano halikan ni Rocco ang babae. Kitang kita niya rin kung paano inilibot ni Rocco ang mga kamay nito sa hubad na katawan ng babaeng kaniig.Dahil sa gulat at pagkakataranta ay kumaripas ng takbo si Madison hanggang sa dressing room. She locked her room and breathed heavily. What was that? Hindi siya makapaniwala na sa mismong birthday niya…sa mismong venue kung saan ginanap ang birthday niya ay gagawa ng ganoong kabastusan si Rocco!Mas lalong kumulo ang dugo niya sa lalaki. Puno ng muhi at galit ang naramdaman niya para sa lalaki. Una dahil hindi ito gentleman, pangalawa hinamak nito ang kanyang ina at pangatlo…napakabastos nito para gumawa ng kababalaghan sa hotel na pag-aari ng kanyang ina!Hindi ‘yon matanggap ni Madison. Kaunting kalabit na lang sa kaniya malapit na siyang magmakaawa sa kanyang ina na tigilan na ang relasyon kay tito Solomon dahil hindi niya gusto ang anak nitong si Rocco!Kaya naman
08: Saved againHindi makapaniwala si Madison sa narinig. Pakiramdam niya ay isa siyang bombang malapit nang sumabog. Nang mag green light and stop light ay mabilis na namang pinaharurot ang sasakyan. Umigting na lang ang panga ni Madison.“I don’t care about your types, Rocco! Wala kang pakialam kung boring or old-fashioned ako! At dahil ‘yon sa iba ako sa mga babae mong puro cheap!” pagsalba ni Madison sa sarili dahil hindi niya matatanggap na hindi man lang siya nakalaban sa lalaking ito.She heard Rocco chuckles. Mas lalo lang siyang nainis dahil alam niyang nang aasar lang ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit laging effective ang mga pang-aasar nito sa kanya at hindi niya alam kung bakit hindi niya makasundo ang lalaking ‘to.Simula noon ay hindi na nagsalita pa si Madison at nanatili na lang tahimik sa buong byahe. Hindi niya na rin namalayan na nakatulog pala siya sa byahe. Nagising na lang siya dahil sa masakit na pagpitik ng kung ano sa kanyang noo!Napangiwi siya dahil s
09: Hold me tightly“That’s what you get for being a sneaky brat,”Madison bit her lower lip and looked down. Ramdam niya pa rin ang kaba at takot sa nangyari. Kinikilabutan siya sa tuwing iniisip kung anong posibleng nangyari kung hindi dumating si Rocco.“Bakit ka umalis mag-isa? Tinaon mo pa talaga na busy ang Mommy mo,” sermon sa kanya ni Rocco. Huminga ng malalim si Madison. Tama naman si Rocco. Kahit pa Boracay ito alam niyang marami pa rin ang masasama ang loob. At kahit naiinis siya kay Rocco dapat siyang magpasalamat dito.“I was bored kaya naisipan kong umalis—”“At anong napala mo? Hindi ka man lang nakaisip ng paraan para makatakas sa lasing na ‘yon. You’re so stupid,” umawang ang labi ni Madison dahil sa sinabi nito. Imbes na makaramdam ng matinding pagpapasalamat sa lalaki ay napalitan ng galit at inis ang kanyang puso. How dare him to call her stupid?! Alam niyang may pagkakamali siya sa pangyayari pero sobra naman yatang sabihan siyang tanga gayong hindi naman niya ala
09.1: SorrySumabay sa marahas na hangin ang buhok ni Madison habang marahas na sumasalubong ang jet ski sa hangin. Hindi maitatanggi ni Madison na magaling nga magdrive si Rocco. Matulin ‘yon ngunit pakiramdam niya ay hindi sila maaaksidente o kung ano pa man. Sandaling nalimutan niya na ang kasama niya sa jet ski na ‘yon ay si Rocco dahil sobrang ganda ng tanawin at isa pa nasisiyahan siya sa paghampas ng hangin sa kanya. She didn’t know she was enjoying it and surprisingly she was with Rocco. Nang matapos ay tumigil ang jet ski sa dalampasigan. Nagulat si Madison nang makita ang kanyang Mommy sa dalampasigan at tito Solomon na nag-iintay sa kanila. Malawak ang ngiti ng kanyang ina, para bang tuwang tuwa ito na makita siyang nakaangkas kay Rocco. Marahil ay iniisip ng kanyang ina na sa wakas ay nagkakasundo na sila ng kanyang future stepbrother. Hindi na siya lumingon kay Rocco at dumiretso na sa kanyang ina. “Tapos na po kayong mag snorkeling ni tito?” t
Part 2: WakasKung totoo nga na nakabalik na si Madison sa Pilipinas hindi niya hahayaang makaalis ulit ito ng hindi niya man lang ito nakikita. O baka naman… sa pagkakataong ito pwede na silang dalawa. Gagawin niya ang lahat para bumalik sa kanya si Madison. Kung kailangan niyang magmakaawa o lumuhod sa harapan ni Mary Ramos ay gagawin niya. He just wants her back.He drove towards Angeline’s house. Sa lahat ng pwedeng tao si Angeline lang ang matatanong niya dahil ito lang naman ang matalik na kaibigan ni Madison. Sa loob ng pitong taon ay hindi siya dito nagtanong. Ngayon lang talaga.Dalawang katok niya lang ay pinagbuksan na siya nito ng pinto. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito.“A-Anong ginagawa mo rito?” halata ang gulat sa boses at ekspresyon nito.“I have a few questions to ask, Angeline,” he said. Kataka-taka ang paglabas nito sa bahay kahit pwede naman siya nitong papasukin. Pinagkibit balikat niya na lang ito.“What is it?” tanong nito.Rocco was about to ask when som
Part 1: WakasNapahawak sa sentido niya si Rocco dahil sa ingay ni Apollo at Damian na nagtatalo sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung paano siya tumagal na kasama ang dalawang ito. Mabuti na lang hindi nakikisabay si Gregor sa dalawa kung hindi ay kanina niya pa nabaril ang tatlong ‘to.“Napaka walang kwenta mo naman kasi Damian! Syempre aalis yung babae kapag hindi mo pinansin, bobo naman!” pag aadvise ni Apollo kay Damian na masama na ang tingin dito.“Eh tanga ka ba? Paano ko papansinin kung galit nga sa ‘kin? Baka mamaya mas lalo akong masuntok no’n!”“Napaka torpe mo naman. Alam mo dude ang babae nagkukunyare lang yan na galit sa’yo pero ang totoo gwapong gwapo na ‘yan sa’yo!”Greg chuckled a bit with what Apollo said. Mas lalo lang sumakit ang ulo ni Rocco sa sinabi ni Apollo.“Bakit ako maniniwala sa’yo eh hanggang ngayon nasusuntok ka pa rin ni Miss Angeline!” utas naman ni Damian. Doon nagsalubong ang kilay ni Apollo. Mukhang natamaan ang mokong.“Iba kami ng Angeline ko
57: Last kiss“Natatakot akong mas masaktan ko ang aking ina sa oras na harapin ko si Rocco…” she wiped a bit of her tears from her cheeks. “… dahil nasisiguro kong sa oras na subukan ako ni Rocco na sumama sa kanya… baka sumama nga ako at iwan ang aking ina,” patuloy niya.“Kung sakaling… maisipan mong makita siya… ibibigay ko ‘to sa’yo,” Apollo handed her a piece of paper. Binuksan niya ito at natigilan sa nabasa. Ito ang Ramos Residence.“Araw-araw siyang pumupunta diyan… umaasa na pag nagising ka ay ‘yan ang lugar na una mong pupuntahan. Dahil katulad ng pangako niya sa’yo… maghihintay siya sa pagbabalik mo,” he said.Kung ganoon… narinig din ni Apollo ang mga salitang ‘yon ni Rocco. Mas lalong kumirot ang puso niya. Sinikap niyang masabayan si Angeline at Apollo sa mga kalokohan ng mga ito. Sinulit niya ang huling araw na kasama ang kaibigan. Pero alam niya sa sarili niya na ang laman ngayon ng kanyang isipan ay si Rocco.“Kuya Nelson… pwede bang pumunta tayo sa Ramos Residence?”
56: BetrayedPinangarap ni Madison ang magkaroon ng simple at masayang buhay. Nangarap na siya na darating ang panahon na may darating na lalaki upang mahalin ang buong pagkatao niya. Naniniwala siya na may lalaking tatanggap sa kanya. Akala niya noon ang pag-ibig ay katulad lang din ng mga nasa pelikula. Nakakaranas man ng maraming problema sigurado pa ring magkakatuluyan ang mga bida.Pero ngayon niya lang narealized na ang pag-ibig ay maraming pwedeng hantungan. Hangga’t gumagalaw ang panahon at oras hindi mo malalaman ang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan ang lahat kaya naman nang makita niyang nakatutok ang baril sa likod ni Rocco hindi siya nagdalawang isip upang protektahan ito.Dahil kung sakaling mabubuhay siya ng wala si Rocco hinding hindi siya magiging masaya. Kaya naman naisip niyang siya na lang ang magsakripisyo ng buhay dahil iniisip niya na bukod sa kanya maaari pang magmahal si Rocco ng iba.Pero ang isiping may hawak na ibang babae si Rocco ay nagpapakirot ng puso
55: ProtectNilagay siya ni Rocco sa isang sasakyan at doon ay nakita niya si Apollo sa driver seat. Kinabahan siya dahil pakiramdam niya alam niya na ang mangyayari. Nangyari na ito noon at alam niyang ito pa rin ang gagawin ni Rocco para malayo siya sa gulo.“Please… don’t leave me here,” pakiusap ni Madison at mahigpit na hinawakan si Rocco sa damit nito. Naririnig niya pa rin ang mga pagputok ng baril pero dahil nasa sasakyan siya hindi na ito gaanong malakas sa kanyang panrinig.“I’m going to come back, Madison. Kailangan ko ng tapusin ito,” Rocco said gently. Napayuko si Madison dahil alam niyang tama ito pero hindi niya makakaya kung may mangyayaring masama kay Rocco.“P-Paano kung… may mangyaring masama—”“Just like the last time I will be safe. Walang mangyayaring masama sa ‘kin,” sambit nito.Madison bit her lower lip and loosened her hold to Rocco. Bumaba ang kanyang kamay sa kanyang kandungan. Nagtaas siya ng tingin kay Rocco. Ayaw niyang may mangyaring masama kay Rocco p
54: HomeUmihip ang malamig na hangin sa balat ni Madison nang makalabas siya ng sasakyan. Matapos niyang magdesisyon kanina na sabihin kina Layla at sir Sargent kung nasaan ang tape recorder ay hiniling niya sa mga ito na puntahan ang Ramos Residence. Hindi niya pa sinasabi ang eksaktong lugar kung nasaan nga ang tape recorder pero alam niyang nag conclude na ang mga ito na nakatago ang bagay na ‘yon sa Ramos Residence.It’s already 6 in the morning and she can’t help but feel nervous. She didn’t know if she’s doing right. Pero ang nasa isip niya na lang ngayon ay ang kaligtasan ni Rocco. Ayaw niyang mapahamak pa ito kaya kung ito lang ang paraan para mailigtas si Rocco gagawin niya.“Where is it?” tanong ni Layla habang nagmamasid sa buong paligid. Si sir Sargent naman ay tahimik lang sa isang tabi. Marami silang kasamang tauhan ni Layla at lahat ito ay mga armado. Kaya naman kung pipiliin niyang tumakas ngayon wala rin siyang magagawa.“I-I’m… still thinking,” sambit ni Madison. Na
53: ChooseNagising si Madison na masakit ang ulo. She could feel her body getting numb. Ngunit bago niya imulat ang kanyang mata nakarinig siya ng boses malapit sa kanya.“Ano ng balita?” tanong ng pamilyar na boses.“Our men are still fighting against Rocco’s men. Pero walang balita kay Rocco. He’s not seen on the battlefield,” the voice of the girl said.“Probably now he knows that we’ve taken Madison already,”“Why? You think susugod na lang siya dito? Siguradong hindi niya ‘yon gagawin Sargent. He won’t risk his life,”“Perhaps yes, but he’s clever enough to think of another way, Layla.”“You sound scared, Sargent. Umaatras ka na ba? Don’t worry hindi kita papabayaan. Your men are all dead because of Rocco kaya wala ka ng pwedeng takbuhan kundi ako. Kaya magtiwala ka lang sa ‘kin. Sooner or later… makukuha din natin ang bounty ni Janice Moretti… makukuha rin natin ang tanging ebidensya ng mga Moretti… at mahihiganti rin natin ang pagkamatay ng ama mo,”“But we still haven’t known
52: DarknessHindi mapigilang mapatulala ni Madison. Hindi lubusang maisip ni Madison na hindi niya pala talaga kilala ang kanyang ama. Ang malaman ang lahat ng ito ay napakasakit dahil hindi niya lubusang maisip na kayang maglihim ng kanyang ama sa kanya.Pero kahit ganoon nagpapasalamat pa rin siya sa kanyang ama dahil ginawa nito ang lahat para protektahan si Rocco. Alam ni Madison na napakahalaga ng pamilya para sa kanyang ama at marahil ay tinuring na rin nitong pamilya si Rocco. Sa kabila ng mga sikreto ng kanyang ama he’s still a great father to her.She folded back the letter and put it back to the envelope. Lumunok siya ng mariin at kinuha ang baril. She didn’t know about guns but she needs it for her protection. Hindi niya kasama ngayon si Rocco at marahil ngayon ay nasa delikadong sitwasyon ito ngayon kaya dapat niyang gawin ang misyon niya ngayon.She needs to find that tape recorder. Hindi man niya alam kung anong nakalagay doon pero alam niyang ito ang susi para matapos
51: Last letterMabilis siyang hinila palabas ni Rocco nang dumating sina Damian at Greg para i-cover sila. Halos magpanic si Madison dahil sunod-sunod ang pagputok ng baril na naririnig niya kasabay ng mga sigawan ng tao sa loob ng bar.“Kami na bahala dito, boss!” sigaw ni Damian. Tumango lamang si Rocco at patuloy na hinila si Madison palabas ng bar. Mabilis siyang pinasok ni Rocco sa passenger seat ng isang sasakyan.“I want you to stay and wait for Apollo here. He will drive you back to the mansion—”“What?! Hindi ka sasama sa ‘kin?!” gulat na tanong ni Madison. She thought they will both leave the place! Nagkatinginan sila ni Rocco at mabilis nitong sinukbit sa kanya ang seatbelt. Kinabahan siya. Hindi siya papayag na maiwan si Rocco dito! Paano kung may masamang mangyari dito?! Hindi niya ‘yon hahayaan!“You have to leave now,” madiin ang pagkakasabi ni Rocco nito. Mabilis na umiling si Madison. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ang kaisipang iiwan niya dito si Rocco haban