Maaga kaming bumiyahe patungo sa resort dahil maaga rin dumating ang tatlong lalaking sumundo sa amin. Sasakay kami ng bangka patungo sa resort ng pamilya ni Lucas. Hindi ko mapigilan ang mamangha sa ganda ng tanawin habang nasa biyahe kami patungo sa kanilang resort. Ang sariwa ng hangin at ang linis ng tubig sa dagat. Inalalayan ako ni Lucas pababa ng bangka habang ang tatlong lalaki naman ay nakasunod sa amin at bitbit ang aming mga gamit. Hindi mawala ang aking ngiti sa ganda ng tanawin. Sayang at wala akong phone na magagamit para kumuha ng mga litrato. Sinulyapan ko si Lucas. Kagabi ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya. "Are you okay?" I suddenly asked. Hindi ako sanay na tahimik si Lucas. "Yeah," sagot niya at inilagay ang kaniyang kamay sa aking baywang. Napalingon ako sa kaniya. "Are you sure?" I asked again dahil hindi ako satisfied sa sagot niya. Tumango siya at ngumiti sa akin. "Are you hungry?" tanong niya bago kami pumasok sa kanilang villa. "Nagpaluto ako sa
Maraming mga turista ang naliligo sa dagat pagdating namin doon. May nakita kaming naglalaro ng volleyball sa gilid ng dagat, naglalaro sa puting buhangin at nag-sa-sunbathing. Masarap maligo sa ganitong oras dahil hindi pa gaanong mainit ang sikat ng araw. "Gusto mo na bang maligo?" tanong ni Lucas nang mapansin niyang nakatingin ako sa mga batang naliligo sa dagat at naglalaro kasama ang pamilya nito. Bigla kong naalala si Nanay at ang mga kapatid ko. Namimiss ko na sina Nanay at ang aking dalawang bulilit na kapatid. "Naaalala ko ang mga kapatid ko sa kanila," sabi ko at nanatiling nakatingin sa isang pamilyang naglalaro sa dagat. "Namimiss mo na ba sila?" tanong ni Lucas. Sinulyapan ko siya at muling tumingin sa dagat. "Oo. Lalo na si Nanay. Wala na akong balita sa kaniya. Hindi ko rin alam kung nag-aaral pa ba ang mga kapatid ko," sagot ko at bumuntong hininga. Umupo ako sa buhangin at pinagmasdan ang tubig ng dagat. "Pwede mo naman silang bisitahin. Sasamahan kita," sabi ni
It's been over a month since I last saw Liam. I still feel the pain every time I think about him being engaged and soon getting married to someone else. I can't help but accept the truth. He will never be mine. "Happy birthday, Andrew!" Celine greeted Andrew. "Happy birthday, dude!" Liam greeted. I missed his voice. Kahit nakakairita siya minsan ay namimiss ko pa rin siya. Sandali lang kaming nagkasama pero ang bilis kong na-attached kay Liam. "Akala ko ay hindi na kayo darating. Babangasan talaga kita kapag wala ka sa birthday ko!" rinig kong biro ni Andrew kay Lucas. "Congratulations to both of you!" Andrew's colleague said.I closed my eyes upon hearing what Andrew's colleague said. I just wanted to disappear and avoid the two of them. Maybe I shouldn't have come here in the first place. I can't blame Lucas either because it was my idea to greet Andrew. Perhaps Lucas already knew that Celine and Liam would come here once he remembered that it was Andrew's birthday today. "Than
Naglakad ako pabalik sa kubo at nagbabasakaling nandoon si Lucas. Pagdating ko sa kubo, tanging si Andrew at ang kaniyang mga kasama sa trabaho lang ang nandoon. Nagtatawanan habang umiinom ng wine. Agad tumayo si Andrew nang makita niya ako. Napalunok ako nang mapagtantong nakalimutan ko pa lang kunin ang aking blazer at maong na-short. "Nasaan si Lucas?" tanong ni Andrew. "Akala ko magkasama kayo rito," sabi ko at pinasadahan ng tingin ang buong kubo. "Magkasama kayong dalawa kanina 'di ba?" tanong ni Lucas at sinulyapan ang kaniyang mga kasama. "I'm gonna call him," sabi ni Andrew. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang phone sa ibabaw ng mesa at tinawagan si Lucas. Nag-ring lang ang phone ni Lucas. "He's not picking up his phone," sabi ni Andrew at tumingin sa akin. "Iniwan niya sa villa ang kaniyang phone kanina. I'm not sure kung bumalik ba siya sa villa," sabi ko. "Baka nag-cr lang or may pinuntahan si Lucas. You can stay here while waiting him," sabi ni Andrew. Bumuntong hinin
"Hindi ka dapat humihiga rito na ganiyan ang suot mo," agad kong iminulat ang aking mata nang marinig ko ang boses ni Liam. Nilingon ko siya. Nakabusangot ang kaniyang mukhang nakatingin sa akin. "Hindi ka talaga nag-iingat sa sarili mo," dugtong niya bago hinubad ang suot niyang damit. Inilagay niya ito sa aking likod bago tumabing umupo sa akin. I bit my lower lip. "Bakit ka nandito?" kaswal na tanong ko sa kaniya at tumingin sa dagat. "I'm looking for Celine," malamig niyang sagot. Sana pala ay hindi ko na lang siya tinanong kung 'yan pala ang isasagot niya. Hinahanap niya ang baliw niyang fiance. "Ikaw bakit mag-isa ka rito? Hindi ka ba sinamahan ni Lucas maligo?" tanong niya. Sinulyapan ko si Liam. Nakatingin pa rin siya sa akin. "I don't know kung nasaan si Lucas. Magkasama kami kanina but suddenly habang nag-e-enjoy ako sa pagsisid bigla siyang nawala. Until now hindi ko pa rin siya nakikita," sagot ko. Tumikhim si Liam. "How are you?" agad akong napalingon sa kaniya. Biglan
"I don't know kung ako ba dapat ang kailangan magkwento sa 'yo tungkol kay Vanessa. Liam knows everything, Francine. But natatakot din siya para sa pamilya niya," sabi niya bago pinulot ang damit at sweatpants sa sahig. "Why?" Curious kong tanong at tinaasan siya ng kilay. "Alam mong bawal kaming magkita ni Liam, Luc. Lalo na kapag kasama niya si Celine." "Siya dapat ang magkukwento sa 'yo pero hindi ko alam kung magagawa niya pa. Sasabihin ko sa 'yo kung ano lang ang nalalaman ko. Just promise me na mananatili ang kwentong 'to sa ating dalawa lang," sabi niya at bumuntong hininga. Ngumiti ako nang naglakad siya patungo sa akin. "So, ano nga ang nangyari?" nakangising tanong ko. "Vanessa and Liam were once a couple during our time in the same school. Liam, Andrew, Vanessa, and I all attended the same school. On the other hand, Celine was studying in the Philippines," Lucas began, his gaze fixed on the sea. He cleared his throat before continuing. "Liam and Celine already knew each
Humikab ako nang muli kong maramdaman ang antok. Kung hindi ikinuwento ni Lucas ang nangyari kina Liam at Vanessa sa akin, natutulog na sana ako ngayon. Ayaw kong makita si Celine dahil baka masapak ko siya ng wala sa oras."Sure ka bang ayos lang sa 'yo na pumunta rito?" nag-aalalang tanong ni Lucas sa akin habang hinahaplos niya ang aking balikat. Alam niyang iniiwasan ko si Celine pero hindi pwedeng habang-buhay ko siyang iiwasan lalo na't may nalaman ako tungkol sa kaniya."Oo naman. Mamaya na lang ako matutulog," nakangiting sagot ko kahit inaantok na ako. Mawawala lang 'tong antok ko kapag nakita ko na naman ang babaeng 'yon."Basta sabihan mo lang ako kung gusto mo ng matulog ha? Nag-aalala ako para sa 'yo. Natatakot akong iwanan ka ulit mag-isa dahil baka may gawin na naman siyang masama sa 'yo," Lucas said sincerely.Ang sarap sa pakiramdam na may taong nandiyan para protektahan ka at natatakot na masaktan ka. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. Hindi kami magkad
Sa sumunod na pag-spin ng bote ay halos nag-dare ang lahat ng mga kaibigan ni Andrew. Nagrereklamo na rin si Andrew dahil hindi raw siya na-cha-challenge. Gusto niyang may mag-truth din. Sa mga sumagot ng dare ay pinainom sila ng wine, ang iba ay pina-solve ng math problems, tumambling, kumanta, sumayaw, at marami pang iba. Si Nika ang may hawak ng bote. Katatapos niya lang kumanta dahil nag-dare siya. Para akong pinagpapawisan habang nakatingin sa umiikot na bote. Kaunti na lang kaming natitira na hindi pa nakapaglaro. Napalunok ako ng muntik itong huminto sa akin. Huminga ulit ako ng maluwag nang kay Lucas ito huminto. Ngumiti siya at inalis ang kaniyang kamay sa pag-akbay sa akin para tumayo. Nakangising tumingin si Nika sa kaniya. "Hindi ko alam na ang pogi mo pala sa malapitan," sabi ni Nika kaya hindi namin maiwasang tumawa. Tumango lang si Lucas at ngumiti. "Truth or dare?" "Dare," he answered immediately. "I want you to hug the girl you treasured the most," utos ni Nika sa