Share

Farewell

Author: Royal Prince
last update Last Updated: 2021-03-02 13:58:59

Nabigla pa si James nang bigla siyang yakapin ng mahigpit ni Kevin pagpasok pa lang sa kuwarto para matulog. Mahigpit na mahigpit na nagging dahilan upang kusa na rin niyang yakapin ito. Pagkaraan ng ilang sandal kumalas si Kevin at tinitigan ang mukha niya at masuyong hinaplos ito. At muli siyang niyakap. Sa puntong ito, nagtanong siya sa sarili kung bakit ganun ang reaksiyon ngayon ni Kevin. Nakita niya ang lungkot sa mukha ni Kevin.

            “Ano bang mayroon, may problem aba?” Masuyo niyang tanong bago naupo sa gilid ng kama.

            Tumabi sa kanya si Kevin.

            “May ipapakiusap sana ako sa’yo.” Bungad ni Kevin. Mahina pero madiin ang boses niya.

            “Ha? Bakit?” Tanong ni James sa tonong pagkabigla.

            “Para ito sa kapakanan nating tatlo, pupunta ako sa Amerika para magpatuloy sa pag-aaral. Ako kasi ang napili ng foundation para sa scholarship for graduate studies. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Masakit sa akin na iiwan kayo pero kailangan kong gawin ito. Kaya, nakikisuyo ako na ikaw na muna ang bahala sa Nanay.” Hindi agad makapagsalita si James. Nagulat siya sa narinig. Paano ang balak niya? Tanong niya sa sarili?

            Napansin ni Kevin ang hindi niya agad pagkibo.

            “Bakit? Hindi mob a nagustuhan ang ibinalita ko?”

            “Nabigla lang ako, hindi ko kasi akalain na iiwan mo kami ng Nanay Delia.” Pagkadahilan niya dahil ang totoo, hindi niya kayang tanggihan ang pakiusap ni James. Magiging dahilan ito para hindi niya ,agawa ang plano niya.

            “Dalawang taon lang naman. Nahihirapan din ako pero nakasalalay dito ang kinabukasan natin.”

            Hindi niya maiwasang hindi mag-comment sa narinig.

            “Natin? Kasama ako? Bakit, sabihin mo nga sa akin ang kinabukasan ko? Ano bang kinabukasan ang naghihintay sa akin?”

            “James, alam mong mahal na mahal kita. Kaya ko gagawin ito dahil kasama ka sa pangarap ko?”

            “Pangarap mo? Paano ang pangarap ko? Halos hindi ko nga kilala kung sino ako. Kung ano ako. Alam mo yun ‘di ba?

            “James? Hindi ko sinasadyang saktan ka. Ang alam ko, mahal kita. At handa kong gawin ang lahat para sa atin.

            “Hindi mo ako naiintindihan.” Tumayo ito pagkasabi.

            “Bakit, ano ang ibig mong sabihin? Ayaw mong umalis ako?”

            “Hindi Kevin. Hindi ang pag-alis mo.”

            “Eh ano?”

            “Wala, wala akong dahilan para pigilan ka..Sasamahan ko si Nanay.” Hindi niya kayang sabihin kay Kevin ang dahilan. Ayaw niyang siya ang maging dahilan para hindi ituloy nito ang scholarship.

            “Sabihin mo nga sa akin, may problem aka ba?”

            “Wala Kevin.”

            “May gusto pa akong itanong sa’yo. Gusto kong malaman. Mahal mob a ako?”

          “Itinatanong pa ba yan?”

            “Oo, gusto kung malaman mula sa mga bibig mo.”

            “Oo, mahal kita, at handa kung gawin ang lahat dahil sa pagmamahal nay an. Sige, matulog na tayo.”

          Pagkasabi’y, humiga na ito sa kama.

       Nakukulangan talaga siya sa sagot ni James. Kasi, habang nagsasalita ito, hindi ito deretsong nakatingin sa kanya. Pero, itinabi niya muna ito.

            “Sige, matulog na tayo. Siyanga pala, one week after graduation ang alis ko. Sa isang lingo na ang gradution ko.”

            Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang sumigaw. Bakit nararadaman niya ngayon ang kakulangan sa kanyang pagkatao? Bakit kung kailang handa na siya, saka pa may hadlang?

            Hindi rin makatulog si Kevin. Iniisip niya ang mga narinig mula kay James. Sa tingin niya, may gusto itong sabihin na hindi kayang sabihin. Mahal ba talaga siya ni James? Pinagbibigyan ba siya ni James dahil sa utang na loob? Ayaw niyang isipin na iyon nga ang totoo.

            Walang nabago sa mga nakaraang gabi ang pagtatalik nila ngayon. Mas matindi pa nga dahil gusting iparamdam ni Kevin ang tindi ng pagmamahal niya kay James. Pagkatapos ay natulog din ang dalawa.

            Hindi maitago ni James ang tunay na nararamdaman sa harap ng pagkain para sa almusal. Wala siyang ganang kumain. Pinuna ito ni Aling Delia.

            “Masama ba ang pakiramdam mo?”

            “Hindi po Nay. Hindi lang po ako nakatulog ng maayos kagabi.”

            “Bakit, mayroon bang gumugulo sa isipan mo?”

            Hindi agad nakasagot si James.

            “Ah, alam ko na. tungkol bas a napag-usapan natin?”

            “Ho? Hindi po. Wala pong kinalaman dun. Mabuti pa po, kumain na tayo.” Sabin i James na halatang inililihis ang usapan.

            Matamang nakikinig lang si Kevin sa usapan ng dalawa. Pero nang marinig ang mga huling salita ng dalawa, nag-usisa siya.

            “Mayroon ba akong hindi nalalaman dito?”

       Nagkatinginan sina James at aling Delia. Natanto ni Aling Delia na hindi pa pala sinasabi ni James ang plano nito.

            “Ikaw na ang magsabi. Sige na.” Sabi niya kay James.

            Hindi niya puwedeng sabihin kay Kevin ang plano niya. Kailangan niyang magsinungaling.

            “Kasi tol, nasabi k okay Nanay na kung puwede, isama mo naman ako sa graduation mo.”

            Nagtaka si Aling Delia sa narinig kay James. Nagtanong siya sa sarili kung bakit. Hindi niya magawang kumibo dahil palaisipan sa kanya ang pagsisinungaling ni James.

            “Ay sus! Akala ko naman kung anon a. may pasekreto-sekreto pa kayo. But, hindi ba may kinatatakutan ka sa bayan?”

            “Hindi na ngayon tol.” Ito lang nasabi niya.

            “Talaga? Hahaha! Sa wakas, nawala na rin takot mo.”

            Tumango-tango lang si James kay Kevin.

            Manaka-nakang nagkakatinginan sina James at Aling Delia habang kumakain. Balak ni aling Delia na usisain si James kapag nakaalis na si Kevin.

            Pagkatapos kumain, nagpaalam na si Kevin sa dalawa.

            “Sige, anak. Ingat ka.”

            Pag-alis ni Kevin, agad inusisa ni Aling Delia si James.

            “James, bakit hindi mo sinabi sa kanya ang plano mo?”

            “Wala lang po akong lakas ng loob na sabihin. Nangangamba po kasi ako na hindi niya magustuhan. Pero hayaan niyo po, at sasabihin ko rin sa kanya.”

           “Nasisiguro ko na susuportahan ka niya. Alam ko yun.”

            Tango lang ang tugon ni James. Naiintindihan niya ang sinasabi ni Aling Delia bilang ina ni Kevin. Pero akala niya noon, lahat ng ina ay kilala ang buong pagkatao ng anak. Pero ngayon, nalaman niya na hindi lahat ng magulang ay kilala ng lubusan ang anak dahil hindi alam ni Aling Delia ang tunay na pagkatao ni Kevin. Minsan, nagi-guilty siya dahil walang alam si aling Delia sa tunay na nangyayari sa kanila ni Kevin. At dahil dito, ang totoo, gusto na niyang magpakalayo-layo kaysa malulong siya sa isang kasalanan. Naiinis siya sa sarili. Inis na umuusbong para maging isang galit sa sarili.

            Galit sa sarili dahil sa kabila ng lahat ng kabutihan na ginawa sa kanya ng mag-ina, nagawa niyang bahiran ito dahil sa isang bawal na relasyon na hindi niya kayang tanggihan dahil sa utang na loob. Parang gusto niyang pasabugin ang lahat ng nararamdaman. Gusto niyang humiyaw na siya lang ang makakarinig.

            Isang gabi na namang mahirap makatulog. Wala siyang gana nang makipagtalik kay Kevin. Pagkatapos ay nakatulog ang katabi ng mahimbing pero siya, ayaw dalawin ng antok. Maya-maya, biglang nagising si Kevin. Agad siyang napansin nito na gising na gising pa.

            “Hindi kappa natutulog?” Tinignan ang alarm clock bago nagpatuloy. “Alas dos na pala. Sige na matulog ka na.”

            “Kevin, may gusto sana akong sabihin sa’yo. Tungkol ito sa ginagawa natin. Sa relasyon natin.”

            Panimula niya.

            Saglit na natigilan si Kevin bago nakahuma. Hindi niya akalain na ang tungkol sa relasyon nila ang bumabagabag kay James.

            “Bakit, may problem aba?”

            “Saan ba hahantong ang relasyon natin?”

            “James, mahal na mahal kita. Kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa atin.”

            “Alam ko naman kung gaano mo ako kamahal, pero ano ba ang naghihintay na kinabukasan natin sa ganitong klase ng pagmamahal?”

            “James, ikaw ang tatanungin ko. Nag-aalinlangan ka na ba?”

            “Sa totoo lang, nagi-guilty ako dahil niloloko natin si Nanay. Hindi kaya ng kunsensiya ko na habambuhay tayong magsisinungaling kay Nanay.”

            “Ang ibig mong sabihin, ilalantad natin kay Nana yang relasyong ito? Hindi maaari! Itatakwil niya tayo. Kamumuhian ka niya. Ayaw kong mangyari ‘yun. Walang sino man na puwedeng makaalam. Ayoko James, ayaw ko.”

            “Bakit ka natatakot? Hindi ba dapat, magpakatotoo ka kahit man lang sa mata ni Nanay? Kung nagpapakatotoo ka sa akin bakit hindi kay Nanay?”

            “James, ayaw kong masira sa mata ni Nanay. Ayaw ko na mawalan siya ng pag-asa na magkaroom ng mga apo. Pangarap niya sa akin yun.”

            “Pero sira na ang pangarap niya nay un di ba? Sinira mo na yun. Sinira na natin. Ayaw ko na patuloy siyang lokohin. Ayaw kong mabuhay sa kasinungalingan.”

            “Ano’ng ibig mong sabihin?”

            “Ang totoo, natatakot rin ako na malaman ni Nanay, kasi wala akong mukhang maihaharap sa kanya kapag nangyari yun. Pero, naisip ko na mawawala lang ang mga takot nating ito kung magpapakatotoo tayo kahit man lang sa harap ni Nanay, at ayaw ko nang mabuhay sa takot. Ayaw ko nang lagging nagtatago. Sawang sawa na ako sa pagtatago. Gusto ko nang lumaya. Gusto ko nang harapin ang katotohanan. Gusto ko nang harapin ang tunay kong laban.”

            Habang pinakikinggan niya ang mga pahayag ni James. Lumilinaw sa isipan niya ang ibig iparating nito. Gusto nito na kumawala na sa pagtatago, at sa takot para makapagsimula ng bagong buhay. Pero, ang kalayaang ito ang magiging dahilan para mawala sa kanya si James at ayw niyang mangyari ‘yun. Dahil ang katotohanan, sinasadya niyang ikulong si James sa takot nito para manatili ito sa buhay niya. Kahit na alam niya na ang kapatid nito na si Devon De Sales ay halos kilala sa lahat ng State Universities, sinadya niyang huwag ipaalam it okay James dahil ayaw niyang maungkat nito ang nakaraan at maisipang lumaban.

            Kaya, para matapos na ang usapan, pinutol na niya ito..

“James, sa ibang araw na lang tayo mag-usap tungkol sa mga bagay na ‘yan. Matulog na tayo.”

            Wala nang nagawa si james kundi ang muling mahiga. Alam niyang ang mga pahayag niya ay mahirap para kay Kevin. Pero kailangan niyang ilabas ito para malaman nito ang nasa kalooban niya. Ngunit paano kung dahil sa mga pahayag niya ay maapektuhan nito ang napipintong pagpunta sa Amerika? Ayaw niyang siya ang maging hadlang sa katuparan ng mga pangarap ni Kevin. Dapat ay suprtado niya ito at huwag niyang bigyan ng sama ng loob. Hindi niya napigilan kanina ang sarili. Parang gusto niyang bawiin lahat ng sinabi niya. Para kahit papaano ay mawala ang guilt feeling niya, niyakap niya si Kevin at hinalikan.

            Kahit saan siya lumingon ay wala siyang makita. Nababalot ng dilim ang paligid niya. Gusto niyang humakbang pero hindi siya makakilos. Sumigaw siya dahil sa takot pero walang boses na lumabas sa bibig niya.

            “Nasaan ako?”

            “Ano’ng nangyayari sa akin?”

            “Bakit ako napunta rito?”

            Sunod-sunod na tanong sa sarili. Maya-maya may narinig siyang tinig. Pamilyar na tinig.

            “James, anak! Anak ko! Nasaan ka?” ang sabi.

            Pilit niyang sinundankung saan nanggaling ang boses. At muli itong narinig.

            “James, anak! Anak ko! Nasaan ka?”

            “Mama? Mama?” Sabi niya. May lumalabas nang boses sa bibig niya.

            “Mama? Nasaan po kayo?”

            “James anak! Anak ko! Nasaan ka?”

            “Mama! Nasaan po kayo?”

            “James anak! Nak ko! Nasaan ka?”

            “Mama! Nasaan po kayo?”

            Paulit-ulit niyang naririnig ang boses ng ina, at paulit-ulit din ang lumalabas sa bibig niya. Hanggang sa mawala ito. Sa pagkawala ng boses ng ina ay lumiwanag ang paligid niya. Nakita niya si Kevin.

            “Halika, samahan mo ako. May pupuntahan tayo.” Ang sabi.

            “Saan tayo pupunta?”

            “Basta sumama ka.”

            Bumangon siya at sumunod sa sinasabi ni Kevin. Habang naglalakad sila, nagtanong siya.

            “Kevin, saan mo ba ako dadalhin?”

            “Basta maghintay ka lang, I’m sure pareho tayong mag-eenjoy doon.”

            “Ha? Bakit, ano ba yun?”

            “Ang dami mo namang tanong! Malalaman mo rin.”

            Matagal pa silang naglakad. Hanggang sa makarating sila sa isang malaking bahay.

            “Nandito na tayo.” Sabin i Kevin. “Halika, sumunod ka sa akin.”

            Malaya silang nakapasok sa malaking bahay. Walang ibang tao. Dumeretso si Kevin sa hagdan paakyat at sumunod si James. Nang mapatapat sa isang pintuan, may nagbukas dito.

            “O, narito na pala sila.” Sabi ng isang lalaking nagbukas ng pinto.

            Pumasok sila sa pinto at nakita niya sa loob ng kuwarto ang maraming lalaki. Iginala niya ang mga mata at natuon ng matagal ang tingin niya sa isang nakahiga sa kama.

            “Kuya Devon?” taking sabi niya. “Magkakilala kayo? Baling niya kay Kevin.

            “Hahaha! Oo, matagal na kaming magkakilala. Hahaha! Nagulat k aba?”

            “Pero bakit, hindi mo sinasabi sa akin?”

            “Hahaha! Bakit sasabihin ko sa’yo? Dinala kita rito para ialay sa kanya.” Pagkasabi’y sabay senyas sa tatlong lalaki na nakatayo sa may gilid ng kama.

            Lumapit ang tatlong lalaki. Agresibo ang mga ito’t walang sabi sabing hinubaran siya. Walang nagawa ang pagpupumiglas niya. Nang maalis ang buong saplot sa katawan niya. Binalingan niya si Kevin.

            “Kevin, anong gagawin nila sa akin?”

            “Hahaha! Maghintay ka lang. malapit mo nang matikman ang walang kasingsarap na kaligayahan. Hahaha!”

            “Traydor ka!”

            “Hahaha!”

            Nakatingin lang si Devon sa nangyayari at maya maya pa, tumayo na ito at lumapit kay James. Pinagmasdan mula ulo hanggang paa ang hubong si James.

            “Wala ka talagang kasingsama!” Galit na sabi niya.

            “Talagang wala akong kasingsama dahil tatapusin ko na ngayon ang paghihirap mo. Hahaha!”

            Kitang kita ni James ang biglang paglipad ng samurai at sinalo ito ni Devon at walng sabi-sabing itinaas ito at inumang sa kanya. Sa puntong ito, napasigaw siya.

       “Huwaaaaag!”

            Napansin ni Kevin na umuungol ang katabi niya. Piho niyang nananaginip ito, kaya agad niya itong inalog at nagising si James.

             “Nanaginip ka.” Anya.

            “Ang sama ng panaginip ko. Akala ko totoo.”

            “Ano bang napanaginipan mo?”

            “Sa umpisa, si Mama, tinatawag at hinahanap niya ako. Tapos, ikaw. Dinala mo ako sa isang mansion ni Kuya Devon at doon papatayin niya ako. Akala ko totoo.”

            “It’s okay, panaginip lang yun, at malayong mangyari. Sabi nga nila, kabaligtaran ang panaginip.”

            “Pero, hindi ba may ibig sabihin ang mga panaginip?”

            “Hindi ko alam. Ang alam ko kaya nanaginip ang isang tao dahil parati silang nag-iisip tungkol sa mga taong kasangkot sa panaginip niya.”

            “Ganun ba?”

            Napaisip si Kevin. Lagi bang nag-iisip si James tungkol sa nakaraan niya? Lagi ba siyang nasa isip ni James dahil sa relasyon nila?

            Hindi agad bumangon si James. Iniisip niya ang napanaginipan. Ang mama niya at hinahanap siya. Si Kevin na dinala siya sa kapahamakan, at si Devon na papatayin siya. Ano ang ibig sabihin ng panaginip niya? Dahil sa panaginip, muli na naman niyang naramdaman ang kakulangan. Ang kanyang nakaraan ay muling nanariwa sa kanya. Naguguluhan siya.

            “Napansin ko na madalas kitang makitang malungkot, James. Kahapon ng umaga, sabi mo matamlay ka dahil hindi ka nakatulog ng maayos, at ngayon, matamlay ka na naman. Sabihin mo nga sa akin, may problem aka ba?” Usisa ni Aling Delia sa kaharap sa hapag kainan.

            “Wala ho Nay. Dahil lang siguro sa napanaginipan ko kagabi. Napanaginipan ko si Mama. Hinahanap niya ako.”

            “Ganun talaga. Minsan, napapanaginipan natin ang mga mahal natin sa buhay.” Nang may mapansin ito. “Teka, nasaan nga pala si Kevin?”

           Pagkasabi’y siya namang paglabas ni Kevin mula sa kuwarto’t nakabihis na para pumasok. Agad itong umupo at tumabi sa ina.

            “Nay, may sasabihin nga pala ako sa’yo. Nakalimutan ko lang kahapon na sabihin sa’yo dahil nakatulog ako pagkagaling ko sa eskwela.”

            “Sige, makikinig ako.”

            Tumikhim muna si Kevin bago nagpatuloy.

            “Nay, kasi, hindi ko alam kung matutuwa kayo o malulungkot sa sasabihin ko.”

            “Eh, ano nga yun. Binibitin mo naman kami ni James.”

            “Ang totoo nasabi ko na kay James.”

            “Nakuuu! Kayo talaga!”

            “Eh, kasi Nay, sabi ko kay James, ako na ang magsasabi sa’yo.”

            “Ah, ganun ba?” Nang may maalala ito. “Teka, ikaw ba James, ay nagsabi na kay Kevin ng plano mo? Biglang baling kay James.

            Nagulat pa si James. Pero agad siyang nakabawi.       

            “Naku, ang Nanay talaga, ulyanin na. di po ba sinabi ko na kahapon, dito rin mismo.”

            “Oo nga naman, naalala ko yun. Plano mong sumama sa Graduation ko di ba?”

            “Oo, iyun yun. Hahaha!” Hindi galing sa puso niya ang pagtawa, kundi bunga lang ng pretension.

            Hindi maintindihan ni Aling Delia si James. Kung bakit ayaw nitong sabihin kay Kevin ang tunay na balak ay palaisipan sa kanya. Naisip niya tuloy na siya na mismo ang magsabi sa anak.

            “Nay, sana huwag kang malungkot kasi pansamantala muna kitang ihahabilin kay James.”

            Panimula niya.

            “Ano? Bakit, saan ka pupunta?” Takang tanong ni Aling Delia.

            “Oops! Relaks lang po kayo Nay. Kasi po, ako ang napili ng Foundation nan aka base sa Amerika para mag-aral ng libre sa sikat na eskuwelahan doon. Ipagpapatuloy kop o ang pag-aaral para sa aking Master’s Degree.”

            “Anak naman, bakit sa Amerika pa? sana ditto ka na lang nag-apply.” May hinampo ang boses nito.

            “Nay, ito na po ang hinihintay kong pagkakataon. Ito nap o yun. Pangarap natin ito. Hindi ko po ito puwedeng palampasin. Dalawang taon lang naman ang gugugulin ko doon.”

            “Ha? Dalawang taon? Diyos ko naman anak, mamatay ako sa pangungulila niyan. Hindi ko kaya na hindi kita makapiling sa loob ng matagal na panahon na iyan.”

            Hinaplos ni Kevin ang likod ng ina bilang pag-alo.

            “Nay, mabilis lang ang takbo ng panahon. At take note, narito si James. Siya muna ang mag-aalaga sa’yo.”

            Dahil sa sinabi, naalala na naman ni Aling Delia ang napag-usapan nila ni James. Ang plano nito na ipaglaban ang karapatan sa pamilya. At ayaw niyang umalis ang anak. Kaya, nakaisip siya ng dahilan para mapigilan ang anak.

            “Hindi ka puwede umalis anak, ayokong mag-isa rito. Hindi mo puwedeng ibilin ako kay James dahil plano niya ring umalis. Pinag-usapan na naming yan.”

            Kung nagulat si James sa narinig, mas lalong nabigla si Kevin.

            “Ano? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?”

            “Kalimutan niyo na lang po ang plano ko. Makakapaghintay ako. Mas importante ang plano mo. Susuportahan kita Kevin.”

            “Puwede ko bang malaman ang sinasabi niyong plano?”

            Si Aling Delia ang sumalo sa tanong ni Kevin.

            “Anak, napag-usapan kasi naming na panahon na para ipaglaban niya ang karapatan niya sa pamilya. Ako ang naghikayat sa kanya kasi, anak, ayaw kung habambuhay siyang nakakulong sa nakaraan niya. Nararamdaman ko ang hirap na dinadala ni James sa kalooban niya. Kaya, naisip ko na kailangan na niyang simulan ang pakikipaglaban sa mga kapatid niya para sa kanyang karapatan.”

            Walang salitang lumabas sa bibig ni Kevin pagkarinig sa sinabi ng ina. Tinitigan niya si James, bago biglang tumalikod palabas ng pinto ng bahay.

            “Kevin!” Tawag ng ina.

            Pero hindi na lumingon si Kevin. Dali dali itong umangkas sa tricycle at pinaandar ito.

            Bahid ng pag-aalala ang mukha ni James dahil sa reaksiyon ni Kevin. Napansin ito ni Aling Delia.

            “James, huwag kang mag-alala. Alam kong maiintindihan ka niya. Pasensiya na kung ako na mismo ang nagsabi sa kanya kasi ayaw kong umalis siya. Ayaw kong iiwan niya ako. Ayaw ko rin na mabalewala ang plano mo.”

            “Kung ako po ang masusunod, sana hindi niya na lang nalaman, lalo pa ngayon na may plano rin siya na magpunta ng Amerika. Ayaw ko po kasi na ako ang magiging hadlang para sa katuparan ng pangarap niya.”

            “Pumayag na rin ako sa habilin niya sa akin. Kaya, wala nap o sana akong balak na sabihin sa kanya.”

            “Mas maganda nang nalaman niya para makapag-isip isip siya’t hindi niya tayo iiwan. Marami namang paraan dito sa ating bansa para matupad niya ang mga pangarap niya, bakit sa Amerika pa?”

            Dumating na ang kinatatakutan niya na maisipan ni James na ipaglaban ang karapatan niya at iiwanan silang mag-ina. Alam niyang kapag ginawa iyon ni James, mag-iiba ang takbo ng buhay nito at baka dumating sa punto na mabalewala ang relasyon nila. Mahal na mahal niya si James, at ayaw niyang bumalik pa ito sa tunay na pamilya. Gusto niyang makasama si james ng habambuhay. Alam niyang pagiging makasarili ang ginagawa niya pero para sa kanya, hindi bale nang makasarili basta para sa kaligayahan niya.

            Kaya ng marinig kanina ang sinabi ng ina, umalis kaagad siya para iwasan ang isang emosyong maglalantad sa tunay niyang pagkatao. Baka kapag tumagal pa siya sa usapng yun, makuwestiyon siya ng ina kung bakit hindi siya sang-ayon sa balak ni James.


Related chapters

  • Between Night And Day   The Farewell 2

    Anak, Kevin.. huwag ka nang umalis. Dito ka na lang. Hindi ko kakayanin na hindi kita makita sa loob ng dalawang taon. At isa pa, kailangan tayo ni James. Kailangan niya ang suporta natin para sa pakikipaglaban niya sa karapatan niya sa pamilya.” Pakiusap ni Aling Delia. “Nay, hindi po ako aatras. Nakahanda na po ang lahat. Hinihintay na lang matapos ang graduation, and week after, aalis na ako. Ito na po ang hinihintay kong pagkakataon para sa katuparan ng mga pangarap natin. At saka Nay, kailangan po natin magtiis pareho na saglit tayong magkawalay. Mahirap din para sa akin ito, pero kampante ako dahil alam kong hindi kayo pababayan ni James.” “Pero anak.. Paano si James? Handa na siya sa gagawin niya. Sinabi ko na sa kanya na susuportahan natin siya. Awang-awa ako sa kanya anak.. at nararapat lang na ipag

    Last Updated : 2021-03-02
  • Between Night And Day   James' First Love

    Naging madamdamin ang pamamaalam ni Kevin. Hindi maubos ang luha ni Aling Delia habang nagpapaalam ang anak. Binigay niya ang lahat ng habilin sa anak. Bakas din sa mukha ni James ang lungkot. Isang napakahigpit na yakap ang binigay ng dalawa sa isa’t isa kasabay ang mga katagang “I LOVE YOU”, na unang nagmula sa bibig ni Kevin, at ang kay James ay mga katagang, “INGAT KA, MAGHIHINTAY AKO.”Sa pag-alis ni Kevin, kailangan gampanan niya ang mga gawaing naiwan nito katulad ng araw araw na pamamalengke, pagpapasada sa traysikel. Mga trabahong hindi niya kailanman ginawa noon dahil sa takot na makita ng mga kapatid. Pero ngayon, kailangan niyang kumawala sa takot at tatagan ang loob dahil wala siyang mapagpipilian. Kailangan niyang palitan ng tapang ang karuwagan sa katuhan niya. Kailangan niyang buhayin ang bagong pagkatao at patayin ang nakagawian noon. Kailangan na niyang lumantad. Hindi na niya kailangang magtago.Kinakailangan niyang kumuha muna ng student permit

    Last Updated : 2021-03-02
  • Between Night And Day   The hiding is Over

    “Whaaaat?” Gulat na gulat ang reporter sa videong nasasaksihan. “Imposible naman yata yan. Sa tingin ko may gustong sirain ang reputasyon ni Devon at ginamit ang amerikanong ‘yan.” Dugtong nito na naghihinala. “Nakausap ko na ang taong kumukupkop sa kanya. At sa tingin ko, nagsasabi sila ng totoo. Hindi naman imposible na mangyari yun. Una, laganap ang Artificial Insemenation. Pangalawa, hindi naman natin ang alam ang buong kwento ng buhay ni Devon De Sales. Pangatlo, may record ang tao sa NSO.” Pahayag ni Inspector Santiago sa babaeng reporter. “Scope yan ‘pag nagkataon. Isang balitang gugulatin ang Devon followers. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag napanood niya ang videong ito?” “May problema ako. Ayaw ipalabas ni James De Sales ang videong ito. Nakiusap si

    Last Updated : 2021-03-02
  • Between Night And Day   Embracing the Dark

    Naihanda na ni Aling Delia ang basket para mamalengke pero napansin niya na hindi lumalabas si James ng kuwarto. Nang tawagin niya ay lumabas ito ng kuwarto. “O anak, halika na, mamalengke na tayo.” Aya niya. “Umalis na tayo dito ‘Nay.” Mahinang tugon. “Ha? Bakit bigla mong nasabi yan? May problema ba ha?” Nagulat siya sa tinuran ni James. “Sa ibang lugar na tayo mamuhay kahit saan basta malayo sa lugar na ito.” Patuloy ni James sa mahinang boses. “Pero, Bakit? Hindi ko maintindihan. Bakit bigla mong nasabi ang ganyan?” Hindi maibsan ang pagtataka ni Aling Delia.&n

    Last Updated : 2021-03-02
  • Between Night And Day   The perfect crime's witness

    Gustuhin man niyang bumalik sa Maynila ay takot pa siya kahit pitong taon na ang nakaraan mula nang umuwi siya sa Cebu dahil sa pagpatay niya sa dalawang guwardiya at sa isang sikat na abogado para nakawin ang dokumento kapalit na halagang tatlong daang libong piso. Tandang-tanda pa niya ang gabing iyon na kung saan pagkatapos niyang lumabas ng building ay sinundo siya ni Perry at pinababa rin nang makalayo sa lugar, at kinaumagahan ay dumiretso siya sa BatangasPort para umuwi sa probinsya. Nang araw na umuwi siya sa bahay nabasa niya sa diyaryong Bulgar ang tungkol sa pagkamatay ni Perry. Agad na pumasok sa utak niya kung sino ang nagpapatay kay Perrynasabi sa kanya nito kung sino ang nag-utos sa kanya para nakawin ang dokumento sa abogado. Ngunit, kahit kilala niya ang mastermind , hindi niya pwedeng sabihin dahil siya ang mas mapapahamak. Kalaunan ay nalaman niya na ang naparusahan sa krimen ay ang dalawang bodyguards ng abogado na nahatulan ng hambambuhay na pagkakakulong.

    Last Updated : 2021-03-02
  • Between Night And Day   The Capture

    “Gusto ko na sa lalong madaling panahon ay mahanap ninyo ang ‘kanong ‘yon! Ayaw ko nang mag-aksaya kayo ng panahon at huwag na huwag kayong magbibigay sa akin ng impormasyon king hindi kayo sigurado, at nang di kayo matulad kay Ronald. Patayin ninyo ang sinumang haharang.Naiintindihan ninyo? Mahabang pahayag ni Devon sa matigas at maawtoridad na tono sa tatlong tauhan niya na inutusan para patayin si Ronald. Pagkatapos ay lumakad na ang tatlo. Walang ibang nasa utak ngayon ni Devon kundi si James. Hindi mo ako mapagtataguan.Hahanapin kita kahit saan ka magsuot. Masuwerte ka lang dahil hindi ka natagpuan ng tangang si Ronald. Pero huwag kang kampante dahil nabibilang na ang oras mo. Ito ang namumutawi sa kalooban niya. Pupunta siya sa burol ni Ronald sa Cavite. Puting T-sgirt at maong na pantalon lang ang kanyang suot na

    Last Updated : 2021-03-02
  • Between Night And Day   The meetings

    Sa kuwarto ni Devon, kita niya sa CCTV Camera ang pagdating ng kotse. Ngumiti siya. Nang makitang bumababa na ang mga sakay ng kotse, lumabas na siya ng kuwarto. Bago luma ng garahe, kinausap niya sa celfone ang isang tauhan. “Dalhin siya sa basement. Igapos at iwanan ninyo.” Pagkaraa’y pinuntahan ni Devon ang basement. Binuksan ang isang kuwarto roon kung saan naroroon ang nakagapos na si James. Nagkamalay na siya kanina pa habang nasa kotse pa. Mas pinili niya na huwag magsalita. Nagpatianod siya kung saan siya dadalhin ng tatlo. Nang mapansin na pumasok sila sa isang magarang Subdivision, natanto niya na ang taong nagpakidnap sa kanya ay ang Kuya Devon niya. Kabisado niya kasi ang lugar na ito dahil sa ilang beses din siyang nakarating dito noon, dagan nga lang sa

    Last Updated : 2021-03-02
  • Between Night And Day   Devon's End

    Maingay na ang media. Halos lahat ng pahayagan, laman siya ng balita. Ang hindi niya pagsipot sa imbistigasyon ng PNP. Ang pagpapabaya sa mga commitments, at negosyo. Ang hindi pagpapakita sa publiko. Marami nang hinala na nagtatago siya dahil totoo ang paratang sa kanya. Sa kabila ng paratang, may mga tao pa ring naniniwala sa kanya. Ang National Youth Christian Movement ay nag rally sa kalye para ipahayag ang suporta sa foundation nito. Ang samahan ng national Motocross Federation ay nagsama-sama sa Edsa shrine para kondinahin ang paratang sa President nila. At ang De Sales Foundation ay lumikha rin ng ingay. Wanted na siya. Kaya kaagad siyang nagdesisyon na isagawa na ang plano. WALA NA SI DEVON.WALA NA ANG MUKHA NI DEVON DE SALES. HINDI NINYO AKO MAHUHULI. Mga katagang ipinagdiriwang niya sa kalooban habang nagkakagulo ang mga bumbero, pulis at mga tao sa nasusunog na mansiyon. Ang bago niy

    Last Updated : 2021-03-02

Latest chapter

  • Between Night And Day   The night and day

    Habang nasa biyahe pabalik sa Caloocan, hindi maintindihan ni Aling Sonia ang kabang nararamdaman. Bagay na kinunsulta niya kay James. “James, kinakabahan ako.” “Bakit naman po?” “Hindi ko maintindihan. Ngayon lang ako kinabahan nang sobra. Masama ang kutob ko. Diyos ko. Huwag naman po sana.” “Wala naman po siguro Yaya Sonia. Baka po napagod lang kayo sa biyahe.” Abala lang si Inspector Santiago sa pagmamaneho pero kapagdaka’y napapalingon kay James dahil sa pakikipag-usap nito kay Aling Sonia. Naisip ni Aling Sonia na kontakin si Ramon dahil sa nararam

  • Between Night And Day   Devon's Fate

    Few months later… “Congratulations, Kevin!: Bati sa kanya ng close friend at classmate niya na isang Canadian. “Congrats too!” Matamlay na balik pagbati sa kaibigan. Napansin nito ang lungkot sa kanyan mukha. “Hey, man! Why so lonely? Com’on. Tonight is what we’re waiting for two years. You must be happy!” “I just can’t! I can’t help to feel this way. Like I always told you, I felt like being forgotten by my Mother and James. But I also feel they are just in trouble that’s why. And I’m so worried.” “Com’on Kevin, you have to enjoy this moment. See them? Everybody here is just enjoying the night. Cheer up, dude!”

  • Between Night And Day   Devon's End

    Maingay na ang media. Halos lahat ng pahayagan, laman siya ng balita. Ang hindi niya pagsipot sa imbistigasyon ng PNP. Ang pagpapabaya sa mga commitments, at negosyo. Ang hindi pagpapakita sa publiko. Marami nang hinala na nagtatago siya dahil totoo ang paratang sa kanya. Sa kabila ng paratang, may mga tao pa ring naniniwala sa kanya. Ang National Youth Christian Movement ay nag rally sa kalye para ipahayag ang suporta sa foundation nito. Ang samahan ng national Motocross Federation ay nagsama-sama sa Edsa shrine para kondinahin ang paratang sa President nila. At ang De Sales Foundation ay lumikha rin ng ingay. Wanted na siya. Kaya kaagad siyang nagdesisyon na isagawa na ang plano. WALA NA SI DEVON.WALA NA ANG MUKHA NI DEVON DE SALES. HINDI NINYO AKO MAHUHULI. Mga katagang ipinagdiriwang niya sa kalooban habang nagkakagulo ang mga bumbero, pulis at mga tao sa nasusunog na mansiyon. Ang bago niy

  • Between Night And Day   The meetings

    Sa kuwarto ni Devon, kita niya sa CCTV Camera ang pagdating ng kotse. Ngumiti siya. Nang makitang bumababa na ang mga sakay ng kotse, lumabas na siya ng kuwarto. Bago luma ng garahe, kinausap niya sa celfone ang isang tauhan. “Dalhin siya sa basement. Igapos at iwanan ninyo.” Pagkaraa’y pinuntahan ni Devon ang basement. Binuksan ang isang kuwarto roon kung saan naroroon ang nakagapos na si James. Nagkamalay na siya kanina pa habang nasa kotse pa. Mas pinili niya na huwag magsalita. Nagpatianod siya kung saan siya dadalhin ng tatlo. Nang mapansin na pumasok sila sa isang magarang Subdivision, natanto niya na ang taong nagpakidnap sa kanya ay ang Kuya Devon niya. Kabisado niya kasi ang lugar na ito dahil sa ilang beses din siyang nakarating dito noon, dagan nga lang sa

  • Between Night And Day   The Capture

    “Gusto ko na sa lalong madaling panahon ay mahanap ninyo ang ‘kanong ‘yon! Ayaw ko nang mag-aksaya kayo ng panahon at huwag na huwag kayong magbibigay sa akin ng impormasyon king hindi kayo sigurado, at nang di kayo matulad kay Ronald. Patayin ninyo ang sinumang haharang.Naiintindihan ninyo? Mahabang pahayag ni Devon sa matigas at maawtoridad na tono sa tatlong tauhan niya na inutusan para patayin si Ronald. Pagkatapos ay lumakad na ang tatlo. Walang ibang nasa utak ngayon ni Devon kundi si James. Hindi mo ako mapagtataguan.Hahanapin kita kahit saan ka magsuot. Masuwerte ka lang dahil hindi ka natagpuan ng tangang si Ronald. Pero huwag kang kampante dahil nabibilang na ang oras mo. Ito ang namumutawi sa kalooban niya. Pupunta siya sa burol ni Ronald sa Cavite. Puting T-sgirt at maong na pantalon lang ang kanyang suot na

  • Between Night And Day   The perfect crime's witness

    Gustuhin man niyang bumalik sa Maynila ay takot pa siya kahit pitong taon na ang nakaraan mula nang umuwi siya sa Cebu dahil sa pagpatay niya sa dalawang guwardiya at sa isang sikat na abogado para nakawin ang dokumento kapalit na halagang tatlong daang libong piso. Tandang-tanda pa niya ang gabing iyon na kung saan pagkatapos niyang lumabas ng building ay sinundo siya ni Perry at pinababa rin nang makalayo sa lugar, at kinaumagahan ay dumiretso siya sa BatangasPort para umuwi sa probinsya. Nang araw na umuwi siya sa bahay nabasa niya sa diyaryong Bulgar ang tungkol sa pagkamatay ni Perry. Agad na pumasok sa utak niya kung sino ang nagpapatay kay Perrynasabi sa kanya nito kung sino ang nag-utos sa kanya para nakawin ang dokumento sa abogado. Ngunit, kahit kilala niya ang mastermind , hindi niya pwedeng sabihin dahil siya ang mas mapapahamak. Kalaunan ay nalaman niya na ang naparusahan sa krimen ay ang dalawang bodyguards ng abogado na nahatulan ng hambambuhay na pagkakakulong.

  • Between Night And Day   Embracing the Dark

    Naihanda na ni Aling Delia ang basket para mamalengke pero napansin niya na hindi lumalabas si James ng kuwarto. Nang tawagin niya ay lumabas ito ng kuwarto. “O anak, halika na, mamalengke na tayo.” Aya niya. “Umalis na tayo dito ‘Nay.” Mahinang tugon. “Ha? Bakit bigla mong nasabi yan? May problema ba ha?” Nagulat siya sa tinuran ni James. “Sa ibang lugar na tayo mamuhay kahit saan basta malayo sa lugar na ito.” Patuloy ni James sa mahinang boses. “Pero, Bakit? Hindi ko maintindihan. Bakit bigla mong nasabi ang ganyan?” Hindi maibsan ang pagtataka ni Aling Delia.&n

  • Between Night And Day   The hiding is Over

    “Whaaaat?” Gulat na gulat ang reporter sa videong nasasaksihan. “Imposible naman yata yan. Sa tingin ko may gustong sirain ang reputasyon ni Devon at ginamit ang amerikanong ‘yan.” Dugtong nito na naghihinala. “Nakausap ko na ang taong kumukupkop sa kanya. At sa tingin ko, nagsasabi sila ng totoo. Hindi naman imposible na mangyari yun. Una, laganap ang Artificial Insemenation. Pangalawa, hindi naman natin ang alam ang buong kwento ng buhay ni Devon De Sales. Pangatlo, may record ang tao sa NSO.” Pahayag ni Inspector Santiago sa babaeng reporter. “Scope yan ‘pag nagkataon. Isang balitang gugulatin ang Devon followers. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag napanood niya ang videong ito?” “May problema ako. Ayaw ipalabas ni James De Sales ang videong ito. Nakiusap si

  • Between Night And Day   James' First Love

    Naging madamdamin ang pamamaalam ni Kevin. Hindi maubos ang luha ni Aling Delia habang nagpapaalam ang anak. Binigay niya ang lahat ng habilin sa anak. Bakas din sa mukha ni James ang lungkot. Isang napakahigpit na yakap ang binigay ng dalawa sa isa’t isa kasabay ang mga katagang “I LOVE YOU”, na unang nagmula sa bibig ni Kevin, at ang kay James ay mga katagang, “INGAT KA, MAGHIHINTAY AKO.”Sa pag-alis ni Kevin, kailangan gampanan niya ang mga gawaing naiwan nito katulad ng araw araw na pamamalengke, pagpapasada sa traysikel. Mga trabahong hindi niya kailanman ginawa noon dahil sa takot na makita ng mga kapatid. Pero ngayon, kailangan niyang kumawala sa takot at tatagan ang loob dahil wala siyang mapagpipilian. Kailangan niyang palitan ng tapang ang karuwagan sa katuhan niya. Kailangan niyang buhayin ang bagong pagkatao at patayin ang nakagawian noon. Kailangan na niyang lumantad. Hindi na niya kailangang magtago.Kinakailangan niyang kumuha muna ng student permit

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status