Share

Chapter 1

Author: zaaaxy
last update Huling Na-update: 2020-09-01 13:20:10

Nandidiri

Lia Kennedy:

Dito na si sir! Nasan na kayo?

Napakagat-labi ako matapos maipadala ang mensahe sa group chat. Itinago ko ang cellphone atsaka nakinig. Paminsan-minsan kong sinisilip ang telepono para tignan kung may sumagot na pero wala.

Dire-diretso lang ang naging discussion at akala ko'y maagang magdidismiss dahil medyo maiksi lamang ito ngunit nagbigay pa ng gawain ang guro.

"Bumuo kayo ng group  with 4 to 5 members then answer these." sabay lipat ng slide sa powerpoint.

Napalunok ako dahil sa pamilyar na eksena. Lumibot ang tingin ko sa classroom at napansing mabilis naglapitan ang mga magkakaibigan para magtabi-tabi.

Dahil wala roon ang mga madalas kong makasama ay napilitan akong humanap ng pwedeng salihan.

Kabado akong lumapit sa nakita kong grupo na may apat na miyembro pa lang.

"Hi," ngiti ko. "Pwedeng maki-grupo sa inyo?"

Blangko akong tinignan ng isa. 

"Ay sorry puno na kami," mabilis na sabi nito at agad binawi ang tingin sakin.

Nagsimula na silang mag-usap-usap nang parang wala ako sa gilid nila.

Napabuntong-hininga ako at sinubukan uling igala ang tingin nang may biglang lumapit sakin.

"Lia, gusto mo pair na lang tayo?" alok ni Archie habang malaki ang ngiti.

Sasagot pa lang sana ako  nang biglang may humilang babae sa kanya at dinala sa kanilang grupo.

Ilan pa ang sinubukan kong lapitan ngunit panay ang tanggi nila sa akin.

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa upuan nang mapagtantong wala akong choice kundi gawin ito nang mag-isa.

Binilisan ko ang paggawa para makahabol sa mga oras na nasayang. Nataranta pa ako nang makitang halos paubos na ang tao sa silid at hindi pa ako tapos.

Nakahinga lamang ako nang maluwag noong matagumpay ko itong natapos at naipasa.

Paglabas ng classroom ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa at  nakitang wala pa ring reply doon. Agad kong  tinawagan ang numero ni Quinn.

"Lia!" halakhak niya ang bumungad sa akin.

Napakunot ang noo ko.

"Nasan ka? Magkakasama ba kayo?" sunod-sunod na tanong ko.

"Dito sa likod ng PR Hall dali punta ka,"

Sa sinabi niya ay parang nagka-ideya na 'ko kung bakit wala na naman sila sa klase.

Dahil may 30 minutes pa bago ang sunod na subject ay nagdesisyon akong puntahan muna sila.

Malayo pa lang ay natanaw ko na silang nagtatawanan. Nakaupo sa malaking bato si Quinn at ang boyfriend niyang si Markus habang sila Ava at Zoe ay parehong nakatayo habang may hawak na alak. Nakita kong nandun din ang iba pang kaibigan ni Markus na bumubuga ng usok mula sa kanilang vape.

Napabuntong-hininga ako habang papalapit.

Sa mga nagdaang-taon ay naging napakahirap para sakin ng pagkakaroon ng kaibigan. Halos handa na akong tanggapin noon na magiging mag-isa na lang ata talaga ako hanggang maka-pagtapos ng pag-aaral. Napaka-laking pagsubok man ng kawalan ng kasama sa eskwela ay wala na rin naman akong magawa.

Ngunit isang araw habang mag-isang kumakain sa cafeteria ay may mga biglang tumabi sa akin na ikinagulat ko. Nagpakilala sila bilang sina Quinn, Ava, at Zoe. Kawawa naman daw ako kaya kakaibiganin na lang nila ako. Kahit hindi gaanong maganda pakinggan ang naging bungad nila sa akin ay hindi ko maiwasang maging masaya pa rin nung mga oras na iyon.

Pare-pareho kaming nagkakasundo pagdating sa fashion at make-ups. Pero noong tumagal ang pagkakaibigan namin ay nadiskubre kong marami akong mga pagkakaiba sa kanila. Gayunpaman ay mahalaga sila sa akin dahil sila lamang ang tanging tumanggap sa akin bilang kaibigan.

"Nag-cut na naman kayo?" salubong ko nang makalapit.

Napalingon sakin si Quinn at agad tumayo.

"Liaaa!" mahabang sabi nito.

She spread her arms to envelope me in a hug. Amoy na amoy ko sa kanya ang alak.

Humiwalay siya at lasing na tumitig sakin.

"May pinagawa si Sir. Namiss niyo tuloy yung seatwork," sabi ko.

Zoe rolled her eyes lazily. "Lia stop talking about stuff like that for now. Come here and have some fun with us," sabi niya sabay lahad ng isang inumin.

Sasagot pa lang sana ako nang makarinig ng malakas na tunog ng pito mula sa likod. Mabilis akong napalingon.

"Shit," mura ni Markus.

Tatlong pigura ng lalaki ang nakita kong papalapit. Namukhaan ko sila bilang officers ng student council.

"Hala tangina," sabi ni Ava.

"Drinking and smoking are prohibited inside the school premises." panimula ng nakilala ko na President ng council. "This is also considered cutting classes dahil school hours pa." dagdag niya sa propesyonal na tono at bahagya pang umiling-iling.

"1 week detention for you guys. IDs please," pilyong sabi ng alam kong Secretary naman saka lumapit samin para kumpiskahin ang mga IDs.

Napabuntong-hininga ako habang inaabot ang sa akin.

Dumapo ang tingin ko sa Vice President na tahimik lang na nakamasid. 

Salubong ang makapal na kilay nito habang iginagala ang tingin sa amin. Nakaramdam ako ng kaba nang makitang bumalik ang mata niya sa akin at nagtagal.

Halos kilabutan ako nang maramdaman ang pagpasada ng tingin niya sa akin mula ulo hanggang  paa.

Nang bumalik ang tingin  niya pataas at nagtama ang mata namin ay nakita ko ang dumaang ekspresyon sa mata niya. Pamilyar sa akin ang tingin na iyon dahil madalas ko na itong makita sa mapang-husgang tingin na ipinupukol sa akin ng iba.

Parang... nandidiri.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

  • Beneath What it Seems   Epilogue

    Oops

  • Beneath What it Seems   Chapter 40

    SanctuaryA/N: Sending my greatest appreciation to everyone for reaching the last chapter! I hope BWIS was able to touch your heart even in the smallest possible way. Please don't let anyone dim your glow. May we all break the stereotypes. Watch out for the Epilogue and my next stories too! Ily xoxo-

  • Beneath What it Seems   Chapter 39

    Different lightAfter what happened in the orphanage, I had the chance to self-reflect and realize alot of things.

  • Beneath What it Seems   Chapter 38

    DeserveLinggo na noong sumunod na araw kaya't tulad ng nakasanayan ay wala na sila Mama paggising ko. Maaga silang umaalis para sa scheduled check-up ni Papa dahil medyo malayo pa rito ang ospital. Sa nakahandang almusal ay nag-iwan pa ng

  • Beneath What it Seems   Chapter 37

    Not everyoneHalos hindi ako pinatulog ng nalaman kong iyon. Idagdag mo pa ang imahe ng nakaluhod na si Ridge habang nababasa ng ulan. Binagabag din ako ng pagkabahala kung nakauwi kaya siya nang ligtas sa kabila ng hirap na makahagilap ng

  • Beneath What it Seems   Chapter 36

    Siya yunOliver said that he will surely drop by some other time to take me out on a "friendly" date. I just laughingly said okay though I wasn't really sure if I mean it.

  • Beneath What it Seems   Chapter 35

    DefeatedKaya nang maalimpungatan ako noong madaling araw ay sinamantala ko na ang pagkakataon. Mahigpit ang pagkakayakap sakin ni Ridge kaya't dahan-dahan ang pag-alis ko sa braso niya. Sa unang subok ko ay mas humigpit lang ito at siniksik niya pa ang sarili patungo sa akin.Sinilip ko kung nagising siya ngunit hindi naman. Mul

  • Beneath What it Seems   Chapter 34

    Bukas na langR-18: Contains explicit scenes.Walang sinayang na oras si Ridge. His tongue forced itself on my lips which are tightly closed. He left no space between us while locking me in place. Ang isa sa mga kamay niyang nakapulupot sa akin ay umakyat sa likod ng ulo ko. Like he didn't want it to pull away.Nagtatalo

  • Beneath What it Seems   Chapter 33

    NowDahil sa nangyari kahapon ay minabuti kong sa cubicle ko na lang ituloy ang pagbuo ng portfolio.Pakiramdam ko'y wala na kong mukhang maihaharap sa kanya. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa nung pareho na kaming nasa conference room ulit kahapon. Ni hindi na ako nagtapon ng tingin sa banda niya. Hindi ko maiwasang isip

DMCA.com Protection Status