No good
It's thursday today kaya't alas-nwebe pa ang unang klase namin. Pag-ganitong araw ay kadalasang walang nahuhuli saming apat dahil hindi kagaya ng ibang araw na alas-syete nagsisimula ay mas late na ito.
Nang makitang papasok na ang prof at wala pa rin si Ava ay nagtaka ako.
"Where's Ava?" lingon ko sa dalawa.
Zoe shrugged her shoulders.
"I don't know. Kanina naman sabi niya sa chat on the way na raw siya." she said.
Takang tumango ako at tumingin na sa harapan nang magsimula nang maglecture ang guro.
Mga 9:25 na nang nagmamadaling pumasok sa back door si Ava. Todo yuko pa ito para hindi masyadong mapansin.
Dinungaw siya ni Quinn pagka-upo. "San ka galing?"
Hinubad niya muna ang bag saka lumingon kay Quinn.
"Later," bulong niya.
Paglabas ng prof ay kyuryoso kaming bumilog kay Ava para usisain siya sa kung anong nangyari.
"Shit yung nerd ang clingy," problemadong bungad niya.
Halos bumalik na lang ako sa upuan nang marealize ang pinag uusapan nila.
"Sabi kasi sa inyo wag na yun eh," dagdag niya pa na may bakas ng paninisi kay Zoe at Quinn.
Napapailing-iling na lang ako sa gilid.
"Binreak mo na?" tanong ni Quinn.
"Oo puta. Last week pa nga. Hanggang ngayon ang kulit." inis na sabi niya.
Zoe shifted on her feet. "I thought it's gonna be somewhat interesting since he's different." she said and curled her hair with her fingers.
"Interesting my ass. He's such a lousy kisser." Ava made a face.
Quinn, Zoe and Ava have this kind of hobby to play with any boy they suddenly feel like dating. I'm not sure if 'play' is the right term for what they are doing but their drill is that they will go out with the guy without really getting serious with him and just break up when they don't find him worthy anymore.
Minsan ay kahit nakasalubong lang basta't natripan o natipuhan nila yung lalaki ay pinapatulan din nila.
Gawain na nila ito bago pa man nila ako makilala. Sinubukan nila akong isali pero agad akong tumanggi. Inasar nila akong KJ at ilang beses pang pinilit hanggang sa siguro'y napagod na lang din sila.
Simula naman nang pumasok sa seryosong relasyon si Quinn kay Markus ay hindi na rin ito sumali.
Makailang beses ko silang kinumbinse na tigilan na ang hindi magandang hilig pero hindi naman sila nakikinig. Kaya't tuwing may gantong problema ay napapailing na lang ako.
Nagdesisyon na muna kaming mag-early lunch dahil alanganin na kung hihintayin pa namin ang tapos ng next class.
Habang tahimik na kumakain ay nakita kong dahan-dahang napanganga si Zoe habang nakatingin sa likod ko.
"No way," she said like she can't believe it.
Napataas ang kilay ko at dahan-dahan ding lumingon.
Nalaglag ang panga ko nang makita si Arden, ang tinutukoy na lalaki ni Ava kanina. Nakayuko ito habang papalapit sa lamesa namin. May dala pa itong malaking bouquet sa isang kamay habang regalo naman ang nasa kabila.
"Tangina naman," dinig kong bulong ni Ava.
Halakhak naman ang tanging pinakawalan ni Quinn.
Nang tuluyang huminto sa tapat ng lamesa namin ay nanatili sa sahig ang mata ni Arden at hindi makatingin nang diretso.
"Ava.." mahinang sabi nito.
Nakita kong marami na ang nakatingin sa banda namin at hindi na ako naging kumportable sa kung anong maaaring mangyari.
"For you," sabi nito at inilahad kay Ava ang mga dala niya.
Nakita kong napapikit si Ava at huminga nang malalim na parang kinakalma ang sarili.
"Arden, hindi ba't nilinaw ko na sayong tapos na tayo?" she said through gritted teeth.
Nakita kong napalunok ang lalaki.
"May nagawa ba 'kong mali? I'm sorry. Ava, mahal ki-"
Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Ava sa lamesa. "Wala akong balak paabutin sa ganito pero parang gusto mo talagang mapahiya eh no?"
I shifted uncomfortably on my seat. Knowing how frank and straightforward Ava is, this needs to be stopped.
"Ava-" I tried to calm her but Quinn held my hand.
Lumingon ako sa kanya. She shook her head to me like she's telling me not to butt in. "Hayaan mo na para matapos na," bulong niya.
I was about to reason out pero may narinig akong tunog ng mga nalaglag na gamit.
"Ayaw ko nga! Ba't ba pinipilit mo pang tanggapin ko yan eh wala na nga tayo? Hindi naman talaga kita gusto okay?"
Napanganga ako sa malakas na sigaw ni Ava at sa mga binato niyang regalo na ngayo'y nakakalat na sa sahig.
I almost saw Arden's eyes glimmer with tears.
"Ava, don't say that-" his voice was shaking.
"Anong don't say that don't say that! Totoo yun hoy! Ni hindi mo man lang kasi ginalingan performance mo! Pwe!" asik ni Ava sabay kuha ng bag. "Tara na nga!" aya niya samin atsaka nauna nang tumalikod.
Natulala pa ko sa mga nangyari nang makitang mabilis na sumunod si Zoe. Si Quinn sa tabi ko ay tinapik pa ko bago umalis na rin.
Hindi pa ko makagalaw sa nasaksihan nang makitang nanghihinang umupo si Arden para pulutin ang mga kumalat sa sahig.
Napalunok ako at akmang lalapit sa kanya para tumulong nang may nauna na sa akin.
Ang VP ng council.
"I told you, Arden." kinilabutan ako nang marinig ang boses niya sa kauna-unahang pagkakataon.
"People like them are up to no good," he loathingly said.
"Lia!"
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Zoe. Nasa exit sila ng cafeteria ni Quinn at tila inaantay ako.
Bumalik ang tingin ko sa ma-awtoridad na lalaki sa harap.
Nagparte ang labi ko nang maabutan siyang nakatingin na rin sakin. Nakataas ang isang kilay na tila nanghahamon.
Isang tawag pa ang narinig ko kaya't natarantang kinuha ang gamit at tumayo.
Bago tuluyang tumalikod ay nagtama pang muli ang tingin namin ng lalaki at may hindi mabasang emosyon akong nakita roon.
Hanggang tuluyang makalabas ay bumagabag sakin ang misteryosong tingin niya at kung ano ang nais ipahiwatig noon.
FriendSa hapon ding iyon pag-uwi ay dumiretso ako sa crafts room ng bahay matapos magbihis. Sinet-up ko ang mga gamit para makapag-pinta.
BreathlessNo way.
WTF"How was it?" salubong ni Zoe.
Show you"Seryoso?"
As ifI immediately reviewed his daily activities.
Sticky noteAva:
InvitingHalos magdadalawang linggo na kong nagsusumikap maging kaibigan ni Ridge Terrence.
DazeI knew something was already different from then on. Something makes that particular Library Day different from my other days with him. I just knew it was.
Oops
SanctuaryA/N: Sending my greatest appreciation to everyone for reaching the last chapter! I hope BWIS was able to touch your heart even in the smallest possible way. Please don't let anyone dim your glow. May we all break the stereotypes. Watch out for the Epilogue and my next stories too! Ily xoxo-
Different lightAfter what happened in the orphanage, I had the chance to self-reflect and realize alot of things.
DeserveLinggo na noong sumunod na araw kaya't tulad ng nakasanayan ay wala na sila Mama paggising ko. Maaga silang umaalis para sa scheduled check-up ni Papa dahil medyo malayo pa rito ang ospital. Sa nakahandang almusal ay nag-iwan pa ng
Not everyoneHalos hindi ako pinatulog ng nalaman kong iyon. Idagdag mo pa ang imahe ng nakaluhod na si Ridge habang nababasa ng ulan. Binagabag din ako ng pagkabahala kung nakauwi kaya siya nang ligtas sa kabila ng hirap na makahagilap ng
Siya yunOliver said that he will surely drop by some other time to take me out on a "friendly" date. I just laughingly said okay though I wasn't really sure if I mean it.
DefeatedKaya nang maalimpungatan ako noong madaling araw ay sinamantala ko na ang pagkakataon. Mahigpit ang pagkakayakap sakin ni Ridge kaya't dahan-dahan ang pag-alis ko sa braso niya. Sa unang subok ko ay mas humigpit lang ito at siniksik niya pa ang sarili patungo sa akin.Sinilip ko kung nagising siya ngunit hindi naman. Mul
Bukas na langR-18: Contains explicit scenes.Walang sinayang na oras si Ridge. His tongue forced itself on my lips which are tightly closed. He left no space between us while locking me in place. Ang isa sa mga kamay niyang nakapulupot sa akin ay umakyat sa likod ng ulo ko. Like he didn't want it to pull away.Nagtatalo
NowDahil sa nangyari kahapon ay minabuti kong sa cubicle ko na lang ituloy ang pagbuo ng portfolio.Pakiramdam ko'y wala na kong mukhang maihaharap sa kanya. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa nung pareho na kaming nasa conference room ulit kahapon. Ni hindi na ako nagtapon ng tingin sa banda niya. Hindi ko maiwasang isip