VENIXE
PUTING silid ang agad kong nabungaran pagkagising ko. What happened? Nasaan ako? Inikot ko ang paningin at bumangon ako. May dextrose na nakakabit sa kaliwa kong kamay. Tinanggal ko iyon. Iyon ang naabutan ni Cloud pagkapasok sa loob ng silid. Mabilis ang hakbang na ginawa niya na lumapit sa 'kin. Pinigilan niya ako sa kamay.
"Stop it, Ven." Awat niya sa akin.
"Why am I here? Nasaan na sila?" Tinutukoy ko ay ang mga humabol sa amin kahapon.
Huminga nang malalim si Cloud. "You need to calm down. Makakasama 'yan sa baby mo," seryoso ang boses nitong saad na parang galit o hindi ko mapangalanan kung ano.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Baby?
Dahan-dahan kung hinawakan ang puson ko hanggang sa tiyan. Totoo ba na buntis ako? May buhay na rito sa sinapupunan ko. Bigla akong napaiyak. Naalala ko si Xander.
"Ve
VENIXESINULYAPAN ko ang phone ko na kanina pang nagriring. Kanina pa ako tinatawagan ni Cloud at hindi tinitigilan sa pagtawag. Gno'n siya kakulit na malaman kung nasaan ako ng ganitong oras. I'm starting to get pissed off. Hindi ko ipinaalam sa kaniya ang tungkol sa bago kong assignment. Madali lang naman 'tong trabaho ko ngayon. Isang drug user ang tutumbahin ko.Ginamit ko ang koneksyon namin na si Alpha para makapasok ako sa party niya. Hindi kasi basta-basta ang mga bisita nito. Mga kilala sa larangan ng politika, negosyo at may-iilan na celebrity. Mabuti na lamang at kasama ko rito si Alpha."Good evening Ma'am." Bati sa 'kin ng mga empleyado pagkapasok ko."Good evening..." Bati ko rin at nginitian sila.Hinanap ko agad kung nasaan si Carlos. Prente siyang nakaupo at napapalibutan ng mga bodyguards niya. Gano'n siya katakot para sa buhay niya kaya hindi ako basta-basta makakalapit dito. Kailangan ko munang pag-aralan kung paano ako makakala
HININTAY ni Venixe si Carlos na lumabas ng gusali. Nasa opisina niya ito. Tulad ng nakagawian, gagamitin niya ang alindog niya upang makalapit kay Carlos.Sinundan niya ang sasakyan nito na pupunta sa isang bar. Sakay siya ng kaniyang itim na sasakyan ay pumarada si Venixe sa 'di kalayuan ng bar na pinaghintuan ng sasakyan ni Carlos. Isang high-end bar iyon sa Maynila.Pumunta siya sa backseat at nagpalit ng sexy na damit. Isang black skirt at black tank top ang sinuot niya. Tinted naman ang kaniyang sasakyan kaya hindi naman siya kita na nagpalit siya ng damit sa loob ng sasakyan. Nagsuot siya ng maikling wig at naglakagay ng makapal na make-up.Lumabas siya ng kaniyang sasakyan at naglakad patungo sa bar. Pagkapasok niya ay inikot niya ang paningin sa kabuuan ng bar. Maingay at nagsasayawan na ang mga taong naroon. Tumingin siya sa itaas. Alam niyang naroon nakap'westo si Carlos dahil masyadong maingay rito sa baba.Kumuha muna siya ng juice bago umakya
NAPABANGON si Venixe dahil pakiramdam niya ay bumabaligtad ang kaniyang sikmura. Agad siyang tumakbo papuntang banyo at doon nagsusuka. Nakaramdam din siya nang pagkahilo. Napaupo siya sa sahig dahil talagang masama ang pakiramdam niya.Tuwing umaga ay ito ang problema niya. Mayroon siyang morning sickness at doon siya nahihirapan.Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kaniyang kwarto."Ven?" Pumasok si Cloud at naabutan siya sa gano'ng ayos.Dinaluhan agad siya nito. Hinawi nito ang buhok na nagtatakip sa kaniyang mukha."I'm okay, Cloud. This is normal," nanghihinang saad niya sa binata."I know. I hope I can make you feel better." Binuhat siya ni Cloud at dinala muli sa kaniyang kama at pinahiga. "Do you want to eat breakfast?"Umiling siya. Hindi na siya nagtataka na nandito si Cloud sa kaniyang condo pagkatapos niya itong imessage kagabi. Alam naman niyang pupuntahan siya nito kahit hindi niya sabihin."You need to
NAGULAT si Xander nang makitang pumasok ang Manager ni Venixe sa loob ng restaurant. Palapit na ito sa kinauupuan niya. Dito pa naman niya piniling makipagmeeting dahil alam niyang hindi makakawala si Venixe sa kaniya.Inis siyang tumayo. "Where's Venixe?" mariin niyang tanong. Hindi na niya naisip na maging mahinahon sa harap ng empleyado ni Venixe.Agad na kinabahan si Thinz sa tono ng boses ni Xander. Galit ito."Ah, e... S-ir s-abi po ni Ma'am ako po ang p-upunta ka-si may gagawin pa siya." Nauutal na sagot ni Thinz sa gwapong si Xander. Nanginginig ang tuhod niya at gusto nang bumigay nito sa takot sa binata. Magkasalubong ang kilay nito at kulang na lang ay singhalan siya nito para ilabas ang pinipigil na galit.Inis na inis si Xander dahil hindi niya mapasunod ang dalaga. Hindi niya magamit ang coffee shop para muling mapalapit kay Venixe. Ano ba ang pwede niyang gamitin para bumalik sa kaniya ang dalaga?Napasuklay siya ng buhok gamit ang d
INIS NA INIS si Venixe dahil pinapaalis na agad sila sa building kung saan siya nakalease. B'wisit na Xander! Pakiramdam niya ay pinepersonal siya ng binata. Hindi kasi siya nakikipagkita rito at todo iwas siya. Halos hindi na nga siya pumupunta sa shop para makaiwas sa kaniya. Siya na lang ang naiwan sa loob. "Hindi ka pa ba tapos, Ven?" tanong ni Cloud. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at nakatingin sa kaniya. Nakacross ang braso sa kaniyang d****b. "Tapos na. Shutdown ko lang ang laptop." Imporma niya kay Cloud. Umayos ito nang pagkakatayo at lumapit sa kaniyang desk at doon umupo sa edge. "Hindi ka na dapat nagpupunta pa rito at nagtatrabaho. Kaya ko kayo buhayin." Napabuga siya nang malalim na hininga sa sinabi ni Cloud. "Ayan ka na naman. Ilang beses ba natin pag-uusapan ang bagay na iyan." Sinara niya ang laptop at tumayo na. Tumayo na rin si Cloud at kinuha ang bag niya. Pinagsiklop nito ang kanila
"BABE... " Namamaos niyang tawag sa akin. Kakaiba ang dulot ng pagtawag niya sa akin, gamit ang endearment niyang 'yon."X-ander..." mahinang tawag ko rin sa pangalan niya.Bumaba ang kaniyang mukha at muli akong siniil ng halik sa labi. Ngayon ay nakipagpalitan na rin ako ng halik sa kaniya. Dila sa dila. Sabik na sabik na halik. Iyong tipong nagmamadali at madiin. Punong-puno ng emosyon at pagnanasa."Ohh... X-ander," ungol ko pangalan niya.Bumaba ang labi niya para halikan ako sa leeg. Binuhat niya ako at pinaupo sa desk. Lumiyad ako habang nakahawak sa kaniyang ulo. Bawat halik niya ay nag-iinit ako at nagdadala ng kakaibang kiliti at init sa aking pagk*babae.He groaned and cursed in between his kisses. "F-ck!"Pinagparte niya ang binti ko at nasa pagitan siya nito. Pinaikot ko ang dalawang binti ko sa kaniyang baywang. Naglilikot na rin ang kaniyang kamay. Ang isang kamay niya ay nakahawak na sa kabilang dibdib ko. Mas lalo iyon nakad
Venixe Chapter 29"BAKIT mo ako tinawagan, Sari? What do you need?" tanong agad ni Cloud pagkaupo sa harapan ni Sari. Nasa isang coffee shop sila.Umiinom ng kape si Sari nang dumating si Cloud. Binaba nito ang hawak na tasa at kalmadong sumandal sa upuan. Ngumiti ito nang tipid sa kaniya na ikinairita niya."Coffee?" alok pa sa kaniya ni Sari.Umiling siya. "No, thanks. Hindi naman ako magtatagal. Susunduin ko pa si Ven." Tila inip na inip niyang saad sa kaharap. Ayaw niya kasing makausap ito nang matagal. Kilala niya si Sari at hindi niya gusto ang ugali nito. Minsan na rin itong nagkagusto sa kaniya noon, mabuti na lang at hindi niya ito pinatulan.Inusod ni Sari ang envelope na nakapatong sa lamesa papunta sa kaniya. Nakakunot ang kaniyang noo na napatingin sa envelope at saka muling tumingin kay Sari. "What is this?" naguguluhan niyang tanong."Open it," utos nito sa kaniya. Binuksan niya ang envelope at halos mapiga ang puso niya sa sa
"VENIXE is part of an organization called Balzi," seryosong panimula ni Baxia sa pagbibigay ng impormasyon kay Xander.Nasa opisina sila sa bahay ni Xander kasalukuyan. Ang kalahati ng isip ni Xander ay na kay Venixe sa mga oras na iyon. Nag-aalala siya sa dalaga. Masaya siya dahil naging maayos na silang dalawa ngayon. Pinagdarasal lang niya talaga na hindi na magbago pa ang isip ni Venixe. And he is scared of that happening, that Venixe will leave him. Gagawin niya ang lahat, huwag lamang siyang iwan ni Venixe.Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kaniya kahit hindi nito sabihin sa kaniya. Natutuwa siya sa reaksyon ng katawan nito sa kaniya.Pina-imbestigahan niya si Venixe dahil sa sinabi ni Franco na nakipagkita sina Venixe sa mga armadong lalaki nang sinundan niya ito. Ayaw niyang mapahamak si Venixe kaya niya iyon ginawa.Halos mabingi si Xander sa narinig. "What kind of organization is that?""This is a very confidential organization. Hindi la
TWO YEARS LATERDAHAN-DAHAN na naglakad si Venixe habang papasok sa resort ni Angel. Huminga siya nang malalim at niyakap ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Malamig ang klima ng December lalo na at malapit sa dagat.Lumapad ang kaniyang pagkakangiti nang makita ang taong hinahanap.Si Xander.Hinayaan niya lamang ang sarili na pagmasdan muna ang lalaking minahal niya at mamahalin habang buhay. Dito niya pinuntahan dahil ang sabi ni Angel ay madalas ito nagpupunta sa kaniyang resort dahil umaasa ito na naroon siya. Umaasa raw ito na dito sila magkikita na dalawa dahil dito raw siya unang nakita ni Xander noon.Namasa ang kaniyang mata sa isipin na iyon na hinihintay siya ni Xander. Kinausap niya si Angel at Lucas upang hindi malaman ni Xander kung nasaan siya.Sa loob ng dalawang taon ay nagpunta siya ng Italy. Nag-aral siya doon
"Gusto kong makapagsimula ng bagong buhay, Xander. But I'm sorry... gusto ko iyon gawin na ako lang. Gusto kong hanapin ang sarili ko. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Kung tayo talaga ang nakatadhana, magkikita at magkikita pa rin ang landas natin, Xander." Hinalikan ni Venixe sa labi si Xander pagkatapos nitong magpaalam sa binata.Umiling si Xander."If you need space, I'll give it to you. Just don't leave me, Ven. I need you. I love you... I love you... Huwag naman ganito, Ven..." lumuhod na yumakap si Xander kay Venixe habang umiiyak ito.Hindi niya kayang tanggapin ang desiyon nitong umalis at magsimula ng panibagong buhay na hindi siya kasama. "I can wait... Just tell me kung hanggang kailan. Kaya kita hintayin basta huwag mo ako iiwan nang hindi ko alam kung babalikan mo ba talaga ako. Please, Ven. I'm begging you."Pinilit ni Venixe na tanggalin ang braso ni Xander na nakapalibot sa maliit niyang baywang. "X-ander, please. Pakawalan mo na a
"Take care of her." Bilin ni Cloud kay Xander habang nakatitig kay Venixe na nakahiga sa hospital bed.Matindi ang naging tama ng bala sa katawan ni Venixe kaya hindi agad ito nagising. Hindi na rin nailigtas ang kanilang baby ni Venixe. Sina Alpha at Balmond ay lumaban pa sa mga tauhan nina Xander kaya namatay na rin sila. Si Sari ay tumakas ngunit nahuli na rin at kasalukuyan na nakakulong.Pinag-usapan na nina Cloud at Xander na ilalayo na ni Xander si Venixe upang makapagbagong buhay sila, malayo sa magulong buhay. Ang dasal nila ay gumising na si Venixe, lalo na si Cloud upang makapagpaliwanag pa kay Venixe at makapagpaalam din bago ang kaniyang flight. Aalis na ng bansa si Cloud at doon maninirahan sa America."I will."Pagkaalis ni Cloud ay nilapitan ni Xander si Venixe at hinawakan ang kamay. Kinakausap niya ang dalaga kahit hindi siya nito naririnig.Kinabukasan ay tinawagan siya ng Nurse ni Venixe at pinaalam na nagising na si
GALIT NA GALIT si Balsier habang palakad-lakad sa kaniyang opisina. Kanina pa siya tinitingnan nina Alpha at Balmond. Kunot na kunot ang kaniyang noo at hindi mapakali. Tahimik lang na nakamasid ang dalawa sa kaniya."Magbabayad 'yang Karson na 'yan at ang anak niya!" galit nitong saad sa dalawa. Tumigil siya sa ginagawang pabalik-balik na lakad at umupo sa swivel chair.Namatay si Haya sa ginawang paglusob sa kanila ni Karson sa lumang gusali."Idagdag mo pa si Cloud," mariing wika ni Alpha saka sumimsim sa alak na hawak.Matalim na tinitigan ni Balsier si Alpha at napatiim bagang. Habang iniisip niya ang ginawang pagtatraydor sa kanila ni Cloud."Hanapin niyo si Venixe.Uunahan natin si Cloud. Hindi siya p'wedeng makuha nina Cloud at Karson! Siya ang gagamitin ko laban kina Cyb at Cloud," mariin nitong wika at nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit."Ako na ang bahala sa bagay na 'yan," wika ni Alpha."Alam kaya ni Venixe ang toto
VENIXESINADSAD ko ang upuan kung saan ako nakatali at lumapit sa may edge ng cabinet at doon kinaskas ko ang tali sa kamay ko.'Shit!'Matatagalan ako sa pagkaskas dito dahil hindi ito matalim. Inikot kong muli ang paningin sa kabuuan ng silid baka may mahanap pa ako na pwede kong gamitin para makalas ang tali.May salamin ang isang cabinet na malapit sa bintana. Kung sisipain ko iyon para mabasag, maglilikha naman iyon nang ingay at maririnig ako sa labas. Pero isa iyon sa naisip kong pwedeng pangtanggal ko sa tali. Ang maliit na salamin sa ilalim ng cabinet ang napansin ko. Hindi iyon kalakihan kaya kapag sinipa ko para mabasag, hindi iyon masyadong maglilikha nang malakas na ingay.Iyon nga lang, mahihirapan ako na makuha ang basag na salamin kapag nasa sahig na dahil nakatali ang paa ko sa upuan. Hindi ako makakakilos nang maayos para maabot an
VENIXEMABILIS ANG bawat kilos namin upang makatakas sa mga kalaban. Nasa basement kami at hindi kami basta-basta makakalabas dahil madami ang kalaban namin na nakaabang.'Kaninong tauhan kaya sila? Paano nga ba nila nalaman na nandito kami? Paano nila nalaman na nandito si Balsier? Mayro'n kayang traydor sa loob ng Balzi?'Hawak-hawak pa rin ako nang mahigpit ni Cloud sa kamay. Punong-puno nang takot ang dibdib ko hindi para sa sarili ko, kun'di para sa anak ko. Kung ako lang, kaya kong lumabas at makipagpatayan sa kanila. Wala akong pakialam kung mamatay ako pero hindi na ngayon.Huminga ako nang malalim at piping nagdarasal para sa kaligtasan namin ng anak ko at ni Cloud.Napayuko kami dahil biglang may nagpaputok. Nakita na nila kami. Nagtago kami sa gilid ng sasakyan. Patuloy lang namin naririnig ang maingay na sagutan ng putok ng baril.Pinayuko ako lalo ni Cloud para maprotektahan. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakakaunawang tina
VENIXEGULAT NA GULAT ako sa taong kaharap ko ngayon. Pinatawag ako ni Haya dahil may importante raw siyang sasabihin. Sinabihan niya akong huwag ipaalam kay Cloud na pinapunta niya ako rito kaya hindi ko kasama si Cloud. Pinasundo niya rin ako sa mga tauhan niya kanina.Doon pa lang ay kinutuban na ako kanina nang hindi maganda. At ito nga ang bumungad sa akin. Si Balsier!Finally... nagkita na rin kami pagkatapos ng labing limang taon. Ito ang araw na pinakahihintay ko."Balsier..." mahinang sambit ko sa pangalan ng taong kaharap ko ngayon. Naikuyom ko ang palad ko sa galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito habang kaharap ko siya.Gusto kong ikasa ang baril na dala ko at itutok sa kaniya. Gusto kong tadtarin ng bala ang katawan niya. Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili.Malaki siyang lalaki at kasing edad siguro ito ng daddy ko. Prente siyang nakaupo sa swivel chair at nakatingin sa akin. Gusto ko siyang sugurin ng suntok at t
VENIXE"BAKIT BIGLAAN yata ang pagpapakasal niyo, Ven?" tanong sa akin ni Angel habang pumipili ako ng damit na susuotin sa kasal namin ni Cloud.Tatlong araw lang ang nakalipas simula noong nakita ko si Xander at Sari sa unit niya. Si Cloud na ang nag-aayos ng iba pang kailangan sa kasal namin. Civil wedding lang 'yon at sa bahay lang namin gagawin."Habang maliit pa ang tiyan ko," sagot ko sa tanong niya habang abala pa rin ako sa pagpili ng dress. Pinipilit kong maging malakas at matapang para sa anak ko. Lahat ng plano ko ay hindi natupad.Una, ang pagpatay kay Balsier. Pangalawa, itong plano namin ni Xander na magsasama. Pangatlo, ang pagsurpresa ko sana kay Xander tungkol sa anak namin. Handa akong lumaban para sa relasyon namin, para sa kaniya. Pero wala pala akong dapat ipaglaban dahil umpisa pa lang ay wala palang totoo sa pinakita niya at sinabi. Isa siyang manloloko. And I hate
VENIXEISANG PUTING silid ang bumungad sa paningin ko pagkagising ko. Pinilit kong bumangon pero may dextrose na na nakakabit sa kamay ko. Si Dorris ay natutulog sa couch na nasa loob ng silid. Medyo mabigat pa ang ulo ko at makirot ang likuran ko. Pati ang katawan ko ay masakit. Nanghihina ang pakiramdam ko.Bumukas ang pinto at pumasok si Angel at Miguel, kasunod si Cloud na nanatili lang sa may pintuan pagkasara ng pinto. May benda ang kamay niya at puro pasa ang kaniyang mukha. Visible na visible ang ebidensiya ng pakikipaglaban namin sa dalawang lalaki na nagtangka sa buhay ko."Kumusta ka Ven? Mabuti naman at gising ka na." Umupo sa edge ng kama si Angel."Ayos lang. Ang baby ko, Cloud?" agad kong tanong nang maalala ang baby ko."Sshh... calm down. Maayos ang lagay ng baby mo," sagot ni Angel. Alam na niya na buntis ako.Napayuko ako dahil inilihim ko ito sa kanila. Nagising na rin si Dorris at lumapit sa akin. Hinawakan ni Angel ang