Kiara POV Nagising ako ng masakit ang katawan ko, hindi ko na tuloy alam kung ilang oras akong nakatulog. Sana naman ay umalis na ang lalaking 'yon kaysa maabutan pa siya nila kuya, tiyak na aasarin na naman ako no'n. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang bilis kung bumigay sa kanya, dapat talaga ay hindi na ako naglalapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit mabilis niyang napasunod ang katawan ko, nang una ay bigla akong natakot kanina dahil pumasok na naman sa isipan ko ang nangyari ng gabing 'yon, but Nigel reassure that he will erase that memory to me basta isipin ko lang siya at 'yon nga ang ginawa ko. Kainis! Ang sarap niyang sampalin, pero may kasalanan din naman ako. Hays! Paano naman kasi hindi ko matiis ang lalaking 'yon, hindi ko naman kasalanan kung masyadong yummy ang tatay ng anak ko. Ang harot ko talaga! Napasabunot na lang ako sa buhok ko ng maalala na naman ang karupukan ko. "Stop hurting youself and stop cursing me in your mind." mabilis akong napabalikwas ng marinig ko
Storm POV Nagtataka talaga ako sa kinikilos ng kapatid ko ngayon, dinaig pa ang may dalaw sa sobrang sunget. Ganyan ba epekto ng tumagal ng ilang taon sa rehab? Nang makaalis siya ay tiningnan ko naman ni Nigel na halos hindi matanggal ang tingin kay Kiara. "Anong ginawa mo do'n?" tanong ko sa kanya at ang gago ay ngumiti lang kaya binatukan ko nga. "Para namang hindi ka pa sanay sa kapatid mo na palaging mainit ang ulo sa akin. Diba nga galit sa akin? Masyado akong pinapahirapan." "Dapat lang 'yon sayo kasi gago ka, pasalamat ka pa nga at pumayag pa siyang makilala at makasama mo ang anak mo dahil kung ano tatanungin ay mas mabuti pang ilayo ko sila sayo." saad ko. "Gago ka ba? Alam ko naman na kasiyahan lang nilang mag ina ang nais mo kaya kahit galit ka din sakin ay hindi mo naman magagawa 'yon dahil gusto mo pa din mabuo ang pamilya namin." "What if hindi talaga kayo ang para sa isa't isa?" pang aasar ko sa kanya. "Ako lang ang nakatadhana sa kapatid mo at isa pa alam ko nam
Kiara POV Araw araw na lang talaga nasisira ang araw ko dahil palagi kung nakikita si Nigel dito sa bahay, hindi ko naman siya pwedeng pagbawalan dahil sa anak namin. At isa pa ang nakakadagdag ng inis ko ay ang kapatid ko na walang ginawa kung hindi ang asarin ako dahil sa nalaman niya ng isang araw. Kung pwede lang talaga na manakwil ng kapatid pero syempre hindi ko gagawin 'yon. At ngayon kanina pa ako nagdadabog dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta ng damuho na ito, mukhang pinagtulungan talaga nila ako ng kapatid ko, ang sabi kasi sa akin kanina ni Kuya ay kay Nigel na lang ako sumabay para puntahan sila pero ibang way naman ang binabaybay namin ngayon. "Ano ba Nigel, kanina pa kita tinatanong kung saan mo ako dadalhin pero hindi ka sumasagot. Pwede bang iuwi mo na ako sa bahay at baka hanapin ako ni kuya." saad ko. "Hindi ka hahanapin ni Storm dahil ipinaalam na kita sa kanya." saad niya. "Wow ha! Sa kanya nagpaalam ka pero sa akin hindi ka nagtanong kung gusto ko bang
Nigel POV Ang bilis lang ng araw at ngayon ay malapit ng mag gabi pero ayos lang dahil nakasama ko naman ang babaeng mahal ko kahit ngayon lang. Masaya pa rin ako kasi pumayag siya gusto ko kaya kahit papaano ay naranasan ko ulit kung ano kami dati. Alam kung walang kasiguraduhan na magkakaayos pa kami kahit na may anak kami pero kung ano man ang magiging desisyon ni Kiara sa huli ay tatanggapin ko. "Anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya, napansin ko kasi na tahimik lang siya. "Wala naman, iniisip ko lang ang mga nangyari kanina. Thank you Nig." sagot niya naman. "Are you happy?" tanong ko. "Oo naman, ang tagal na din ng huli natin nagawa ang mga bagay na 'yon at saka ilang taon din akong walang naging kalayaan kaya ngayon lang din ako ulit nakakalabas ng maayos." "Masaya akong nakikita kang masaya." anas ko. "Bakit ako lang? Hindi ka ba masaya para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao?" Ngumiti naman ako. "Hindi naman sa gano'n, syempre may dahilan naman kung bakit ako nand
Kiara POV Pagkatapos naming mag swimming ay niyaya ko si Nigel na maglakad lakad malapit sa dagat, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya simula ng makalabas ako sa rehab. Hindi naman siguro masama kung pillin ko muna ang maging masaya kahit ngayong araw lang. "Hindi ka ba nilalamig? Baka mamaya magkasakit ka niyan." saad niya. Umiling naman ako. "Ngayon lang naman ito eh, bukas uuwi na din naman tayo." sagot ko naman. Inilatag niya ang dala niya tela cloth na pwede namin maupuan. Malinaw namin naririnig ang bawat paghampas ng alon. Ang refreshing lang ng lugar na ito. "It's so peaceful here." bulalas ko. "Tama ka, ang ganda pakinggan ng alon, ang sarap langhapin ng hangin." "Buti pa sila 'no? Parang walang problema na dinadanas. They have their freedom." anas ko. "Hindi kasi sila tao katulad natin, we born this way. Kailangan natin harapin ang mga problema, kailangan natin makaranas ng saya at lungkot. Pero kahit naman hindi sila tao alam kung may buhay din sila,
Kiara POV Ilang araw na ang lumipas simula ng makauwi kami ni Nigel, patuloy pa din siya pumupunta dito para bisitahin ang anak namin pero napapansin ko na hindi niya na ako masyadong kinakausap o kaya kinukulit. Hindi ko alam kung sadyang gusto niya lang ba talaga ang magfocus kay Chase o talaga napagod na siya sa pagsuyo sa akin. Matapos ng mangyari sa amin ng gabing 'yon hanggang sa makauwi kami ay hindi na namin napag usapan. Nakakainis lang kasi pagkatapos no'n ay hindi niya na ulit ako kinausap, matapos niyang sabihin na mahal niya ako at hindi siya susuko pero sa iba naman ang kilos na pinapakita niya sa akin ngayon. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng bagay na ganito na dapat ay hindi naman. Kasi ako naman ang nagtutulak sa kanya palayo. Hindi kaya na realize niya ng hindi niya na talaga ako mahal at nakakaramdam lang siya ng guilt dahil sa nangyari sa akin at dahil nagalit sa kanya ang mga magulang niya? Pero sinabi ko naman sa kanya na wal
Storm POV Nakita ko na nasa pool area ang kapatid ko kaya pinuntahan ko siya, nakaraan ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya nitong mga nakaraang araw. Hindi lang ako nagkaroon ng time na makausap siya dahil naging busy ako sa project na inaayos ko dito. Nagpasya na din kasi kaming babalik sa Pinas pag natapos ko na ang mga gagawin ko dito. "Are you okay?" tanong ko sa kanya ng makalapit ak. "Yes kuya." "Are you sure? Hindi mo na kailangan pang magsinungaling sa akin." anas ko. Ngumuso naman siya. "Totoo naman kasi ang sinasabi ko kuya." Natawa naman ako. "Kunware hindi ko napapansin na naiinis ka kay Nigel." pang aasar ko sa kanya. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Bagay talaga kayo ni Bea, pareho kayong mali ang sinasabi." "You can't deny to me Kiara, so what's wrong?" tanong ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Nakakainis naman kasi talaga siya kuya, matapos niya akong yayain sa resort na 'yon nang makauwi kami ay hindi niya na ako kinakausap! Pasabi sabi pa siy
Kiara POV Halos manghina ako dahil saktong alas tres na ng makarating ako sa airport, akala ko ay makakaabot pa ako dahil may oras pa naman ako kanina bago umalis ng bahay pero mukhang nahuli na nga ako ng dating. Napasalampak na lang ako sa sahig kasabay ng pag agos ng luha sa aking mga mata. Hindi ko na inaalintana ang mga taong nakatingin sa akin dahil hindi naman nila ako kilala at hindi din naman sila ang ipinunta ko dito. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon kahit na kailan! Ang hilig hilig magdesisyon na mag isa, hindi man lang iniisip ang kung ano ang mararamdaman namin. "Kiara?" Napatingala ako ng marinig ko ang boses na 'yon. "N-nigel." sambit ko sa kanyang pangalan. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at saka itinayo ako. "Get up Ki, what are you doing here?" tanong niya sa akin. "Akala ko ay umalis ka na. Sabi ni kuya 3pm ang flight mo." anas ko. "Yes it should be 3pm kaso na delayed ang flight ko kaya kailangan kung maghintay ulit. And why are you here?" sagot niya
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand
Lovely POVNandito ako ngayon sa bahay nila Storm at nandito din pala ang fiance ni Kiara, alam ko na isang pagtataksil ang gagawin ko sa kaibigan ko pero gusto ko silang balaan sa kung anong pwedeng gawin sa kanila ni Kaye lalo na at hindi ko na siya kayang pigilan."Totoo ba 'yang sinasabi mo? So alam mo kung nasaan siya?" tanong ni Storm sa akin.Mabilis naman akong umiling. "Nakausap ko lang siya one time sa tawag pero 'yon na din ang huli, sinubukan ko siyang kausapin na sumuko na lang siya at humingi ng tawad sa inyo pero mukhang desidido talaga siyang hindi magpahuli." sagot ko sa kanya, ang gusto ko lang naman ay balaan sila pero hindi ko sasabihin na alam ko kung nasaan ang kaibigan ko."Nabanggit niya ba sayo ang susunod niyang gagawin?" tanong naman ng fiance ni Kiara na si Nigel.Umiling naman ako. "Sa totoo lang ay wala akong alam sa kung ano ang iniisip niya, kaya ako nagpunta dito para mabalaan lang kayo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil kahit na akon
Storm POV Kanina pa ako nagpipigil ng galit ko dahil sa nalaman ko, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na ito sa kapatid ko. Hindi ko siya mapapatawad! Sisiguraduhin kung pagbabayaran niya lahat ng ginawa niyang kasalanan sa buhay namin. At dahil sa gigil ko ay hindi ko napigilan ang hindi suntukin ang isa sa lalaking gumawa ng katarantaduhan sa kapatid ko, mabilis naman akong inilayo sa kanya ng mga pulis. "Siguraduhin kung mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Huwag kayong mag alala Mr. Alcantara dahil hindi sila makakaalis dito at gagawin namin ang lahat para mapabilis ang paghuli sa nag utos sa kanila." Nag usap pa kami tungkol sa kaso hanggang sa nagpaalam na akong aalis, kung sa tingin niya ay makakapagtago siya ng matagal ay nagkakakamali siya. Handa akong magbayad kahit na magkano para maipakulong lang siya. "What happened baby?" tanong sa akin ni Bea ng makapasok ako sa sasakyan, hindi ko na kasi siya isinama pa sa loob. "Si Kaye ang nagbayad para ga
Nigel POV It's been a month simula ng makalabas ako ng hospital at naayos ko ang pamilya na meron ako. Sinabi ko na din kay Storm na balak ko ulit mag propose kay Kiara at mabuti na lang pumayag siya. Akala ko kasi ng una ay hindi niya na ipagkakatiwala sa akin ang kapatid niya. Bumili na din ako ng bahay para sa amin pero hindi ko pa ito nasabi kay Kiara dahil plano ko na lilipat kami pag kasal na kami, ayaw ko na kasi na mangyari na naman ang kung anong nangyari noon. Nangako na ako na kahit ano pang hindi pagkakaunawaan namin ay kailangan pag usapan muna, we need to trust each other. "Anong nangyayari sayo? Bakit namumutla ka?" natatawang untag sa akin ni Storm, siya kasi ngayon ang kasama ko. "Kinakabahan kasi ako, paano kung hindi pumunta ang kapatid mo?" saad ko. "Kung hindi siya pupunta edi walang proposal na mangyayari, gano'n lang 'yon ka simple." "Tangina mo talaga, hindi ka matinong kausap. Napapaisip na talaga ako na mas sasaya ka kapag hindi natuloy itong pinaghandaa