Kiara POV Pagkatapos naming mag swimming ay niyaya ko si Nigel na maglakad lakad malapit sa dagat, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya simula ng makalabas ako sa rehab. Hindi naman siguro masama kung pillin ko muna ang maging masaya kahit ngayong araw lang. "Hindi ka ba nilalamig? Baka mamaya magkasakit ka niyan." saad niya. Umiling naman ako. "Ngayon lang naman ito eh, bukas uuwi na din naman tayo." sagot ko naman. Inilatag niya ang dala niya tela cloth na pwede namin maupuan. Malinaw namin naririnig ang bawat paghampas ng alon. Ang refreshing lang ng lugar na ito. "It's so peaceful here." bulalas ko. "Tama ka, ang ganda pakinggan ng alon, ang sarap langhapin ng hangin." "Buti pa sila 'no? Parang walang problema na dinadanas. They have their freedom." anas ko. "Hindi kasi sila tao katulad natin, we born this way. Kailangan natin harapin ang mga problema, kailangan natin makaranas ng saya at lungkot. Pero kahit naman hindi sila tao alam kung may buhay din sila,
Kiara POV Ilang araw na ang lumipas simula ng makauwi kami ni Nigel, patuloy pa din siya pumupunta dito para bisitahin ang anak namin pero napapansin ko na hindi niya na ako masyadong kinakausap o kaya kinukulit. Hindi ko alam kung sadyang gusto niya lang ba talaga ang magfocus kay Chase o talaga napagod na siya sa pagsuyo sa akin. Matapos ng mangyari sa amin ng gabing 'yon hanggang sa makauwi kami ay hindi na namin napag usapan. Nakakainis lang kasi pagkatapos no'n ay hindi niya na ulit ako kinausap, matapos niyang sabihin na mahal niya ako at hindi siya susuko pero sa iba naman ang kilos na pinapakita niya sa akin ngayon. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng bagay na ganito na dapat ay hindi naman. Kasi ako naman ang nagtutulak sa kanya palayo. Hindi kaya na realize niya ng hindi niya na talaga ako mahal at nakakaramdam lang siya ng guilt dahil sa nangyari sa akin at dahil nagalit sa kanya ang mga magulang niya? Pero sinabi ko naman sa kanya na wal
Storm POV Nakita ko na nasa pool area ang kapatid ko kaya pinuntahan ko siya, nakaraan ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya nitong mga nakaraang araw. Hindi lang ako nagkaroon ng time na makausap siya dahil naging busy ako sa project na inaayos ko dito. Nagpasya na din kasi kaming babalik sa Pinas pag natapos ko na ang mga gagawin ko dito. "Are you okay?" tanong ko sa kanya ng makalapit ak. "Yes kuya." "Are you sure? Hindi mo na kailangan pang magsinungaling sa akin." anas ko. Ngumuso naman siya. "Totoo naman kasi ang sinasabi ko kuya." Natawa naman ako. "Kunware hindi ko napapansin na naiinis ka kay Nigel." pang aasar ko sa kanya. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Bagay talaga kayo ni Bea, pareho kayong mali ang sinasabi." "You can't deny to me Kiara, so what's wrong?" tanong ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Nakakainis naman kasi talaga siya kuya, matapos niya akong yayain sa resort na 'yon nang makauwi kami ay hindi niya na ako kinakausap! Pasabi sabi pa siy
Kiara POV Halos manghina ako dahil saktong alas tres na ng makarating ako sa airport, akala ko ay makakaabot pa ako dahil may oras pa naman ako kanina bago umalis ng bahay pero mukhang nahuli na nga ako ng dating. Napasalampak na lang ako sa sahig kasabay ng pag agos ng luha sa aking mga mata. Hindi ko na inaalintana ang mga taong nakatingin sa akin dahil hindi naman nila ako kilala at hindi din naman sila ang ipinunta ko dito. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon kahit na kailan! Ang hilig hilig magdesisyon na mag isa, hindi man lang iniisip ang kung ano ang mararamdaman namin. "Kiara?" Napatingala ako ng marinig ko ang boses na 'yon. "N-nigel." sambit ko sa kanyang pangalan. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at saka itinayo ako. "Get up Ki, what are you doing here?" tanong niya sa akin. "Akala ko ay umalis ka na. Sabi ni kuya 3pm ang flight mo." anas ko. "Yes it should be 3pm kaso na delayed ang flight ko kaya kailangan kung maghintay ulit. And why are you here?" sagot niya
Kiara POV Isang linggo na ang lumipas ng makaalis si Nigel at kagaya ng sinabi niya sa akin sa airport ay madalas siyang tumatawag, minsan nga ay late na dahil sa sunod sunod na meeting niya at naiintindihan ko naman 'yon. Sinasabi ko nga sa kanya na kapag pagod siya ay magpahinga na lang siya at ayos lang naman kung hindi agad siya makatawag pero mukhang walang epekto sa kanya ang sinasabi ko. Sa loob ng mga araw na hindi ko siya nakikita ay ginagawa ko ang sinabi niya, kailangan kung tulungan ang sarili k na makalimutan ang masalimuot na nakaraan ko. Hindi madali pero kailangan kung gawin para mabuo na ulit ako ng tuluyan. Muling pinabuksan ni Kuya ang kaso tungkol sa nangyari sa akin noon at kakausapin niya ang mga pulis kapag nakauwi na kami, 'yon din kasi ang gusto ni Nigel ang magbayad ang taong may gagawan ng lahat ng ito sa akin. Hindi sila naniniwala na nagkataon lang ang lahat ng ito, nasa isip nila na pwedeng may nag utos sa mga 'yon para gawin sa akin ang bagay na 'yon.
Storm POV Katatapos lang ng meeting at masaya ako dahil sa wakas ay natapos na ang project ko dit at tuluyan na kaming makakauwi sa Pinas. I'm so tired at the same masaya dahil naging worth it ang pinaghirapan ko at nag expand pa lalo ang kompanya namin dito. At ngayon ay nasa sasakyan na ako pauwi sa bahay, himbis na sa susunod na linggo pa kami sana uuwi ay baka mapaaga dahil sa nangyari. Nakatanggap ako ng tawag kanina kanila Tito Dark at sinabi sa akin ang nangyari, hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kay Kiara ang masamang balita na ito. Nang makarating ako sa bahay ay agad kung hinanap ang kapatid ko at sinabi sa akin ng katulong na nasa pool area daw ito kasama si Chase. Kaya mabilis akong nagpunta do'n at nakita ko silang dalawa na naglalaro. "Kiara." pagtawag ko sa kapatid ko. "Kuya, ang aga mo naman yata umuwi." saad niya. "Hi Papa, let's swim po," singit naman ni Chase. "Yo buddy, later, I need to talk to your mom first." anas ko naman at senen
Kiara POV Pagkadating namin dito sa Pinas ay nagyaya agad ako kay Kuya na pumunta ng hospital, no'ng una ay hindi pa siya pumayag kasi gusto niya muna na magpahinga kami pero hindi ko siya tinigilan dahil gusto ko ng makita si Nigel. "Will you calm down Kiara? Baka mamaya himbis na si Nigel lang ang nasa hospital pati ikaw din." suway niya sa akin, kanina pa kasi ako aligaga. "K-kinakabahan kasi ako kuya." anas ko. "Paano ka hindi kakabahan puro negatibo ang nasa isip mo." "Mommy, why is Daddy in the hospital? Is he okay?" napunta ang atensyon ko sa biglang pagsasalita ni Chase. "He will be okay baby, gigising din ang Daddy mo kasi nandito na tayo." sagot niya naman sa akanyang anak. "Papa, sabi mo po makikita ko ulit sina granny at grandpa?" tanong naman nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Yes you will, pero behave ka lang ha." saad ko. "Opo, hindi ako maglilikot Papa." sagot niya naman sa akin. Nang makarating na kami sa hospital ay mabilis kaming pumasok sa loob, a
Nigel POV It's been a month simula ng makalabas ako ng hospital at naayos ko ang pamilya na meron ako. Sinabi ko na din kay Storm na balak ko ulit mag propose kay Kiara at mabuti na lang pumayag siya. Akala ko kasi ng una ay hindi niya na ipagkakatiwala sa akin ang kapatid niya. Bumili na din ako ng bahay para sa amin pero hindi ko pa ito nasabi kay Kiara dahil plano ko na lilipat kami pag kasal na kami, ayaw ko na kasi na mangyari na naman ang kung anong nangyari noon. Nangako na ako na kahit ano pang hindi pagkakaunawaan namin ay kailangan pag usapan muna, we need to trust each other. "Anong nangyayari sayo? Bakit namumutla ka?" natatawang untag sa akin ni Storm, siya kasi ngayon ang kasama ko. "Kinakabahan kasi ako, paano kung hindi pumunta ang kapatid mo?" saad ko. "Kung hindi siya pupunta edi walang proposal na mangyayari, gano'n lang 'yon ka simple." "Tangina mo talaga, hindi ka matinong kausap. Napapaisip na talaga ako na mas sasaya ka kapag hindi natuloy itong pinaghandaa