Storm POV Kakarating ko lang sa bahay at tinanong ko agad ang mga katulong kung nasaan ang kapatid ko at ang sabi nila ay hindi na ito bumaba pagkatapos kumain kanina. Hindi naman nila ito inistorbo dahil baka natutulog kaya nagpasalamat na lang ako at umakyat na sa taas. Himbis na dumiretso ako sa kwarto ko ay naisipan ko munang silipin si Kiara kung gising ito, nang makapasok ako sa kanyang kwarto ay hindi ko siya nakita. Ilang beses ko pang tinawag ang kanyang pangalan pero hindito ito sumasagot. Napadpad ang tingin ko sa kanyang banyo, hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Dahan dahan akong naglakad palapit dito pero nakalock ito. "Kiara nandyan ka ba? Open this door." saad ko pero wala pa din akong naririnig na sagot mula sa kanya kaya sigurado akong nasa loob siya. "Kiara I said open this or else I will break it!" pagbabanta ko pero hindi pa din ito nagbubukas kaya wala na akong ibang choice kung hindi ang sirain ito. Nang mabuksan ko ay nakita ko siyang nakasalamp
Kiara POV Limang minuto na ang lumipas simula ng umalis si Kuya dito sa kwarto ko pero hindi ko man lang magawag ipikit ang aking mga mata, kitang kita ko ang labis na disappointment at sakit sa mata ng kapatid ko at alam ko na ako ang dahila no'n. Himbis na matulog ako ay bumangon ako sa kama at nagpasya na puntahan siya sa kanyang kwarto, hindi ako mapakali hangga't hindi ko siya nakikita na maayos. As I enter his room I saw him crying as his hands are bleeding. Tumakbo ako palapit sa kanya and niyakap siya ng mahigpit just to stop him from punching the wall again. "K-kuya." ramdam ko ang biglang pagtigil niya. "Why are here? I told you to rest." mahinang saad niya. "I'm so s-sorry kuya, sorry for disappointing you. O-okay lang kung magalit ka sa akin, maiintindihan ko 'yon." umiiyak na wika ko. Unti unti siyang napaupo sa sahig habang malinaw kung nakikita ang luha sa kanyang mga mata. It hurts so much to see my brother crying because of me. "I am not disappointed nor mad at y
Storm POV Nandito na kami ng kapatid ko sa airport ngayon dahil gusto niyang umalis pansamantala and I respect her decision dahil alam kung hindi madali sa kanya ang pinagdadaanan niya ngayon at kagaya ng ipinangako sa kanya ay mananatili ako sa tabi niya. Tungkol naman sa kompanya ay nakiusap muna ako kay Tito Cain kung pwede siya na muna ang pangalaga dito habang hindi pa ako nakakabalik, hindi ko sinabi sa kanya ang totoong dahilan, ang sinabi ko lang ay may business akong aasikasuhin sa ibang bansa. "Mag iingat kayong dalawa ha, Storm alagaan mo ng mabuti si Kiara at huwag mong pababayaan." saad ni Beatrice sa akin. Ilang beses ko siyang kinausap na sumama na lang sa amin pero ayaw niya. Bibisita na lang daw siya, gusto niyang manatili sa trabaho para wala daw makahalata kapag bigla kaming nawala lahat. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. "Take care always. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Palagi kitang tatawagan. Be sure na pupuntahan mo kami kapag bakante ang o
Storm POV Ilang buwan na ang lumipas simula ng pumunta kami sa ibang bansa ng kapatid ko, akala ko ay magiging maayos ang kanyang lagay pero mukhang nagkamali ako. Simula ng dumating kami dito ay palagi na lang nakatulala si Kiara na wari'y malalim ang kanyang iniisip, naging tahimik na din ito at hindi na masyadong nagsasalita. Tungkol naman sa kanyang pagbubuntis ay maayos naman ang lagay nito sabi ng kanyang OB pero kailangan ko pa din bantayan ang kapatid ko dahil hindi maganda ang disposisyon niya at baka kung ano ang maisipan nito gawin. Ilang beses na din siyang magtangka na saktan ang kanyang sarili kaya mas lalo ko siyang hindi pwede iwan. Madalas din kaming nag uusap ni Tita Cain dahil binabalita niya sa akin ang nangyayari sa kompanya, gusto ko man sabihin sa kanya ang totoong dahilan ko pero hindi ko magawa. Alam kung pamilya na din namin sila pero ayaw kung maging unfair kapag sinabi ko sa kanya ang totoo at hindi sa kanila tita Calliyah, mas mabuti ng kami na lang muna
Beatrice POV Kitang kita ko sa mukha ni Storm ang labis na saya para sa kanyang kapatid. Nandito na kami ngayon kung sa isang private room kung saan dinala si Kiara, hanggang ngayon ay tulog pa ito marahil napagod sa panganganak at naiintindihan naman namin 'yon. Hindi madaling magluwas ng bata sa sinapupunan kaya hanga ako sa mga nanay dahil alam kung kinaya nila 'yon. Nakatingin lang ako kay Storm habang tahimik na nakaupo sa katabi ng nakahigang si Kiara. I will always admire him for being the best brother. Alam kung sobrang proud ang mga magulang nila sa kanilang dalawa. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang doctor kasama nito ang nurse na karga karga ang anak ni Kiara, bmabilis naman na tumayo si Storm para kunin ang bata. He's adorable! "May pangalan na po ba kayo sa bata?" tanong ng doctor. "Chase Cole Alcantara." nakangiting sagot ni Storm, napag usapan na kasi nila ng kapatid niya ang ipapangalan sa baby kapag lumabas ito. "Ang ganda ng pangalan Sir," nakangiti
Kiara POVNagising ako at nakita kung nakaupo sa tabi ko si kuya, napangiti naman ako ng makita ko siyang tuwang tuwa sa kanyang pamangkin. Masaya ako kasi nakaya kung iluwal ang anak ko at the same time malungkot din kasi hindi namin kasama ang kanyang ama at natatakot din ako kasi baka hindi ko siya maalagaan ng maayos dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga ako okay."Kiara, gising ka na pala." nakangiting saad ni Kuya ng mapatingin siya sa gawi ko."Nasaan si ate Bea?" tanong ko."Lumabas lang siya saglit para bumili ng pagkain, babalik din 'yon agad. Kamusta na ang pakiramdam mo?""Okay naman na ako kuya, maliban na lang sa masakit ang tahi ko." sagot ko sa kanya."Look at your baby, he's so handsome. Ako na pala ang nagsabi sa doctor ng pangalan niya dahil tulog ka pa kanina.""Okay lang kuya." inabot niya naman sa akin ang baby, tama nga siya ang gwapo niya at ang puti. Kamukhang kamukha niya ang ama niya. Siguro kung hindi kami naghiwalay ay sigurado akong kasama nami
Storm POV Kaharap ko ngayon ang doctor, ilang araw simula ng makapanganak si Kiara ko ay may napapansin akong kakaiba sa kanya. Kaya hindi na ako nagdalawang isip para ipacheck up siya, unang pinaliwanag sa akin ay nagkakaroon ng pospartum ang kapatid ko na natural sa isang bagong panganak pero habang lumilipas pa ang araw ay pakiramdam ko hindi lang 'yon ang problema sa kanya dahil habang tumatagal ay napapansin ko na madalas itong nananaginip lalo na tuwing gabi, minsan pa ay nagsisigaw ito. "Doc. ano ba talaga ang nangyayari sa kapatid ko? Bakit siya nagkakaganyan?" tanong ko sa kanya. "Base sa resulta ng ginawa kung test sa kanya, mukhang hindi lang simpleng pospartum ang nangyayari sa kapatid mo Storm." "Anong ibig mo sabihin doc.? may iba pa bang dahilan?" tanong ko. "Your sister is not only suffering from pospartum but also in psychosis, it's a rare condition. Some symptoms are feeling confused and lost, hallucinating and having delusions, feeling paranoid, having too much
Storm POV Patuloy pa rin ang paggagamot sa kapatid ko, so far wala naman nakikitang problema ang doctor niya pero hindi pa din kami pwedeng makampante. Nandito ako ngayon sa sala at nilalaro ang pamangkin ko, may nanny din siya dahil kumuha ako para may mag alaga pa din sa kanya. Malakas ang ulan ngayon, pero wala naman bagyo. "Sir, papatulugin ko na po si baby." saad sa akin ng nanny niya kaya binigay ko sa kanya si Chase. Dumiretso na ako sa kusina para tanungin ang isa naming katulong kung kumain na si Kiara dahil hindi ko ito nakitang lumabas ng kwarto kanina. "Nay kumain na ba ang kapatid ko?" yanong ko. "Kanina po Sir kumain siya pero ngayong gabi hindi pa. Dadalhan ko na lang po ba siya ng pagkain?" Umiling naman ako. "Ako na ang tatawag sa kanya para sabay na kaming kumain." saad ko. Tumango naman siya kaya naglakad na ako papunta sa taas para tawagin si Kiara. Hindi pa din naman ako kumakain kaya mas mabuting sabay na kami para ganahan din siyang kumain. Nang nasa ta
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand
Lovely POVNandito ako ngayon sa bahay nila Storm at nandito din pala ang fiance ni Kiara, alam ko na isang pagtataksil ang gagawin ko sa kaibigan ko pero gusto ko silang balaan sa kung anong pwedeng gawin sa kanila ni Kaye lalo na at hindi ko na siya kayang pigilan."Totoo ba 'yang sinasabi mo? So alam mo kung nasaan siya?" tanong ni Storm sa akin.Mabilis naman akong umiling. "Nakausap ko lang siya one time sa tawag pero 'yon na din ang huli, sinubukan ko siyang kausapin na sumuko na lang siya at humingi ng tawad sa inyo pero mukhang desidido talaga siyang hindi magpahuli." sagot ko sa kanya, ang gusto ko lang naman ay balaan sila pero hindi ko sasabihin na alam ko kung nasaan ang kaibigan ko."Nabanggit niya ba sayo ang susunod niyang gagawin?" tanong naman ng fiance ni Kiara na si Nigel.Umiling naman ako. "Sa totoo lang ay wala akong alam sa kung ano ang iniisip niya, kaya ako nagpunta dito para mabalaan lang kayo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil kahit na akon
Storm POV Kanina pa ako nagpipigil ng galit ko dahil sa nalaman ko, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na ito sa kapatid ko. Hindi ko siya mapapatawad! Sisiguraduhin kung pagbabayaran niya lahat ng ginawa niyang kasalanan sa buhay namin. At dahil sa gigil ko ay hindi ko napigilan ang hindi suntukin ang isa sa lalaking gumawa ng katarantaduhan sa kapatid ko, mabilis naman akong inilayo sa kanya ng mga pulis. "Siguraduhin kung mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Huwag kayong mag alala Mr. Alcantara dahil hindi sila makakaalis dito at gagawin namin ang lahat para mapabilis ang paghuli sa nag utos sa kanila." Nag usap pa kami tungkol sa kaso hanggang sa nagpaalam na akong aalis, kung sa tingin niya ay makakapagtago siya ng matagal ay nagkakakamali siya. Handa akong magbayad kahit na magkano para maipakulong lang siya. "What happened baby?" tanong sa akin ni Bea ng makapasok ako sa sasakyan, hindi ko na kasi siya isinama pa sa loob. "Si Kaye ang nagbayad para ga
Nigel POV It's been a month simula ng makalabas ako ng hospital at naayos ko ang pamilya na meron ako. Sinabi ko na din kay Storm na balak ko ulit mag propose kay Kiara at mabuti na lang pumayag siya. Akala ko kasi ng una ay hindi niya na ipagkakatiwala sa akin ang kapatid niya. Bumili na din ako ng bahay para sa amin pero hindi ko pa ito nasabi kay Kiara dahil plano ko na lilipat kami pag kasal na kami, ayaw ko na kasi na mangyari na naman ang kung anong nangyari noon. Nangako na ako na kahit ano pang hindi pagkakaunawaan namin ay kailangan pag usapan muna, we need to trust each other. "Anong nangyayari sayo? Bakit namumutla ka?" natatawang untag sa akin ni Storm, siya kasi ngayon ang kasama ko. "Kinakabahan kasi ako, paano kung hindi pumunta ang kapatid mo?" saad ko. "Kung hindi siya pupunta edi walang proposal na mangyayari, gano'n lang 'yon ka simple." "Tangina mo talaga, hindi ka matinong kausap. Napapaisip na talaga ako na mas sasaya ka kapag hindi natuloy itong pinaghandaa