Kasalukuyan akong naka-upo sa swivel chair sa opisina ko at nagtatrabaho nang makarinig ng katok mula sa nakasarang pinto.
“Come in,” saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga papel na nasa harapan ko. “Miss, I’m sorry to interrupt you,” nag-angat ako ng tingin kay Lyn, ang sekretarya ko at isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao sa opisina nang sabihin niya iyon. “It’s okay, Lyn. Do you need anything?” Nagbuntong hininga naman siya na ikinakunot ng noo ko. “I really can’t find someone na sasama sa ‘yo next week, Miss. Kailangan ko po talagang umuwi sa probinsiya namin kasi may sakit ang Nanay ko,” ako naman ang napabuntong hininga sa sinabi niya. I suddenly remember that we have to go to Pangasinan next week to attend a business conference. Dad was actually the one that they invited but he asked me to take over and represent Williams Group of Companies. “Lyn, I know that company leave is your right but I really need you there. Alam mo naman na hindi ko kayang mag-isa hindi ba?” marahan siyang tumango sa sinabi ko. “Kaya nga po, Miss. Susubukan ko pa rin pong maghanap ng papalit sa akin pansamantala, may dalawang araw pa naman.” Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. “Thank you, Lyn. Kung sakaling wala kang mahanap, siguro ay kahit na ako na lang,” saad ko. I really want her to be there with me. Maganda at mabilis kasi siyang magtrabaho kaya natutuwa ako sa kanya. Pero alam ko naman na hindi ko pwedeng ipagkait sa kanya ang leave na hinihingi niya lalo pa at kailangan niya iyon, isa pa ay sobrang dalang kung mag-leave siya, ni hindi nga rin nag-a-absent sa trabaho. “I’m really sorry, Miss,” malungkot niyang saad, ngumiti naman ako at agad na umiling. “No, it’s really okay, Lyn. If you need anything just tell me, okay? Don’t worry, approve na ‘yang leave mo. You deserve it for working hard.” Ngumiti siya sa akin at tumango. “Thank you, Miss,” saad niya. Lyn is actually one of the few people that I’m close with. Palagay ang loob ko sa kanya. Hindi naman sa hindi ako marunong makisama sa ibang tao pero hindi ko kasi ugali na ako ang unang kakausap sa kanila. And I have to admit that most of our employees here are kind of intimidated towards me and I don’t know why. May mga naririnig akong balita na mataray raw ako, suplada at kung ano-ano pa pero hinahayaan ko na lang. None of those rumors are true. I’m just really workaholic and I want everything about work to be perfectly done. “What time are you going to have your lunch, Lyn? Baka gusto mo akong samahan na kumain sa labas,” saad ko, iniiba na ang usapan. “I’ll have my lunch in thirty minutes, Miss. Should I call your favorite steak house for reservation?” napangiti ako sa tanong niya at marahang tumango. See? This is how she works. Hindi niya kailangang utusan, nagkukusang-loob siya lagi. Actually she’s more than just an employee, she’s more like a close friend because she knows almost everything about me. “Thank you, Lyn,” sagot ko sa kanya. “By the way, Miss, have you met the new company lawyer?” tanong niya, saglit akong tumigil sa ginagawa bago tumingin sa kanya at umiling. “Hindi pa e,” sagot ko. “I think I heard from Dad that he’s more than just a company lawyer, he also holds a share in the company,” nagkibit ako ng balikat nang sabihin iyon, “Dad was the one who hired him and I trust his acumen when it comes to work,” dagdag ko pa. “Naku, Miss, ang hot. Pinagpapantasyahan na nga siya ng babae at binabaeng nagtatrabaho rito, nasa HR Office kasi siya kanina,” tumango-tango ako sa sinabi niya. “Bakit hindi siya pumunta rito sa opisina ko kung gano’n? He has to meet the President,” ngumisi si Lyn sa sinabi ko. “Baka naman interesado ka lang malaman, Miss, kung pogi talaga,” marahan akong natawa sa sinabi niya. “Shut up, Lyn, lumayas ka na nga, wala akong natatapos na trabaho kapag nandito ka, lagi mo ‘kong chini-tsismis-an,” humalakhak siya sa sinabi ko at marahang tumango. “Okay, Miss, I’ll just see you in the lobby in thirty minutes.” Tumango ako at hindi na sumagot. Tumayo na siya mula sa kina-u-upuan niya kanina, ako naman ay ibinalik na ang tingin ko sa trabahong ginagawa. Hindi pa nakakalabas si Lyn nang may kumatok ulit mula sa nakasarang pinto. Napalingon ako kay Lyn at napansin kong nakatingin siya sa akin, tapos ay ngumisi siya. “Baka siya na ‘yan, Miss, dito muna ako, ah? Nakita ko na siya kanina pero gusto ko siyang makita ng malapitan,” marahan akong natawa sa sinabi niya at napa-iling na lang. “Come in!” saad ko. Nagbukas naman ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. He stands around six feet tall if I am not mistaken, and even he’s on a three piece suit, his broad shoulders are still visible. Hindi rin nakawala sa akin ang mapupungay at tila nangungusap niyang mga mata, ang matangos na ilong at mapupulang labi. Hindi na ako magtataka kung bakit nasabi ni Lyn ang mga sinabi niya kanina. Gwapo nga. Wait, what the actual fvck? Why am I complimenting this total stranger? I cleared my throat and raised one brow. “You must be…” paninimula ko, ngumiti naman siya sa akin at agad na naglahad ng kamay. Damn, those perfectly white teeth and killer smile are also something that would make your heart beat fast. “Primo, Miss Aliyah Williams, Primo Hernani. I am the company’s new lawyer. It’s nice to finally meet you, Miss Williams,” nakangiting saad niya, marahan naman akong tumango at agad na inabot ang kamay ko. “It’s nice to meet you, too, Atty. Hernani,” sagot ko. At hindi ko maintindihan kung bakit medyo nanginig ang boses ko nang sabihin iyon, napalingon ako kay Lyn at napansin kong tulala pa rin siyang nakatingin kay Primo. “You can call me Primo, Miss Williams,” marahan pa niyang kinagat ang ibabang labi nang sabihin iyon, napansin ko na mas pumula pa ang labi niya dahil sa ginawa. “Alright, you can just call me Aliyah,” tumango naman siya sa sinabi ko, “Your visit here is so sudden, do you need anything?” dagdag na tanong ko pa, agad naman siyang umiling. “No, not really. I was with your Dad just awhile back. He introduced me to the whole team. Sasamahan dapat niya ako rito pero may lakad pa raw siya kaya iniwan na niya ako,” tumango naman ako sa sinabi niya. “Oh, okay.” Napalingon ulit ako kay Lyn. “By the way, this is Lyn Conde, my friend and my secretary. Kung may kailangan kang i-abot o sabihin sa akin at wala ako, siya ang hanapin mo.” Saka lang bumalik sa reyalidad si Lyn nang ipakilala ko siya, marahan pa siyangt natawa at agad na naglahad ng kamay kay Primo. “Ay, nice to meet you po, Atty. Primo.” Tumango si Primo at inabot ang nakalahad na kamay ni Lyn. “Nice to meet you, Lyn,” saad niya, tapos ay bumaling ulit sa akin. “Tama nga si Tito Alejandro, maganda ka,” bigla akong namula sa sinabi niya, si Lyn naman ay humagikgik. Tito Alejandro, huh? Bakit hindi ko alam na close pala sila ni Papa? Kung sabagay, ganitong mga tao ang gusto ni Papa. Iyong mga bata pa pero marami nang napatunayan sa buhay. He actually tried to set me up on a blind date a couple of times already. Hindi lang ako, maging ang kakambal ko na si Alison. Yes, I have to admit that I tried to be in a relationship with some of the bachelors that he wants me to date but it just didn’t work out. Kaya hindi na ako magtataka kung nanaisin ni Papa na i-date ko rin ang isang ito, hindi naman na pwede si Alison dahil may asawa na siya. “I’ll take that as a compliment, Primo,” saad ko, ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya gusto ko nang tapusin ang usapan. “Oo nga pala, I’ll be with you guys next week. Tito Alejandro told me that my presence is needed there,” napapalakpak naman si Lyn sa narinig. “Attorney, you are a blessing sent from heaven!” pasigaw na saad ni Lyn dahil sa excitement. “Ay sorry po, ganito po kasi ‘yan, kasama dapat ako next week pero kailangan kong umuwi sa probinsiya namin sa Tarlac dahil may sakit ang Nanay ko, kaya hindi na po ako makakasama sa inyong dalawa,” ngumisi si Primo sa narinig at hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. “Well then, I think it’s going to be the perfect time for us to know each other more, what do you think?” marahan ulit na natawa si Lyn sa narinig. “Wow, ang bilis niyo naman po, Attorney,” saad pa niya. “I still have a lot of things to do. Kung wala na kayong kailangan bukas ang pinto,” saad ko. I may sound too bitchy with what I just said but I don’t care. He sounds like a total playboy and I have to build walls around me. I know for sure that he’s just another heartbreak. Hindi ako pwedeng magpadala sa napaka-gwapo niyang ngiti. “Alright, I have to get going now. I’ll see you when I see you, Aliyah,” ngumiti ulit sa akin si Primo bago naglakad palabas ng opisina ko. “Ay, Miss, type ka nun! Sana all na lang muna,” napangiwi ako sa sinabi ni Lyn. “He sounds like a total playboy, Lyn,” sagot ko naman. “Heto lang sa akin, Miss, ah? Nagkalat na ang mga manloloko ngayon. Ultimo panget nga nagloloko, kaya kung papaloko ka lang din naman, sa gwapo at mayaman na!” marahan akong natawa sa sinabi niya. “Puro ka kalokohan, tumawag ka na nga ng available na shutle, mag-lunch na tayo,” saad ko kaya ngumisi ulit siya. I actually don’t have my own car, this may sound funny but I don’t know how to drive. May isang driver kami sa bahay pero naihahatid lang niya ako papunta rito, minsan nga ay hindi pa, madalas kasi si Papa ang sinasamahan nun dahil mas maraming ginagawa at pinupuntahan si Papa. And it’s totally fine, I can always take advantage of the company shuttles. That’s what I’ve been doing for years now. “Teka, akala ko ba marami ka pang gagawin?” napangiwi ako sa sinabi niya. “That was just an excuse so I can ask him to go, Lyn, I don’t want to associate myself too much to him.” Nagkibit pa ako ng balikat. “Pero siya ang makakasama mo next week, Miss, ilang araw nga po ulit? Tatlo?” natatawang tanong niya. “Lyn! Tumawag ka na nga lang ng available na shuttle, gutom na ako!” Humalakhak ulit siya at tumango. “Heto na nga po,” saad niya, “Kung sabagay, ako rin naman nagutom kasi braso pa lang kasi ni Attorney ulam na,” narinig kong saad pa niya bago tuluyang makalabas ng opisina ko. Napa-iling na lang ako sa mga kalokohan niya at inayos na ang mga gamit ko. Nang matapos ay agad kong hinila ang handbag ko at nagpasyang bumaba na. Kumunot ang noo ko pagkababa ko sa lobby kasi nandoon pa si Primo, maging si Lyn ay nandoon din. “Oh, done with work?” nakangiting tanong sa akin ni Primo. “Uh, not really, I’ll just have my lunch break.” Tumango naman siya. “I’m waiting for an available shuttle. Nasa main office ang sasakyan ko, hindi ko nadala kasi sinabay ako ni Tito papunta rito,” tinanguan ko na lang siya. “Miss, isa lang ang available na shuttle,” saad ni Lyn, tapos ay natigilan nang mapansin si Primo. “Well, I hope you don’t mind if I’ll have a ride with you, guys? Sa steakhouse lang naman ako,” saad niya. “Ay Attorney, doon din ang punta namin,” napangiti si Primo at agad na lumingon sa akin. “I think destiny wants us to have a lunch together,” saad niya sa tonong nang-aakit. Napangiwi naman ako at agad na nag-iwas ng tingin. God! This is ridiculous! Saan ba galing ang malanding lalaking ito at bigla na lang sumulpot na parang kabute? At bakit sa dinami-rami ng babae sa planet earth mukhang ako pa ang napagdiskitahan niyang landiin? Asar!“Why do you look so uneasy? Is my presence making you uncomfortable?” tanong ni Primo. Nasa isang sikat na steakhouse na kami at kasalukuyang kumakain ng tanghalian. Nagulat naman ako dahil sa tanong niya. I mean, yes, I’m kind of uncomfortable to have him here with us. Pero wala naman akong balak na sabihin iyon kasi hindi ko gusto na ma-offend siya. Was I too easy to read for him to ask that? Was I too obvious? I don’t know. “Uhm, no. I just feel tired,” pagsisinungaling ko. “You should rest more. Success won’t be fulfilling if your health is on the line,” aniya. Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. May punto naman siya. But in my case? I cannot say that I am already successful. Si Dad ang successful. Sa kanya ang kompanya at nagtatrabaho lang ako sa kanya. I have always lived my whole life under his shadows, afraid to go out of my comfort zone, afraid to try something new. Natatakot kasi ako na baka sa isang
“Anything else?” tanong ko. Kasalukuyan akong naka-upo sa swivel chair sa loob ng conference room ng WGC main office. Nandito ang halos lahat ng department heads, managers, shareholders of WGC and even Dad. Katabi pa nga niya si Primo. Every month kasi ay nagkakaroon kami ng meeting. We’re trying to get the employees side, opinions and suggestions on how to make everything better. Sa panahon kasi ngayon ay ang daming nagsisi-alisang mga empleyado sa iba’t ibang mga kompanya dahil hindi nila gusto kung paano makitungo sa kanila ang mga nasa higher ups, Being leader and being a boss are two completely different thing. Hindi naman namin gusto na laging may empleyadong aalis dahil sa gano’ng dahilan. So as much as possible, we’re trying to meet their expectations. “Uhm, ma’am?” nagtaas ng kamay ang isang empleyado, nilingon ko naman siya tapos ay marahan pang tumango. “Go ahead,” “Uhm, Rhea po, Head ng Customer S
Bago pa sumapit ang alas sais ay mabilis ko nang niligpit ang mga gamit ko. Halos patakbo pa nga akong nagpunta sa banyo at nag-apply ng face powder at lip tint. Huminga rin ako ng malalim habang nakatingin sa salamin, tapos ay agad na natigilan nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ko. What the actual hell? Bakit parang excited ako sa dinner namin ni Primo? And why did I even listen to him? Pinangunhan niya ako kanina, isa sa mga bagay na hindi ko gusto! He just said that we’re having a dinner together and he didn’t even ask for my opinion about it! So what am I doing right now? You’ve gone real mad, Aliyah! Singhal ko sa sarili ko. Pero siya rin namang nakapag-ayos na ako ay nagpasya ako na lumabas na lang ng banyo. Balak ko sanang bumalik sa swivel chair ko at buksan ang laptop ko, para kunware ay nagtatrabaho pa rin ako pero laking gulat ko pagkalabas nang makitang nakaupo si Primo sa swivel chair ko. “What are you
“Thanks, Attorney. I’ll just see you again tomorrow,” wika ko bago binuksan ang pinto ng kotse niya. Hinatid kasi niya ako rito sa tapat ng bahay namin pagkatapos naming mag-dinner. It’s already eight in the evening. Maaga pa ang ganitong oras para sa akin, hindi rin ako agad aantukin at balak ko pang magbasa ng mga business proposal sa study table ko sa kuwarto. Isa lang ito sa maraming mga bagay na nakasayan ko nang gawin. “I won’t be in the office tomorrow. I have a trial to attend,” sagot niya. “I’ll see you the next day, instead. Dito na ba kita susunduin o sa opisina na?” tanong pa niya. “I’m not sure. Baka kasi may mga kailangan pa akong tapusin sa opisina bago tayo bumiyahe. So, doon na lang siguro,” tumango naman siya sa sinabi ko. I was about to step out of the car when someone knocked on his car’s window. Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil doon. Siya naman ay mahina lang na natawa sa reaction ko. Bahagy
“Are you okay?” tanong ni Primo. Kasalukuyan kaming nasa biyahe papuntang Pangasinan. If I am not mistaken, Lake House ang pangalan ng resort na pupuntahan namin para sa business conference. I’m sure of the name, I’m just not quite sure where exactly it is. Hindi pa naman kasi ako nakakapunta ro’n. “I’m just a bit tired. Ang dami ko kasing tinapos kahapon. Parang kulang pa ata ako sa tulog,” mababa ang boses na sagot ko. It’s true. Instead of finishing a lot of things first thing in the morning today, I had decided to finish everything yesterday. Alas kuwatro na nga ata ako ng madaling araw nakatulog. Tapos ay nagising naman ako ng alas seis ng umaga para gumayak na. Alas otso nang sunduin ako ni Primo sa bahay para makabiyahe na kami. Hindi gaya nang unang napag-usapan na sa opisina niya ako pupuntahan. “Anong oras ka ba natulog kagabi?” kunot-noong tanong niya habang nagmamaneho pa rin. “Alas kuwatro ng ma
Nang makarating sa resort ay dumiretso muna kami sa convention hall kung saan gaganapin ang business conference. Nagsisimula na nga ang event, at may mga kilalang personalidad na sa mundo ng business ang nagsasalita sa stage. Nakahanap naman kami agad ni Primo ng puwesto, tapos ay magkatabing umupo. Abala ako sa pakikinig kunware sa nagsasalita kahit na wala naman akong maintindihan. Iniisip ko pa rin kasi ang mga napag-usapan namin ni Primo sa sasakyan niya. Hindi ko talaga inakala na napakalungkot pala ng mga nangyari sa kanya. Ang dami na niyang pinagdaanan pero ngayon ay ngumingiti siya na parang ang saya lang ng lahat. Napakalakas niya. Feeling ko kung sa akin nangyari iyon, baka hindi ko kinaya. It’s either nabaliw na ako o baka nawala agad sa mundo. Hindi ko alam. Madalas ay nadi-disappoint ako sa mga desisyong ginagawa ko, nagagalit sa sarili kasi hindi lahat ng gusto kong gawin ay nagagawa ko, laging nakabase iyon kay Dad at sa kung ano
“How’s that?” nakangising tanong sa akin ni Primo pagkapasok namin ng hotel room. We’re done for today. Bukas na ulit ang susunod na conference. Magsisimula iyon ng alas otso ng umaga hanggang alas onse, tapos ay may libreng lunch ulit pagkatapos. “Did you see his face?” natatawang tanong ko bago ibinagsak ang sarili ko sa malambot na kama. “That was awesome, Attorney. Grabe nakakatawa!” masayang dagdag ko pa. Oo, tuwang-tuwa ako nang makita ang napapahiyang mukha ni Jeric. Hindi naman sa bitter ako, pero napakatamis lang na kahit na papaano ay nakaganti ako. Tumagal lang kami ng isang buwan ni Jeric. Simula noong maging kami, unang araw pa lang ay wala siyang tigil kaka-request na may mangyari sa amin. Of course, I’m not a fool to immediately do that. Akala ko noong una ay understanding kasi hindi naman talaga siya namimilit. He’ll just simply ask for it. At kapag humindi ako ay nagkikibit na lang siya ng balikat. But a
Napabuntong-hininga na lang ako habang naiinip na nakikinig sa mga walang kuwentang kuwento ni Aryan. Kasama kasi namin sila ni Primo sa table. It’s already eight in the evening. Katatapos lang namin halos mag-dinner at umiinom naman sila ng alak ngayon. Aryan was right, her father set-up a barbecue party for everyone after dinner. Ako naman ay hindi umiinom. Hindi ko gusto ang lasa ng alak. Napilitan lang ako na tumambay rito kasama sila dahil nandito si Primo. Sa totoo lang ay gusto ko nan gang bumalik sa hotel room namin, eh, mag-check ng mga email proposal o kahit na matulog na lang. Maliban kina Aryan at Jeric ay may iba pa kaming kasama sa table na halos kasing edad lang din namin. Mga batang businessman, o kung hindi kaya ay anak ng mga businessmen na nandito rin. “And then, an international brand for a clothing line offered me a slot on their upcoming big event. Sabi ko, kung hindi ako ang highlight ay ide-decline ko ang offer nila. Kaya pin
They say that time has always been the state of mind, which means when we want it to go fast, it slows down and vice versa. Pakiramdam ko ay totoo iyon. Sobrang bilis kasing lumipas ng oras sa bawat araw na kasama ko si Primo. It’s been more than five years since we got married and built our own family… Siguro ay iisipin ng iba ng sobrang tagal na naming magkasama at mag-asawa, pero para sa amin ni Primo ay maiksi pa ang mahigit limang taon. We still have a lot of time together. At hindi ako magsasawa na siya ang kasama ko, at ang mga anak namin. “Priyah, Pierre, stop running too fast, please!” pakiusap ko tapos ay medyo napangiwi pa at agad na napahawak sa tiyan ko. “Are you okay?” mahina pero may halong pag-aalala na tanong ni Primo sa akin. Kasalukuyan kaming nasa isang park at nagpi-picnic. It’s actually Sunday, and it’s our family day. Ganito na ang nakasanayan naming gawin tuwing linggo, lalo pa’t busy hanggang saba
Hindi ako mapakali at parang isang baliw na naglalakad ng pabalik-pabalik habang ang asawa kong si Aliyah, ay nasa loob ng delivery room at kasalukuyang nagle-labor. It’s been more than a year since we got married. Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang lahat. Pagkatapos ng kasal namin ay nanatili pa kami ng tatlong araw kasama ang ilang kaibigan at pamilya sa Isla Amara. Pagkauwi naman namin ay agad kaming lumipad kinabukasan papunta sa Maldives para doon mag-honeymoon. It was actually a sponsored trip given to us by Youan and his wife, Alison, Aliya’s twin sister. Wedding gift daw nila sa amin. We stayed on Maldives for over a month, without thinking of anything but ourselves. Ipinagkatiwala talaga namin ang mga trabaho at kompanya sa mga malalapit sa amin. Ipinagkatiwala ko ang firm ko kay Attorney Marcus, at pansamantala namang bumalik ang dad ni Aliyah sa WGC at tinulungan din siya ni Lyn. Iyon ang naging pasya namin kasi desidido kami na makabuo
Napangiti ako habang nakaupo at nakatingin sa sarili ko sa salamin, si Luna naman ay hindi rin maalis ang masayang ngiti sa mukha habang nilalagyan ako ng light na makeup. Huminga pa ako ng malalim dala ng konting kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako, o excited o ano. Ni hindi ko nga rin alam na puwede palang magsabay-sabay at maghalo-halo ang gano’ng mga pakiramdam. I mean, today’s our wedding day! Parang kailan lang mula nang mangyari ang lahat. Parang kailan lang ay… nasasaktan at nadi-disappoint ako dahil sa mga panloloko sa akin. Pero heto ako ngayon… nahanap na rin sa wakas ang tamang tao para sa akin at wala akong ibang maramdaman sa araw-araw kung hindi ang saya. “Ikaw Luna, hindi ka sumabay kay Attorney Marcus sa pagpunta rito! Hindi mo pa rin siya sinasagot at pinapatawad? I mean, ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mag-away kayo, ilang buwan na rin siyang nagro-sorry at nanliligaw, hindi ba?” mahabang wika ko kaya na
Mataman kong pinagmasdan ang mga larawan na nasa screen ng laptop ko tapos ay biglng humigpit ang hawak ko sa ballpen dala ng galit na nararamdaman. Ito kasi ang larawan ng pamilya na gusto kong sirain at hilain pababa. Sila ang mga tao na gusto kong saktan ar pahirapan, kasi iyon ang ginawa nila sa akin. Gusto kong ibalik ng doble sa kanila ang lahat ng mahihirap na pinagdaanan ko. For the past years, I tried my hardest to be successful so I could get even. They might not know me, but I consider them as my enemy. Mula noon ay lagi ko nang sinasabi sa sarili na sa bawat luha na lumabas sa mga mata ko, at sa bawat sakit at hirap na pinagdaanan ko, ay dobleng parusa ang mararamdaman nila… na sasaktan ko sila ng tagos sa kaluluwa at sagad sa buto. Bakit ganito ang galit ko sa kanila? Well… I was in high school when mom got caught in a car accident. Sinabi ng pulis na kausap ko na hindi raw nahuli ang may sala. But just when I was about to go home, I heard them talking while holding
I couldn’t contain my happiness! I mean, masaya ako kapag sinasabi ni Primo na magiging mag-asawa rin kami, na pakakasalan niya ako at kung ano-ano pa. Pero labis pa sa labis ang saya na nararamdaman ko ngayong engaged na talaga kami. “I’ve been wanting to propose to you for quite some time now, pero hinihintay ko talaga itong singsing na pina-customize ko pa,” may halong lambing na saad niya habang nakaupo pa rin kami sa damuhan, sa tabi ng puntod ng mama niya. Napangiti naman ako dahil sa narinig. Ito pala ang sinabi niya nung isang araw sa harap ng mga magulang ko na hinihintay niya. Sigurado ako na magiging masaya sina mom at dad kapag nalaman nila ito. Hindi ko nga lang alam kung… good timing ba na sabihin na agad sa kaibigan kong si Luna lalo pa’t alam ko na may pinagdadaanan siya ngayon. But Luna’s kind and very considerate. Kita niyo? Ni hindi nga agad nagsabi ng problema sa akin kahit pa mabigat din ang pinagdadaanan niya dahil alam niya na may mga problema rin akong hin
Nang makabalik kami sa condo niya ay dumiretso na rin kami sa kuwarto. Agad ko namang ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at napabuntong hininga. Pakiramdam ko ay nakakapagod ang gabing ito kahit na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang makinig lang kay Luna sa pagkukuwento niya sa akin ng mga nangyari sa pagitan nila ni Attorney Marcus kung kaya’t medyo matagal siyang hindi nagparamdam sa akin. “Sinabi sa ’yo ni Marcus ang lahat?” tanong ko na may halong pagtataka, ngumiti naman si Primo na kasalukuyang hinuhubad isa-isa ang suot na damit bago tumango. “He’s stupid,” aniya at mahina pang natawa. Napanguso naman ako dahil sa narinig. Para sa akin ay mali naman talaga si Marcus, pero mukhang natauhan naman na siya lalo na’t sobrang sincere niya sa paghingi ng sorry kay Luna kanina. Malamang ay pinagsabihan na siya nitong si Primo. “Oo nga pala, tatawagan ko muna si mom para makapagpaalam na dito ako matutu
“Wake up, sleepyhead…” marahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang malambing na bulong na iyon. May mainit ding hininga na dumadampi sa kaliwang tenga ko na nagdudulot ng ibayong kiliti sa akin. Una ko namang nakita ang nakangiting mukha ni Primo. “What? Natutulog ang tao, eh…” kunware ay reklamo ko kahit na kinikilig ako sa ganitong sitwasyon. “Hindi ba’t magkikita kayo ni Luna ng 7:00 PM? It’s already six…” malambing na bulong pa niya. Agad akong napa-upo sa kama dahil sa narinig. Napalingon pa ako sa wall clock at nakitang alas seis na nga ng gabi. Goodness! Hindi ko namalayan na napasarap pala ang tulog ko. Sobrang gaan lang kasi sa pakiramdam ang matulog sa tabi niya, habang yakap niya ako. “Bakit hindi mo ’ko ginising agad?” may halong paninisi na saad ko at mabilis na tumayo, mahina na naman siyang napahalakhak dahil doon. “Kaninang alas cinco pa kita ginigising,” sagot naman n
Lumipas pa ang mga araw at hindi pa rin talaga nagpaparamdam sa akin si Luna. Sobra na talaga akong nag-aalala sa kanya dahil nga hindi naman siya ganito. Tapos ay hindi ko pa siya ma-contact kasi ay ilang araw na ring unattended ang phone niya. Hindi tuloy ako makapag-focus sa trabaho ko. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Sana pala ay tinanong ko siya noon, para kapag may ganitong nangyayari ay madali ko siyang napupuntahan at nakakausap. Sa huli ay napabuntong hininga ako at nagpasyang pilitin na lang na magtrabaho. Ilang sandali pa, habang nakaharap ako sa laptop ko ay tumunog ang cellphone ko na nakapatong lang din sa office table. Nang tignan ko iyon ay napansin kong si Luna ang tumatawag kaya naman halos magkumahog pa akong abutin iyon para masagot ang tawag niya. “Hello, Luna?” bati lo. “Uy, bes! Nakaka-abala ba ako?” agad na tanong niya. “Gaga ka ba? Ilang araw kang hindi nagparamdam tapos iyan ang itatanong mo? Yo
Gaya nang sinabi ko ay sinubukan kong tawagan si Luna pagkatapos kumain, ang kaso ay un-attended ang phone niya. Kaya naman nag-iwan na lang ako ng mensahe sa mga social media accounts niya, at sa number niya mismo na tawagan niya ako agad kung may problema man siya. Iyon nga lang, lumipas ang mga araw na wala pa rin siyang paramdam sa akin na siyang nakakapagtaka. Although naging okay naman na ang lahat, at humupa na ang tungkol sa malaking issue na kinasangkutan ko ay sa kaibigan ko naman ako nag-aalala. Iniisip ko na lang na baka masyado siyang abala sa negosyo niya. Sa kasalukuyan ay nandito ako sa opisina ko at inaabala na lang ang sarili ko sa trabaho. Habang abala na nakaharap sa laptop ko ay may kumatok sa nakasarang pinto ng opisina, napangiti nga ako sa pag-aakalang si Primo iyon pero nang magbukas iyon ay si Lyn ang pumasok. “Miss, may bisita ka!” nakangiting wika niya kaya tipid na lang akong ngumiti at tumango. “Si Luna ba? Papasukin