POV- ISSA."Tulong!!! tulong!!!!" Sigaw ko. Pakiramdam ko uhaw na uhaw ako at pagod na pagod."Shhhh!!! Wag ka ingay, wag ka ingay, kalma lang hindi kita sasaktan kampi tayo." wika na nabubulol ng isang nakasuot na pang doctor na lalaki. Hindi ko alam kung anong bansa galing ito."Sino ka? Nasaan ako?" Tanong ko. Napakalma naman n'ya ako dahil ang bilis pumasok sa isipan ko na nakidnapped ako at binogbog ng taong nagbabantay sa akin noon."Ako si Zayden Schmicker isa ako doctor. Ako alaga sayo nong comatose ka at paanak sayo" Pakilala sa akin na nahihirapan magsalita ng tagalog. Tumango lang ako sa kanya.Nagising ako sa mahabang pagkakatulog. Kasama ko ang doctor na nag alaga sa akin ng isang taon. Sinabi nya sa akin ang lahat. Nalaman ko na nanganak ako ng kambal isang babae at isang lalaki kaya ang puso ko ay labis labis ang saya kahit may nangyari sa akin na hindi maganda."Nasaan ang mga anak ko?" Tanong ko sa doctor na kasama ko."Hindi ko alam simula lipat tayo hindi kona sila
POV- EUTANES "Boss may tumawag sa telopono ikaw ang hinahanap." Tawag sa akin ni Amarro."Susunod ako, off ko lang laptop ko." Sagot ko kay Amarro ng pumasok s'ya dito sa kwarto ko. Palaging open ang pinto ng kwarto ko kapag naandito kami sa hideout ko sa Batangas ayaw ko kase na panay ang katok sumasakit lang ang ulo ko lalo na kay Amarro sobrang kulit lagi may pasabog na boss knock knock jokes. Hindi ka n'ya titigilan kahit nabubweset kana. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko at e ni off ang laptop ko ay sumunod agad ako kay Amarro at kinuha sa kamay nya ang telephone."Yes hello! Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?" Agad na tanong ko."Kailangan n'yong pumunta agad sa lumang barko na tinakpan ng mga damo para hindi mahalatang may mga taong nakatira na nakadaong malapit sa isla ng El Nido Palawan. Iligtas mo ang asawa mo sa ama ko pati na ang mga anak nyo nanganganib sila." Wika ng lalaki sa kabilang linya."Messiah Ong. Paano ka nakatakas sa sarili mong ama?" Banggit ko sa p
POV- EUTANES."Boss tumawag po si ma'am Corazon. Naandon daw po ang ama ni ma'am Isadora at galit na galit nanaman daw." Wika ni Amarro ng lumapit sa akin."Ihanda ang sasakyan at pupuntahan ko lang ang asawa ko sa kwarto at pakisabe kay mommy parating na tayo." Saad ko. Isang linggo na ang nakalipas ng matagpuan namin ang asawa ko sa kamay na Ronaldo Ong na iyon sa El Nido Palawan. Pero ang mga anak namin ay hindi namin nakita at hindi namin alam kung saan tinago o totoong pinabidding nya ang mga anak namin. Ang bangkay ni Ronaldo ay dinala namin at pinakain sa alaga kung buwaya. Ang asawa ko simula ng mapatay n'ya ay hindi na namin ito makausap ng maayos palagi itong umiiyak. Pinatingnan ko na ito sa doctor, h'wag daw ako mag alala dahil temporary shock at trauma at pagkawala sa sarilil ang kondisyon ng asawa ko at babalik ito sa dati. At ang kano na kasama sa pagliligtas namin ay sinundo na ng pamilya nya ng malaman nila na buhay pa ito, Ang anak naman ni Ronaldo ay hawak na ng pul
POV- EUTANES.Umuwi na ang ama ng asawa ko na mas lalo pang nagalit sa akin dahil sa nalaman n'ya na may mga apo s'ya at hindi pa namin nakasama sa pagligtas. Ang tunay na ina naman ng asawa ko ay nanatiling naandito gusto nyang hintayin ang pag gising ng asawa ko. Si mama Lorna naman ay malungkot na umalis ng mansyon kahit ito ay pinipigilan ko. Dahil s'ya ang sinisisi sa pagkidnap noon kay Ajaziah na labis labis naman ang kanyang pagsisisi. Nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil kahit papaano ay inalagaan at itinuring pa n'ya itong tunay na anak kahit pwede naman n'ya itong iwanan sa kahit na kung saan lugar."Magmeryenda ka mona po tita." Wika ko sabay lapag ko ng tray sa lamesa na may pagkain. "Salamat hijo nag abala kapa. Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong n'ya sakin habang nakangiti. "Eutanes Titini po, at ito naman ang mommy at daddy ko Eldefonso at Corazon." Pakilala ko sa aking sarili pati narin sa aking magulang."Ako naman si Antonia Torres. Ang tunay na ina ni Isadora
POV- EUTANES.Nagising ako na wala sa aking tabi ang asawa ko. Kaya napabalikwas ako ng bangon sa aming higaan at hinanap ko ito."Mahal! Ajaizah!" Tawag ko sa aking asawa na bumaba ng hagdan at nakasalubong ko si yaya na gulat na gulat sa pagmamadali kung bumaba. Wala pa naman ngayon si tita Antonia umuwi ito kahapon mamaya pa s'yang tanghali babalik dito. Si Mr. Danilo naman ay halos ayaw ng umalis dito na hindi kasama ang asawa ko. Mabuti na lang mabaet ang asawa nito."Senyorito! Bakit humahangos kayo? At bakit ganyan ang suot mo?" Sunod sunod na tanong ni yaya."Si Ajaziah wala sa loob ng kwarto namin! Pag gising ko wala na s'ya sa tabi ko!" Sagot ko kay yaya. Hindi ko na lang pinansin ang huli n'yang tanong. Ngayon lang ito nangyari na wala sa tabi ko ang asawa ko sa aking pag gising, kahit nong naandito pa si tita ng dalawang araw na pag aalaga n'ya ngayon lang ito umalis sa kama ng hindi namin alam."Hala! Hindi ko s'ya nakita na lumabas ng kwarto po ninyo senyorito." Kinakaba
POV- EUTANES."Bossing, Anong kailangan mo sa akin?" Tanong sa akin ni Eliezer na may pagtataka na hindi sa akin makatingin dahil sa itsura ko."Pahiramin mo mona ako ng maisusuot, pupunta lang kami ni yaya sa talipapa." Wika ko. Napamulagat naman s'ya ng mata sa akin."Ano bossing?" Tanong n'ya sa akin ng mahimasmasan."Ang bingi mo. Ang sabe ko pahiramin mo ako ng maisusuot." Sagot kung muli."Bakit bossing, Wala kana ba maisuot hindi kaba pinaglaba ni nanay Inday." Nagtatakang tanong n'ya sa akin ulit."Hindi sa ganun. Basta pahiramin mo mona ako ng maisusuot tama na ang maraming tanong." Saad ko."Eh boss. Ibalik mo din ito ha. Si ser Joseph may hiniram din sa akin na damit hanggang ngayon hindi pa n'ya naisusuli sa akin. Ang yayaman ninyo ang hilig n'yo manghiram, ang hirap kaya bumili ng maisusuot." Nakasimangot na wika ni Eliezer."Ang dami mo naman sinabe manghihiram lang ako ng maisusuot sayo, h'wag kang mag alala bibigyan kita ng pang shopping mo mamaya." Sagot ko."Sabe mo
POV- EUTANES. May nakapag report sa amin na may nagaganap na auction sa Laguna ang pinapa bidding nila ay ang mga sanggol na bagong silang na dinudukot sa iba't ibang hospital. "Magsihanda kayong lahat pupuntahan natin ang nagaganap na auction mamayang gabi sa Laguna... Eliezer nasaan yong inorder naten online na gagamitin ni Amarro para makapasok kami sa loob." Saad ko. "Ay wow naman! bossing talagang mahal mo ako nag abala kapa na e order ako online na susuotin ko baka may magselos sa akin nyan masabihan kapa ng may favoritism na tauhan." Wika ni Amarro. Tuwang-tuwa ang baliw ewan ko lang kung magustuhan pa n'ya mamaya kung ano talaga ang inorder namin sa online ni Eliezer. "Kunin ko lang bossing sa loob. H'wag kang mag alala Amarro hinding hindi kami maiinggit sayo." wika ni Eliezer. "Excited na akog makita bossing, bilisan mo pakner ang dami mo pang sinasabe eh." Saad ni Amarro. Kami naman ay lihim na natatawa dahil sa kasiyahan ni Amarro. Pilit ko lang pinapasaya at pinapanat
POV- ISSA.Hindi ko akalain na sa kabila ng aking kondisyon ay magagawa nila sa akin maglihim lalo na ang aking asawa. Ang saya saya ko pa naman dahil kahit anong nangyare sa akin sa loob ng isang taon ay hinanap n'ya ako hindi n'ya ako nakakalimotan."Anak ang layo naman ng iniisip mo? Baka ikasama pa yan ng kalusugan mo, dapat nagrerelax lang tayo dito sa California." Wika ni papa ng makita n'ya ako dito nakaupo sa dito sa harden ng mansyon nila ni tita Amalia."Iniisip ko lang ang mga anak ko papa, kumusta na kaya sila naalagaan kaya sila ng maayos? Hindi ba sila nagugutom? Hinahanap kaya nila ako?" Naiiyak kung wika kay daddy."Magiging maayos din ang lahat anak, Basta magpagaling kang mabuti at tayo mismo ang maghahanap sa mga anak mo pag uwi natin ng Pinas." Saad ni papa."Ano kayang itsura nila papa, kamukha ko kaya silang pareho o kamukha sila ng asawa ko. Gustong gusto ko na sila makita papa at mayakap miss na miss kona sila. Sana ako na lang ang kinuha nila ulit dahil hindi