Share

10 - Truth or Dare

“Hari!” Sigaw ko kay Hari nang kinuha niya ang novel na binabasa ko.

Nasa loob kami ng yate at naghahanda sila para sa paggala mamaya sa Batangas. Sumasakit kasi ang puson ko at tingin ko magkakaroon ako mamaya, kaya nagpasya akong mag-stay nalang muna.

Nagpaiwan si Daniel para alagaan ako, maging si Baste ay nagpaiwan din dahil may videocall sila mamaya ni Gen na nasa Paris ngayon dahil sa fashion week.

Tumakbo si Hari, kaya hinabol ko siya kaagad. Erotic novel iyon, pinabasa sa akin ni Nova para hindi daw ako maboryo sa yate. Bakit ba kasi ako nagbabasa sa labas ng yate?! Kaasar!

“Akin na sabi!” Sigaw ko, at hinahabol parin siya. Nasa upper deck na kami at nagpapatintero sa lamesa.

“Ano ito, Cheska?!” Sigaw ni Hari nang mabasa ang iilang linya. Nasa SPG na part na kasi ako, at inagaw pa nga ni Hari.

“Dahan-dahan niyang hinahaplos ang katawan—what the heck?!” Nanlaki pa ang mga mata niya nang mabasa ang iilang linya.

Babasahin niya pa sana ulit iyon nang kinuha iyon ni Baste at siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status