Share

17 - Tinitipid

“Baste, ano ba!” Pilit kong hinila ang kamay kong mahigpit na hawak ni Baste, pero kahit anong gawin ko, hindi ko matanggal ang pagkakahawak niya. Ramdam ko ang sakit at pamumula ng pulsuhan ko, at kahit pa anong pilit kong kumawala, mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak.

“Baste! Nasasaktan ako,” sigaw ko sa kanya. Nanlilisik na ang mga mata ko sa kanya pero ayaw parin akong bitawan ni Baste at patuloy kami sa paglayo kina Hari at Gen.

“Baste! Let go of her!” biglang sigaw ni Hari.

Hinabol niya kami at mabilis niyang hinawakan ang braso ni Baste, pilit na pinipigilan siya. Naitulak pa niya nang marahan si Baste dahilan para mapalayo siya sa akin. Ngayon, nakaharang na si Hari sa pagitan namin. Hindi ko makita ang mukha ni Baste dahil nakatago ako sa likod ni Hari, mahigpit na rin ang pagkakahawak ko sa kanyang damit.

Hindi ko mapigilan ang bilis ng tibok ng puso ko, at nararamdaman ko ang pangangatog ng buo kong katawan. Bumabalik sa akin ang mga alaala ni papa, ang mga pagkakatao
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status