Third Person's Point of View"Hanggang ngayon parin ba ay naaapektuhan ka parin sa kanya?" pagtatanong ni Rachel na siyang ikinasimula nang pagkabasa ng mga mata ni Kirstie."H-Hindi na. Ano ba namang tanong 'yan, Rachel. Hindi na, okay? Hindi na," paulit-ulit na wika ni Kirstie, pinipigilan ang sariling mapaluha.Nanliit ang mga mata ni Rachel habang pinakatingnan ang kaibigan. "Hindi nga ba?" pang-iintriga niya pa na siyang ikinailing-iling na nito."Hindi na nga. Wala na siyang epekto sa akin, okay? As in, zero. Ni katiting ay wala na."Sina Allyson at Rachel naman, habang nakikinig sa naging sagot ng kaibigan ay alam na ang totoong nararamdaman nito. Na naaapektuhan parin ito at nasasaktan parin ito.Dumaloy ang awa sa mga mata ni Rachel. Nang makita iyon ni Kirstie ay kaagad siyang napaiwas ng tingin. Naroon na naman ang awa sa mga mata ng kaibigan niya na ayaw niyang nakikita."Kung wala na, bakit natutulala ka sa cafe? Anong masasabi mo ro'n?" pang-iintriga muli ni Rachel na s
Third Person's Point of ViewNapapabuntong-hininga si Kirstie nang maalala na naman ang sinabi ni Rachel kagabi.Handa na nga ba siyang ipakilala ang anak niya kay Taylor?'Yan ang paulit-ulit na tanong ni Kirstie sa isip niya magmula pa kagabi.Sa muli, napapabuntong-hininga na naman si Kirstie. Tumayo na siya at nagdesisyon nang umalis para kitain si Taylor at sabihin na sa lalaki ang totoo. Na may responsibilidad ito sa anak niya, hindi sa pagkain kundi bilang ama ng anak niya. Tatanggapin ni Kirstie kung anuman ang magiging desisyon ni Taylor... kung tatayo ba itong ama kay Kristen o hahayaan siyang tumayo para sa bata.Kakabukas palang ni Kirstie sa pinto nang mapahinto siya sa nadatnan. Si Taylor, nakatayo na sa kaharap na condo unit niya.Bahagyang napakunot sa noo si Kirstie. Ang alam niya ay umalis na ito sa naturang condo. Ang alam niya ay umalis na ito kahapon pa kaya nagtataka si Kirstie kung bakit naroon na naman ito sa naturang condo."Anong---"Bago paman makapagtapos s
Third Person's Point of View"Si Kristen... Anak mo si Kristen, Taylor."Nang marinig iyon ni Taylor ay kaagad na namanhid ang buong katawan niya na tila nakalutang na siya sa ere. Hindi na alam ni Taylor ang nararamdaman basta ang napansin nalang niya ay kaagad na namasa ang mga mata niya at parang sa oras na iyon ay mawawalan na siya nang lakas dahil sa narinig."A-Anong... Paano..." hindi na mawaring wika ni Taylor, naroon parin ang luha sa mga mata.Nanghihinang napapalapit si Taylor kay Kirstie na ngayon ay umiiyak na rin."Ang sabi mo sa 'kin noon ay hindi ko siya anak, Kirstie," parang nanunumbat na wika ni Taylor na siyang ikinayuko nalang ni Kirstie at doon palihim na napaluha."Paano mo nagawa sa 'kin 'to, Kirstie? Paano mo nalihim sa 'kin ang lahat ng 'to? May kutob na ako, e. May kutob na ako na anak ko siya dahil magkaparehas kami ng mukha. Pero nung sinabi mo na hindi siya akin... puta! Naging assuming ako! Kahit alam kong ang lakas ng lukso ng dugo ko sa kanya, binaliwa
Third Person's Point of ViewNapapatingin si Kristen sa pinto ng condo unit nila nang biglaang tumunog ang doorbell. Wala silang inaasahang bisita kaya ganoon nalang ang pagkunot ng noo ng bata nang marinig na tumunog iyon."May bisita tayo, 'Ma?" nagtatakang pagtatanong ni Kristen kay Kirstie na siyang ikinatingin lang nito sa anak."Buksan mo 'nak. May bisita ka," pagwika ni Kirstie na siyang mas lalo lang nagpataka sa bata."Bisita? Wala akong naaalalang may bisita ako, 'Ma," wika pa ni Kristen sa ina ngunit hindi na ito kumibo pa. Tumayo na lamang si Kristen at nagpasyang buksan ang pinto para pakatingnan kung sino ang tinutukoy ng ina niya na siyang bisita niya.Pagkabukas ng pinto, ganoon nalang ang pagkagulantang ni Kristen nang makita ang ama na nakatayo na sa harapan niya.Si Taylor naman, nakatayo na't lahat sa harapan ni Kristen at kahit na ganoon ay para parin siyang na-e-estatwa sa kinatatayuan. Imbes na yakapin ang anak sa isang mahigpit na yakap ay na-e-estatwa siya at
Third Person's Point of View"Kristen, si Taylor... ang ama mo. Taylor, si Kristen... anak mo," pagpapakilala ni Kirstie sa mag-ama na ngayon ay nakatitig na sa isa't isa.Mapapansin na ang pagiging emosyunal ng dalawa at hindi na alam ni Kirstie kong makakaya ba niyang pakapanoorin ang mag-ama niya sa naturang oras at lugar."Puwede ba kitang mayakap anak?"Sa wakas, sa ilang minuto nilang pananahimik ay nagsalita narin si Taylor, kinakausap ang anak niyang si Kristen na ngayon ay nagpipigil narin ng luha.Nang tumango ito ay kaagad na hinapit ni Taylor sa isang mahigpit na yakap ang anak at doon na nga sabay na nagsi-agusan ang luha nilang puno ng pangungulila sa isa't isa."Papa," umiiyak na wika ni Kristen na siyang mas lalo lang nagpaiyak kay Taylor."I'm sorry if I took years to know about you, darling," wika ni Taylor sa anak na ngayon ay hinahagod na ang likuran nito para pakalmahin sa ganoong paraan. "Hindi ko alam. Hindi ko alam na nabubuo ka na pala," paulit-ulit na wika ni
Third Person's Point of ViewMakalipas ang ilang oras ay binalikan ni Kirstie ang mag-ama sa may salas. Ganoon nalang ang pagkataranta ni Kirstie nang hindi na makita ang mag-ama sa may salas."Kristen?" natatarantang tawag ni Kirstie sa anak habang nagtingin-tingin na sa buong condo unit.Nasa ganoon siyang posisyon nang madatnan ang anak na nakasilip na sa gawi niya."Mama? We're in the kitchen! Papa's cooking! Come here, Mama!" nagagalak na wika ni Kristen, naroon na ang malaking ngiti sa labi habang nakaupo sa high chair at nanonood sa ginagawa ni Taylor sa may counter.Napahinga nalang ng maluwag si Kirstie at parang sa ganoong paraan ay nawala lahat ng takot sa dibdib niya. Ang akala niya ay kinuha na ni Taylor ang anak niya. Ang akala niya sa mga oras na iyon ay mawawala na ang anak niya sa piling niya. Akala niya ay mababaliw na siya kanina, mabuti nalang at naroon lang pala sa kitchen ang mag-ama.Hindi nalang kumibo pa si Kirstie at lumapit nalang din sa mag-ama para makinuo
Third Person's Point of View"Can you... call her for me, papa?" request pa ni Kristen kay Taylor na siyang ikinangiti nalang ng huli."If you called her and she said she doesn't want to eat with us, I don't think I can do something about that, darling. Isa pa, hindi na nga siya sumama sa 'yo nung tinawag mo siya, how much more kung ako na ang tatawag sa kanya, 'di ba? You know she's still angry at me, darling," pagpapaliwanag ni Taylor na siyang ikinanguso lang ni Kristen."But can you at least convince her, papa? Pretty please?" pagsusumamo ni Kristen na siya nalang ikinabuntong-hininga ni Taylor."Okay, fine. I'll call her, darling. Wait for us here, ha?" habilin ni Taylor bago umalis ng kusina para tawagin na si Kirstie. Kahit alam niyang magagalit si Kirstie sa kanya ay gagawin niya para sa naging request ng anak niya.Nang makarating sa kuwarto ay kaagad na iniangat ni Taylor ang kamay niya para kumatok muna bago pumasok.Nang makarinig ng ingay doon ay binuksan na ni Taylor ang
Third Person's Point of View"Join us or else... I'll carry you up to there just for you to join us on our meal," huling wika ni Taylor bago tumalikod at tuluyang umalis ng kuwarto.Si Kirstie naman ay naiwang nakanganga. Inis siyang napapatimpi habang masamang nakatingin sa likuran ng lalaki na umaalis na sa kuwarto niya at papaliko na sa kusina nila.Napapapikit nalang si Kirstie at saka pinapahinahon ang sarili. Inayos niya pa muna ang sarili bago lumabas ng kuwarto para puntahan na ang mag-ama."Mama! Sit here, mama!" masiglang wika ni Kristen na siyang nagpangiti na sa labi ni Kirstie. Pati si Taylor na nakaupo na sa upuan niya ay napapangiti narin habang nakatingin sa anak na masayang nakatingin na sa ina.Mabilis na tumayo si Taylor para ipaghila ng upuan si Kirstie. Bahagya namang nagulat ang huli at nang babaliwalain na sana niya ang ginawa ni Taylor para sa kanya nang ngusuhin nito ang nakatingin na anak na siya nalang ikinabuntong-hininga ni Kirstie at ang mapaupo nalang sa
Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal
Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom
Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan
Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.
Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa
Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi
Third Person's Point of ViewNang matapos ang kapagod-pagod na gabing iyon ay halos hindi na bumangon si Kirstie sa higaan niya yakap-yakap si Taylor na ngayon ay nakangiti nang nakatitig sa maganda niyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina pero naalimpungatan siya nang maramdamang kanina pa may nakatitig sa kanya. Nang mapagtantong si Taylor iyon base sa amoy nito ay hindi na siya nagmulat pa ng mata para kumpirmahin iyon dahil halatang-halata naman kung sino na ang tumititig sa kanya nang ganoon."Alam kong maganda ako," mahinang wika ni Kirstie na napapaungol na habang niyayakap pa nang mahigpit ang lalaki na siyang mahina nang ikinahalakhak nito."Alam ko. Kaya nga napapatitig ako, e, kasi ang ganda mo," pambubula pa ni Taylor na siyang ikinangiwi nalang ni Kirstie habang nakapikit parin ang mga mata.Napatawa si Taylor at hindi na napigilan pa ang sariling patakan ng halik ang labi ng nobya na siyang mabilis na ikinamulat na nito. Napapatawa siya na siyang nagpanguso nalang kay
Third Person's Point of ViewNapadaing si Kirstie nang pagkapasok nila sa loob ng kuwartong inukupa nila ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ni Taylor na tila ba ay uhaw na uhaw ito sa labi niya. Ilang ulit na itong nangyari sa kanila ngunit parang hindi parin nauumay ang lalaki sa katawan niya."Taylor," mahinang pag-ungol ni Kirstie sa pangalan ng nobyo na siyang busy naman sa paggalugad sa labi niya.Naramdaman niya ang malamig na pader ng hotel room pero hindi iyon alintana ni Kirstie dahil sa pag-i-init ng katawan niya sa halikang ginagawa nila ni Taylor.Nang hawakan ni Taylor ang puwetan niya ay kaagad niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa may leeg ng binata at pati narin ang dalawang hita niya na alam niyang kanina pa inaasahan ni Taylor na gawin niya.Mas lalong lumalim ang halikan nila. Sa pagkalunod ni Kirstie sa labi ni Taylor ay hindi na niya namamalayang nasa may sofa
Third Person's Point of ViewMabilis na napahalakhak si Taylor nang makita ang naging reaksyon ni Kirstie sa mukha nito. "What? Don't tell me you're blushing at that? Bakit? Hindi ka narin ba makapag-antay na masolo ako?" mapaglaro at mapanuksong wika ni Taylor na siyang mabilis nang ikinasagitsit ni Kirstie."Umayos ka nga!" namumula ang pisngeng wika pa ni Kirstie na siyang palihim nalang na ikinatawa ni Taylor."Tara," pag-aaya pang muli ni Taylor."Saan?""Magpapainit nga---"Napapasagitsit nalang si Kirstie at saka ay nauna nang umalis. Bumalik sila sa kuwarto para magbihis nang swimwear. Ayaw naman ni Kirstie na deritsahang makita ng iba ang katawan niya kaya nagsuot nalang siya ng see-through na dress para tatanggalin nalang niya iyon kapag nasa pool na sila.At nang makalubog na nga sa malamig na tubig ng pool ay napapikit nalang si Kirstie sa sarap ng pakiramdam na iyon. May mangilan-ngilan na naliligo sa pool pero hindi iyon alintana kay Taylor para gawin ang gusto niyang g