Third Person's Point of ViewThe next day, nakarinig na naman si Kirstie ng doorbell. Napapatimpi nalang siya dahil alam na niya kung sino iyon.Si Taylor.Wala naman kasing nasabi si Edward na bibisita siya, kaya alam na ni Kirstie kung sino iyon.Binuksan niya ang pinto at hinanda ang sarili na makita ang mukha ng dating kasintahan. Doon nga ay bumungad sa kanya ang nakangiti nang mukha ni Taylor.Ipinag-cross ni Kirstie ang braso niya at napapasandal sa doorframe bago pinagtas-an ng kilay ang lalaki."Ano na namang ginagawa mo dito?" pambungad na wika ni Kirstie sa lalaki na siyang binaliwala nito."I'm still here for Kristen's tutorial. I will keep on guiding her on her guitar lessons, so... I'm here," kaswal na wika ni Taylor na siya lang ikinataas ng kilay ni Kirstie."Naturuan mo na ang anak ko kahapon, tama na muna 'yon," wika ni Kirstie at nang akmang isasara na ang pinto ay sumingit naman si Taylor."Tatapusin ko na. Nasimulan ko na ang pagtuturo sa kanya e, edi ipagpatuloy
Third Person's Point of ViewTila nanghina si Kirstie nang makita ang ina ni Taylor. Tandang-tanda niya pa kung paano siya pinahiya ng ginang sa tuwing wala si Taylor. Tandang-tanda niya pa kung paano siya pinahirapan ng ginang sa tuwing nasa trabaho si Taylor. At tandang-tanda niya pa kung paano siya kinutya at minaliit ng ginang dahil lang sa may relasyon sila ni Taylor."Oh, Kirstie, ikaw pala."At nang mapagawi nga sa kanya ang paningin ng ginang ay napapaatras na si Kirstie. Tila yata bumalik lahat ng takot niya sa ina ni Taylor.Nagpalipat-lipat ang paningin nito sa kanya at kay Taylor. "Hanggang ngayon parin ba ay sinusundan mo ang anak ko?" wika pa nito na siyang bahagyang ikinailing-iling ni Kirstie.Gusto man niyang ipagtanggol ang sarili ngunit wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig niya. Sa dami ng salitang gusto niyang sabihin sa ginang ay wala ni isa ro'n ang lumalabas sa bibig niya.Anxiety.Parang kapag nakikita niya ang ina ni Taylor ay nawawala lahat ng kakayaha
Third Person's Point of ViewIbinilin ng ina ni Taylor kahapon na pumunta siya sa bahay dahil may pag-uusapan sila. Hindi alam ni Taylor kung ano iyon pero parang may kutob na siya. Gayunpaman ay may balak paring pumunta si Taylor sa bahay nila.Ni isang beses, hindi pa sumuway si Taylor sa ina niya. Kaya kahit na gusto niyang sumuway sa unang pagkakataon ay nagpunta parin siya.Kakalabas palang ni Taylor sa condo unit niya nang mapatingin sa kaharap na condo unit nang makitang bumukas din iyon. Si Kirstie, nakatayo na doon at bahagyang nagulat habang nakatingin sa kanya at sa condo unit niya."Bakit..." Hindi na natapos pa ni Kirstie ang sasabihin dahil tila yata nawala lahat ng sasabihin niya nang madatnan si Taylor sa kaharap na condo unit."Ano... lumipat ako nung isang linggo lang. Noong nadatnan kita dito mismo sa unit na ito," paliwanag pa ni Taylor nang tila nakuha ang gustong malaman ni Kirstie.Napapaiwas ito ng tingin at saka tuluyang isinarado ang pinto ng condo unit nito.
Third Person's Point of ViewSi Taylor na naiwan sa ere ay napapayuko nalang at naiwang luhaan sa may hallway. Napapahid ng luha si Taylor kasabay ng reyalidad na wala na sila ni Kirstie at malabo nang magkabalikan sila.Huminga ng malalim si Taylor. Akmang maglalakad na siya papuntang elevator nang may biglaang magsalita sa likuran niya."Taylor?"Napalingon si Taylor at nadatnan ang batang si Kristen na ngayon ay nakatingala na sa kanya. Napapangiti si Taylor at tila yata nawala lahat ng kalungkutang mayroon siya kanina."Hey, pretty kiddo," nakangiti nang wika ni Taylor sa bata na siyang ikinahagikhik nito.Napatawa nalang si Taylor at nakangiting ginulo ang buhok ng bata."Papasok ka na sa school mo?" malumanay na pagtatanong ni Taylor sa bata na siyang ikinatango nito."Opo!" Tumabingi ang ulo nito at napapakunot ang noong napapatingin sa kanya. "Ano nga po palang ginagawa niyo dito? Bakit nakatayo ka pa po rito sa may hallway, Taylor?" kuryosong wika ni Kristen na siya nalang ik
Third Person's Point of View"Uy, ano 'yan? Ba't nag-iinom kang mag-isa? Himala!" pambungad na wika ni Nicholas nang makapasok sa naturang bar."Himala 'ka mong nagyaya siyang magbar," patutsada naman ni Maico na siyang ikinailing-iling lang ni Drake na kakapasok lang din ng bar. Si Taylor naman ay hindi na nakinig sa mga kaibigan niya at nilagok lang ang alak na mayroon siya sa baso niya."Anong problema natin, dude?" pagtatanong na ni Drake nang makaupo sa tabi nito.Nailagay ni Taylor ang baso sa mesa at saka napahilamos sa mukha. "I've gotten myself into an arrange marriage," deritsahang wika ni Taylor na siyang ikinatanga ng mga kaibigan niya.Napatingin si Taylor sa mga ito nang mapansin na tila napapatahimik na ang mga maiingay niyang kaibigan. Doon ay nadatnan niyang nakanganga na ang mga ito sa kanya, tila pino-proseso pa ang sinasabi niya kanina."Weh? 'Di nga?" parang naglalarong wika ni Nicholas na siyang ikinasagitsit ni Taylor.Sa naging reaksyon ng binatang singer ay do
Third Person's Point of ViewNagising si Taylor sa masakit niyang ulo. Gayunpaman ay pinilit niya ang sariling mapabangon. Ngayon ang balak niyang mag-empake ng gamit para umalis na at bumalik sa mansyon nila. Tanggap na niyang wala na siyang pag-asa kay Kirstie kaya ngayon palang ay aalis na siya para maiwasan na ang pagkikita nila ng dating kasintahan.Nang matapos sa pag-e-empake ay napapaupo si Taylor sa kama niya at napapikit. Tila bumalik lahat ng eksenang mayroon siya sa naturang condo, lalo na sa kaharap na condo unit na siyang tinitirhan nila ni Kirstie.Nang mahimasmasan ay napapatayo na si Taylor at inihanda ang sariling tuluyang umalis sa condo at sa buhay ng dating kasintahan.Sa pagbukas niya sa pinto dala-dala ang maleta niya ay nadatnan na naman niya si Kirstie sa kabilang pinto. Mukhang magiging ganoon palagi ang eksena nila sa umaga kaya mas pinili nalang ni Taylor ang umalis sa naturang condo kaysa manatili pa roon.Kita ni Taylor ang pagbaba ng tingin nito sa dala-
Third Person's Point of View"Good morning, Ma'am," bibong pagbati ni Jessa kay Kirstie nang makapasok sa cafe. Ganoon nalang ang pagngiwi ni Jessa nang makitang deadma siya sa amo."Baka may problema?" naging wika nalang ni Jessa sa sarili bago bumalik sa trabaho.Nakailang customer na sila at ilang oras narin sila sa cafe pero ganoon parin ang pagkatulala ni Kirstie dahilan para magtaka na si Jessa. Siya na ang humalili dito sa counter kahit na naroon ito at nakaupo sa upuan."Okay lang po kayo, Ma'am? Kapag may problema po, share ka lang sa akin, Ma'am," wika pa ni Jessa na siyang ikinabalik na ni Kirstie sa reyalidad."H-Ha?" parang tangang wika ni Kirstie.Napapangiwi nalang si Jessa. "Lutang nga," naging wika nalang ni Jessa bago napapatayo.Natapos ang araw na tulala lang si Kirstie sa sariling cafe. Naroon nga ang presensiya niya sa naturang cafe pero parang wala naman ang isip niya doon, bagay na siyang ikinabahala na ng mga empleyado. Nag-aalala sila sa amo at kahit na gusto
Third Person's Point of View"May problema ka?" deritsahang wika ni Rachel na siyang nagpabuntong-hininga kay Kirstie."Wala," pagtanggi niya na siyang ikinatimpi lang nina Rachel at Allyson."Para namang maniniwala kami r'yan sa sinasabi mo. Kilala ka na namin kaya hindi ka na makakapagsinungaling sa amin, Kirstie," naging patutsada ni Rachel na siyang ikinanguso nalang ni Kirstie."Ang sabi ni Jessa ay tulala ka raw buong magdamag sa cafe. Kapag ganoon, malaking problema na ang bitbit mo. Ano 'yan? Baka may maitulong kami," pagwika pa ni Rachel na siyang nagpatigil kay Kirstie. Napapatingin siya sa dalawang kaibigan at nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya ang nasa isip niya kanina pa o hindi. Alam niya kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman na tungkol kay Taylor ang dahilan kung bakit tulala siya. Pero kung hindi naman niya sasabihin, hindi siya tatantanan ng mga kaibigan niya, bagay na alam niyang magpapaikot-ikot lang sa kanila.Napapangiwi si Kirstie. "Hindi
Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal
Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom
Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan
Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.
Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa
Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi
Third Person's Point of ViewNang matapos ang kapagod-pagod na gabing iyon ay halos hindi na bumangon si Kirstie sa higaan niya yakap-yakap si Taylor na ngayon ay nakangiti nang nakatitig sa maganda niyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina pero naalimpungatan siya nang maramdamang kanina pa may nakatitig sa kanya. Nang mapagtantong si Taylor iyon base sa amoy nito ay hindi na siya nagmulat pa ng mata para kumpirmahin iyon dahil halatang-halata naman kung sino na ang tumititig sa kanya nang ganoon."Alam kong maganda ako," mahinang wika ni Kirstie na napapaungol na habang niyayakap pa nang mahigpit ang lalaki na siyang mahina nang ikinahalakhak nito."Alam ko. Kaya nga napapatitig ako, e, kasi ang ganda mo," pambubula pa ni Taylor na siyang ikinangiwi nalang ni Kirstie habang nakapikit parin ang mga mata.Napatawa si Taylor at hindi na napigilan pa ang sariling patakan ng halik ang labi ng nobya na siyang mabilis na ikinamulat na nito. Napapatawa siya na siyang nagpanguso nalang kay
Third Person's Point of ViewNapadaing si Kirstie nang pagkapasok nila sa loob ng kuwartong inukupa nila ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ni Taylor na tila ba ay uhaw na uhaw ito sa labi niya. Ilang ulit na itong nangyari sa kanila ngunit parang hindi parin nauumay ang lalaki sa katawan niya."Taylor," mahinang pag-ungol ni Kirstie sa pangalan ng nobyo na siyang busy naman sa paggalugad sa labi niya.Naramdaman niya ang malamig na pader ng hotel room pero hindi iyon alintana ni Kirstie dahil sa pag-i-init ng katawan niya sa halikang ginagawa nila ni Taylor.Nang hawakan ni Taylor ang puwetan niya ay kaagad niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa may leeg ng binata at pati narin ang dalawang hita niya na alam niyang kanina pa inaasahan ni Taylor na gawin niya.Mas lalong lumalim ang halikan nila. Sa pagkalunod ni Kirstie sa labi ni Taylor ay hindi na niya namamalayang nasa may sofa
Third Person's Point of ViewMabilis na napahalakhak si Taylor nang makita ang naging reaksyon ni Kirstie sa mukha nito. "What? Don't tell me you're blushing at that? Bakit? Hindi ka narin ba makapag-antay na masolo ako?" mapaglaro at mapanuksong wika ni Taylor na siyang mabilis nang ikinasagitsit ni Kirstie."Umayos ka nga!" namumula ang pisngeng wika pa ni Kirstie na siyang palihim nalang na ikinatawa ni Taylor."Tara," pag-aaya pang muli ni Taylor."Saan?""Magpapainit nga---"Napapasagitsit nalang si Kirstie at saka ay nauna nang umalis. Bumalik sila sa kuwarto para magbihis nang swimwear. Ayaw naman ni Kirstie na deritsahang makita ng iba ang katawan niya kaya nagsuot nalang siya ng see-through na dress para tatanggalin nalang niya iyon kapag nasa pool na sila.At nang makalubog na nga sa malamig na tubig ng pool ay napapikit nalang si Kirstie sa sarap ng pakiramdam na iyon. May mangilan-ngilan na naliligo sa pool pero hindi iyon alintana kay Taylor para gawin ang gusto niyang g