Third Person's Point of ViewNapapangiti si Taylor nang makita ang ginawang paglalaro ni Kristen sa cheese ng pizza. Nasa loob na sila ng Greenwich at kung kanina ay hindi siya nito pinapansin, ngayon ay busy naman ito sa paglalaro sa pizza."You like pizza?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor kay Kristen na siyang ikinatingin nito sa gawi niya."Nope. I like cheese," tugon ni Kristen na siyang ikinataas ng sulok ng labi ni Taylor."Kaya pinaglalaruan mo?" nakangising wika ni Taylor sa bata na siyang ikinangiti lang nito.Hinayaan ni Taylor na maglaro si Kristen sa cheeze ng pizza. At dahil napapansin niya na hindi ito kumakain ay nagsalok siya ng kanin at siya na ang nagpakain sa bata.Bahagyang nagulat si Kristen nang makita ang pagsubo ng pagkain ni Taylor sa kanya, bagay na siyang ikinatigil niya."Eat this. Naglalaro ka lang diyan sa cheese. Baka mapagalitan ako ng mama mo kapag nalaman na pinabayaan kita rito," wika pa ni Taylor na siyang ikinakurap-kurap ni Kristen.Pangarap n
Third Person's Point of View"Kanina ka pa gising? Nakatulog ka sa biyahe kaya hindi na kita ginising pa. Mukhang napagod ka sa lakad natin na ikaw lang din naman ang nagyaya," wika pa ni Taylor na siyang mahinang ikinahagikhik ni Kristen."Wait, where's my stuff toy?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Kristen kay Taylor.Napapatayo naman si Taylor at saka itinuro ang stuffed toy na nasa kama niya."There. Kunin mo na at nang maihatid na kita sa kuwarto mo. Baka kanina ka pa hinahanap ng mama mo---"Bago paman makapagtapos sa pagsasalita si Taylor ay nakita niya ang pagtingil ni Kristen sa paglalakad, bagay na siyang ikinakunot ng noo ni Taylor."What's wrong? Is there any problem?" pagtatanong ni Taylor nang makita ang pag-aalala sa mukha ng bata."I forgot to tell mama that I already got home! Baka nag-aalala na 'yon," wika pa ni Kristen at saka tumakbo sa kama para kunin ang stuffed toy bago tumakbo papunta sa pintuan."Wait! I got you something here," natataranta namang pagsunod ni Tay
Rhea Kirstie's Point of ViewBahagya akong natigilan nang makita ang pamilyar na mukha sa hallway ng naturang floor na naroon ako. Si Taylor... nakatayo sa harapan ng condo unit ko.Shit!Alam niya na ba?Alam niya na bang... diyan ako nakatira?Pa'no nalang kapag nakita niyang lumabas si Kristen sa condo unit ko?Baka mabuking ako!"Kirstie?" nakakunot-noong wika niya na tila nagtataka, bagay na siyang nagpataka rin sa akin.So hindi niya alam na dito ako nakatira? Kung ganoon... anong ginagawa niya rito sa condo? At bakit nasa harapan siya ng condo unit ko?Nang akmang tatanungin ko na siya kung anong ginagawa niya rito ay siya namang pagsasalita niya, naunahan ako sa tanong ko."Anong ginagawa mo rito?" pagtatanong ni Taylor sa akin na siyang palihim na ikinamura ko.Kapag sasabihin kong dito ako nakatira, baka balikan niya ako. Kapag naman sinabing nagpunta lang ako ay alam kong maghihinala siya. Wala akong kaibigang nakatira sa condo na ito kaya alam kong magtataka siya.Napapaka
Third Person's Point of View"Why did you do that?" kaagad na kompronta ni Kirstie kay Edward nang makapasok sila sa condo unit. Alam ni Kirstie na sinadya iyon ni Edward, ang giyahin siya papunta sa condo unit niya kahit alam nitong nandoon ang ex niyang si Taylor na hindi naman lingid sa kaalaman nito ay iniiwasan niya."What do you mean why did I do that?" pagmamaang-maangan ni Edward na siyang ikinatitig ni Kirstie sa lalaki."You know what I mean, Edward. Bakit mo ginawa iyon? Pa'no nalang kapag bumalik siya rito? Pa'no kapag nakita niya si Kristen na lumabas dito sa condo ko? Pa'no kapag nakilala niya si Kristen? Pa'no kapag kukunin niya sa 'kin ang anak ko? Hindi ko makakayang mawala si Kristen sa tabi ko, Ed," natatarantang wika ni Kirstie.Seryosong tinitigan ni Edward si Kirstie at doon napapabuntong-hininga."Kirstie, hindi sa lahat ng pagkakataon at oras ay palagian kang umiiwas. Wala tayong magagawa kong ito na ang iginawad ng tadhana sa 'yo at sa inyo ni Kristen. Hindi m
Third Person's Point of ViewBago paman tuluyang maisara ni Kirstie ang pinto ay nailagay na ni Taylor ang kamay niya sa kaunting siwang na naroon para pigilan si Kirstie na pagsarhan siya ng pinto. Hindi niya hahayaan iyon. Not now when he knew he has something to do with the kid that he's with yesterday. The kid that has the same features with him.Kaagad na napadaing si Taylor nang maipit ang kamay niya sa malakas na pagsara ni Kirstie sa pinto. Nang makita naman iyon ni Kirstie ay mabilis nitong binuksan ang pinto at nag-aalalang napapatingin sa may kamay ni Taylor."Bakit kasi hinaharang mo ang kamay mo! Ang laki mong tao, gumaganyan ka pa. Ano bang ginagawa mo dito?" panininghal ni Kirstie kay Taylor.Si Taylor naman ay hindi maiwasang mapangiti. Nanininghal ang dalaga sa kanya, nagpapahiwatig lang ito na nag-aalala ito sa kanya."Anong nginingisi-ngisi mo? Pinagloloko mo ba ako lalaki? Kung naglalaro ka lang ay umalis ka nang putangina ka!" panininghal na naman ni Kirstie na si
Third Person's Point of View"Taylor?" nagmamaang-maangan na wika ni Kristen na siyang sarkastikang ikinatimpi ni Kirstie. Si Kristen naman na nakita iyon ay napapanguso nalang."Kiddo," pagkuha ni Taylor sa atensyon ng bata. At nang magtagumpay ay sumilay ang matamis nitong ngiti, bagay na siyang ikinangiwi ni Kirstie sa kinatatayuan."Ano nga palang ginagawa mo dito, Taylor?" pagtatanong ni Kristen na siyang nagpatigil kay Taylor. Napakurap-kurap siya at nagpalipat-lipat ang paningin sa dalawa.Awkward na napatawa si Taylor bago tiningnan si Kristen."Tuturuan sana kita. Naisip ko na ang rude ko naman na binigyan kita ng gitara tapos hahayaan kitang magpractice doon nang ikaw-ikaw lang. So I wanna lend my help that's why I'm here," pagpapaliwanag ni Taylor na siyang ikinabuntong-hininga nalang ni Kirstie. Wala na siyang magagawa dahil naroon narin naman ang lalaki at alam na nito na doon na siya nakatira."Ano?" sarkastikang wika ni Kirstie sa anak nang makitang nakatingin na ito sa
Third Person's Point of View"Great job, kiddo. Ang dami kong naituro ngayon sa 'yo dahil ang bilis-bilis mong turuan. Ipagpatuloy mo 'yan," komplimento pa ni Taylor kay Kristen na siyang proud na ikinangiti nito."This is all because of you, Taylor. You're a great instructor. You're a great guitarist and I really learned a lot today. Thank you," buong pusong wika ni Kristen na siya nalang ikinangiti ni Taylor.Nilapitan niya ang bata at ginulo ang buhok nito na siya lang ikinangiti ni Kristen, bagay na siyang ikinailing-iling nalang ni Taylor."So... I think that would be all for today. Sa uulitin," nakangiting wika ni Taylor sa bata na siya namang mahinang ikinahagikhik nito."Sa uulitin," pag-uulit pa ni Kristen sa sinabi ng ama. Malaking ngiti ang pinakawalan niya sa ama pero nang makita ang sarkastikang mukha ng ina na nakasandal sa may pinto at kanina pa pala nakatingin sa kanila ay kaagad na nawala ang ngiting nakapaskil sa labi ni Kristen. Napapatikhim ang bata at umaaktong pa
Third Person's Point of ViewThe next day, nakarinig na naman si Kirstie ng doorbell. Napapatimpi nalang siya dahil alam na niya kung sino iyon.Si Taylor.Wala naman kasing nasabi si Edward na bibisita siya, kaya alam na ni Kirstie kung sino iyon.Binuksan niya ang pinto at hinanda ang sarili na makita ang mukha ng dating kasintahan. Doon nga ay bumungad sa kanya ang nakangiti nang mukha ni Taylor.Ipinag-cross ni Kirstie ang braso niya at napapasandal sa doorframe bago pinagtas-an ng kilay ang lalaki."Ano na namang ginagawa mo dito?" pambungad na wika ni Kirstie sa lalaki na siyang binaliwala nito."I'm still here for Kristen's tutorial. I will keep on guiding her on her guitar lessons, so... I'm here," kaswal na wika ni Taylor na siya lang ikinataas ng kilay ni Kirstie."Naturuan mo na ang anak ko kahapon, tama na muna 'yon," wika ni Kirstie at nang akmang isasara na ang pinto ay sumingit naman si Taylor."Tatapusin ko na. Nasimulan ko na ang pagtuturo sa kanya e, edi ipagpatuloy
Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal
Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom
Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan
Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.
Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa
Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi
Third Person's Point of ViewNang matapos ang kapagod-pagod na gabing iyon ay halos hindi na bumangon si Kirstie sa higaan niya yakap-yakap si Taylor na ngayon ay nakangiti nang nakatitig sa maganda niyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina pero naalimpungatan siya nang maramdamang kanina pa may nakatitig sa kanya. Nang mapagtantong si Taylor iyon base sa amoy nito ay hindi na siya nagmulat pa ng mata para kumpirmahin iyon dahil halatang-halata naman kung sino na ang tumititig sa kanya nang ganoon."Alam kong maganda ako," mahinang wika ni Kirstie na napapaungol na habang niyayakap pa nang mahigpit ang lalaki na siyang mahina nang ikinahalakhak nito."Alam ko. Kaya nga napapatitig ako, e, kasi ang ganda mo," pambubula pa ni Taylor na siyang ikinangiwi nalang ni Kirstie habang nakapikit parin ang mga mata.Napatawa si Taylor at hindi na napigilan pa ang sariling patakan ng halik ang labi ng nobya na siyang mabilis na ikinamulat na nito. Napapatawa siya na siyang nagpanguso nalang kay
Third Person's Point of ViewNapadaing si Kirstie nang pagkapasok nila sa loob ng kuwartong inukupa nila ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ni Taylor na tila ba ay uhaw na uhaw ito sa labi niya. Ilang ulit na itong nangyari sa kanila ngunit parang hindi parin nauumay ang lalaki sa katawan niya."Taylor," mahinang pag-ungol ni Kirstie sa pangalan ng nobyo na siyang busy naman sa paggalugad sa labi niya.Naramdaman niya ang malamig na pader ng hotel room pero hindi iyon alintana ni Kirstie dahil sa pag-i-init ng katawan niya sa halikang ginagawa nila ni Taylor.Nang hawakan ni Taylor ang puwetan niya ay kaagad niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa may leeg ng binata at pati narin ang dalawang hita niya na alam niyang kanina pa inaasahan ni Taylor na gawin niya.Mas lalong lumalim ang halikan nila. Sa pagkalunod ni Kirstie sa labi ni Taylor ay hindi na niya namamalayang nasa may sofa
Third Person's Point of ViewMabilis na napahalakhak si Taylor nang makita ang naging reaksyon ni Kirstie sa mukha nito. "What? Don't tell me you're blushing at that? Bakit? Hindi ka narin ba makapag-antay na masolo ako?" mapaglaro at mapanuksong wika ni Taylor na siyang mabilis nang ikinasagitsit ni Kirstie."Umayos ka nga!" namumula ang pisngeng wika pa ni Kirstie na siyang palihim nalang na ikinatawa ni Taylor."Tara," pag-aaya pang muli ni Taylor."Saan?""Magpapainit nga---"Napapasagitsit nalang si Kirstie at saka ay nauna nang umalis. Bumalik sila sa kuwarto para magbihis nang swimwear. Ayaw naman ni Kirstie na deritsahang makita ng iba ang katawan niya kaya nagsuot nalang siya ng see-through na dress para tatanggalin nalang niya iyon kapag nasa pool na sila.At nang makalubog na nga sa malamig na tubig ng pool ay napapikit nalang si Kirstie sa sarap ng pakiramdam na iyon. May mangilan-ngilan na naliligo sa pool pero hindi iyon alintana kay Taylor para gawin ang gusto niyang g