"Anong ginagawa mo dito?" pabulong na tanong ni Jade sa bayaw "Nilalagnat si Jaden at pinauuwi ka na, nakiusap ang kapatid mo na sunduin na kita.""Huh! o-okay lang ba sya?" "Don't worry bumaba na ang lagnat niya siguro ay nasobrahan sa pagid sa pagllro ang bata. By the way hindi mo parin pala sinasabi sa kay Jodi na nagkita kayo ng ex mo?" makahulugang tanong nito ngunit pabulong.Minsang inihatid siya nito ay ikinuwento niya ang nangyari at ang muling pagkikita nila ni Andy ngunit nakiusap siya na kung maaari ay huwag munang sabihin sa kapatid niya upang hindi ito mag alala. Sa kalagayan ngayon ni Jodi ay bawal ang ma stress dito."Hindi pa ko maka tiyempo eh. Basta sasabihin ko din sa kanya. Mabuti pa ay intayin mo nalang ako sa sasakyan." tumingin siya sa relong pangbisig bente minutos pa bago ako makalabas eh."Okay lang hihintayin kita, sige na tapusin mo na yang pagkakape mo may dadaanan pati tayo bago umuwi." naka ngiti nitong bulong." Saan naman?" nagtataka niyang tanong.
"Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa'kin ate? Ano may balak ka bang ilihim ito saming pamilya mo?" sigaw ni Jodi.Walang hindi ipinagtapat si Jade lahat ay sinabi niya gaya ng payo ni Richard at di nga sila nagkamali nagalit ito."Sorry na bunso, kalagayan mo lang naman ang iniisip ko ayaw ko na pati ako inaalala mo pa. Makakasama saiyo ang ma stress ng sobra. Ayokong ilagay sa panganib ang buhay ng pamangkin ko."Wifey, your ate is right kasi kahit ako hindi ko alam kung paanong sasabihin saiyo ng di'ka ma i stress." sang ayon naman ng asawa dito."okayyyyyy okayyyy!!! pinagtutulungan nanaman ninyong dalawa iting kahinaan ko. Sige na ate mamaya na tayo mag usap matulog ka muna at tabihan mo si Jaden kawawa naman eh." utos nito sa kapatid "sige sige salamat ah.... Promise babawi ako sayo hindi na ko mag se-secret sayo." nakataas pa ang kanang kamay ni Jade habang nanunumpa sa harapan ng kapatid.Sa kwarto ng mga anak agad nagdiretso si Jade, nakita niyang natutulog ang magkapatid at
Lumakas ang tibok ng puso ni Andy ng makita ang isang batang isinugod ng isang lalaki sa Emergency room. Kilala niya ang lalaking iyon dahil ito ang ilang beses n sumundo kay Jade paghindi ito nasusundo ng nobyo. Agad niyang pinuntahan ang bata at siya ang nag asikaso.Hindi nagtagal ay humina ang pulso ng ng bata maging ang balat nito ay kula ube na. Napakahina ng puso nito hanggang sa biglang nawalan ng tibok. Nagkagulo silang lahat ng mawalan ng tibok ang puso ng bata, agad na ni-revive ni Andy ang bata siyang pagpasok naman ni ni Jade sa ER at para itong mawawalan ng ulirat ng makitang nag sasagawa ng CPR si Andy Nang mawalan ng malay si Jaden at itinakbo ito sa clinic, ang ipinag tataka ng mga guro at nurse na nag aabyad dito ay nakabusang oras n at di paybumabalik ang malay ng bata. Nag kukulay ube na rin ito kahit naka oxygen na. Panay ang tawag ng Yaya ni Jadelyn at Jaden kay Jade ngunit di ito sumasagot. Kaya naman sa bahay na tumawag si Yaya ngunit nagdalawang isip ito ng
Ikinuha agad ng kwarto ni Richard si Jaden at hindi lang basta-basta kwarto dahil kilalang mayaman si Richard isa sa pinaka mamahalin at talagang maganda ang kinuha niya dahil alam niyang hindi mapipigilan ang asawa niya na pumunta sa pamangkin nito. Ayaw niyang mahihirapan ang asawa pag dumalaw sa pamangkin kaya sinigurado niya na may maayos itong mauupuan at mahigaan."Bakit naman itong ganitong klase pa ng room ang kinuha mo Richard hindi ito kakayanin ng budget namin baka maubos ang ipon ko." Bulong ni Jade kay Richard."Don't worry ako lahat ang gagastos nito para kay Jaden paea saan pa at naging daddy nila ako kung hindi ko kayang ibigay ang pinakamagandang kwarto para sa kanya, isa pa gusto kong may maayos kayong matutulugan dahil sigurado ako na hindi ka uuwi at babantayan mo siya.""Maraming salamat sobra sobra na talaga ang naitulong ninyong mag asawa sa aming mag iina." "Huwag kang magpasalamat dahil hindi ito basta tulong, mahal ko kayo na parang tunay na kapatid at para
Maagang pumasok sa eskwelahan sina Nikki, Luke at Abigail naiwan si Richard na tumutulong sa pagaayos ng mga kailangang dalahin ng asawa sa ospital. "Wifey, please always wear your facemask. Ayokong makasagap ka ng sakit sa ospital okay." bilin nito sa asawa."Hubby hindi ako bata ano ka ba? Maaring masmatanda ka sa'kin pero hindi ako si Abigail na kailangan mong bilinan." giit naman ni Jodi."Okay! Sorry gusto ko lang na safe ka talaga, kayong dalawa ni baby ayaw na ayaw ko na may masamang mangyayari kahit kanino sa inyo, tandaan mo palagi yan ha." sabay himas sa tyan ng asawa na bahagya na ang umbok.Maagang nagising si Andy, hindi niya alam sa sarili niya kung bakit ganon ang pakiramdam niya sa batang iyon. Para bang gustong gusto agad niya itong makita at mahawakan. Alas nuebe pa ang duty niya pero wala siyang pakialam nagmadali siyang kumilos kahit alas sais palamang ng umaga. Nang makaligo ay agad inayos ang lahat ng kailangan at nagmamadaling bumaba ng bahay nakasalubong niya
"Goodmorning Nurse Jade this is Dr. Chua he is cardiologist as a pediatrician and as a doctor on duty to your son I suggest that in your son's case you need Dr. Chua's advice." sabi nito na nakatingin ng diretso sa mga mata ni Jade bago binalingan ang doktor na kasama."Dr. Chua this is Nurse Jade she's one of our intern and she is the mother of the patient that I told you." Patuloy pa sa pag-uusap ang mga ito ipinaliwanag ng doktor ang sakit at kung anong treatment ang kailangan ni Jaden. Tahimik na lumuluha at nakikinig lamang si Jade panay naman ang himas ni Jodi sa likod ng kapatid upang mahimasmasan ito.Nasa ganoong sitwasyon sila ng dumating si Richard, sinalubong siya ng tingin ng asawa na tila ba nag uutos kaya naman wala siyang ibang nagawa kung hindi ang lapitan si Jade.Bahagya niyang inakbayan si Jade at binalingan ang doktor, "Doc can we talk to your office? I think my wife is too emotional right now so if it is okay to both you, say everything to me." pakiusap ni Richar
Nakipag usap nga si Richard kay Andy, gaya ng sinabi nito sumunod siya s opisina nito ngunit nadismaya siya kasi wala ang cardiologist na kailangan niyang harapin. Tanging si Andy lamang ang naroroon."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Lim, delikado ang lagay ng a----anak... m-----mo." Sabi nito halos di matuod ang pahuling salita. "Familiar ka naman siguro sa sakit ni Jodi, I mean sa kapatid ni miss Chen.""Yes, actually ako ang kasama niya ng magpagamot."nasabi ni Richard ng wala sa sarili dahil iniisip niya ang lagay ng pamangkin."Mr. Lim, pwede ba tayong mag usap ng labas ang mga bata, labas ang propesyon, I mean lalakinsa lalaki."" okay, what is it?""Kumusta si Jade? kilala mo ba ako at kung anong meron kami sa nakaraan?" nag aalalang tanong ni Andy.Buong tapang naman sinagot ni Richard and tanong ni Andy. " Yes I know you, I know all about her. Wala siyang inilihim since naging kami.""Bakit hindi pa kayo nag pakasal gayong may anak na kayo at dalawa pa.""She wants to
"Huwag ka na munang mag duty ngaun Nurse Jade naiintindihan namin ang sitwasyon mo. Kami na ang bahala hindi ka mag kakaroon ng absent isa pa malakas sa amin si Dr. Yhang." Gulat at pagtataka ang nararamdaman ni Jade. Palaisipan sa kanya ang sinabi ng superior niya na malakas sa kanila si Dr. Yhang."Sige po maraming salamat ma'am. Pero bukas po ay makakapag duty na ako dahil marami naman pong bantay sa anak ko." "Oo alam mo bang kalat na kalat dito na isa palang napakayamang negosyante ang nobyo mo. Naku eh bakit hindi pa kayo mag pakasal para di kana nahihirapan sa pag aaral at pag duty dito sa ospital.""Naku! ma'am eh ang gusto po kasi sana namin ay maabot ko muna ang mga pangarap ko bago ang lahat. Naudlot na po kasi ng ipagbuntis ko ang kambal." Dahilan rin ito ni Richard kaya naman sinaulo na niya upang iisa sila ng sinasabi nito "Maganda nga naman iyan. O siya paano balikan mo na muna ang anak mo at alagaan ng maayos upang gumaling na magpahinga ka rin kasi na mumutla kana
Isa isang pinasadahan ng tingin ni Jade ang mga tao roon at napakalawak nang kanyang mga ngiti ng makita ang mga importanteng tao sa buhay niya lalo na ang kanyang pinakamamahal na ina, mamang at papang. Pumailanlang ang malamyos na tinig ni Jodi na hindi niya nalayang nawala na pala sa tabihan niya nakihanay sa pila ng papasok sa entourage. Sa saliw ng awiting "Promises" ng Sponge Cola. Napaka ganda ng tinig ng kanyang kapatid bawat kataga nito ay tila ba bumabaon sa kanyang isipan at tumatanim sa kanyang puso. Nagulat pa siya ng marinig rin ang tinig ni Nikki, duet pala ang mag mommy at napakaganda rin ng tinig ng dalaga. Isa isang naglakad ang mga piling taong malaki ang parte sa buhay nila. Parang nakalutang sa alapaap si Jade walang tigil ang kanyang pag iyak at sumunod nalamang siya sa agos hanggang sa nakatakda siyang maglakad patungo sa kanyang Mamang at Papang. napakahaba ng red carpet patungo sa altar."Congratulations apo mabubuo na ang pamilyang kay tagal mong pinangarap
Walang pagsidlan ng saya si Andy habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng natutulog sa kanyang tabi. Napakatagal niyang nanabik rito marahan siyang bumababa sa kama at saka lumakad ng marahan papunta sa kinalalagyan ng kanyang maleta. Naupo siya sahig at binuksan ang maleta sa tabihan nuon sy agad na kinapa ang isang bagay na muli niyang nais ibigay sa dalaga.Binuklat niya ang kulay pulang kahita at agad namang kuminng ang bagay mula sa loob niyon. Ipinatong niya ang pulang kahita sa tabi ng beside table kung saan nasa gawi ng kinatatayuan ni Jade nais niyang pag gising nito ay makikita agad nito ang singsing na siyang tanda ng kanyang pagmamahal. Muli siyang nahiga sa tabi ni Jade at saka niya iniangat ang ulo nito at ipinatong sa kanyang mga bisig. Para namang naramdaman ni Jade iyon kung kaya't niyakap niya ng mahigpit ang lalaki.Nang magising si Jade kinaumagahan ay agad nakita ang makinang na bagay na nasa loob ng kahita marahan niyang dinampot iyon at pinakatitigan. Inilagay
Inakala ni Andy na naghahalikan ang lalaki at si Jade kaya naman nabitawan niya ang hawak na balumbon ng bulaklak at nagmamadaling tumalikod.Lakad, takbo naman ang ginawa ni Jade maabutan lang ang lalaki kasabay ng bawat hakbang niya ay ang pagpatak ng kanyang luha. Wala ba itong tiwala sa kanya kaya nag mamadali itong iwanan siya matapos ng nakita nito? Hindi manlamang siya binigyan ng chance upang makapag paliwanag. Pagod na pagod na siya sa pagtakbo, kaya naman sumigaw na siya. "Andy!!! Mahal kita!" Tanging nasabi niya at kitang kita niya ang pagtigil ng lalaking minamahal sa mabilis na paglakad.Agad napatigil si Andy ng marinig ang sinigaw ni Jade. Tila ba isang magic word iyon at natanggal lahat ng tampo o hinanakit na kanyang nararamdaman.Sinamantala naman ni Jade ang pagtiong lalaki agd niya itong nilapitan at hinila sa kamay papaharap sa kanya.Nagtititigan lamang silang dalawa habang patuloy sa pagluha si Jade. "Andy, I still love you at hindi nagbago yun kahit sinaktan m
"What's the problem AJ, we both know that you still love Dr. Yhang." tanong ni Richard ng sinundan niya si Jade na nagmamadaling pumasok sa sariling silid at tahimik na nakatingin sa labas habang nakatayo sa may bintana. Nilingon niya si Richard, "I'm still afraid Chard." sagot niya rito sa mahinang tinig."Afraid for what?" kunot noong tanong nito kay Jade "I------I don't know Chard, my life is like an open book and you know my past. Hindi ko maialis yung takot dito sa dibdib ko." sagot ni Jade habang itinuturo ang dibdib at mababakas ang pag aalinlangan sa mukha nito."Love is full of surprises AJ, Including the happiness and of course the pain. Dr. Yhang love's you so much And what happened in past is still there hindi mo mababago ang nakaraan kung mananatili kang takot sa multo ng kahapon. Bakit hindi mo subukang buksan muli ang isip at puso mo. Hayaang maghilom ang sugat na dala ng kahapon kasama ng taong pinakamamahal mo." madamdaming pahayag nito kay Jade na tahimik na lumulu
Inabutan ni Andy na magkakayakap na umiiyak ang kanyang maiina at si Richard. Hindi niya maialis sa kanyang isipan ang pagiging walang kwentang ama niya. Kung lumali sana sa kanya ang kanyang mga anak sana ay siya ang kayakap ng mga ito. Kitang kita niya ang pagmamahal ng mga ito kay Richard na sana ay para sa kanya. Pinahiran niya ang mga luhang unti unting tumulo sa kanyang mga mata.Napansin naman agad ni Richard ang pagtalikod ni Andy at naramdaman niya ang kirot sa dibdib bilang ama ay nais niyang maramdaman rin ni Andy ang saya kapag niyakap ng mga anak. "Doc Andy, san ka pupunta." tanong ni Richard rito.Magsasalita na sana si Andy ng biglang tumayo si Jade at humarap sa kanya. "Saan ka pupunta? Magtatago ka nanaman? Iiwanan mo nanaman kami ng mga anak mo? Hanggang kailangan ka magiging duwag at kailan ka pa magigising sa kata***han mo?" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Jade sa kanya pinahiran nito ang mga luhang masaganang naglalandas sa mga mata nito bago tumalikod at akmang
Nauna ng ilang minuto si Andy sa Casa Martirez Café, napatingin siya sa orasang pambisig. Mag aalas sais na ng hapon duon, kaya naman dumarami na ang mga tao sa paligid. Natanaw na niya si Marika napakalawak ng ngiti nito at talagang halatang pinaghandaan ang pagkikita nila. Napakaganda nito sa suot na black top and jeans, naka boots na kulay cream at napaka kapal na balahibuhing coat. Bagay na bagay sa kanyang balingkinitang katawan ang top at jeans na suot dahil litaw ang kaumbukan ng kanyang pwet at dibdib. Nakalugay ang may kahabaang buhok nito na sadyang kinulot. "Wow you're so beautiful." may paghangang bati niya dito ng salubungin niya. Agad naman itong yumakap at humalik sa kanyang pisngi. "Nabihag ko na ba ang pihikan mong puso?" biro naman ni Marika sabay ngiti sa binata "tsssk don't mention it again or else hindi na talaga ako magpapakita sayo. Take a sit and let's order before we talk." "Are you sure that you want here?" mapanuksong tanong ni Marika kay Andy."Of cours
Nag usap-usap sina Jade, Richard, Andy at kasali si Jodi kahit sa skype lamang. Gumawa sila ng plano kung paano makukuha si Jadelyn ngunit isang tawag ang hindi nila inaasahan.Tumunog ang ringtone ni Andy at nanlalaki ang mga mata niya ng titigan ang pamilyar na pangalang naka rehistro na lumabas sa kanyang screen. "Marika is calling....." nasambit nalamang nito na parang batang nag susumbong kay Richard."Answer it and i-loud speaker mo para marinig nating lahat. " Utos ni Richard sa kanya.Sinunod naman ni Andy ang utos nito, bahagyang nanginginig pa ang kamay nito ng pindutin ang answer key. "H----hello Marika hey! what's up!" pinipilit niyang maging normal ang pakikitungo sa dalaga upang hindi ito makahalata."Did you miss me?" tanong nito."Oo naman nakaka miss din pala yung walang sunod ng sunod at walang bilin ng bilin. Alam mo na the usual hobby mo yung pakialaman ang daily routine ko." May pagka irita niyang tugon dito."Ang sama mo kahit kailan eh hindi mo talaga ako kayan
Dahil sa mga narinig ay mistulang naging bula ang galit na bumabalot sa puso ni Jade. Unti unti ay nararamdaman niyang muling bumabangon ang pag ibig sa kanyang damdamin ngunit agad niyang sinupil ito. "Mali....mali ito..... nag sinungaling lamang siya para mapatawad ko." bulong niya sa sarili. At saka agad na binalingan ang lalaking naka yuko habang tahimik na lumuluha. "Dahil ikaw ang dahilan kaya kinuha ni Marika ang anak ko kaya dapat ikaw rin ang mag sauli sa akin. Hindi mo alam ang hirap ng pinag daanan ko sa pagiging single mom, kay sana huwag kang umasa na ng dahil lamang sa mga sinabi mo ay mag babago ang pagtingin ko saiyo. Hindi parin ako handa na ipakilala ka sa mga anak ko bilang ama nila, kaya sana ay hayaan mo muna na matanggap kong kailangan kitang papasukin sa buhay namin. Okay na okay na kami eh, masaya na kami kahit wala ka. Tanggap ng mga bata na si Richard ang daddy nila, pero ano? Heto ka at sasabihin yang mga bagay na magpapagulo sa isipan ko. Sana naiintindiha
"Marika is a good friend for me and for my family pero dahil tinangay niya ang anak ko hindi ko palalampasin kahit pa kaibigan ko siya." pahayag ni Andy para sa lahat ng naroon sa silid na iyon. Isa rin iyong dahilan upang ipaalam o iparating kay Jade na kahit na ano ang mangyari ay kakampi siya at hindi kaaway."Ano ba ang dahilan at kukunin ni Dra. Marika ang anak ninyo ni Jade?" tanong ni Richard at nag palipat lipat ang tingin niya kina Jade at Andy "Bakit nga ba ano ba ang kasalanang nagawa namin sa kanya? Bakit kailangang pahirapan niya kami ng ganito ng anak ko!?" sigaw ni Jade na ang paningin ay tila ba napakatalim at nais patayin s titig si Andy."Ang alam ko lang ay nag seselos siya sa inyo ng mga bata. Dahil alam niyang simulat sapol ay hindi ko siya minahal kahit pa sabihing gusto siya ng pamilya ko.""Selos? Bakit siya mag seselos sa inyong dalawa gayong nag kakasama lamang naman kayo sa ospital at isa pa alam naman niya na magkagalit kayo. Hindi kayo nag papansinan o na