Kinabukasan nagising si Amor na masakit ang ulo. Plano niyang bumangon nang napansin na may mga bisig na mahigpit na yumayakap sa kanya. Takang tiningnan niya kung sino ang may-ari ng mga bisig na iyon. Lumaki ang bilog ng kanyang mga mata nang matanto na si Denver ang lalaking yumayakap sa kanya.
“Dalangin kong sana’y tulungan ka ng panginoon sa naging pasya mo, Ma’am.” Tumango si Amor at kinuha ang pera mula sa bag. “Heto nga pala ang bayad ko. Sa inyo na lang po ang sukli.” “Naku Ma’am, wag na po. Ang laki nitong sukli niyo. Gagamitin niyo pa yan sa pupuntahan n’yo.” Binabalik ng matanda
Tiningnan ni Amor ang oras sa suot niyang wrist watch. Matagal pa bago ang oras ng kanyang flight. Hindi na kasi niya naabutan ang flight nang isang eroplano papuntang Denmark. Kakaalis lang nito. Mayroong flight na papuntang Pilipinas kaya iyon na lang ang sinakyan niya kaysa maabutan pa siya ng mg
“Dito ang magiging silid mo. Pasensya ka na at maliit lang kung ikumpara sa kwarto mo sa states.” nahihiyang wika ni Chris nang buksan na niya ang pintuan ng magiging silid ni Amor. Masayang ngumiti si Amor. “Ano ka ba Kuya Chris, malaki na nga itong room na binigay mo sa akin eh. Magrereklamo pa b
“May dahilan ba?” tanong niya. Matagal na hindi nakasagot si Denver. “Wala..” tipid niyang sagot. “Kuya, kilala na kita. Huwag mo ng subukan pa na itago sa akin ang nararamdaman mo dahil halatang-halata na. Bakit ka pupunta ng pilipinas?” “Tim, mahalaga pa bang sabihin ko sa’yo ang dahilan? Kaya
“Tskkk.. Hanggang ngayon mahangin ka pa rin.” Nanlaki ang mga mata ni Tim dahil sa banat ng Kuya niya. Gusto na talaga niyang batukan ito kung hindi lang dahil sa panganay ito sa kanilang magkakapatid. “Kailan ba ang alis mo?” Naisip niyang itanong. “Bukas na.” “What?” lalong nagulat si Tim. “Kuy
“Si Amor nariyan ba?” Saka pa lang nakabalik si Chris sa sarili ng muling inulit ni Denver ang pagtatanong. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. “May koneksyon ba kay Denver ang pagtakas ni Amor?” Tanong ng likurang bahagi ng isipan niya. Hindi niya kasi alam kung bakit ito narito ngayon? Alam ka
“I will give you time to think. There’s no need for you to decide now. I can wait.” naka tiim-bagang nitong sagot. Halatang sinusubukan nitong habaan ang pasensya. “My word is final. There’s no need for me to think about it.” Agaran niyang sagot dahilan upang lalong maningkit ang mga mata nito. And
Nang marinig ni Amor ang sinabi ng presidente, huminto ang pagpihit niya ng doorknob at agad na sumenyas ng kamay. Kahit nakatalikod ang Boss niya alam niyang nakikita pa rin siya nito sa camera.“Naku Sir. Thank you po talaga. Pero may baon po akong dala.” Binalingan niya ang Chief. “Please iwan mo
SA KABILANG BANDA lumabas si Amor sa opisina ng presidente na hindi maipinta ang mukha. “Ano ba ang pakialam niya kung sa labas ako kakain?” Bulong niya sa sarili.Nagmamaktol siya na pumasok sa loob ng kanyang opisina. Padabog siyang umupo sa sarili niyang office chair habang nakabusangot ang mukh
“Teka Sir. Sandali. May kailangan po ba kayo sa babaeng dragon?” Napatigil si Lando sa paglalakad nang marinig ang tanong ni Bruce. Binalingan niya ito. “Ang trabaho mo ang atupagin mo. Kaya ka nasampal ng wala sa oras dahil pakialamero ka.” Natulala ito sa sinabi niya ngunit agad na niya itong ti
“Gwardya ka lang dito! Litse ka!”Isang nagmumura na babae ang narinig ni Lando nang lumapit ito sa gwardiya. Nakamot niya ang ulo habang pinagmamasdan ng maigi ang babae mula ulo hanggang paa. “Ito ba ang babaeng napupusuan ni Boss?” Hindi niya maiwasan na tanungin ang sarili. Sa unang tingin pa
“Bahala ka. Basta’t huwag kang iiyak-iyak sa harapan ko pag nawalan ka ng trabaho. Gusto ko lang sabihin sa’yo na ang sinuman lumapit kay Ma’am Hanes at mag pakitang gilas, abay, hindi na makikita rito sa susunod na araw.”“Wala akong pakialam sa kanila. Kaya naman siguro sila tinanggal dahil hindi
Gaya ng mga nagdaang araw, nagmamadali si Amor na sumakay sa taxi sa takot na ma late sa trabaho. Minsan gusto na niyang mainis kay Pinky. Parang nananadya na kasi ito. Halos araw-araw na lang na ginawa ng tadhana, pakiramdam niya lagi itong may ini-utos sa kanya.“Amor, tamang-tama nagpaplantsa ka
Hindi niya namalayan na sa harapan na pala siya ng kanyang sasakyan. Kahit marami siyang nainom makakaya pa naman niyang magdrive.Kinapa niya sa loob ng bulsa ng kanyang suot na pantalon ang Susi ng sasakyan nang biglang may pumalo na matigas na bagay sa kanyang batok. Nanilim bigla ang kanyang pan
TWELVE MIDNIGHT..(12:00 A.M.)Pasuray-suray na lumabas si Elion mula sa isang disco Club. Sanay siyang umaalis na walang body guard dahilan kung bakit lagi siyang napapagalitan ng kanyang ama.“Elion! Anong silbi ng mga bodyguard na binabayaran ko ng malaki kung lagi mo naman silang iniiwan sa bahay
THREE DAYS LATER…..“What happened?” tanong niya nang pumasok ang abogado sa loob ng kanyang opisina. Bagsak ang panga nito kaya agad niyang tinanong.“Sir, I—I tried my best—”Kunot noo niyang inagaw ang pagsasalita nito. “Alam mo kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat, Atty. Huwag mong sabihin na