"Abay, ewan ko boss, wala naman akong balak ligawan siya.""Chris! Mas maganda na lang siguro magpalit kayo ni Dennis. Doon ka sa Van.""Boss, nagbibiro lang. Ang ganda ng upo ko rito eh.. bakit mo naman naitanong ang tungkol sa gusto ni Boss Denver?" "Kailangan ko siyang suyuin para tuloy ang pagp
Itinuloy muna ni Tyler ang pagsindi ng sigarilyo bago humithit at pinakawalan ang usok nito sa kawalan. "Saan ka ba interesado? Kay amor o, sa relasyon mayroon kami?" Kahit hindi siya nakatingin kay Denver halata niyang may gumugulo sa isipan nito. Hindi magawang makasagot agad ni Denver sa tanong
Kalaunan di sinasadyang nakilala ni Tyler si Amor sa mismong university kung saan siya nag-aaral sa new york. Na sa Freshman year si Anne at na sa junior year naman si Tyler. Nagkakilala sila dahil laman ng bullying si Anne sa buong university dahil pangit ito. Ang hindi alam ng lahat nagpanggap la
Pinasok ni Tyler ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya at tinitigan si Denver. "Kuya, alam kong hanggang ngayon naiinis ka pa rin sa akin dahil nagpanggap ulit akong patay na. Sana naman maintindihan mo na may malalim na dahilan kung bakit ko yun ginawa. Pwede bang hayaan mong bum
Si Kaye na papunta sana sa kusina upang magtimpla ng gatas ay nasaksihan ang ganitong eksena nang sumilip siya sa bahagyang nakaawang na pinto ng silid ni Daric. Sanay na siyang dito natutulog si Khayla sa silid ng Kuya nito upang maibsan ang pangungulila sa ama. Hindi niya nagawang sabihin na buhay
ONE WEEK LATER THE MOST EXPENSIVE WEDDING OF THE CENTURY ( HANES + TAN ) “Tingin sa kaliwa ng bahagya gentlemen. Huwag harangan ang groom sa gitna.” Senenyasan ng photographer ang assistant niya. “Ayusin mo nga sila, hindi ako makakuha ng maayos na anggulo.” Mabilis naman ang assistant na inayos
“Happy to hear that. Hindi ko pa nabubuksan ang regalo mo, pero thank you na kaagad. Alam kong magugustuhan ko iyon.” Kinikilig na wika ni Kaye, bago muling nagpatuloy sa pagsasalita tungkol sa pakay niya. “Tumawag ako para remind ka sa mga anak natin. Mauuna na daw sila sa church. Make sure na prot
“B–Boss..” Namumutla ang dalawa habang nakatingin kay Tyler na halatang nagpipigil sa galit sa harap nila. “Sir, you will be the next to march down the aisle.” Bigay-alam ng wedding organizer nang lumapit ito sa kanila. Tiningnan ni Tyler ang bagong relo na regalo ng asawa na siyang kasalukuyang s
Nang marinig ni Amor ang sinabi ng presidente, huminto ang pagpihit niya ng doorknob at agad na sumenyas ng kamay. Kahit nakatalikod ang Boss niya alam niyang nakikita pa rin siya nito sa camera.“Naku Sir. Thank you po talaga. Pero may baon po akong dala.” Binalingan niya ang Chief. “Please iwan mo
SA KABILANG BANDA lumabas si Amor sa opisina ng presidente na hindi maipinta ang mukha. “Ano ba ang pakialam niya kung sa labas ako kakain?” Bulong niya sa sarili.Nagmamaktol siya na pumasok sa loob ng kanyang opisina. Padabog siyang umupo sa sarili niyang office chair habang nakabusangot ang mukh
“Teka Sir. Sandali. May kailangan po ba kayo sa babaeng dragon?” Napatigil si Lando sa paglalakad nang marinig ang tanong ni Bruce. Binalingan niya ito. “Ang trabaho mo ang atupagin mo. Kaya ka nasampal ng wala sa oras dahil pakialamero ka.” Natulala ito sa sinabi niya ngunit agad na niya itong ti
“Gwardya ka lang dito! Litse ka!”Isang nagmumura na babae ang narinig ni Lando nang lumapit ito sa gwardiya. Nakamot niya ang ulo habang pinagmamasdan ng maigi ang babae mula ulo hanggang paa. “Ito ba ang babaeng napupusuan ni Boss?” Hindi niya maiwasan na tanungin ang sarili. Sa unang tingin pa
“Bahala ka. Basta’t huwag kang iiyak-iyak sa harapan ko pag nawalan ka ng trabaho. Gusto ko lang sabihin sa’yo na ang sinuman lumapit kay Ma’am Hanes at mag pakitang gilas, abay, hindi na makikita rito sa susunod na araw.”“Wala akong pakialam sa kanila. Kaya naman siguro sila tinanggal dahil hindi
Gaya ng mga nagdaang araw, nagmamadali si Amor na sumakay sa taxi sa takot na ma late sa trabaho. Minsan gusto na niyang mainis kay Pinky. Parang nananadya na kasi ito. Halos araw-araw na lang na ginawa ng tadhana, pakiramdam niya lagi itong may ini-utos sa kanya.“Amor, tamang-tama nagpaplantsa ka
Hindi niya namalayan na sa harapan na pala siya ng kanyang sasakyan. Kahit marami siyang nainom makakaya pa naman niyang magdrive.Kinapa niya sa loob ng bulsa ng kanyang suot na pantalon ang Susi ng sasakyan nang biglang may pumalo na matigas na bagay sa kanyang batok. Nanilim bigla ang kanyang pan
TWELVE MIDNIGHT..(12:00 A.M.)Pasuray-suray na lumabas si Elion mula sa isang disco Club. Sanay siyang umaalis na walang body guard dahilan kung bakit lagi siyang napapagalitan ng kanyang ama.“Elion! Anong silbi ng mga bodyguard na binabayaran ko ng malaki kung lagi mo naman silang iniiwan sa bahay
THREE DAYS LATER…..“What happened?” tanong niya nang pumasok ang abogado sa loob ng kanyang opisina. Bagsak ang panga nito kaya agad niyang tinanong.“Sir, I—I tried my best—”Kunot noo niyang inagaw ang pagsasalita nito. “Alam mo kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat, Atty. Huwag mong sabihin na