IDINAAN ni Antoine sa paliligo ang nag-iinit niyang katawan. Nakatayo siya sa tapat ng shower habang ninanamnam ang malamig na tubig para pakalmahin ang nangangalit na sistema niya. Kung kanina ay malamig na tubig ang tumulong para ma-relax ang mga muscle niya at pakalmahin ang nag-iinit niyang ulo sa itaas dahil sa inis. Ngayon ulo naman niya sa ibaba ang dahilan kaya nais niyang magbabad muli sa malamig na tubig.Nang hindi makontento sa malamig na tubig agad niyang itinukod ang isang kamay sa wall tiles habang ang isang kamay naman niya ay dumama sa pagkalalaki niya. Hinagod niya iyon taas-baba habang nakapikit ang mata. Sa tagal ng panahon ay ngayon niya lang ginawa ang paligayahin ang sarili gamit kamay. Itinaas-baba niya iyon hanggang sa lumalim na rin ang paghinga niya. Ang kanina na mabagal paghagod ay bumilis na gusto na niyang makarating agad sa sukdulan. Nang makaramdam ng ginhawa. Hinintay pa muna niya na maging normal ang paghinga niya saka niya tinapos ang paliligo. H
“Hindi mo na ginalaw ang pagkain mo? Hindi mo ba gusto ang ulam? Gusto mo bang magpahanda ako kay Manang ng ibang ulam? Manang!” “Uncle… I mean... Dad, busog na ho kasi ako,” pagdadahilan niya. “Hindi talaga ako kumakain nang marami lalo na sa gabi.”“Are you sure? Baka nahihiya ka lang sa amin. Anong gusto mong dessert para mapahanda ko?”Ngumiti siya at umiling ng ulo.Kung hindi lang siya magmumukhang bastos at walang pinag-aralan ay tatayo para iwan ang mag-ama na hindi pa tapos kumain. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan dahil ramdam niya sa pagitan ng hita niya ang lagkit. Hindi niya rin aakalain na panaginip lang pala ang lahat ng nangyari sa kanila ni Antoine. Buong akala niya ay totoo iyon.Nang matapos kumain ang mag-ama ay kaagad na nagpaalam siya kay Uncle Anton na aakyat na siya sa okupadong silid niya. Kanina pa siya naiilang dahil panay ang lingon sa kaniya ni Antoine habang katabi niya ito sa upuan. Kung napapansin ba nito ang pagliligalig niya kanina ay hindi
BANDANG alas dos na ng madaling araw ng dalawin ng antok si Zarina dahil sa excitement na nararamdaman niya. Napag-usapan kasi nila ni Antoine na mamasyal sila sa Tagaytay kaya hirap siya na makakuha ng antok. At alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay nagising na ang diwa niya ng maamoy ang pabango ni Antoine at masarap na brewed coffee na dala nito na pumupuno sa buong kuwarto niya. Naramdaman niya na lumundo ang gilid ng kama niya na nagpakabog ng dibdib niya. Bagaman nagising na siya ay nanatili pa rin nakapikit ang mga mata niya para magpanggap na tulog.“Good morning, sleepy head!” bulong nito sa tainga na nagbibigay kiliti sa kaniya. Amoy niya ang mabangong hininga nito na pinaghalong mint a brewed coffee."Hmmmm...." Ingos niya at tumagilid ng higa para ilabas ang hita niya na natatabunan ng kumot.Ramdam niya ang pagtitig ni Antoine sa kaniya na gusto na niyang ikamulat ng mata para makita ang reaksyon nito. "Zi....."Napakislot pa siya ng sumayad ang ilong nito sa pisngi n
SHOCK WAS REGISTERED on her face lalo pa ng hapitin ni Antoine ang baywang niya. Hindi niya magawang makapag-react dahil bukod sa lamig na nararamdaman niya ay hindi niya rin alam papaano ikikilos ang sarili sa harapan ng lalaki. Nakabuka nang malaki ang mga hita nito para bigyan siya ng espasyo para makaupo sa hood ng sasakyan nito. Naninibago siya sa ikinikilos nito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang ikilos sa harapan nito. Kapag kasi tinatangka niyang akitin ito dinaig pa niya ang may sakit kung makaiwas. Para kasi itong napapaso sa tuwing magkakadikit ang balat nila. She longs his touches. So, what now?Ano ang gagawin niya? Gagawin na ba niya uli ang Zarina Seduction 101 niya? O, hahayaan na lang ito kung ano ang plano nito sa kaniya at enjoy-in na lang? Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. At pinag-iisipan kung ano ang maaaring gawin ngayon. Chance na niya na makasama ito. 'Yong dalawa lang sila at walang iistorbo na kahit sino. Nakita niya na ini
Hindi malaman ni Zarina kung papaano niya natapos ang araw na iyon ng hindi ipinapahalata kay Antoine ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya rin alam kung papaano niya nagawang tumawa habang ang puso niya ay durog na durog.Buong maghapon silang magkasama sa pamamasyal sa Tagaytay at sa buong maghapon na iyon ay naka-plaster na ang ngiti niya sa labi. Na-master na rin niya kung papaano ikikilos na parang normal ang sarili. Kahit may hindi nakakatawa sa sinabi ni Antoine ay sinasadya niyang tumawa para kunwari ay naaaliw siya sa mga ikinukuwento nito kahit ang totoo ay hindi naman talaga. May mga pagkakataon na natitigilan si Antoine at hinuhuli nito ang mga mata niya na mabuti na lang din ay nagagawa niyang isingkit na animo’y nakatawa rin.Kapag minsan na inaalalayan siya nito sa paglalakad o hindi kaya sa pagsakay sa kabayo ay nagagawa niyang pasimpleng umiwas sa mga hawak nito. Hindi niya alam kung napapansin ba iyon ni Antoine o hindi na lang nito binibigyan ng pansin ang pag-i
Malayo pa lang si Zarina pero tanaw na niya ang mga estudyanteng babae na nagkukumpulan malapit sa gym na madadaanan niya. Nakapaikot ito na pabilog at nagtatawanan na tila may pinagkakatuwaan na kung sino. Ang iba naman na tila walang pakialam sa mga nangyayari. Sandali lang titingin doon pagkatapos aalis na rin kaagad kapag nakita kung sino ang nasa loob ng bilog.Dala ng kuryosidad, naglakad din siya pahayon sa mga ito. Hindi niya mawari kung bakit parang bigla siyang kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Lalo pa’t parang nakakaringgan niya ang boses ni LC na tila galit.“Anong nangyayari sa mga iyon?” tanong niya sa isang babae na umalis sa mga nagkukumpulan na estudyante.“’Yong anak ni Mayor Alexis Imperial, may binu-bully na bagong transferee. Kawawa nga iyong transferee naliligo na sa sabaw ng buko juice.”Nangunot ang noo niya sa narinig.Si LC ba ang tinutukoy nito?"Si LC?"Napakunot-noo rin ang babae na tinanong niya kapagkuwan nagkibit-balikat ito.“Hindi ako sigurado ku
Hindi pa man nag-a-alarm ang naka-set sa alarm clock sa relo ni Antoine ay kusang ng nagmulat ang mga mata niya. Nanghahapi pa ang mga mata niya dahil sa iilang oras pa lang ang kaniyang naitutulog. Hindi nga niya sigurado kung nakatulog nga ba talaga siya. Pakiramdam niya kasi dinuduyan pa siya sa antok at parang lumulutang pa ang diwa niya. Napahilamos siya ng mukha at tumagilid para kapain ang cellphone sa may nightstand. Tiningnan niya ang oras. Sampung minuto bago mag-alas singko ng umaga ng mga sandaling iyon. At kung bibilangin niya ang oras simula ng ipinikit niya ang mga mata. Mahigit dalawang oras pa lang ang lumipas. F**k! Mahinang mura ang pinakawalan niya ng mapagtanto na parang hindi nga siya nakatulog. Dahil kada gagalaw siya sa higaan niya kusang nagmumulat ang mga mata niya para silipin ang oras. Kaya pala sumasakit ang ulo niya. Napasapo siya ng kaniyang ulo at hinilot-hilot ang sentido. Ayaw naman niyang pilitin ang sarili na makatulog muli baka tanghalii
Habang inililipat niya ang mga gamit sa isang bag na dadalhin niya sa eskwelahan. Nakarinig siya ng katok mula sa pinto niya. “Pasok!” may kalakasan na wika niya habang inilalagay ang folder sa bag. Thesis niya iyon sa finance subject niya. ‘Yon ang ilang araw na niyang ginagawa na napaganda lang kagabi sa tulong ni Giselle. Habang pinaayusan niya si Giselle sa salon, tinatapos naman niya ang thesis niya dahil ngayon ang huling deadline nila. Doon lang kasi siya nagiging masipag kapag malapit na ang pasahan. Medyo istrikto pa naman ang professor nila sa finance. Napabilib siya sa utak din ni Giselle dahil ng binasa nito ang ginawa niya ay nakita kaagad nito ang maraming butas sa thesis niya. May mga binago ito at idinagdag para mabigyan ng hustisya ang kaniyang thesis. “Iha, may bisita ka sa baba si Marlon at may babaing kasama… Giselle raw ang pangalan?” parang alanganin na wika ni Manang Tising sa kaniya ng pumasok ito sa kuwarto niya. Napabaling ang tingin niya sa Mayordoma mula
Tahimik lang na umiiyak si Zarina habang nakadungaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Marlon, pero sinabi na niya na huwag siyang ihatid sa bahay o kahit sa Savic Mansion.Gusto muna niyang mapag-isa. At isa pa, ayaw niyang makita siya ni Antoine na namumugto ang mga mata. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para lumakas lalo ang loob nito na saktan uli siya. Ayaw rin niya na magpaliwanag siya kay Uncle Anton bukas ng umaga kung sakaling makita siya.Huminga siya nang malalim para habulin ang hininga. Nanginginig pa rin siya sa inis at galit kay Antoine.Kinuha niya ang cellphone sa bag na nasa six percent na lang ang battery.Kahit alam niya na baka natutulog na ang mommy niya nagpadala pa rin siya ng message rito para ipaalam na hindi siya makakauwi sa bahay ni Uncle Antonio.Mom, nandito pa po ako sa bahay ni Giselle, may tinatapos kami na report regarding the credit and collection subject namin. Baka kasi, mag-chat or mag-text si Uncle na hindi ako naka
Saktong alas siyete ng gabi nang makarating si Antoine sa school ni Zarina. Hindi siya lumalabas ng kotse at mataman na nakatingin lang siya sa mga estudyante na tumatawid sa kalsada para pumunta sa MK coffee shop na nasa tapat lang din ng eskwelahan. Patingin-tingin lang siya habang naghihintay sa loob ng kotse niya.Eksaktong kinse minuto nang mapansin niya ang isang pamilyar na babae na tila nagmamadali sa paglalakad. Zarina managed to move quickly despite her high heels. Marahil, nagmamadali ito dahil alam nito na nasa labas na siya. Hindi siya tumawag sa dalaga para ma-surprise ito sa dala niya.Napangiti siya at napatingin sa upuan.Tinanggal niya ang pagkakakabit ng seatbelt niya bago niya dinampot ang isang bungkos na pulang rosas. Dumaan muna siya sa isang flower shop para ibili si Zarina ng bulaklak. It sound cliché. Pero, gusto niyang bumawi sa mga sinabi niya kagabi sa dalaga. Kahit na alam naman niya ang totoong nararamdaman ni Zarina para sa kaniya, hindi niya dapat si
Nanlaki ang mga mata ni Zarina nang yakapin siya ni Marlon sa hindi niya malaman na dahilan. Gusto man niyang palayuin ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila. Nasa gitna sila halos ng quadrangle at labasan na rin ng iba pang estudyante. Kaya kung itutulak niya ang kaibigan baka mapahiya lang ito.Ano ba kasi ang nangyayari? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.Huminga siya nang malalim."M-Marlon....""Shhh... Give me a second, please," mahinang bulong nito sa tainga niya.“B-bakit? Ano trip mo?” sagot niya rin na pabulong. Kahit na naiinis siya kanina sa kaibigan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Hindi naman niya makakayang magalit nang matagal.“Basta. Ngumiti ka at yumakap ka naman na pabalik sa akin na parang nami-miss mo ‘ko.”“Demanding ka!” Nakangiti siya bago niya iniangat ang dalawang kamay para yumakap sa katawan nito. Pinagbigyan niya ito para lang matigil lang ‘to. May ilang minuto rin na magkayakap sila bago kumalas si Marlon sa
Halos hilahin na ni Zarina ang oras para mag-alas siyete na ng gabi. Alas sais pa lang ay panay na ang tingin niya sa relo na suot at sa compact mirror na gamit niya na nakapatong sa lamesa. Sinisugurado niya na maayos ang kaniyang mukha. Kailangan fresh na fresh pa rin ang itsura niya kapag sinundo siya ni Antoine.“Hindi pumasok ang kaibigan mo?” narinig niyang tanong ni Giselle sa tabi niya.Napakunot-noo siya na napalingon sa bagong kaibigan at pumaling sa gawing likuran kung saan na umuupo si LC matapos itong magtampo sa kaniya.“Baka masama ang pakiramdam.”“Masama? Parang nakita ko siya kanina na sumakay sa kotse na nakahinto sa labas ng university.”Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Giselle. Hindi naman siguro ang kotse ni Antoine ang tinutukoy nito?Huminga siya nang malalim at ipinilig ang ulo.Impossible!Impossible na magkita sina LC at Antoine kanina. Dahil kung nagkita sila, e ‘di sana nakita niya rin iyon kanina noong nilingon niya an
Mula sa gate ng Sullers University kung saan siya ibinaba ni Antoine ay malayo-layo pa ang lalakarin niya papunta sa Business Administration Bldg. Literal na tiis-ganda ang ginawa niyang paglalakad dahil sa three-inch na taas ng suot niyang black stiletto habang tirik na tirik ang araw. Hindi niya magawang lumingon sa likuran dahil pakiramdam ni Zarina ang mata ni Antoine nakatuon sa kaniya. Sinadya niya rin na ekendeng ang balakang para mas makuha niya ang atensyon nito.Kailangan panindigan niya ang suot niyang heels at kailangan poise na poise pa rin ang lakad niya kahit parang matatapilok pa siya dahil sa maliliit na bato na natatapakan ng sapatos niya. Taas-noo pa rin siya kahit parang pipikit na ang mga mata niya sa init ng araw. Open ang area na dinadaanan niyang quadrangle kaya wala man lang siyang masisilungan. Wala siyang suot na shades para man lang may proteksyon ang mga mata niya sa init. Wala naman siyang dalang payong kaya wala rin siyang pagpipilian kung hindi ang magp
Nakahawak pa rin ang mga kamay ni Antoine sa manibela at nakayuko ang ulo. Nakatingin siya sa harapan ng patalon na suot niya na tila nag-umbrella dahil sa ginawa ni Zarina. Patigas nang patigas na iyon na parang ibig ng kumawala sa loob dahil sa pabitin-bitin na ginawa nito sa kaniya kanina. Hindi niya aakalain na ganoon ang magiging epekto sa kaniya ng ginawa ng dalaga. Marahil, sa kawalan na rin ng mapaglalabasan kaya kahit simpleng hawak lang sa hita niya ay malaking impact ‘yon sa pagkalalaki niya. Kailan ba siya huling nakipag-sex? Napailing siya ng ulo ng hindi niya maalala kung kailan. Kaya siguro ganoon ang epekto sa kaniya dahil kulang na siya sa ganoong bagay. Alam niyang ikasasakit ng puson niya ang ginawa ng dalaga sa kaniya kanina. But, damn! Anong gagawin niya? Hindi naman puwedeng makipagsabayan siya sa laro na gusto ni Zarina. Kumbaga sa larong chess, si Zarina ang may control ng board at ang didikta ng laro. Kung magtuloy-tuloy iyon paniguradong checkmate iyon at
Habang nagmamaneho ng kotse si Antoine panay naman ang sulyap niya sa dalaga na tila hindi mababali ang leeg. Pirming nakatingin lang ito sa harapan o hindi kaya ay sa cellphone nitong hawak.Napakunot ang noo niya ng marinig na humagikgik ito habang may binabasa sa cellphone nito. Animo’y may ka-chat at tila nakikipagbolahan. Dahil sa tuwing nagtitipa ito ng message ay may pagkagat-kagat pa ito sa labi na parang kinikilig na hindi malaman. Kung tatawa ba o hindi.Huminga siya nang malalim.May palagay siya na baka kausap nito ang sinasabi nitong boyfriend nito. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito ay wala siyang ideya. Pero kung aayain si Zarina ng boyfriend nito sa kung saan mamayang pag-out nito sa eskwelahan ay hindi niya hahayaan. Hindi siya papayag na pumunta sa kung saan-saan si Zarina at gagabihin umuwi."Do you get what I'm saying?" tanong niya para makuha ang atensyon nito. Lumingon ito sa kaniya na may matamis na ngiti. Siya naman ay pinanatili niyang nakakunot ang mg
Pakendeng ang ginawa niyang paglakad pahayon sa may balkonahe kung saan naroon pa rin si Antoine at ang pagkain na marahil ipinahanda nito para sa kanila. Ang isang tasa na nakalapag doon ay wala ng laman. Nakaupo ito sa may pandalawahan na upuan at nakayuko habang hawak ang cellphone. Hindi niya alam kung umuwi ba ito kagabi o natulog sa isa sa mga guestroom nila na nasa ikalawang palapag din. Gusto man niya tanungin ito ay hindi na lang niya gagawin baka kasi magtunog na interesado pa siya kapag nagtanong siya. “Nandito ka pa rin?” kunwaring inis niyang sita sa lalaki para makuha niya ang pansin nito. Nang makuha niya ang atensyon nito ay halos maningkit ang mga mata nito sa ayos niya. Taas-baba ang ginawa nitong pagsuri sa kaniya at tila sa cellphone nito ibinunton dahil pabagsak nito ibinaba sa lamesa. “Ano ‘yang suot mo?” may inis na sita nito sa kaniya habang nakatingin pa rin sa uniform na suot niya. Ang blazer na ipinatong niya sa balikat kanina ay inalis niya rin kanina b
Pulang-pula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. Mabilis na hinayon niya ang hagdanan at sinadya niyang idabog ang mga para maramdaman ni Antoine ang inis niya. Hangga't hindi pa siya nakakarating sa kuwarto niya ay pigil na pigil siya sa emosyon niya na huwag kumawala sa mga mata niya ang luha na hindi naman nangyari. Dahil pagkatalikod pa lang niya kay Antoine ay kusang tumulo ang luha niya. Pagkapasok niya ay pabagsak niyang isinara ang pinto. Inis na inihagis niya ang bag sa sofa. Kasabay ng pag-upo niya, ang pagbagsak nang tuluyan ng luha niya. Tuloy-tuloy iyon na kumawala sa mga mata niya. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka magising ang mga kasambahay nila at magsumbong sa magulang niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang ihagis at basagin ang mga gamit na nakikita niya sa loob ng kuwarto niya hanggang sa kumalma ang sistema niya. Sana may hawak siyang lampara para hilingin niya na sana magkaroon siya ng amnesia at hindi na niya maalala ang nararamdaman niya kay Antoine.