BAGAMAN ILANG GABI na rin walang sapat na tulog si Zarina ay sinikap pa rin niyang magising ng umagang ‘yon. Pasado alas sais pa lang ng umaga at alas nuwebe pa ang pasok niya. Wala naman talaga silang klase ng araw na ‘yon pero kailangan pa rin nilang pumasok para dumalo sa taunang sportsfest. Gaganapin ang sportsfest sa malaking quadrangle ng Sullers University kung saan siya nag-aaral bilang freshman student. Gusto man niyang sundin ang inuutos ng katawang lupa niya na magbabad na lang maghapon sa malabot at malaki niyang kama. Ngunit wala naman siyang choice kung hindi ang bumangon at pumasok sa eskwelahan. Dahil bukod sa isa ‘yon sa pagkukuhanan ng kanilang grado ay isa na rin ‘yong way na makapaglibang man lang siya. Buong akala niya kasi buhat nang makabalik siya mula sa La Union ay makakalimutan na ng parents niya ang one-month grounded niya. Akala niya pala niya ‘yon! Dahil noong isang araw na nagpa-late siya ng uwi at dumaan sa mall ay kinagalitan siya. Ang one-month lan
Halos hating-gabi na nakauwi si Antoine dahil sa rami na kailangan niyang pag-aralan at ayusin sa Savic Avionics Corporation. Marami siyang kinakausap na mga bagong supplier para mag-supply ng mga kagamitan na kakailanganin sa pag-aayos ng eroplano. Bilang kilala ang kanilang business na Savic Avionics Repair and Maintenance ay kakailanganin niya ng maraming supplier na makakapagbigay sa kanila ng dekalidad na may mababang halaga. Kakailanganin rin niya ng maraming supplier dahil pansin niya na ‘yong supplier na kinuha ng ama niya ay delayed magpadala ng kagamitan kaya sila minsan ang nasisira sa kliyente. At 'yon ang iniiwasan niyang mangyari sa pamamahala niya. Marami na rin siyang natatanggap na complaint dahil halos inaabot ng ilang buwan ang pag-aayos nila sa eroplano. Karamihan na rin sa mga loyal client nila ay lumipat sa kalaban na kompanya gawa sa mataas ang singil nila kumpara sa kalaban. Ang supplier nila ay mataas ang singil kaya mataas din ang singil nila sa mga Airlines
PANAY ANG SIPAT ni Zarina sa suot niyang relo habang pinapaikot niya ang ballpen na hawak sa kamay. Pasado alas kuwatro y media na ng hapon at dapat tapos na ang klase nila kanina pang alas kwatro. Kung hindi lang sa walang sawang kakatanong ng mga kaklase niya dapat ng mga sandaling ‘yon ay nakauwi na siya. Huminga siya nang malalim at sinapo ang noo na kunot na kunot na dahil sa pagkainip. Kapagkuwan bored na tumingin kay Prof. Legista na nakatayo at magiliw na nakangiti sa harapan dahil masaya sa tinatakbo ng discussion. Napabuntong-hininga siya at napakamot sa batok.Gustong-gusto na niyang tumayo at sabihin na sa lunes na lang ituloy ang Q&A nila para makauwi na sila pare-pareho.Napahilamos siya ng mukha at isa pang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Mayamaya ay tumingin muli siya sa suot na relo. Pakiramdam niya kainip-inip ang bawat segundo na tila hindi nadadagdagan. Wala sa discussion ang isip niya, dahil kating-kati na siyang umuwi lalo pa’t nakatanggap siya ng tawag
BAGO PA MAN BUMABA SA ground floor ang elevator ay pasimpleng inialis ni Antoine ang kamay ni Denise na nakaabrisete sa braso niya. Lumayo siya nang bahagya sa dalaga para magkaroon ng espasyo sa pagitan nila.Ngumiti ito na tila wala lang nangyari. Hindi niya alam kung aware pa ito sa pasimpleng pag-iwas niya o sinasadya lang na hindi nito pansinin ang ginawa niya?Mayamaya ay naramdaman na lang niya na nasa tabi na naman niya si Denise na halos isiksik nito ang katawan sa kaniya. Ang malusog nitong dibdib na halos tinabunan lang ng manipis na telang puti at blazer. Kung may makakakita sa kanila na ibang tao para silang tanga na nagsisiksikan sa may gilid kahit na malawak ang espasyo ng buong elevator na kasya ang walong tao. Baka isipin may ginagawa silang kababalaghan sa loob ng elevator.Women! Napailing na lang siya ng ulo dahil alam niya ang hantaran na pagpapakita ng interest ni Denise sa kaniya.Kung si Zarina ang dumidikit sa kaniya ng ganun ay iba ang dulot sa pakiramdam
“Jacky!” gulat na bulaslas ni Zarina ng makita niya ang dalaga na lumabas sa silid ni Antoine.Bakit nandito ang babaing ito?“S-Señorita!” gulat nitong bigkas na tila hindi pa makapaniwala na makita siya dahil ilang beses pa itong kumurap-kurap ng mata. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang boses nito na parang kinakabahan. Luminga pa ito sa loob ng kuwarto ni Antoine bago isinara nang tuluyan.Huminga siya nang malalim at pinasadahan niya si Jacky mula ulo hanggang talampakan. May napapansin kasi siya nakakaiba sa ayos nito.Ang buhok nito ay magulo na para bang galing sa pagkakahiga. Ang suot nitong pang itaas na damit na may butones ay may iilang nakabukas. Ang palda nitong suot na hindi umabot sa tuhod ay para bang minadali ang pagkakasuot dahil hindi nakaayon sa tamang ayos.Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan sa hindi malaman na dahilan May kung anong hinala ang pumasok sa isipan niya na hindi niya gustong mag-isip muna ng hindi maganda.Ipinilig niya ang ulo at pumikit ng
KANINA PA KINAKAUSAP ni Antoine ang dalaga na katabi niya sa upuan pero sadya siya nitong hindi sinasagot. Ni tingin ay hindi magawa ni Zarina na tingnan siya na sadya talagang ipinaparamdam nito na masama ang loob sa kaniya. Sa tuwing isinasali siya ng ama sa usapan. Gumagawa naman si Zarina na unahan siya na magsalita para mapabaling ang atensyon ng ama sa dalaga.Kahit ano atang gawin niyang pagpapansin ay talagang hindi siya tinatapunan ng tingin ni Zarina. Ultimo ang pag-aabot niya ng tubig ay sadyang hindi ininom ni Zarina na bagay na nagpapasikip sa kaniyang dibdib.Kanina napansin ng ama niya na isang kamay lang ang gamit ni Zarina habang kumakain sila. Kaya kahit siya ay nagtaka at napatingin sa ilalim ng lamesa kung saan nakatago ang isang kamay nito. Doon lang niya nakita na ang pulsuhan nito na nagsisimula nang maging kulay violet at siguradong magkakapasa ‘yon.Hindi naman niya sinasadya na pisilin ito sa pulsuhan dangan lamang, wala na siyang mapagpipilian dahil hindi rin
KANINA PA NAKATINGIN SI LC kay Marlon pero tila wala itong nakikitang kung hindi ang bestfriend niyang si Zarina. Panay rin ang sunod nito sa mga inuutos ni Zarina na bagay na ikinakainis niyang lihim sa kaibigan. Kaya pala siya isinama para maging third wheel ng dalawa. Buong akala pa naman niya kaya siya inaya ng maaga ni Marlon ay para makasama siya. Akala lang pala niya 'yon! Kung siya ang tatanungin hindi niya gustong umalis ng bahay. Bukod sa puyat siya dahil lumabas siya kagabi ay gusto lang niya na matulog nang matulog buong maghapon. Pero dahil nakiusap si Marlon sa daddy at mommy niya ay napilitan siya na sumama sa lalaki na parang gusto na niyang pagsisihan.“LC, ano na? Anong movie pa ba ang panonoorin natin?”Bored na tiningnan niya si Zarina kapagkuwan ay ibinaling ang tingin sa lalaki na nakatingin lang sa kaibigan niya.Alam niya sa tingin pa lang ni Marlon ay walang duda na may gusto ito kay Zarina pero bakit parang hindi siya masaya para sa dalawa? Bakit parang na
NAMAMAGOD na isinandal ni Antoine ang likuran sa swivel chair habang nakatigtig sa kisame. Kahit ano ata na gawin niyang pag-focus sa mga papeles na ipinadala ni Mr. Osman kay Jacky ay hindi niya magawa. Nahahati ang atensyon niya sa kagustuhan na sundan si Zarina para alamin ang katotohanan, kung nakipag-date nga ba ito o binibiro lamang siya ng ama? At sa obligasyon niya sa kompanya na kailangan niyang pag-aralan ang mga papeles na pinadala sa kaniya ni Mr. Osman.Hindi naman dapat siya uuwi kagabi dahil tambak ang gawain niya sa opisina pero dahil nasa bahay ng ama niya si Zarina kaya napilitan siyang umuwi. Gusto niyang makita at makasama ang dalaga sa paraan na hindi nito mahahalata. Gusto niyang bumawi sa dalaga pero hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Lalo na ngayon na masama ang loob nito sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagpisil sa pulsuhan nito.Wrong move, Knox! Napailing siya ng ulo.Nang makuha niya mula kay Remington ang cellphone na naiwanan niya sa hacienda, ay d
Tahimik lang na umiiyak si Zarina habang nakadungaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Marlon, pero sinabi na niya na huwag siyang ihatid sa bahay o kahit sa Savic Mansion.Gusto muna niyang mapag-isa. At isa pa, ayaw niyang makita siya ni Antoine na namumugto ang mga mata. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para lumakas lalo ang loob nito na saktan uli siya. Ayaw rin niya na magpaliwanag siya kay Uncle Anton bukas ng umaga kung sakaling makita siya.Huminga siya nang malalim para habulin ang hininga. Nanginginig pa rin siya sa inis at galit kay Antoine.Kinuha niya ang cellphone sa bag na nasa six percent na lang ang battery.Kahit alam niya na baka natutulog na ang mommy niya nagpadala pa rin siya ng message rito para ipaalam na hindi siya makakauwi sa bahay ni Uncle Antonio.Mom, nandito pa po ako sa bahay ni Giselle, may tinatapos kami na report regarding the credit and collection subject namin. Baka kasi, mag-chat or mag-text si Uncle na hindi ako naka
Saktong alas siyete ng gabi nang makarating si Antoine sa school ni Zarina. Hindi siya lumalabas ng kotse at mataman na nakatingin lang siya sa mga estudyante na tumatawid sa kalsada para pumunta sa MK coffee shop na nasa tapat lang din ng eskwelahan. Patingin-tingin lang siya habang naghihintay sa loob ng kotse niya.Eksaktong kinse minuto nang mapansin niya ang isang pamilyar na babae na tila nagmamadali sa paglalakad. Zarina managed to move quickly despite her high heels. Marahil, nagmamadali ito dahil alam nito na nasa labas na siya. Hindi siya tumawag sa dalaga para ma-surprise ito sa dala niya.Napangiti siya at napatingin sa upuan.Tinanggal niya ang pagkakakabit ng seatbelt niya bago niya dinampot ang isang bungkos na pulang rosas. Dumaan muna siya sa isang flower shop para ibili si Zarina ng bulaklak. It sound cliché. Pero, gusto niyang bumawi sa mga sinabi niya kagabi sa dalaga. Kahit na alam naman niya ang totoong nararamdaman ni Zarina para sa kaniya, hindi niya dapat si
Nanlaki ang mga mata ni Zarina nang yakapin siya ni Marlon sa hindi niya malaman na dahilan. Gusto man niyang palayuin ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila. Nasa gitna sila halos ng quadrangle at labasan na rin ng iba pang estudyante. Kaya kung itutulak niya ang kaibigan baka mapahiya lang ito.Ano ba kasi ang nangyayari? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.Huminga siya nang malalim."M-Marlon....""Shhh... Give me a second, please," mahinang bulong nito sa tainga niya.“B-bakit? Ano trip mo?” sagot niya rin na pabulong. Kahit na naiinis siya kanina sa kaibigan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Hindi naman niya makakayang magalit nang matagal.“Basta. Ngumiti ka at yumakap ka naman na pabalik sa akin na parang nami-miss mo ‘ko.”“Demanding ka!” Nakangiti siya bago niya iniangat ang dalawang kamay para yumakap sa katawan nito. Pinagbigyan niya ito para lang matigil lang ‘to. May ilang minuto rin na magkayakap sila bago kumalas si Marlon sa
Halos hilahin na ni Zarina ang oras para mag-alas siyete na ng gabi. Alas sais pa lang ay panay na ang tingin niya sa relo na suot at sa compact mirror na gamit niya na nakapatong sa lamesa. Sinisugurado niya na maayos ang kaniyang mukha. Kailangan fresh na fresh pa rin ang itsura niya kapag sinundo siya ni Antoine.“Hindi pumasok ang kaibigan mo?” narinig niyang tanong ni Giselle sa tabi niya.Napakunot-noo siya na napalingon sa bagong kaibigan at pumaling sa gawing likuran kung saan na umuupo si LC matapos itong magtampo sa kaniya.“Baka masama ang pakiramdam.”“Masama? Parang nakita ko siya kanina na sumakay sa kotse na nakahinto sa labas ng university.”Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Giselle. Hindi naman siguro ang kotse ni Antoine ang tinutukoy nito?Huminga siya nang malalim at ipinilig ang ulo.Impossible!Impossible na magkita sina LC at Antoine kanina. Dahil kung nagkita sila, e ‘di sana nakita niya rin iyon kanina noong nilingon niya an
Mula sa gate ng Sullers University kung saan siya ibinaba ni Antoine ay malayo-layo pa ang lalakarin niya papunta sa Business Administration Bldg. Literal na tiis-ganda ang ginawa niyang paglalakad dahil sa three-inch na taas ng suot niyang black stiletto habang tirik na tirik ang araw. Hindi niya magawang lumingon sa likuran dahil pakiramdam ni Zarina ang mata ni Antoine nakatuon sa kaniya. Sinadya niya rin na ekendeng ang balakang para mas makuha niya ang atensyon nito.Kailangan panindigan niya ang suot niyang heels at kailangan poise na poise pa rin ang lakad niya kahit parang matatapilok pa siya dahil sa maliliit na bato na natatapakan ng sapatos niya. Taas-noo pa rin siya kahit parang pipikit na ang mga mata niya sa init ng araw. Open ang area na dinadaanan niyang quadrangle kaya wala man lang siyang masisilungan. Wala siyang suot na shades para man lang may proteksyon ang mga mata niya sa init. Wala naman siyang dalang payong kaya wala rin siyang pagpipilian kung hindi ang magp
Nakahawak pa rin ang mga kamay ni Antoine sa manibela at nakayuko ang ulo. Nakatingin siya sa harapan ng patalon na suot niya na tila nag-umbrella dahil sa ginawa ni Zarina. Patigas nang patigas na iyon na parang ibig ng kumawala sa loob dahil sa pabitin-bitin na ginawa nito sa kaniya kanina. Hindi niya aakalain na ganoon ang magiging epekto sa kaniya ng ginawa ng dalaga. Marahil, sa kawalan na rin ng mapaglalabasan kaya kahit simpleng hawak lang sa hita niya ay malaking impact ‘yon sa pagkalalaki niya. Kailan ba siya huling nakipag-sex? Napailing siya ng ulo ng hindi niya maalala kung kailan. Kaya siguro ganoon ang epekto sa kaniya dahil kulang na siya sa ganoong bagay. Alam niyang ikasasakit ng puson niya ang ginawa ng dalaga sa kaniya kanina. But, damn! Anong gagawin niya? Hindi naman puwedeng makipagsabayan siya sa laro na gusto ni Zarina. Kumbaga sa larong chess, si Zarina ang may control ng board at ang didikta ng laro. Kung magtuloy-tuloy iyon paniguradong checkmate iyon at
Habang nagmamaneho ng kotse si Antoine panay naman ang sulyap niya sa dalaga na tila hindi mababali ang leeg. Pirming nakatingin lang ito sa harapan o hindi kaya ay sa cellphone nitong hawak.Napakunot ang noo niya ng marinig na humagikgik ito habang may binabasa sa cellphone nito. Animo’y may ka-chat at tila nakikipagbolahan. Dahil sa tuwing nagtitipa ito ng message ay may pagkagat-kagat pa ito sa labi na parang kinikilig na hindi malaman. Kung tatawa ba o hindi.Huminga siya nang malalim.May palagay siya na baka kausap nito ang sinasabi nitong boyfriend nito. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito ay wala siyang ideya. Pero kung aayain si Zarina ng boyfriend nito sa kung saan mamayang pag-out nito sa eskwelahan ay hindi niya hahayaan. Hindi siya papayag na pumunta sa kung saan-saan si Zarina at gagabihin umuwi."Do you get what I'm saying?" tanong niya para makuha ang atensyon nito. Lumingon ito sa kaniya na may matamis na ngiti. Siya naman ay pinanatili niyang nakakunot ang mg
Pakendeng ang ginawa niyang paglakad pahayon sa may balkonahe kung saan naroon pa rin si Antoine at ang pagkain na marahil ipinahanda nito para sa kanila. Ang isang tasa na nakalapag doon ay wala ng laman. Nakaupo ito sa may pandalawahan na upuan at nakayuko habang hawak ang cellphone. Hindi niya alam kung umuwi ba ito kagabi o natulog sa isa sa mga guestroom nila na nasa ikalawang palapag din. Gusto man niya tanungin ito ay hindi na lang niya gagawin baka kasi magtunog na interesado pa siya kapag nagtanong siya. “Nandito ka pa rin?” kunwaring inis niyang sita sa lalaki para makuha niya ang pansin nito. Nang makuha niya ang atensyon nito ay halos maningkit ang mga mata nito sa ayos niya. Taas-baba ang ginawa nitong pagsuri sa kaniya at tila sa cellphone nito ibinunton dahil pabagsak nito ibinaba sa lamesa. “Ano ‘yang suot mo?” may inis na sita nito sa kaniya habang nakatingin pa rin sa uniform na suot niya. Ang blazer na ipinatong niya sa balikat kanina ay inalis niya rin kanina b
Pulang-pula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. Mabilis na hinayon niya ang hagdanan at sinadya niyang idabog ang mga para maramdaman ni Antoine ang inis niya. Hangga't hindi pa siya nakakarating sa kuwarto niya ay pigil na pigil siya sa emosyon niya na huwag kumawala sa mga mata niya ang luha na hindi naman nangyari. Dahil pagkatalikod pa lang niya kay Antoine ay kusang tumulo ang luha niya. Pagkapasok niya ay pabagsak niyang isinara ang pinto. Inis na inihagis niya ang bag sa sofa. Kasabay ng pag-upo niya, ang pagbagsak nang tuluyan ng luha niya. Tuloy-tuloy iyon na kumawala sa mga mata niya. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka magising ang mga kasambahay nila at magsumbong sa magulang niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang ihagis at basagin ang mga gamit na nakikita niya sa loob ng kuwarto niya hanggang sa kumalma ang sistema niya. Sana may hawak siyang lampara para hilingin niya na sana magkaroon siya ng amnesia at hindi na niya maalala ang nararamdaman niya kay Antoine.