[Gail] “G-Ginawa na namin… nagsex na kami…” paulit-ulit niyang bulong. Tulala siya habang wala sa sarili na nakatingin sa kawalan. Sobrang sakit ng katawan niya habang nababalot ng kumot ang katawan. Wala na sila ngayon sa tent, nasa isang pamilyar na kwarto na sila na tiyak niyang kwarto ni Miguel. Rinig niya ang mahinang ungot ng binata. Napasinghap na lang siya ng hilahin siya para ibalik sa tabi nito. Nakapikit ito pero batid niyang gising ito. “Why do you look so scared, my angel?” Dumilat si Miguel at tumingin sa kanya ng may ngiti sa labi. “Hindi naman nakakatakot ang ginawa natin, kundi masarap.” Pinamulahan siya ng pisngi at umirap. “A-anong masarap?! A-ang sakit nga ng katawan ko, eh!” Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang ginalaw ng binata. Pero mukhang kahit tulog siya ay hindi siya nito tinigilan. Hindi niya maigalaw ang hita sa sobrang sakit! Kaya nga hindi siya makapunta ng bathroom dahil hindi siya makatayo. Namamaga ang gitnang parte ng kanyang kata
[Gail] Nalaman niya na sumasama lang ang tatlong assistant ni Miguel kapag may shooting ito. Bago umalis ay alanganin na ngumiti pa ang tatlong binabae na naglalakihan ang mga katawan. Hindi lang talaga babae ang nakapalibot sa binata, maging mga pusong babae rin. Napaawang ang labi niya habang pinapanood na magluto si Miguel. Mukhang sanay na sanay itong magluto dahil napakabilis ng kilos nito. Siya ang babae sa kanila pero mukhang wala siyang binatbat rito pagdating sa kusina. Nakangiting sumandal ito sa lababo pagkatapos maghugas ng kamay. “Nahulog ka na ba, Gail?” Kagat ang labi na iniwas niya ang tingin sa binata. Paano ay apron lang ang suot nito at loose pants. Napaka-hot nito ayos nito… parang nang aakit lang. Nakakahiya!!! Humawak siya sa magkabilang pisngi. Simula ng makilala niya si Miguel ay hindi na naging inosente ang isip niya… napakarumi na nito— at walang dapat sisihin kundi ang binata! “Nahulog mo mukha mo. Magluto ka na nga lang di’yan. Ang dami
[Gail]“Ano ka ba. Kaya nagkakaganyan si ma’am Zera dahil hindi niya matanggap na hindi sa kanya ipapamana ni Sir Hector ang lahat! Narinig ko silang nagtatalo, hindi niya matanggap na hindi daw sa kanya mapupunta ang lahat! Aba, siya ang matanda sa kanila ni Gail. Natural lang sa kanya na magalit dahil sa mas bata ipapamana ang kumpanya!”Nang makita siya ng dalawang kasambahay ay mabilis na nagpulasan ang dalawa. ‘Narinig na nagtatalo sina daddy at Ate Zera dahil sa kumpanya?’ Ibig sabihin ito ang dahilan kaya galit sa kanya ang Ate Zera niya?Naalala niya ang mga sinabi nito sa kanya. Kung gano’n ay dahil lang sa kumpanya kaya nagkakaganito ang kapatid niya. Kailangan niyang makausap ang daddy nila. Ayaw niya na magkaro’n ng hidwaan sa pagitan nila ng kapatid. Kakausapin niya ang daddy niya para itanong dito kung totoo ang narinig niya.Kung totoo man, tatanggi siya. Tama ang dalawang kasambahay, mas matanda si Zera at mas karapatdapat.Napabalikwas siya ng bangon ng magising. Nan
[Gail] “Zera, sumusobra ka na!” Namumula ang mukha sa galit na sigaw ng daddy nila na ikinagulat niya, pero si Zera mukhang kalmado pa. Pero agad na namutla ito sa sunod na narinig. “Hindi mo gusto na minamanduhan ka? Fine, lumayas ka sa pamamahay ko! Nagsasawa na akong magpalaki ng katulad mong matigas ang ulo! Go ahead, tumulad ka sa mommy at ate Marian mo!” Hindi lang siya ang nagulat, maging ang kapatid niya. Ni minsan ay hindi ito nagsalita ng ganito. Nagsasawa? Hindi man sa kanya sinabi ito, napakasakit nito para sa kanila. “Ate Zera!” “Let her be, Gail! Hayaan mo siya ng maisip niya kung ano ang maling nagawa niya! Masyadong matigas ang ulo niya nitong nakaraan. She’s out control, nagpapadala sa mga kaibigan. Huh! Akala niya hindi makakarating sa akin na may nobyo na siya!” Nawalan na ito nang gana kaya tumayo. “Kaya ikaw, be a good girl, Gail… ayokong dumating ang oras na pati ikaw ay mawala katulad nila! Tingnan mo ang Ate Zera mo, nagsisimula na siya! Ganyan na
[Gail] Nang makarating sa bahay ni Miguel ay agad siya nitong pinagluto. Tamang-tama gutom na gutom na talaga siya. Kasalanan ‘to nila Nerissa, eh. Sundan ba naman siya ng halos dalawang oras. Tuwang-tuwa si Miguel habang pinapanood siyang kumain. Halos maubos kasi niya ang niluluto nito. Hindi lang ito talented pagdating sa pag aartista, talented din ito sa ibang bagay. “Ihahatid kita after an hour. Sapat na sa akin na makita ka ngayong araw.” Nang mapasimangot siya ay mahina itong natawa na siyang ikinatulala niya. “Bakit? Gusto mo pa ba akong makasama? Well, if that case… dito ka ulit matulog sa bahay ko. Hindi lamg ikaw ang may gustong makasama ako, Gail… I want to be with you as well.” May panunuksong turan pa nito. Noon, walang epekto sa kanya ang napakagwapong mukha ni Miguel. Pero ngayon, gusto niya itong titigan lang maghapon. Hindi siya magsasawa. Ganito siguro kapag mahal mo na ang isang tao. Wala kang ibang nakikita kundi siya lang. Gusto pa sana niya makasama n
[Gail] Habang kumakain sila ay mabilis na tumayo si Zera at nagpaalam. Hindi siya mapalagay dahil napansin niya na kakaiba ang tingin nito sa kanya. Pagkatapos kumain at mabilis siyang umakyat ng kwarto. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata niya ng makitang hawak nito ang cellphone niya. Mabilis na hinablot niya sa kamay nito ang cellphone niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Kabadong tanong niya. Pilit siyang nagpapakahinahon kahit ang totoo ay sobra at gusto na niyang sumigaw sa inis. Ngumisi ito ng may pagdududa. “Bakit parang kabado ka agad? Dati naman hindi ka kinakabahan ng ganyan kapag pinakikialamanan ko ang cellphone. May tinatago ka ba?” Kumuyom ang kamao niya. Sobra ang pagpipigil niya na huwag itong sagutin. Mas lalo lang kasi siyang mahahalata kapag ginawa niya iyon. “Ano, bakit hindi ka makapagsalita? Tama ako, di’ba? May tinatago ka— oops, hindi na pala sikreto ‘yon kasi alam ko na ang tungkol sa kanya.” Nang makita nito ang pamumutla niya ay mahina itong
[Gail] Nagkaro’n ng pagtatalo. Pumayag ang direktor sa gusto ni Miguel pero hindi si Pia. “Miguel, bakit mo ipapatanggal ang scene na ‘to? This scene is the most important in our movie. Inaabangan ito ng mga fans ko!” “Tama ang alaga ko, direk! Aba, hayaan ninyo naman na matikam ni Pia ang labi ni Miguel nang sa gano’n ay makatulog siya ng mahimbing—“ natuptop ng manager ni Pia ang bibig ng hindi sinasadyang mabuking nito ang alaga. Samantalang ang mga fans ni Miguel ay iba-iba ng reaksyon. May umiiyak at naglulumpasay habang sumisigaw ng “Hindi kami papayag na mapunta ka sa iba, fafa Miguel, amin ka lang!” May nagdadasal, “Lord, sana maghiwalay sila agad! Amin lang si fafa Miguel.” May naglabas pa ng voodoo doll habang tinutusok-tusok ito sa bandang leeg habang binubulungan ng “Hindi ka sasaya sa iba, fafa Miguel… amin ka lang, ikaw ang future future ama ng aming mga anak.” Nangingilabot na lumayo siya sa fans ng binata. Ngayon palang ay parang aatakihin na siya sa puso dahil
[Gail] Akala niya, hindi totoo ang pakiramdam na para kang nakalutang sa alapaap kapag masaya ka. Pero totoo pala. Habang magkasama silang dalawa ni Miguel ay walang hiling ang puso niya kundi ang makasama pa ito ng matagal. Sa tuwing titingin ito sa kanya ng may pagmamahal ay kinikiliti ang puso niya. At sa tuwing hinahawakan nito ang kamay niya ay nangangarap siya at nakikita ang sarili na makakasama ito hanggang sa kanilang pagtanda. Marami silang ginawa sa bahay ni Miguel bukod sa paghaharutan. Nalaman niya na mahilig talaga ito sa dagat— at sa mga kotse. Isa sa hobby nito ang makipag karera. Nag iisang anak pala ito ng magulang na nasa ibang bansa. Nalaman din niya na half-italian at half filipino ito. La russo? Bakit parang pamilyar sa kanya ang apelido nito? Saan nga ba niya narinig iyon? Napaawang ang labi niya ng makita ang malaking Great White Shark sa malaki pool na sinadyang pinagawa ni Miguel para sa alaga nito. Narito siya ngayon sa terrace ng kwarto nito— at sa b
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s