Slow update 〰️🫶 Thank you sa GEMS 💎 at RATE🥹🫶🫶🫶
Note: Naulit ang chapters, talon kayo sa chapter 33 and 34, iyon ang continuation ng nabasa ninyo. Enjoy reading♥️ [Gail] ‘Dapat alam mo kung kanino ka lang.’ Hindi siya makatulog kakaisip sa sinabi ni Miguel. Dapat na magalit siya, mainis dahil higit pa sa halik ang ginawa nito— pero bakit ganito? Wala siyang makapang galit at inis? Kanina pa siya nakatingin sa blankog sketchpad na nasa harapan. She can’t draw any designs, unlike before. Hindi naman siya naaapektuhan ng basta sa ibang bagay. Pero ngayon ay hindi siya makapag-focus, walang pumapasok sa isip niya kundi ang ginawa ni Miguel sa kanya. “My god. Why am I thinking those lewd things?” humawak siya sa leeg. Hanggang ngayon ay dama pa rin niya ang mainit na labi nitong nakadampi sa balat niya. Naririnig niya sa tenga niya ang bulong nito sa kanya. “Zera, Gail, I’ll be leaving for two weeks. Always turn on your phone. Huwag kayong magpapagabi ng uwi.” Bilin ng kanilang ama. Bumaling ito kay Zera. “Ano itong nababali
[Gail] Napapitlag siya ng malakas nitong ibagsak ang kamao sa mesa. “I’ve heard news that my nephew is secretly meeting someone, and they’re even a minor!” Naniningkit ang mata ni Auntie Michelle sa inis. Mukhang galit ito sa pagpatol ng pamangkin sa mas bata rito. Bigla tuloy niyang naalala si Miguel. “Ang hindi ko matanggap, why does he need to hide it? The hell I care if he’s attracted to a younger girl. As long as he introduces her to us, then it’s fine!” Nagkasamid-samid siya. Mali ang akala niya. Hindi pala ito nagagalit dahil pumatol ang pamangkin nito sa mas bata rito— nagagalit at naiinis pala ito dahil hindi pinapakilala ng pamangkin ang nagugustuhan sa pamilya nito. Lihim nalang siyang napailing habang napapangiwi. Ganito rin kaya ang pamilya ni Miguel? Tinampal niya ang noo. Bakit ba bigla nalang niyang naisip ang lalaking ‘yon? Masama ito. Ngayon lang nangyari na magulo ang isip niya ng isang lalaki— at isang pedophile pa! Arghhh!!! Hindi ‘to pwede! “Thank y
[Gail] NAKIKINIG ang lahat sa pagtuturo ng kanilang proffesor— pero hindi siya. Suot ang facemask, hawak niya ang labi na namamaga. Kung hindi kumatok ang kasambahay nila ay saan kaya aabot ang kapangahasan ni Miguel sa katawan niya? Pumikit siya at saka nagpakawala ng hangin. Hanggang ngayon ay dama pa rin niya ang init at lambot ng labi ng binata. Pati ang amoy ng hininga nito na mint na may halong sigarilyo ay parang naiwan sa pang amoy niya. Argh! Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi ba’t hindi niya gusto ang amoy na yun pero bakit ngayon ay hinahanap-hanap niya? “Sigurado ka ba, Gail? Wala bang nangba-blackmail sa’yo?” Paniniguro ni Darren ng sabihin niya na hindi na nila kailangan pang gawin ang napag usapan nila. Umiling siya sa tanong nito. “Well, sige kung iyan ang desisyon mo. But if you need anything, or my help just tell me, hmm?” Nakangiti siyang tumango. Thanks a lot, Darren.” hindi na tumagal pa ang pag uusap nila. May kailangan pa kasi itong asikasuhin. Mabu
[Gail] Hindi siya kumibo at sumandal sa dibdib ni Miguel. Naririnig niya ang mabilis at maingay na tibok ng dibdib nito— na kapareho ng sa kanya. Pumikit siya at suminghot. Miguel smells good. She bet he is using Clive Christian’s Imperial Majesty’s perfume. Alam niya ang amoy ng pabangong ito dahil minsan ng binigyan ng mommy niya ang daddy niya ng ganito. Sobra ang kaba niya ng maingat siyang ilapag ni Miguel sa ibabaw ng kama nito. Lumuhod ang binata sa harapan niya at hinawi ang buhok niya na humarang sa kanyang mukha. Iniwas niya ang tingin, masyadong matiim ang tingin ng magandang mata nito sa kanya. Alam niya ang maaring gawin nito sa kanya ngayong nasa poder siya nito. Pero wala siyang ginagawa para tumanggi. Hindi niya maintindihan ang sarili. Sinasabi ng utak niya na mali, but deep inside, a part of her telling her she wants this. Dahan-dahan inalis ng binata ang facemask niya. Nang maalis ito ay pinaraan nito ang malaking hinlalaki sa kanyang labi. Nakita niya k
[Gail] Parehong nakasandal sina Nerissa at Sandy sa upuan, habang nagdududang nakatingin sa kanya. Hindi siya nagsalita at kunwari ay inabala ang sarili sa pagguhit ng design sa sketchpad na hawak. Mukhang nagdududa na ang dalawa dahil magda-dalawang linggo na siyang hindi sumasama sa mga ito sa tuwing inaaya siya. Paano ay lagi silang patagong nagkikita ni Miguel. Napahawak siya bigla sa pisngi ng maalala ang ginagawa nito sa no'ng nakaraan. "Alam mo, Gail, hindi namin gustong isipin na may nobyo ka at nagtatago sa amin ng sikreto. But look at you, madalas kang nakatingin sa cellphone mo at nakangiting parang baliw. Aminin mo na kasi sa amin... may boyfriend ka na, no?" "W-wala nga, bakit ba ang kulit niyo. Kung mayron man sasabibin ko naman sa inyo." Hindi rin naman niya alam kung ano ba ang tawag sa estado nila ni Miguel ngayon. Hindi rin naman sinasabi ng binata kung ano ang tawag sa relasyon nila mayron sila. "Ihhh!" Tumili si Sandy habang nakatinginsa screen ng cel
[Gail] O baka may ibang pinaghuhugutan ang kapatid niya? Kumakain silang pamilya. Kung titingnan ay parang walang gulo na naganap kanina. Pinigilan niya ang mapangiwi. Ang hapdi ng anit niya. Mabuti na lang at hindi nasugatan ang mukha niya, kundi ay makikita ito ng kanilang ama at mapapagalitan ang ate niya. "Try this one, dad. Niluto ko ito kanina, masarap iyan kaya tikman mo." Nang mapagawi ang tingin ni Zera sa kanya ay binigyan siya nito ng nagbabantang tingin. "Do you like it?" Tumango-tango ang kanilang ama matapos tikman ang nilagay na pagkain ng anak sa plato. "Hmm, I don't like it, I love it, anak." Bumaling ito sa kanya ng mapansin ang pananahimik niya. "May problema ba, Gail? Kanina ka pa tahimik. Hindi mo ba namiss ang daddy?" Agad siyang umiling. "Of course I miss you, dad. M-May iniisip lang ako about school." Iniwas niya ang tingin kay Zera na nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya. Dahil katabi ito ng ama nila ay hindi nakikita ang masamang tingin nit
"It's your fault, fvcker. Wag ka na magtaka kung gigising siya na hindi ka na gustong makita pa." "What?! No fvcking way! Gail is mine and she can't do anything about it!" Tinaas ni Miguel ang kamay, tanda ng pagsuko. "F-Fine! H-hinding-hindi na ako magpapatakbo ng mabilis, so wake her up now for me! Nag aalala na ako tangina!" Red's expression remained calm. Pero kilala ni Miguel ang kaibigan, he knew that he is laughing on his mind. "D-Damn you, Red!"Kanina pa nakamulat si Gail. Masama ang mata niyang nakatingin kay Miguel habang kausap ang isang lalaki na sa tingin niya ay doktor base sa suot nito. At base sa kanyang narinig at nakita ay mukhang magkaibigan ang dalawa. Pareho din walang itulak kabigin sa itsura.Nang makita siya ni Miguel na gising na ay agad itong lumapit sa kanya at hinawakan pa ang kamay niya. "Oh god, thanks you're awake—" "G-Gago ka!" Pinagsusuntok niya ito sa galit. Hanggang ngayon nadadama pa rin niya ang hapdi ng sikmura. Nalulula pa rin siya at parang
[Gail] Dalawang oras ang ginugol niya sa paglikom ng impormasyon na kailangan. Hindi lang ang network kung saan nagtatrabaho, maging kung saan nagsho-shooting ang bagong movie ng dalawa ay nalaman niya kung saan. "Ma'am Gail, saan ka pupunta? Pagabi na. Hindi mo ba hihintayin ang daddy mo bago ka umalis?" "H-hindi na, manang. Pakisabi nalang kay dad na matutulog ako kina Nerissa ngayon. M-may usapan kami kasi na dun ako mag-sleepover ngayong gabi. Sige aalis na po ako!" 'I'm sorry, dad.' Piping hingi niya ng tawad. Ni minsan ay hindi niya naisip na magagawa niyang magsinungaling dahil lang sa isang lalaki. Pinangako niya sa sarili na hindi magmamahal ng maaga katulad ng Ate Marian niya— pero kinain niya ang lahat ng sinabi niya ngayon, dahil katulad ng Ate Zera niya ay nagmamahal na siya ngayon. Bago magpunta kung saan ang location shoot ni Miguel ay nagpalit siya ng suot sa public restroom na nadaanan niya. Nagpalit siya ng midi dress na hanggang tuhod ang haba, nagpusod n
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s