COURTNEY ANNIKA... Ang biglaang pag-aasawa sa iba ay pinagsisihan ngunit sa kan'ya ay nag eenjoy s'ya at sa mga pakulo nito. Chuck is the real definition of a pefect husband. Nasa lalaki na ang lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae. At napaka swerte n'ya dahil s'ya ang nagiging asawa nito. Medyo madilim pa sa paligid ay gising na s'ya. Gusto n'ya ng bumangon para maghanda ng almusal nila ngunit hindi s'ya makaalis dahil ang braso ng kan'yang asawa ay parang sawa na nakapulopot sa kan'yang bewang at parang takot na makawala s'ya. Lihim s'yang napangiti dahil nakitaan n'ya ng pagka clingy na ugali si Chuck ngunit imbes na ma turn off s'ya rito ay mas lalo n'ya pa itong minahal. Gustong-gusto n'ya ang panlalambing nito sa kan'ya lalo na ang pagka touchy ng lalaki. Chuck express his love and admiration to her by being touchy and clingy. Na parang sinasabi nito na akin ka lang at parang sinisigurado nito na nararamdaman pa s'ya nito at nasa malapit lang by touching her most o
COURTNEY ANNIKA... Napakasaya n'ya ng araw na iyon. Tinuroan s'ya ni Chuck sa pagluluto na kahit puro may halong kalokohan ay matagumpay n'ya namang nagawa ng tama ang lahat. At masaya s'ya sa naging resulta ng kan'yang iniluto. Ang sasarap at syempre paborito ng asawa n'ya kaya ubos lahat. Nakakataba pala talaga ng puso kapag nakikita mong magana ang asawa mo sa pagkain na inihanda mo para sa kan'ya. "Pumpkin, let's go to the garden!" aya sa kan'ya ni Chuck ng madaanan s'ya nito sa sala. Sa kusina ito galing dahil ito ang nag boluntaryo na maglinis ng kusina pagkatapos nilang mag cooking lesson kanina. Hapon na at hindi na masakit sa balat ang singa ng araw at maganda maglakad-lakad kapag ganitong oras. At dahil nasa mataas sila na lugar ay may kalamigan sa buong bahay ng asawa. Pakiramdam n'ya nga ay nasa Baguio sila ngunit hindi lang ganon kalamig ang klima sa paligid ng katulad sa Baguio. "What? Garden? Magdidilig ba tayo ng mga halaman?" tanong n'ya rito. "Nope! Manguha t
COURTNEY ANNIKA...Isang linggo na ang nakalipas ng malaman n'ya ang totoo. At sa loob ng isang linggo ay nanatili lang s'ya sa bahay ng asawa at hindi pumasok sa kan'yang trabaho.Ayaw din ni Chuck dahil gusto nitong magpahinga muna s'ya at sinang-ayonan n'ya din ito dahil masyado na s'yang stress dahil sa mga nangyari ay hindi n'ya rin magagawa ng maayos ang kan'yang trabaho kung stress s'ya.Nangako naman si Chuck na hindi nito pababayaan ang kompanya ng ina at naniniwala s'ya sa asawa. Alam n'ya na kahit pareho silang nasa bahay lang nito buong linggo ay may pinapasubaybay ito sa mga nangyayari sa kan'yang kompanya.Minsan n'ya ng narinig ang asawa na may kausap sa telepono at tinatanong ang tungkol sa CAF Textile at sigurado s'ya na ang kompanya ng kan'yang mommy ang tinutukoy nito.Naging masaya s'ya sa piling ng asawa sa loob ng isang linggo. Ang naging bonding nila sa araw-araw ay ang pagluluto at ang pagpunta sa garden nito. May mga naitanim silang mga bagong gulay at mga bul
COURTNEY ANNIKA... Araw ng huwebes at nakatakda silang umalis para pumunta sa kompanya ng kan'yang ina. Ngayong araw gaganapin ang investor's meeting at ito din ang araw na pormal na isasalin sa kan'yang pangalan ang kompanya na iniwan ng kan'yang namayapang ina. Lulan sila ng sasakyan ni Chuck at parehong tahimik habang nasa byahe. Ngunit kahit ganon pa man ay magkasalikop ang kanilang mga kamay ng asawa. Panaka-naka n'yang nililingon si Chuck dahil napakagwapo nito sa suot na business suit. Simula ng makilala n'ya ito ay madalas polo shirt o t-shirt ang suot ng lalaki ngunit ngayon ay napaka pormal nitong tingnan sa suot na business suit. Nakitaan n'ya din ng kakaibang awra ang asawa na ngayon n'ya lang nakita simula ng magkakilala silang dalawa. Napaka angas ng awra nito at napaka seryoso ng mukha na kahit sino ay maiilang kapag nasa paligid ang presensya ni Chuck. Napansin n'ya din sa ibang mga Carson na nameet n'ya na halos ganito ang awra ng mga mukha kapag nag seryoso. Ma
COURTNEY ANNIKA... "Hey tita Kaye, I mean mom, this is Chuck, remember? The kid you asked to marry your daughter before she turns twenty five. Well... Actually I did what you told me to do and what I promised you but of course alam mo na gagawin ko talaga ang inihabilin mo sa akin dahil mahal na mahal ko ang anak mo. We are married now, mommy Kaye and Annika is my wife now. At katulad ng ipinangako ko sayo noon, I will protect her at all costs and will love her until my last breath. Thank you for your blessing to marry your lovely daughter. I know na masaya ka na ngayon sa kung nasaan ka man at panatag na ang loob mo dahil nasa mabuting mga kamay na si Annika. Soar high mommy Kaye and see you pagdating ng tamang oras," pagkausap ng kan'yang asawa sa kan'yang ina. Nakaharap ito sa nitso ng kan'yang mommy at ang isang kamay ay nakahawak sa nitso at ang isa naman ay mahigpit na hawak ang kan'yang kamay. Parang may mainit na kamay na humaplos sa kan'yang puso ng marinig ang mga sinabi
COURTNEY ANNIKA... "Pumpkin wait," tawag sa kan'ya ng asawa matapos ang kanilang meeting. Pagkatapos ng lahat ay dali-dali s'yang lumabas at nagtungo sa kan'yang opisina. Tuloy-tuloy lang s'ya sa paglakad hanggang sa makapasok s'ya sa kan'yang opisina. At kakapasok n'ya lang ng sumunod din na pumasok ang kan'yang asawa. Nagpakawala s'ya ng hangin at kinalma ang kan'yang sarili. Dapat ay magiging masaya s'ya dahil tuloyan ng naisalin sa kan'yang pangalan ang kompanya pero sa lahat ng kan'yang mga nalaman ay hindi n'ya alam kung matutuwa ba s'ya kay Chuck o maiinis. Akalain mo na pag-aari pala nito ang almost half of the stocks ng CAF textile at ang asawa ang kasunod sa kan'ya na may pinakamalaking shares sa kompanya. Nalaman n'ya din na ito ang may control sa production at distribution ng kanilang mga produkto at wala s'yang kaalam-alam sa lahat kahit na s'ya ang tumatayong CEO ng kompanya. Nagawa lahat ni Chuck ang ganitong mga bagay without her knowing at iyan ang ikinasama ng k
COURTNEY ANNIKA... Matapos maayos ang lahat sa kanila ni Chuck ay bumalik na sila sa dati. Katulad noong una ay napaka maalaga ng kan'yang asawa sa kan'ya at hindi ito pumapalya sa mga nakakakilig na mga pakulo araw-araw. At dahil alam n'ya na ang lahat lalo na kung gaano kalaki ang shares ni Chuck sa kan'yang kompanya ay nagpasya s'yang ibigay dito ang posisyon ng pagka COO. At agad naman itong pumayag sa kadahilanan na makakasama daw s'ya nito araw-araw. "Alam mo hon, naisip ko lang ha, kung sa CAF textile ka magtatrabaho araw-araw, paano na ang restaurant mo?" tanong n'ya sa asawa. Nasa byahe sila patungo sa kompanya ng mga oras na iyon. Sabay na silang pumapasok at sabay din na umuuwi. "Our restaurant can operate without me , wife! May mga maaasahan akong staffs sa restaurant kaya huwag mo ng isipin pa ang restaurant natin. Kahit naman nagtatrabaho ako sa CAF textile ay nasusundan ko pa rin ang galaw ng restaurant natin kaya don't worry too much," nakangiting sagot nito sa kan
COURTNEY ANNIKA... Ilang beses s'yang napalunok ng laway ng marinig ang sinabi ni Chuck. Kahit kailan talaga kapag nilalandi s'ya nito ay madalas ay hindi n'ya napipigilan ang kan'yang sarili dahil boses pa lang ni Chuck ay nag-iinit na din s'ya. "C-Chuck may trabaho tayo," nauutal na saway n'ya rito at nagbabasakali na mapigilan pa ang asawa at pati na ang kan'yang nararamdaman. "Who cares about the work, wife?" pabulong na sagot ng asawa sa kan'ya na ikinalunok n'ya ng laway dahil nakikita n'ya na disidido ito sa binabalak. At akmang magpoprotesta pa s'ya ngunit nauwi sa pagsinghap at ungol ng pisilin ng asawa ang kan'yang puwet kung saan ay nandoon ang isa nitong palad. "C-Chuck! Ohhhhh!" "Yes my wife? Hmmmmm!" nang-aakit na sagot ng lalaki sa kan'ya. At dahil marupok s'ya pagdating kay Chuck ay biglang sumiklab ang apoy sa kan'yang katawan dahil sa ginagawa nito. Ngunit kahit ganon pa man ay ginawa n'ya ang lahat para pigilan na may mangyari sa kanila ngunit ang asawa n'ya